Share

Chapter 1

last update publish date: 2026-10-06 11:52:30

“Tanggal ka na sa trabaho, Elena!”

Nanlaki sa takot ang mga mata niya.

“H-hindi…” bumilis ang tibok ng kanyang puso. Desperado siyang humakbang pasulong. “Hindi pwedeng mawala ang trabahong 'to sa akin.”

Nanginginig ang kanyang boses.

“Ang bayarin ng kapatid ko sa ospital—”

“Wala akong pakialam,” mariing singhal ni Madam Vicky. “Hindi ko hahayaang paulit-ulit kang mahuli sa trabaho at laging may mga kalunos-lunos na dahilan.”

Bumagsak ang kanyang mga tuhod sa harapan nito. Wala siyang pakialam kung nakatingin ang lahat sa kanya. Mas mahalaga ang buhay ng kapatid niya.

“Please, huwag ninyong gawin sa akin 'to, Madam,” desperadong pakiusap niya. Nanginginig ang kanyang mga kamay. “Kailangan ko po talaga ang trabahong 'to. Pambili ng gamot ni Leo.

“Please…”

Tinitigan siya ni Madam Vicky mula sa kinatatayuan nito. Her expression was filled with pure irritation. Hinawakan ni Elena ang mga binti nito. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.

“Please… Nasa mga kamay ninyo ang buhay ng kapatid ko. Kailangan na kailangan ko po ang trabahong 'to.”

Madam Vicky’s face twisted with disgust. At pagkatapos, may ginawa itong napakalupit kaya natigilan ang lahat ng taong naroon. Kinuha nito ang tray mula sa isang waiter na dumaraan. At ibinuhos ang natitirang inumin diretso sa ulo ni Elena.

Tumulo ang malamig na likido sa buhok ni Elena pababa sa mukha niya hanggang sa kanyang suot na uniporme. Gasps echoed throughout the hallway.

“Alisin mo ang maruruming kamay mo sa akin!” mariing sigaw ni Madam Vicky. Sinipa nito si Elena. “Hindi ko problema ang buhay ng kapatid mo!”

Nanatiling nakaupo roon si Elena habang nakayuko.

“Hubarin mo ang unipormeng 'yan,” malamig na utos ni Madam Vicky. “Ngayon din. Kung hindi, tatawag ako ng pulis at ipapakaladkad kita palabas.”

Dahan-dahang tumayo si Elena. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Parang walang laman ang dibdib niya. Huling beses niyang hinanap sa mukha ni Madam Vicky ang kahit pinakamaliit na bakas ng awa. Ngunit wala. Puro malamig na pagkamuhi lamang.

Muling pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi. Tahimik siyang bumalik sa changing room at nagpalit ng kanyang lumang damit. At umalis sa restaurant.

Mabagal ang mga hakbang ni Elena. Manhid ang kanyang isipan. Hindi na niya alam kung saan pupunta. Sa bahay, o sa ospital?

Kailangan siya ni Leo. Pero wala na siyang maibigay. Wala na siyang trabaho. Wala nang perang pambili ng gamot nito. Biglang tumunog ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa. Tinagos ng tunog ang magulong isip niya. Dali-dali itong kinuha ni Elena. Hindi na niya tinignan kung sino ang tumatawag bago sinagot.

“Hello…” mahina niyang bulong.

Halos hindi na marinig ang kanyang boses.

“Hello, Miss Villegaz. This is Doctor Evans speaking.”

Natigilan si Elena. Her heart skipped violently. Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. Ilang araw na rin niyang hindi sinasagot ang mga tawag mula sa ospital. Hindi dahil wala siyang pakialam. Kundi dahil pare-pareho lamang ang ibig sabihin ng bawat tawag. Mga bayaring hindi niya kayang bayaran.

“Uh… D-Doctor Evans,” nauutal niyang sambit. “Ano pong kailangan ninyo?”

Sandaling natahimik ang kabilang linya. Pagkatapos ay napabuntong-hininga ang doktor.

“Hindi mo sinasagot ang mga tawag namin.”

Napakagat-labi si Elena. Guilt pressed painfully against her chest.

“Pero salamat at sinagot mo ang tawag namin ngayon,” pagpapatuloy ng doktor.

Kumirot ang kanyang sikmura. Dahil alam niyang walang doktor na tatawag para maghatid ng magandang balita.

“Lalong lumala nang husto ang kondisyon ni Leo.”

Halos bumigay ang mga tuhod ni Elena. Napasinghap siya, hindi makapaniwala sa narinig.

“D-Doctor Evans… ano po ang ibig sabihin nito?”

“His cancer has progressed rapidly,” maingat na sabi ni Doctor Evans. “Mas kumalat pa ang mga tumor sa buong katawan niya.”

Bawat salitang binibitawan nito ay parang martilyong humahampas sa puso ni Elena.

“Bukod doon, nagkaroon na rin siya ng malulubhang komplikasyon dahil sa cancer at chemotherapy. Kasalukuyang humihina ang isa sa kanyang mga bato, and his liver is under extreme stress.”

