Share

CHAPTER 10

“MAAWA KA NA, MALILIIT PA ANG MGA ANAK KO, saka pare, hindi ba inaanak mo si Andrei? Mahal na mahal ka ng anak kong iyon!” Nagsusumamong sabi ni Enrico habang nakaluhod ito sa harapan ni Genis.  Ngunit parang walang naririnig si Genis, ikinasa niya ang baril na hawak niya at itinutok sa ulo nito.

            Napaihi sa takot ang lalaki.

            Si Enrico ay Filipino-Chinese na kasamahan nila sa kanilang underworld business.  Ito ang namamahala ng mga ini-smuggle nilang armas sa Amerika na idinidistribute nila sa Asia.  Ngunit last month ay nadiskubre niyang winawalanghiya siya nito at nakikipagsabwatan sa kakompetensya nilang grupo.

            “Genis, magkaibigan tayo,” mahina nitong sabi sa kanya, ramdam niya ang takot sa tinig nito.

            “Iyon na nga eh, akala ko magkaibigan tayo!” Singhal niya rito, “Pero anong ginawa mo?  Hindi ba binalaan na kita bago ka pumasok sa grupo ko?  Alam mo ang number one na patarakan ng grupong ito, hindi ba?”

            Napaiyak ito saka napatungo. “Patawarin mo ko, hindi na mauulit.”

            Hinila niya ang buhok nito at itinaas ang ulo paharap sa kanya, “Alam mo namang hindi ako nagbibigay ng second chance, hindi ba?” Sabi niya rito, muli niyang itinutok ang baril, this time sa mukha nito. 

            Ngunit ewan ba niya kung bakit hindi niya iyon magawang iputok.  Siguro ay dahil inaanak niya ang panganay nitong si Andrei.  At naiisip niya ang mga pinagdaanan niya nang maulila siya sa kanyang mga magulang.  Alam niyang masasaktan si Andrei kapag nawala ang ama nito.

            Huminga siya ng malalim saka waring nanghihinang tinalikuran si Enrico.  Ngunit bago pa siya makalabas sa warehouse ay narinig na niya ang malakas na putok ng baril.  Paglingon niya, nakita niya ang Ninong Ben niyang nakatayo sa nakahandusay na katawan ni Enrico.

            “Ninong. . .”

            “Sinabihan na kita, walang puwang ang awa dito kung hindi’y ikaw ang papatayin ng taong ‘yan,” sabi nito sa kanya saka sinenyasan ang mga tauhan nila para idispatsa ang bangkay ni Enrico.

            Hindi siya umimik ngunit parang nagsisikip ang dibdib niya habang naiisip ang magiging reaction ni Andrei kapag nalaman nitong wala na ang ama nito.  Parang nagtitindigan ang kanyang balahibo. 

            Tinapik siya sa balikat ng kanyang Ninong Ben, “Pagdating sa negosyo, walang kaibigan! Walang kapatawaran ang mga taong traydor!” paalala nito sa kanya.

            “N-Ninong, h-hindi ba parang pagtratraydor rin ang ginawa nating ito sa kanya lalo pa at itinuring tayong parang isang pamilya ng asawa ni Enrico, gayundin ng mga anak niya?” Tanong niya rito.

            “Well, that’s not our problema,” kibit balikat na sabi nito saka napangisi, “Kumusta nga pala ang buhay may asawa?”

PINIRMAHAN NI GENIS ang blangkong tseke at inutusan niya ang kanyang secretary para personal na iabot iyon sa asawa ni Enrico. 

            Alam niyang kahit wala na si Enrico ay mabubuhay pa rin ng marangya ang pamilya nito sa tulong niya.  Maaga siyang umuwi ng bahay.  Ang balak sana niya ay magpahinga.  Hindi niya alam kung bakit apektado siyang masyado sa pagkamatay ni Enrico kaya parang nanghihina siya. Maayos at bagong palit ang kanyang bed sheet.  Tinanggal rin ang blinds sa mga bintana at pinalitan ng kurtina.  Iritadong hinanap niya si Amanda.  Anong karapatan nitong baguhin ang disenyo ng kuwarto niya?  Pinagbilinan na niya ito na huwag na huwag pakikialaman ang kuwarto niya.  Ni hindi niya ito pinapayagang matulog duon.

            Pinuntahan niya ito sa kuwarto nito, narinig niya ang laglaslas ng tubig sa banyo nito.  Nang pihitin niya ang door knob ay bumukas iyon at tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Amanda habang nakatapat sa shower.

            Ilang segundo yata iyong tila huminto sandali sa pag-ikot ang mundo niya sa kagandahang nakatambad sa kanyang harapan.  Ramdam niya ang pag-iiba ng timpla ng kanyang katawan.

            “G-Genis,” tila gulat naman na sambit nito habang hindi magkamayaw kung papaano tatakpan ang hubad na katawan.  Pinatay nito ang shower at hinila ang tuwalyang nakasampay sa rack, kitang-kita niyang natataranta ito  habang itinatapis ang hawak na tuwalya sa katawan.

            Napalunok siya.  Parang nakalimutan niyang bigla ang totoong dahilan kaya niya ito pinakasalan. Mabilis siyang lumapit dito at buong pananabik niya itong siniil ng halik sa mga labi, tinanggal niya ang tuwalyang nakatapis dito, “Beautiful,” anas niya nang muling tumambad ang kahubdan nito.

            Nagmamadali siyang naghubad ng kanyang damit habang tahimik na tahimik lamang si Amanda na naghihintay ng susunod niyang gagawin.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status