Share

CHAPTER 5

“MANONG DOY, ibaba mo na lang ako dyan,” sabi ni Genis sa kanyang driver nang makarating sila sa ospital.  Inihinto ng matanda ang sasakyan, mabilis siyang bumaba at pasimpleng naglakad patungo sa suite na kinaroroonan ni Mayor Alcazar.  Dinatnan niya itong nag-iisa sa loob ng kuwarto habang kung anu-anong apparatus ang nakasaksak dito.

            Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa walang malay na matanda.  “Sayang at mukhang inunahan na ako ng Diyos saiyo.  Ang dami ko pa naman sanang gustong gawin saiyo,” bahagya pa siyang napailing, waring nanunuya ang kanyang mga mata, “Hindi tuloy tayo makakapaglaro.”

            Bumukas ang pinto, paglingon niya ay nakita niya ang butihing asawa ni Mayor, “Genis?”

            “Nagmamadali akong pumunta dito nang mabalitaan ko ang nangyari kay Mayor,” kunwa’y nag-aalalang sabi niya sa babae.  Dalawang taon na ang nakalilipas simula nang kaibiganin niya si Mayor.  Sa katunayan, isa siya sa may pinakamalaking donasyon sa pagpapatayo ng bagong plaza sa bayan ng Sta. Elena.  Madalas rin ay present siya sa mga charity events ng pamilya ni Mayor.  Magiliw na magiliw ang pakikitungo ng buong pamilya ni Mayor sa kanya, in fact ay naging kaibigan na rin niya ang mga anak nito.

            Sayang nga lamang at mukhang kukunin na ito ng Maykapal, hindi na niya maiisakatuparan pa ang mga plano niya dito.

            Nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata ng ginang, “Dalawang araw na siyang unconscious.  Pumutok ang ugat sa batok niya.  Ang sabi ng doctor, 10 percent na lang ang tsansa niyang maka-survive.  Hindi ko alam kung paano ko kakayanin kapag nawala sya sa amin,” tuluyan na itong napaiyak.

            Inalo niya ang matandang babae. In fairness naman dito ay likas dito ang pagiging mabait kaya nga nakailang terms na di Mayor ay hindi ito matalo-talo ng kalaban.  Nagsasalitan lang ito sa puwesto ng mga anak nito.  At alam niyang malaking factor si Mrs. Alcazar sa panalo ng mga ito.

            “Magdasal na lang tayong maka-survive siya,” aniyang muling bumaling sa walang malay na Mayor.  Kung siya lang ang masusunod ay gusto talaga niyang maka-survive ito.  Gusto niyang siya ang unti-unting kumitil sa buhay nito.  Gusto niyang maranasan nito ang lahat ng sakit na naranasan niya nang mamatay ang buong pamilya niya.

            Unti-unting nagtangis ang kanyang mga bagang.  Sayang at mukhang hindi na niya maipararamdam dito ang lahat ng naramdaman niya nuon.  Mukhang hindi na ito makaka-survive pa.

            Habang pinagmamasdan si Mayor sa pagkakaratay nito, pakiramdam niya ay nabalik siya sa panahon nang makita niya ang tatay niyang nakahandusay sa lupa, sabog ang utak.  Napakuyom ang kanyang mga palad.  Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin niyang napapanaginipan ang mga nangyari eighteen years ago.  At kahit ano yatang gawin niya ay hindi na mabubura sa utak niya ang lahat ng iyon.

“WENDY, anak, hindi porke’t gusto ko si Genis para saiyo ay pumapayag na kong makisama ka sa kanya!” Matiim ang mga matang sabi ni Ben sa anak habang kumakain sila ng almusal saka bumaling sa asawa, “Ikaw, wag mong kinukunsinti ang anak mo.”

            “Look who’s talking?  Ikaw nga itong oo lang ng oo sa mga plano ng inaanak mo eh.” Sagot ni Linda sa kanya.

            Umikot ang kanyang eyeballs saka muling bumaling sa anak, “Huwag kang masyadong pahalata na patay na patay ka sa kanya!”

            “Papa naman eh!” Nagmamaktol na sabi ni Wendy, “Matapos lang ang palabas na ito,  magpapakasal kami ni Genis.”

            “Hindi naman kayo totoong magkasintahan, ni hindi nga nagpaparamdam saiyo ang lalaking iyon, tapos gusto mong totohanan ang palabas ninyo?” aniya sa anak.

            “Papa,  saan pa baa ng punta ng relasyon naming ito ni Genis?  Wala namang ibang babae sa buhay nun kundi ako lang.  At hindi ko papayagang maagaw siya ng iba sakin,” anang dalaga sa kanya, “Saka Pa, hindi ba kaibigan ni Genis iyong huwes na nagkasal sa kanila sa Baguio? Nangako sakin si Genis na madali lang niyang mahihiwalayan ang babaeng iyon!”

