Home / Romance / Mysterious Marriage / Kabanata 3- Pagpapanggap

Share

Kabanata 3- Pagpapanggap

last update Last Updated: 2026-01-21 13:22:00

Ava Morales

Nasa bahay pa lang ako ng mga oras na ito at inaalala ko ang mga bagay na napag-usapan namin dalawa kagabi. Alam ko na kung malalaman niya ang tunay kong intensyon, na bakit pumayag ako kaagad sa gusto niya, ay siguradong iisipin niya na niloko ko siya. Samantalang siya ay nagtapat sa akin tungkol sa tunay na motibo niya, kung bakit niya ako piniling pakasalan na kahit sikreto lang. Totoo ang kasal ko sa kanya, pero walang label ang magiging relasyon namin dalawa dahil puno iyon ng pagpapanggap. Kailangan kong gawin ang gusto niya upang makapaghiganti ako sa pamilya niya. At si Ethan ang taong iyon. Imposibleng wala siyang nalalaman sa nangyari sa pagkamatay ng ama ko? Kailangan ko siyang mapaamin. At ito ang balak ko, kung magtagal pa ang aming relasyon.

"Hindi kailangan mahulog ang loob mo, Ava?" bulong ko sa sarili. Kausap ko ang aking sarili sapagkat naghahalo ang aking pag-aalala sa ngayon, na baka mauna pa akong magkagusto kay Ethan.

"Hahahaha. Ano ka ba, Ava? Siraulo?" tanong ko sa aking sarili. Bahagya akong natawa dahil sa pag-iisip na kung ano-ano, na posible naman mangyari.

Nag-aayos ako ng aking sarili sapagkat naghanda na ako para sa unang araw ng aking pagtuturo sa mga bata. Grade 2 ang hawak kong level, mula sa elementarya. Oo, excited na akong magturo, at mahal ko rin ang pagtuturo. ESP ang subject na ituturo ko sa mga bata. Paborito ko rin itong subject noon nag-aaral pa ako. Kung kaya't priority ko ito na maging major subject. Mahirap kung wala akong trabaho. Kinakailangan pa naman para sa mga gastusin namin ni Mommy sa bahay at pagpapa-aral rin sa kapatid kong lalaki mula sa high school. Kaya kailangan ko ng lakas, sipag, at tiyaga. Palagi ko silang iniisip. Ang pamilya na nangangailangan ng tulong ko.

Magagalit si Mommy sa akin kung sakaling malaman nito ang kasal namin ni Ethan, anak na kinamumuhian niyang pamilya. Ang Blackwood family, kung kaya't maaga si Daddy nawala sa aming buhay ay dahil nga sa kanila. Muntikan nang masiraan ng bait si Mommy noon na panahon na iyon. Nakakasiguro talaga ako na magkakaroon ng gulo. At ito ay dapat maging sikreto lang.

Pagkatapos kong mag-asikaso sa sarili, ay nagpasya akong maglakad. Pinuntahan ko siya sa kusina na abalang magluto ng paborito namin ulam ng kapatid ko. Kahit malayo pa lang ay naaamoy ko na ang niluluto niya.

"Kumain na kayong dalawa ng kapatid mo, Ava," sigaw ni Mommy.

Naupo na ako upang magsimula nang kumain. Kailangan ko na kasing magmadali dahil hinahabol ko ang oras. Dapat ay bago mag-7:30 ay naroon na ako.

"Wow, Mommy, masarap itong menudo," pagpupuri ko kay Mommy. Halos nalasahan ko ang karne na nanunuot ang sarap.

"Ako pa," tugon ni Mommy, sabay ngiti.

"Ate, tirahan mo naman ako," saad ng kapatid ko na ikinatutuwa ko ng mahina.

Nanahimik ako nang magtanong sa akin si Mommy. Bigla akong nasamid sa tanong niya sa akin.

"Teka, Anak, sino pala 'yong naghatid sa 'yo kagabi? Nakita ko kasi na may nakaparadang sasakyan kagabi sa harapan ng bahay?" Halos seryoso ang mga mata niya sa bagay na ito. Nag-isip ako ng sasabihin.

"Ah... Teacher mate ko 'yon, Mommy. Sabay kasi kami noon pumasa sa board exam. Pareho rin kami ng in-aplayan na eskwelahan," pagsisinungaling ko. Nagdahan-dahan lang ako sa pagsasalita upang hindi ako mahalata.

