Share

CHAPTER 4

ALAS KUWATRO pa lamang ay gising na si Amanda para mag-prepare ng breakfast.  Alam kasi niyang maagang gumigising si Genis.

            “Ma’m mukhang ang sarap ng break fast na inihanda ninyo ah.” Anang kusinera, “Siguradong mas masarap kesa sa luto ko.”

            Ngumiti siya.  Sabi nila ‘a way to a man’s heart is thorugh his stomach.’ Mabuti na lamang at bata pa lamang siya ay hilig na niya ang magluto kaya naman sarap na sarap ang lahat sa tuwing siya ang nagluluto sa kanilang bahay.  Dalawang beses na rin niyang naipagluto si Genis.  At tiyak niyang hindi ito nagpapanggap lang nang matikman nito ang luto niya.

            Ipinatong niya sa mesa ang ginawang tortang talong at ang kanyang masarap na masarap na fried rice pati na rin ang ginawa niyang chicken soup.  Alam na rin niya ang timpla ng kape ng asawa kung kaya’t tinimplahan na rin niya ito.  Nakahanda na ang mesa ng pasukin niya ito sa kwarto.

            Nakabihis na ito.  Akmang aayusin niya ang kwelyo ng suot nitong long sleeve ngunit mabilis nitong ipiniksi ang mga kamay niya.  Hindi na lamang niya iyon dinamdam.

            Nakangiting tiningnan niya si Genis, “Breakfast is ready. . .alam kong gusting-gusto moa ng chicken soup kaya ipinaghanda kita nun.  May tortang talong din at fried rice, kumain na tayo!”

            Parang wala itong narinig na lumabas ng kuwarto.

            “Imee, ipagtimpla mo ko ng kape,” utos nito sa maid.

            “May tinimpla na akong kape mo,” sabi niyang iniabot ditto ang kapeng tinipla niya ngunit mabilis iyong tinabig ni Genis saka nilingon ang katulong, “Imee, bilisan mo, itimpla mo ako ng kape!”

            Napatingin siya sa natapong kape ngunit hindi na lamang siya nagsalita pa sa halip ay tahimik na pinunasan niya ang mesa.

            “K-Kumain ka na, maaga akong gumising para magprepare ng breakfast mo. . .”

            Hindi siya nito pinansin, kinuha nito ang phone sa bulsa, “Wendy, nakabihis ka na ba?  I’ll be there in thirty minutes, okay?” muli nitong ibinalik ang phone sa bulsa saka nilingon ang katulong, “Imee, iyong kape ko!”

            Ipinatong ng maid sa table ang kape, humigop lang ito ng kaunti saka nagmamadali nang umalis.  Ni hindi man lamang nagpaalam sa kanya, as if hindi siya nag-e-exists ng mga sandaling iyon.

            Napakagat labi siya.  Nilingon niya ang mga pagkaing niluto saka parang maiiyak na naupo, “Halika, Imee, saluhan mo akong mag-breakfast,” gumagaralgal ang tinig na sabi niya sa katulong.

            “Ma’m, n-nag-away po ba kayo ni Sir?” Nagtatakang tanong nito sa kanya.

            Pilit siyang ngumiti, "Nagmamadali lang iyon kaya ganun.  Maupo ka na.  Sabayan mo kong kumain, m-masarap itong mga niluto ko," aniya sa gumagaralgal ng tinig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status