            Kumunot ang nuo ni Ben, “May pinanghahawakan ka ba sa kanya? Kung wala, huwag kang mag-assume!” nailing na sabi niya rito saka muling naglagay ng kanin sa pinggan, “Basta mag-iingat ka pa rin.  Ang lalaki ay lalaki at kahit parang anak na rin ang turing ko kay Genis, mapapatay ko sya oras na sinaktan ka nya!”

            “Papa, hindi naman siguro ako magagawang saktan ng lalaking iyon.  Bah, Malaki yata ang utang na loob niya saiyo.  Kung hindi dahil sa tulong ninyo, hindi niya mararating kung anuman ang narating niya ngayon.” Buong pagmamalaking sabi sa kanya ni Wendy.

            “Anak, narating ni Genis ang kinalalagyan niya ngayon dahil sa kanyang galling! Kahit wala siguro ang tulong ko, magiging matagumpay pa rin siya.”

            “Pero without your guidance, hindi siya magiging ganyan katapang, ‘Pa!  Look at him now, ang layo na sa unang Genis na nakilala ko.”

            Natigilan siya.  Malaki talaga ang impluwensya niya para mahubog si Genis kung sino ito ngayon.  Sino nga ba ang mag-aakala na iyong dating iyaking bata ay wala ng kinatatakutan ngayon? Pinatapang ito at pinatatag ng mga pinagdaanan nito sa buhay.

“AMANDA, kumusta ang buhay may asawa?” Tanong ng Kuya Lukas niya nang tawagan siya nito sa telepono.  Sa lahat niyang kuya, sa Kuya Lukas niya siya pinaka-close palibhasa ay three years lamang ang agwat ng kanilang edad.  Ito ang pinakamatalino sa kanilang magkakapatid kaya sa tatlo niyang Kuya, ito rin ang may pinakamalaking sweldo.  IT ito ng isang malaking kompanya dito sa Maynila.  Nuong isang taon lang ito ikinasal at kasalukuyang 7 months pregnant na ang asawa nito.

            Wala siyang itinatago sa Kuya Lukas niya.  Very vocal siya dito kapag may problema siya.  Pero this time ay naisip niyang ilihim na lamang ang pinagdadaanan nya.  Ayaw niyang madagdagan pa ang pag-aalala ng kanyang pamilya lalo pa at nang magpropose si Genis sa kanya, isa ito sa mga tumutol dahil kaka-graduate lang niya sa college.  Ang gusto sana ng mga kapatid niya ay e-enjoy muna niya ang pagiging dalaga at subukan muna niyang iapply ang lahat ng mga natutunan niya sa college.  Ngunit dahil minamadali siya ni Genis magpakasal at ayaw nitong pagtrabahuhin pa siya ay ganito na nga ang nangyari.

            God, baka mapatay ng mga ito si Genis oras na malaman ng mga ito ang ginagawa nito sa kanya.

            “O-Okay naman Kuya,” pilit niyang pinasigla ang tinig, “Maasikaso si Genis sakin.  H-halos ayaw na nga akong pagalawin dito sa bahay.  Reynang-reyna talaga ako dito sa bahay.  Ang lambing niya.  At. . .at never na nagbago ng pakikitungo sakin.  P-Para pa nga niya akong nililigawan hanggang ngayon eh,” Hindi na niya napigilan ang mapaluha.

            Naalala niya ang binitiwang mga salita ni Genis sa pamilya niya nang hingin nito ang basbas ng mga ito:  Ipinapangako ko po sa inyo na paliligayahin ko ang anak ninyo at ituturing na parang isang reyna.  Makakaasa po kayong pakamamahalin ko siya habang buhay.

            Napakagat labi siya.  Kabaligtarang lahat iyon ng ipinapakita ngayon sa kanya ni Genis.

            “Amanda, umiiyak ka ba?” Nag-aalalang tanong ng Kuya Lukas niya sa kanya.

            Pinilit niyang tumawa, “Masayang-masaya lang ako Kuya.  Ang swerte-swerte ko kay Genis, hindi ba?” May pait sa mga labing sabi niya.

            “Basta kapag may problema or pinakitaan ka ng lalaking ‘yan ng di maganda, sabihin mo lang samin para bugbugin namin ang asawa mo,” pabirong sabi nito sa kanya.

            Tinawanan lamang niya iyon.  Kung alam lamang ng mga ito ang nangyayari ngayon, malamang ay sumugod na ito dito at pinagtulungan si Genis.  Tuluyan na siyang napahagulhol matapos ang pakikipag-usap sa kapatid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status