Beranda / Romance / Mysterious Marriage / Kabanata 2- Ang Sekreto

Share

Kabanata 2- Ang Sekreto

Penulis: Ivyshinichi GN
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-21 13:19:01

Ethan Blackwood POV

Kasama ko ang babaeng ito upang pag-usapan ang aming magiging kasunduan. Alam ko na labis ang pagtataka niya kung bakit nagpakasal ako sa katulad niyang babae na may mababang posisyon, bilang isang guro. Bago ko naman ito pinakasalan ay inalam ko 'yung identidad niya. Kung sino siya? At saan siya nakatira. Nalaman ko sa aking napag-utusan na anak pala siya ng yumaong manggagawa namin. Pagkakaalam ko noon ay bata pa lamang ako nang mamatay ang ama ng babaeng pinakasalan ko. Wala akong alam kung bakit namatay ito? Ang balita lang noon ay nagpakamatay raw ito dahil sa mabigat na problema.

Ava Morales ang pangalan ng babaeng pinakasalan ko. Mukhang sa tunog pa lang ng pangalan nito ay palaban talaga. Matapang kung gayon. Pero mabilis ko naman siyang nahikayat na ikasal kaming dalawa pero sa sikretong paraan lang. Wala siyang kaalam-alam sa aking intensyon. Dapat na kailangan niya ng malaman ang totoo kung bakit ko siya pinili. Nakikita ko naman na may mabuti siyang puso kaya bagay rin naman siya para sa akin. Pero alam ko na sa aking sarili na hindi naman mahuhulog ang loob ko sa kanya eh, hindi naman ko pa balak na magkaroon ng asawa pa. Fake relationship lang naman ang intensyon ko sa kanya na kahit kasal kaming dalawa ng babaeng iyon ay wala akong nararamdaman para sa kanya.

Nasa Villa ko siya dinala. Sa sikretong lugar ko na tinatambayan ko sa tuwing may problema ako. Dito na ako lumaki sa lugar na ito. Kapag nag-aaway noon sina daddy at mommy ay dito ako pupunta upang magpalipas ng gabi. Oo, mayroon man akong sariling villa ay kahit isang babae ay wala ako rito na dinadala. Hindi naman ako babaero. Hindi porket na mayaman ako ay nagagawa ko na yung mga nais ko. Mapili naman ako sa babae. Gusto ko yung babaeng may paninindigan sa buhay. Ayoko ng babaeng mapagpanggap sa kanyang sarili. Kaya ganito na lang ang pagkapihikan ko sa mga babae. Kung kayat ang mga magulang ko na ang nagdedesisyon para sa sarili ko at hindi naman ito tama. Nasa tamang edad na ako na hindi nila dapat ma-under

Gabi na rin, mga alas-syete na. Kasama ko ang babaeng pinakasalan ko sa aking villa ngayon. Nakikita ko kay Ava na natatakot siya. Halata naman kasi sa kanya yong pag-aalala niya na baka siguro kung ano ang gawin ko sa kanya.

"Maupo ka, Mrs. Blackwood," pagbibiro ko sa kanya.

Napansin ko na biglaang kumunot ang mga kilay niya nang bahagya na kahit nakangiti pa siya. Hindi naman niya ako maloloko eh, pansin ko naman sa itsura niya natatakot siya sa akin. Natatawa tuloy ako nang palihim.

"Okay, thank you," tipid niyang tugon sa akin.

May private maid ako sa villa kong ito. Hindi naman ito kalakihan. Tama lang para sa dalawang tao. Alam naman ito ng mga magulang ko. Si Manang Rosa, ang katiwala ko rito sa villa. Hindi na siya naiiba sa akin. Tinuring ko na rin kasi siyang pangalawang magulang, na sa tuwing nasa madilim akong sitwasyon ay nariyan siya upang damayan ako at payuhan.

"Oh, Sir, Ethan, ang ganda-ganda naman po ng kasama n'yo?" habang inilalagay nito ang juice sa lamesa.

"Oo. Siya pala si Ma'am Ava mo," tipid kong tugon.