Nanginig ang kamay ni Elena. Hirap ang kanyang isip na tanggapin ang bawat salitang naririnig niya.

“Malubha na ang kidney failure niya,” patuloy ni Doctor Evans. “Dinala na namin siya sa intensive care unit habang sinusubukan naming i-stabilize ang kanyang kondisyon.”

Sumikip ang dibdib ni Elena. “A-anong… anong klaseng intervention ang kailangan niya?”

Saglit na natahimik ang doktor. Pagkatapos ay binitiwan nito ang mga salitang tuluyang dumurog sa kanya.

“Kailangan niya ng emergency kidney transplant.”

Parang naubusan ng dugo ang mukha ni Elena.

“K-kidney transplant?” mahina niyang bulong.

“Yes, Miss Villegaz.” Nanatiling kalmado at propesyonal ang boses ni Doctor Evans. “Nakahanap na kami ng compatible na donor sa pamamagitan ng isang aprubadong medical program. Pero dahil sa kondisyon niya, kailangang maisagawa ang procedure sa lalong madaling panahon.”

Alam na ni Elena kung anong susunod na itatanong ng doktor. Ang tanong na kinatatakutan ng bawat pamilya.

“M-magkano?” Halos hindi lumabas ang kanyang tinig.

Sandaling nag-atubili si Doctor Evans bago sumagot.

“Ang tinatayang halaga ng kidney transplant procedure at hospitalization ay nasa isang milyon.”

Nanlambot ang mga tuhod ni Elena. Napahawak siya sa pader sa kanyang tabi para hindi tuluyang bumagsak.

“Pero 'yon ay para lamang sa transplant-related expenses,” maingat nitong pagpapatuloy. “Kakailanganin din niya ng intensive care, karagdagang laboratory tests at stabilization bago at pagkatapos ng operasyon, mga gamot pagkatapos ng surgery, at pangmatagalang immunosuppressive treatment para maiwasan ng katawan niya na i-reject ang bagong kidney.”

Napuno ng luha ang mga mata ni Elena. “At ang cancer?”

Marahang huminga si Doctor Evans. “His chemotherapy will need to be carefully managed around the transplant. Once he is stable enough, ipagpapatuloy ng aming oncology team ang kanyang cancer treatment. Depende sa magiging response ng katawan niya, maaari rin naming ikonsidera ang immunotherapy.”

Tinakpan ni Elena ang kanyang bibig nang makawala ang isang pigil na hikbi.

“Kung gano'n… kahit matapos ang transplant…”

“Oo,” mahina ngunit seryusong sagot ni Doctor Evans. “Maaaring matugunan ng transplant ang kidney failure niya, pero hindi nito magagamot ang cancer.”

Pumikit si Elena. Parang dinaganan ng napakabigat na pasanin ang buong katawan niya.

“Magkano pa ang kakailanganin namin?”

“Depende 'yon kung gaano siya katagal mananatili sa ICU, kung paano tatanggapin ng katawan niya ang bagong kidney, at kung gaano karaming karagdagang cancer treatment ang kakailanganin niya.”

Mariin siyang napapikit. “Pwede bang sa ibang araw...”

“Wala nang tayong sapat na oras, Miss Villegaz.”

Nanginginig ang mga kamay ni Elena habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

“Kung gano'n, gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo.” Nanginginig ang kanyang tinig, ngunit may determinasyon sa bawat salita. “Pakiusap, Doc. Iligtas ninyo ang kapatid ko.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 48

    Mabilis kumilos si Hector, mas mabilis kaysa sa inaasahan ng sinuman sa loob ng silid. Hindi pa man tuluyang nawawala ang tawa ni Elena, na tila walang kamalay-malay sa kung anong nangyayari ay sumugod na siya at hinila ang lalaki palayo sa asawa. Marahas ang pagkakahila niya kaya napaatras ito at muntik nang mawalan ng balanse.“What’s your fvcking problem, man?” the guy snapped, irritation flashing across his face.Hindi na nag-aksaya ng oras si Hector sa pagsagot. Sa halip, kamao niya ang nagsalita. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ng lalaki na nagdulot ng matinis na tunog na umalingawngaw sa buong silid. The impact snapped his head to the side, and his body staggered, ngunit hindi ito binigyan ni Hector ng pagkakataong makabawi. Hinawakan niya ito sa kwelyo at muling sinuntok ng ilang beses.Blood smeared across Hector's knuckles as the man’s face became increasingly battered. Dumudugo ang ilong nito, punit ang mga labi at nawalan ng dalawang ngipin. Ang datin