Agad naman tumango si Mommy na halatang naniniwala talaga sa mga sinabi ko sa kanya. Naiinis tuloy ako sa aking sarili sa magaang pagsisinungaling ko. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain sa mga sandaling ito. Pinipilit ko lang isubo sa bunganga ko ang bawat pirasong butil ng kanin sa plato ko.

"Nakokonsensya ako sa ngayon," isip ko. Napansin nitong nag-iba ang mukha ko kumpara kaninang masigla ako.

"Anong problema, Anak? Ava?" seryosong tanong niya sa akin.

"W--wala po, Mommy," mabilis kong tugon.

Tumayo na siya sa kinauupuan upang ibigay sa akin ang lunch ko mamaya. Pinilit kong ngumiti sa kanya upang makita ni Mommy na okay lang ako.

"Salamat, Mommy," sabay niyakap ko siya nang mahigpit. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang nagawa ang ganitong bagay.

"Sasabihin ko rin naman kay Mommy sa tamang pagkakataon," isip ko. Nakokonsensya ako.

Umalis na ako. Nakarating rin ako sa eskwelahan. Nagpasya akong magpahinga sandali kung saan ang pwesto ng upuan ko. Pagsapit pa ng isang oras ay pumunta na ako sa room na nakatoka sa akin ngayon.

"Sa wakas ay makakapagturo na ako sa mga bata," masayang saad ko. Iniisip ko na lang na matagal ko na talaga itong pangarap, ang magturo. Hindi ko na namalayan na umabot ako sa pagtuturo na wala man lang mababakas sa aking mukha ang anumang pagod. Ganito kasi ang pakiramdam kapag gustong-gusto mo ang trabaho mo.

Mas lalo pa akong sumaya nang may mga ka-teachers mate na akong nakilala. Friendly silang lahat. Nagsabay-sabay kaming kumain at nagbigayan pa ng kani-kanilang ulam. Welcome talaga ako sa kanila. Nawala ang mga alalahanin ko sa mga oras na ito.

Lumipas pa ang isang oras, ay habang gumagawa ako ng lessons ko, na ituturo ko mamaya, ay may tumawag sa cellphone ko. Nilagyan ko ito ng phonebook upang malaman ko kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni Ethan, kaya agad ko itong sinagot.

"Hello? Bakit ka tumawag? I'm busy now," tanong ko sa kanya.

"Susunduin kita mamaya, Ava? Ano pa lang oras ang uwian mo?"

"Huh? Bakit? Hindi na. Ah... Eh, matsismis pa tayong nagkikita. Baka kung ano pa ang isipin nila," paliwanag ko sa kanya.

"Paano tayo magkakilala ng lubusan kung tatangihan mo ang gusto ko?" may punto ang tanong niya. Naalala ko pala na kasal kami at may usapan na patago lang ang relasyon namin. Obligasyon ko na pala siya dahil asawa ko siya. Magpapanggap kaming dalawa na sweet kahit walang gusto sa isa't isa. Ngumiti tuloy ako bigla sa mga iniisip ko.

"Sige, mga bandang 4pm, sunduin mo na ako," saad ko. Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa nararamdaman ko na ata sa aking sarili ang stress. Hindi ako stress sa pagiging teacher, kundi sa bilyonaryong ito.

"Mukhang hindi ka ata busy ah? Baka malaman pa nila na may karelasyon ka na?" tanong ko sa kanya upang mag-isip ng paraan para magbago pa ang desisyon niya.

"Si Daddy pa naman ang nagpapatakbo ng kumpanya namin. Sa ibang bagay ako ang sumasalida sa kanya kung may mga meetings siya," mahabang paliwanag nito sa akin.

"Ah, okay," maikling tugon ko. "Sige na, mag-uumpisa na akong magturo. Bye..."

Nagpasya akong patayin siya ng cellphone.

"Hello?" huling narinig ko sa kanya. Bago maputol ang aming pag-uusap.

Paglabas ko pa lang ng gate ay sa may malaking puno ay may nakita akong lalaki na nakatayo lang. Nakaitim ang damit nitong pang itaas at pang ibaba. Naka-shades pa na itim habang may hawak-hawak na bulaklak. Kinilabutan tuloy ako sa kanya. Mukhang wala na siya sa tamang pag-iisip. Naturingan na mayaman, makitid ang utak. Imbes ata sa akin ibigay ay sa patay maibigay dahil sa postura ng kanyang itsura. Napasulyap ako sa mga ka-teachers mate ko na halos kiligin. Hindi kasi sila makapaniwala na may boyfriend pala akong gwapo at mayaman.