"Ava, si Manang Rosa, ang katiwala ko rito," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Kakasa..." muntikan ko ng masabi yong tungkol sa kasal. Buti nagsalita si Ava.

"Hello po, Manang," ngiting saad niya.

Lumagok ako ng kaunting juice sa baso. Akala ko tuloy masasabi ko na. Hindi pa ako handa na ikwento kay Manang Rosa ang lahat.

"Ah, bagay na bagay po kayo, Ma'am ni Sir." Malaking ngiti sa labi ang ibinungad nito sa amin dalawa. Halata kay Manang ang labis na kasiyahan at kilig.

"Ma’am welcome home po dito. Kayo rin ang kauna-unahan na dinala rito ni Sir Ethan," dugtong pa nito.

"Salamat," tugon ni Ava, at nanlalaki ang mga mata niya sa pagkagulat.

Sinasabi ko na nga na mababanggit ni Manang ang tungkol rito. May pagkamadaldal kasi itong private maid kong si Manang, na kahit hindi tanungin ay masasabi niya. Kaya nga isisikreto ko muna kay Manang ang bagay na ito. Baka kasi maunahan pa niya akong magsalita kay mommy.

"Oh, Manang. Mag-uusap pa kaming dalawa ni Ma'am mo. Please?" paghiling ko kay Manang na umalis muna sa harapan namin ni Ava.

"Sir, sige po. Pasensya na kung naging madaldal ako, hehehehe. Alam po naman nyo na ganito ka-lambing sa inyo. Tinuring na kitang anak rin."

Seryosong kwento ni Manang. Wala kasing anak si Manang. Kung kaya ganon lang yon ka-close sa akin. Maasikaso talaga si Manang. Kung sakali nga ata na magkaroon ako ng asawa eh, talo pa nito si mommy sa pagiging biyenan ng misis ko. Matanda na rin si Manang, nasa 60 taon na pero malakas pa rin.

Nakita ko na natanggal sa mukha ni Ava ang pag-aalala. Narinig ko rin ang mahinang tawa niya habang nagkukulit si Manang sa amin kanina.

"Ang cute ni Nanay... Mabait siya at mapagbiro, hehehe."

Namumula na si Ava sa tawa. Alam kong natawa siya sa sinabi ni Manang na siya lang ang kauna-unahan kong babae na nadala dito sa villa.

"Oo," bilang tugon sa kan'ya. Nakaramdam na ako ng pagkahiya at inis.

"Stop!" Pinigilan ko na siya.

"Oh... Ano pala 'yung usapan natin?" tanong niya. Naging excited ata si Ava, kaysa sa kaninang itsura nito.

"Ah, eh, bilang asawa ko na ngayon. May sasabihin ako sayong sikreto kung bakit hinangad kung ikasal tayo? Si mommy ay gusto akong ipagkasundo sa ibang babae. Kailangan daw yung babae na makakatulong sa pagpapatakbo ng aming kumpanya." mahabang sabi ko.

Naging seryoso na si Ava. Nang marinig niya ang intensyon ko sa kan'ya.

"You mean na... Pinakasalan mo ako para hindi ka maikasal sa babaeng ka-negosyante mo? Bakit ako pa? Bakit dinamay mo pa ako sa mga kalokohan mo?! Ibig palang sabihin ay hindi alam ng mga magulang mo ang tungkol sa ating kasal?!" mataas na boses ni Ava na halatang galit siya sa naging intensyon ko.

"Oo, sorry, Ava," tugon ko. Halata sa kanya mga mata ang galit dahilan sa pagkagulat nito.

"O, siya sige... napatawad na kita. Pero sana hindi ako madamay?" tanong nito na may pag-aalala sa mga mata niya.

"Oo," mabilis na tugon ko.

"Isa pa gusto ko ng tahimik na buhay. Na wala sa akin na nangingialam," saad ko sa kanya.

"Sige, deal." tugon niya.

"Magiging secret ang relationship natin hanggang sa abot ng aking makakaya," ngiting dugtong nito.

"Okay, good," "Babayaran kita for your cooperation?"