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 47

    Bumaba si Elena sa hagdan habang inaayos ang suot na robe. Natanaw niyang nakaupo sa sofa si Nicole. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, napairap siya bago umiwas ng tingin. Agad na tumayo ang babae at lumapit sa kanya.“I'm serious sorry,” sabi nito sa malambot na na tono. “Hayaan mo na lang akong bumawi sa'yo. We could… have fun.”Huminto si Elena at tamad itong tinignan.“Fun with you?” she scoffed. “Mas gugustuhin ko pang manatili sa mansyon kaysa makasama ka.”Tinangka niyang lampasan si Nicole, ngunit hinawakan nito ang kanyang pulsuhan.“Come on,” pangungumbinsi nito.Elena let out an exasperated sigh and ran her free hand through her hair.“Ano bang gusto mo?”“Just girl-to-girl time,” nakangiting sagot ni Nicole. “Nothing serious.”Pinagmasdan ni Elena ang mukha ni Nicole, sinusubukang alamin kung anong binabalak nito. Hindi naman dating gano'n kadaling humingi ng tawad ang babae, kaya kahina-hinala para sa kanya ang biglaang pagiging mabait nito.“Tonight,” dagdag ni Nicole

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 46

    The dining room glowed under the soft golden light of the chandelier, its gentle shimmer reflecting across the long table. Umupo si Elena at bahagyang inayos ang damit habang kumportableng inilulugar ang sarili sa upuan. Nanatiling bakante ang upuang nasa tapat niya, gayundin ang upuan sa dulo ng mesa. Hindi pa dumarating si Nicole, at wala rin si Hector.For a moment, the silence wrapped around her, comforting yet strangely unsettling. Bahagyang umangat ang mga sulok ng kanyang labi nang maalala ang mga nangyari. Hindi niya maiwasang balikan sa isip ang paraan ng pagtitig ni Hector sa kanya, kung paano lumalambot ang tinig nito kapag silang dalawa lamang. And how easily he had made her forget the arrangement between them.Hindi ‘yon nagmukhang peke. Hindi rin niya naramdaman na ginagawa lamang nito ang mga bagay dahil napipilitan ito. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa nang muling sumagi sa isip ang isang salitang matagal na niyang pilit iniiwasan. Ang kontrata

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 45

    Ilang minutong katahimikan ang lumipas bago bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Hector na may nakasampay na tuwalya sa balikat. Kalmado at walang pagmamadali ang mga kilos nito habang naglalakad patungo sa closet, ngunit hindi maiwasan ni Elena na mapatitig sa lalaki.Water droplets still clung to his skin, tracing the defined lines of his chest before disappearing beneath the waistband of his navy-blue sweatpants. Hindi magawang alisin ni Elena ang tingin sa asawa. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng damit na suot.Saglit na pumasok si Hector sa closet bago muling lumabas. Wala pa rin itong suot na pang-itaas at bahagyang magulo na ang basang buhok. Agad na napunta ang mga mata nito kay Elena at napansin ang paraan ng pagkakatitig niya rito. A slow, knowing smirk curved his lips as he approached her.“Want to get a closer look?” panunukso nito sa mahinang tinig.Agad na natauhan si Elena. Namula ang kanyang mga pisngi at dali-dali siyang umiwas ng tingin.“Anon

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 44

    Napahagikgik nang mahina si Elena habang bahagyang inilalapit ang sarili kay Hector. Magaan ang tono ng kanyang tinig, ngunit may nakatagong pahiwatig sa likod nito.“Bakit mo naman pipigilan ang sarili mo?”Hindi agad sumagot si Hector. Sa halip, ibinaling nito ang tingin sa driver. Hindi na kinailangang magsalita ng lalaki dahil sapat na ang isang tingin para maiparating ang nais nitong sabihin. Agad namang naiitindihan ng driver, kaya bumaba ito ng sasakyan at tahimik na isinara ang pinto, hinayaan silang dalawa na mapag-isa sa loob.Saka lamang muling ibinaling ni Hector ang atensyon sa kanya. Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi nito na bumuo ng isang ngiting hindi niya madalas makita. For once, his expression was completely unguarded.Natahimik si Elena. Bahagyang nanlaki ang mga mata habang pinagmamasdan ang asawa. Hindi ‘yon ang ekspresyong nakasanayan niyang makita sa mukha nito. Malayong-malayo sa malamig at walang-awang lalaking kayang sumira ng buhay ng isang tao sa pam

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 43

    When Hector reached Elena, he crouched in front of her and removed his jacket in one smooth motion. Isinukbit nito ang isang braso sa ilalim ng bisig niya at inalalayan siyang makatayo. She swayed slightly, kaya agad na hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang baywang para hindi tuluyang mawalan ng balanse. Hindi pa rin inaalis ng lalaki ang tingin sa mukha niya habang marahang dumadampi ang hinlalaki nito sa kanyang pulso na para bang tinitiyak nitong maayos lamang ang kalagayan niya."Look at me," mahinahon nitong utos.Dahan-dahang inangat ni Elena ang mukha at sinalubong ang tingin nito. They were red and slightly unsteady, but she managed to hold his gaze. Ilang sandaling pinagmasdan ni Hector ang kanyang mukha bago bahagyang ikiniling ang ulo."Are you hurt, baby?"Umiling si Elena, ngunit bago pa man makapagsalita si Hector, bigla niya itong niyakap at mahigpit na kumapit sa katawan nito. Kumuyom ang kanyang mga daliri sa damit ng lalaki na para bang kailangan niya ng isang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status