"Hindi mo man lang sinabi sa amin na may boyfriend ka na hahahaha," halos itulak nila ako palapit kay Ethan. Pinilit kung ngumiti kahit nakakaramdam na ako ng inis. Para matigil na ang panunukso nila sa akin, ay mabilis na akong sumakay sa kotse ni Ethan upang sagayon wala na akong marinig pa.

"Let's go," pagyaya niya. "Mag-date na tayong dalawa," bulong niya.

Pinaandar niya ang sasakyan nang mabilis at dinala niya ako sa mamahaling restaurant. Sa lugar na ito ay ang makikita lang dito ay ang mga couples. Ngumiti siya sa akin na para bang may halong pang-iinis. Hindi na lang ako tumingin sa kanya, sa halip ay kumain na lang ako.

"Darating na si Sophia," saad niya. Napatigil ako sa pagsubo. "Tapos? Ano?" Napakunot ako.

"Kailangan na natin magsimula na maging totoo sa ating relasyon," "Huh?"!" nagulat ako. "Dapat malaman nila na kasal na tayong dalawa. Na may Asawa na ako," tugon niya.

"Hindi!" pigil ko. Kapag mangyari ay mawawalan ng saysay ang plano ko. "Magpapanggap pa rin tayo, Ethan, please? Hindi pa ako handa sa sitwasyon natin," naluluhang pakiusap ko. Sumang-ayon na lang siya sa sinabi ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mysterious Marriage    kabanata 11- Pagbabalik

    Ethan Blackwood: "Sa oras na ito, kasama ko si Sophia. Ilan linggo rin kaming nag karoon ng time para sa isa't-isa. Makulit talaga itong babae na 'to. Tingin ko ay inaabuso niya na ako, dahil sa akala niya ay matutunan ko siyang mahalin. May dahilan ako kung bakit gusto kong makipag-date sa kanya. Ayoko na pagdudahan kaming dalawa ni Ava. Kung hindi ako papayag, ay siguradong mapahamak si Ava.Nawalan ako ng ganang makipag-usap sa kanya. Sa tuwing naglalakad rin kami sa may park at panay selfie nito kahit saan. Hindi si Sophia nahihiya. Napipilitan rin akong kumuha ng picture kasama siya. Ang sweet natin, pero hindi naman. Akala niya siguro ay magkakagusto ako sa kanya.Nasa coffee shop kaming dalawa upang magkape. 'Akala ko pa naman ay doon tayo sa mamahaling restaurant, like sa Japanese Restaurant?' Mukhang sa tinig niya ay nagrereklamo ito sa akin. 'I love coming here, Sophia. If you don't want to be here, you're free to leave,' pagsusungit ko sa kanya.Ngumuso ito sa harapan ko a

  • Mysterious Marriage    Kabanata 10- Muling Pagkikita

    Ava MoralesPanibagong Umaga. Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magluto ng breakfast namin tatlo. "Nakatulog si Mommy ng mahimbing ahh," bulong ko. Tumingin muna ako sa cellphone ko upang tingnan kung anong oras pa lang. Ganap ng ala-singko. Kung kaya ‘y maaga pa naman. Hindi pa naman ako late nito. Naghanda ako ng mga rekado sa lamesa upang gayatin sa maliit. Ang menu na aking lulutuin sa ngayon ay ginataang alimasag. Paborito ni Mommy ang ganitong ulam. Ako naman ang maagang nagising kaya nag-isip akong magluto. Minsan ko lang gawin ang maghanda ng pagkain. Kadalasan si Mommy ang nagluluto.Sabi ko sa kanya. "Mommy, ako naman ang magluto. Minsan lang akong makasama nyo ni Leo at makasabay kumain." isip ko. "H'wag na anak, ako na lang. Pagod ka na nga galing sa pagtuturo. Ikaw pa ang magluluto? Pakainin na nga kami ng kapatid mo," seryosong wika nito sa 'kin. "Mommy... natural lang na bumawi ako sa inyo. Hindi ako makakarating bilang guro, kung hindi nyo ako pinagsikapan makatap