"No. Hindi ako nagpapabili," tugon niya.

"Okay. I understand you. Thank you, Ava?"

"Welcome," ngiting saad niya.

Naging masaya ang aming pag-uusap sa mga sandaling ito.

Hinatid ko siya sa bahay nya at nagtaka siya kung bakit alam ko kung saan siya nakatira...

Dito na magsisimula ang secret relationship namin ni Ava kahit nasa sikretong kasal kami.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mysterious Marriage    kabanata 11- Pagbabalik

    Ethan Blackwood: "Sa oras na ito, kasama ko si Sophia. Ilan linggo rin kaming nag karoon ng time para sa isa't-isa. Makulit talaga itong babae na 'to. Tingin ko ay inaabuso niya na ako, dahil sa akala niya ay matutunan ko siyang mahalin. May dahilan ako kung bakit gusto kong makipag-date sa kanya. Ayoko na pagdudahan kaming dalawa ni Ava. Kung hindi ako papayag, ay siguradong mapahamak si Ava.Nawalan ako ng ganang makipag-usap sa kanya. Sa tuwing naglalakad rin kami sa may park at panay selfie nito kahit saan. Hindi si Sophia nahihiya. Napipilitan rin akong kumuha ng picture kasama siya. Ang sweet natin, pero hindi naman. Akala niya siguro ay magkakagusto ako sa kanya.Nasa coffee shop kaming dalawa upang magkape. 'Akala ko pa naman ay doon tayo sa mamahaling restaurant, like sa Japanese Restaurant?' Mukhang sa tinig niya ay nagrereklamo ito sa akin. 'I love coming here, Sophia. If you don't want to be here, you're free to leave,' pagsusungit ko sa kanya.Ngumuso ito sa harapan ko a

  • Mysterious Marriage    Kabanata 10- Muling Pagkikita

    Ava MoralesPanibagong Umaga. Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magluto ng breakfast namin tatlo. "Nakatulog si Mommy ng mahimbing ahh," bulong ko. Tumingin muna ako sa cellphone ko upang tingnan kung anong oras pa lang. Ganap ng ala-singko. Kung kaya ‘y maaga pa naman. Hindi pa naman ako late nito. Naghanda ako ng mga rekado sa lamesa upang gayatin sa maliit. Ang menu na aking lulutuin sa ngayon ay ginataang alimasag. Paborito ni Mommy ang ganitong ulam. Ako naman ang maagang nagising kaya nag-isip akong magluto. Minsan ko lang gawin ang maghanda ng pagkain. Kadalasan si Mommy ang nagluluto.Sabi ko sa kanya. "Mommy, ako naman ang magluto. Minsan lang akong makasama nyo ni Leo at makasabay kumain." isip ko. "H'wag na anak, ako na lang. Pagod ka na nga galing sa pagtuturo. Ikaw pa ang magluluto? Pakainin na nga kami ng kapatid mo," seryosong wika nito sa 'kin. "Mommy... natural lang na bumawi ako sa inyo. Hindi ako makakarating bilang guro, kung hindi nyo ako pinagsikapan makatap

  • Mysterious Marriage    Kabanata 9- Sa Likod ng Kapangyarihan

    Victoria Blackwood Gusto kong maikasal ang anak kong si Ethan sa babae na pwedeng makatulong sa kumpanya, upang mas maging malakas at matatag pa 'to. Ang aking asawang si Rodolfo Blackwood ay maedad na kumpara sa 'kin. Nasa pitumpu taong gulang na siya, at ako naman ay nasa singkwenta taong gulang. Pero hindi sa akin halata na gurang na ako. Dahil hindi ako pabaya sa aking sarili. May pagka-Donya talaga ang datingan. Sinasabi nga ng mga kaibigan ko sa 'kin na hindi raw halata sa akin na may edad na ako. Napakasaya ko kapag pinupuri nila ako. "Mas maganda nga talaga ako sa inyo. Mas masalapi at mas makapangyarihan sa inyo, mga Sissy!" tugon ko sa kanilang sinabi. Maprangka akong matanda. Hindi basta-basta naniniwala at matapang. Lahat kaya kong sirain, pati relasyon na pinagbuklod na. Bata pa lang ang anak kong si Ethan ay pinagkasundo na namin siya sa nag-iisang anak ng Santos na babae. Walang kaideya-ideya ang anak ko sa ganitong sistema... Gusto kong mapangasawa niya ay may kapan

