Share

CHAPTER 47

INAKBAYAN SIYA NI TOM habang papasok sila sa loob ng restaurant kung saan sila magtatagpo nina Genis para pumirma sa annulment paper na inihain niya. Hindi niya alam kung bakit parang pinipiga ang puso niya habang iniisip ang gagawing paghahain ng annulment sa lalaki. Matagal na silang hiwalay and yet parang ang sakit-sakit pa rin para sa kanyang isipin na tuluyan nang mapapawalang bisa ang kanilang kasal. May bahagi sa puso niya ang tila hindi sumasang-ayon. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili.

Alam ni Tom na natetense siya kaya panay ang pisil nito sa balikat niya. Pagpasok na pagpasok nila sa loob ng restaurant ay nakita kaagad niya si Genis. Nang magsalubong ang kanilang mga paningin, pakiramdam niya ay bahagyang huminto sa pag-ikot ang mundo niya.

Hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa kanya. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na umuwi pa siya ng Pilipinas dahil pakiramdam niya ay muling nabuhay ang nararamdaman niya para dit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status