Share

I'M NOT GOING ANYWHERE TONIGHT

MAGKATABING nakaupo sa likuran ng sasakyan sina Tori at Taj habang si Landon naman ay naiiling na lamang na nagpapatuloy sa pagmamaneho. Ilang sandali pa ay lumiko siya isang kanto bago kumaliwa hanggang tuluyan niyang itinigil ang sasakyan sa harapan ng isang gasolinahan.

Lumingon si Landon sa backseat saka niya tinapik nang mahina ang sandalan ng passenger seat para kunin ang atensiyon ni Taj na kasalukuyang nakayakap kay Tori. Umikot ang mga mata niya bago niya tinawag ang kaibigan.

"Dito na lang ako."

Mula sa pagkakayuko sa balikat ni Tori ay nag-angat ng paningin si Taj. Tiningnan niya si Landon at tumangon.

"There's my car..." muling sabi ni Landon bago inginuso ang isang bagong mini Cooper na nakaparada sa harapan ng gasolihan.

Napatingin si Tori sa itinuro ni Landon ay hindi niya napigilan ang sarili. Isang sipol ang pinakawalan niya nang makitang ang mini Cooper na kulay pula.

"Wow, fancy..." humahangang sambit niya habang nakatanaw sa salaming bintana.

Narinig na niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mirasol Andales
pa unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status