  • Mysterious Marriage    Kabanata 8- Komplikasyon na Sitwasyon

    Ethan Blackwood Tahimik akong nakaupo sa swivel chair sa aking office at nag-iisip sa ngayon tungkol sa aming relasyon ni Ava. Napansin ko siya kahapon na parang hindi siya komportableng kasama ako. Nainis rin ako sa kan'ya sapagkat hindi niya ako pinapapunta sa mismong malapit sa kanila. Nagtataka lang ako kung bakit ganoong na lang ang takot niya kung sakaling magparada ako ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. Lunch time na at ganap ng 12pm ng hapon. Nag-utos ako sa isa kong katiwalang staff sa office, na dalhan ako ng pagkain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Mabilis naman akong hinatiran ng kanin at ulam. Paborito ko itong adobong manok na halos mag mantika sa toyo. Sumubo ako ng tatlong kutsara na may kanin. Napatigil ako sandali nang marinig ko na naman ang boses ni Sophia na galit na galit. Nawalan tuloy na naman ako ng ganang kumain. "Ethan. Sino siya?" tanong nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko. Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Alin?" "I can't you under

  • Mysterious Marriage    Kabanata 7- Alalahanin

    Ava Morales Nagulat na lang ako nang makita kong pumasok si Ethan sa classroom. Hindi ko alam kung bakit niya alam kung saan ako nagtuturo, baka sinabi ng kaibigan kong si Lea, isang guro. Wala rin sa kanya maitatago. Lahat ay alam nito tungkol sa akin, sa sikretong kasal namin ni Ethan. Matagal na rin kaming magkaibigan. Nagpasya kaming dalawa na dito kami mag-apply ng trabaho sa St. Justina Elementary School. Noon college pa lang kaming dalawa ay pangarap na namin makapagturo dito sa mga bata. Alam namin na nagkukulang dito sa mga guro, kung kaya'y mabilis rin kaming dalawa natanggap sa eskwelahang 'to. Wala kaming nasayang na opportunity sa oras na iyon. Sa malayong pwesto ay nakita ko nga si Lea na halos kiligin sa amin ni Ethan at kumindat-kindat pa ang mga mata nito na may halong pang-iinis. Tumingin ako sa kanya na may kahulugan. Gusto kong sabihin sa kanya ngayon na dapat hindi niya na itinuro pa kay Ethan kung saan ako ngayon. Wala na akong magawa pa. Nandito na ito, nasa

  • Mysterious Marriage    Kabanata 6-Lihim na Pagkikita

    Naramdaman ni Sophia na wala talagang interes sa kanya si Ethan. Nainis siya sa binatang iyon sapagkat hanggang kailan kaya siya matutunan mahalin nito. Malapit na silang ikasal ni Ethan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang buksan nito ang puso para sa kanya."Hindi ako susuko!" bulong ni Sophia habang nakasimangot.Isang linggo na rin ang lumipas nang makauwi sila ng kaniyang pamilya dito sa Pilipinas galing sa Canada, at sa araw-araw na gigising siya ay ang laging inaatupag niya ay kung paano siya magugustuhan ni Ethan. Nagpapaganda siya at dinadalhan niya si Ethan ng breakfast, lunch, at snacks. At kung may mga female staffs na pupunta kay Ethan upang magdala ng kape at sandwich, ay siya ang kukuha nito upang dalhin kay Ethan.Wala nang iniisip pa si Sophia na ibang gagawin, kundi ang ginagawa niyang priority ay si Ethan. Kahit hindi pa sila kasal nito, ay parang pinagsisilbihan ni Sophia si Ethan na katulad ng tunay na asawa. Naiinis na sa kanya si Ethan, nahahalata ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status