Share

CHAPTER 6

NAGPAPAHINGA SI AMANDA nang pumasok si Wendy at gisingin siya.

            “Labhan mo iyong mga damit ko!” Utos nito sa kanya, “Make sure malinis na malinis iyon.  Mamahalin ang mga damit ko kaya ihandwash mo lahat!” Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng kanyang kuwarto.

            Hindi siya gumalaw sa kanyang kinahihigaan.  Sino ba sa akala nito ang babaeng iyon na basta na lamang darating sa bahay anytime nitong gustuhin na akala mo ay ito ang asawa.  Kung inaakala nitong isusuko niya ang pagiging may bahay niya kay Genis, nagkakamali ito.  Hindi niya bibigyan ng satisfaction si Wendy na ibigay ang gusto nitong mangyari.

            Kailangan lang niyang maging metatag.  Siya ang asawa.  Kahit na pinakasalan lamang siya ni Genis para mapasakitan siya, the mere fact na ibinigay nito sa kanya ang pangalan nito ay mas may karapatan pa rin siya dito kesa kay Wendy.  At ipaglalaban niya ang karapatan niyang iyon!  Muli siyang pumikit at bumalik sa pagtulog.

            Maya-maya ay narinig niyang kumalambog ang pinto ng kuwarto niya at mabilis siyang tinadyakan ni Wendy.

            Matagal na siyang nagtitimpi dito.  Anong karapatan nito para tadyakan siya.  Biglang nagdilim ang paningin niya, hinila niya ang hanggang balikat nitong buhok saka galit na galit na hinawakan niya ang leeg nito.

            “Kung gusto mong me maisuot na damit, matuto kang maglaba!” Asar na sabi niya rito, “At huwag mo kong dinadaan sa kaartehan mo, hindi ako nasisindak saiyo!” Tinitigan niya ito saka bahagyang napangisi, “Mas lalong huwag kang nagmamaganda,” bigla niya itong hinila sa harap ng salamin at mabilis niyang iniharap ang mukha nito duon.  Sagana siya sa exercise, besides she is 5’7’ while Wendy is only 5’3’ kaya mas malakas siya kesa dito, “Titigan moa ng mukha mo sa salamin!  Ang layo ng ganda ko sa mukha mo, hindi ba?” Inis na inis na sabi niya.  Hindi naman sa  pagmamayabang, kung hindi lamang sa mga mamahalin nitong burluloy sa katawan ay magmumukha lamang niya itong alalay. 

            Muli, nakita niya ang insecurities sa mga mata ni Wendy.  Lihim siyang napangisi.

 Sa mga pagkakataong tulad nito niya ipinagpapasalamat na ipinanganak siyang maganda.  Hindi na niya kailangang magmake up pa ng makapal  na gaya ng ibang babae para lamang itago ang mga flaws.  Nuong college nga siya ay ilang beses may mga talent scout na nag-alok sa kanyang mag-artista siya or sumali sa mga beauty contests.  Pero hindi naman siya interesado.  Ang pangarap sana niya nuon ay maging isang sikat na news caster.  Ngunit nagbagong lahat iyon nang makilala niya si Genis at mapaibig siya nito.

HINDI makapagsalita si Wendy habang nakatingin sa mukha niya at ni Amanda sa salamin.  Parang gusto niyang mapatili sa sobrang inggit na nararamdaman.  Naipaayos na niya ang ilong niya at ang korte ng mukha niya ngunit kailanman ay hindi niya madadaig ang kagandahan ni Amanda.  Height pa lang nito, wala na siyang binatbat.  Idagdag pang talaga namang napakaganda nito.  Kaya nga kahit na alam niyang matindi ang galit na nararamdaman para dito ni Genis ay hindi pa rin maiwasang makaramdam siya ng takot.

            What if iyong galit na nararamdaman nito para kay Amanda ay maburang lahat at mapalitan ng pag-ibig?  Siya ang numero unong kumontra nang malaman niyang pakakasalan ito ni Genis.  Ngunit ano ba ang magagawa niya.  Kilala niya si Genis.  Kapag may gusto itong gawin, gagawin nito at hindi na niya maawat pa.

            Besides, ano bang karapatan niyang pigilan ito?

            Hanggang ngayon naman ay wala pa ring assurance kung ano ba talaga siya sa buhay nito.  Walang label.  Pero siya, bata pa lamang ay minahal na niya ito.  Hindi siya mapapayag na gawin nitong instrumento sa paghihiganti kung hindi nga lamang niya ito mahal na mahal.  Handa niyang gawin ang lahat para kay Genis.

            Ipiniksi niya ang mga kamay ni Amanda at pilit na kumawala sa pagkakahawak nito, “Damn you, malilintikan ka kay Genis kapag nalaman niyang sinasaktan mo ako!” Parang batang sabi niya dito, tuluyan na siyang napaiyak sa tindi ng inis.  Nang bitiwan siya nito ay mabilis siyang tumakbo palayo dito at padabog na sumakay siya sa kanyang kotse.  Naiinis siyang namana niya ang mukha ng Mama niya.  Duon siya dumiretso sa kaibigan niyang plastic surgeon.

            “Gawin mo kong kamukha ni Liza Soberano!” Parang batang sabi niya sa kaibigan, naupo siya sa swivel chair at pinaikot iyon, pantanggal stress niya. 

            Bahagyang natawa ang babae, “Kamukha ni Liza?” anitong ang lakas ng halakhak, “Are you serious?”

            “Mukha ba akong nagbibiro?” Madilim ang anyong sabi niya sa kaibigan.

            Unti-unting naglaho ang mga ngiti sa labi ni Dra. Alllyson Ramirez, “Girl, naririnig mo ba ang sinasabi mo?  Magkaiba ang bone structure ninyo ni Liza at. . .”

            “Babayaran kita kahit na magkano, basta gawin mo kong kasing ganda nya!” Pagkasabi niyon ay tumayo na siya, “Sabihin mo lang sakin kapag handa ka na!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status