  • Mysterious Marriage    Kabanata 9- Sa Likod ng Kapangyarihan

    Victoria Blackwood Gusto kong maikasal ang anak kong si Ethan sa babae na pwedeng makatulong sa kumpanya, upang mas maging malakas at matatag pa 'to. Ang aking asawang si Rodolfo Blackwood ay maedad na kumpara sa 'kin. Nasa pitumpu taong gulang na siya, at ako naman ay nasa singkwenta taong gulang. Pero hindi sa akin halata na gurang na ako. Dahil hindi ako pabaya sa aking sarili. May pagka-Donya talaga ang datingan. Sinasabi nga ng mga kaibigan ko sa 'kin na hindi raw halata sa akin na may edad na ako. Napakasaya ko kapag pinupuri nila ako. "Mas maganda nga talaga ako sa inyo. Mas masalapi at mas makapangyarihan sa inyo, mga Sissy!" tugon ko sa kanilang sinabi. Maprangka akong matanda. Hindi basta-basta naniniwala at matapang. Lahat kaya kong sirain, pati relasyon na pinagbuklod na. Bata pa lang ang anak kong si Ethan ay pinagkasundo na namin siya sa nag-iisang anak ng Santos na babae. Walang kaideya-ideya ang anak ko sa ganitong sistema... Gusto kong mapangasawa niya ay may kapan

  • Mysterious Marriage    Kabanata 8- Komplikasyon na Sitwasyon

    Ethan Blackwood Tahimik akong nakaupo sa swivel chair sa aking office at nag-iisip sa ngayon tungkol sa aming relasyon ni Ava. Napansin ko siya kahapon na parang hindi siya komportableng kasama ako. Nainis rin ako sa kan'ya sapagkat hindi niya ako pinapapunta sa mismong malapit sa kanila. Nagtataka lang ako kung bakit ganoong na lang ang takot niya kung sakaling magparada ako ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. Lunch time na at ganap ng 12pm ng hapon. Nag-utos ako sa isa kong katiwalang staff sa office, na dalhan ako ng pagkain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Mabilis naman akong hinatiran ng kanin at ulam. Paborito ko itong adobong manok na halos mag mantika sa toyo. Sumubo ako ng tatlong kutsara na may kanin. Napatigil ako sandali nang marinig ko na naman ang boses ni Sophia na galit na galit. Nawalan tuloy na naman ako ng ganang kumain. "Ethan. Sino siya?" tanong nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko. Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Alin?" "I can't you under

  • Mysterious Marriage    Kabanata 7- Alalahanin

    Ava Morales Nagulat na lang ako nang makita kong pumasok si Ethan sa classroom. Hindi ko alam kung bakit niya alam kung saan ako nagtuturo, baka sinabi ng kaibigan kong si Lea, isang guro. Wala rin sa kanya maitatago. Lahat ay alam nito tungkol sa akin, sa sikretong kasal namin ni Ethan. Matagal na rin kaming magkaibigan. Nagpasya kaming dalawa na dito kami mag-apply ng trabaho sa St. Justina Elementary School. Noon college pa lang kaming dalawa ay pangarap na namin makapagturo dito sa mga bata. Alam namin na nagkukulang dito sa mga guro, kung kaya'y mabilis rin kaming dalawa natanggap sa eskwelahang 'to. Wala kaming nasayang na opportunity sa oras na iyon. Sa malayong pwesto ay nakita ko nga si Lea na halos kiligin sa amin ni Ethan at kumindat-kindat pa ang mga mata nito na may halong pang-iinis. Tumingin ako sa kanya na may kahulugan. Gusto kong sabihin sa kanya ngayon na dapat hindi niya na itinuro pa kay Ethan kung saan ako ngayon. Wala na akong magawa pa. Nandito na ito, nasa

  • Mysterious Marriage    Kabanata 6-Lihim na Pagkikita

    Naramdaman ni Sophia na wala talagang interes sa kanya si Ethan. Nainis siya sa binatang iyon sapagkat hanggang kailan kaya siya matutunan mahalin nito. Malapit na silang ikasal ni Ethan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang buksan nito ang puso para sa kanya."Hindi ako susuko!" bulong ni Sophia habang nakasimangot.Isang linggo na rin ang lumipas nang makauwi sila ng kaniyang pamilya dito sa Pilipinas galing sa Canada, at sa araw-araw na gigising siya ay ang laging inaatupag niya ay kung paano siya magugustuhan ni Ethan. Nagpapaganda siya at dinadalhan niya si Ethan ng breakfast, lunch, at snacks. At kung may mga female staffs na pupunta kay Ethan upang magdala ng kape at sandwich, ay siya ang kukuha nito upang dalhin kay Ethan.Wala nang iniisip pa si Sophia na ibang gagawin, kundi ang ginagawa niyang priority ay si Ethan. Kahit hindi pa sila kasal nito, ay parang pinagsisilbihan ni Sophia si Ethan na katulad ng tunay na asawa. Naiinis na sa kanya si Ethan, nahahalata ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status