Share

COAT AND LANDON

HALOS kapapasok lang ni Tori sa loob ng kanyang dressing room kasunod ang PA niyang si Jessa nang makarinig sila ng tatlong mahihinang katok mula sa nakasaradong pinto.

Kaagad na ibinaba ni Jessa sa maliit na mesa ang hawak niyang damit na isusuot ni Tori bago sila uuwi. Humakbang siya patungo sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang isa sa apat na bodyguard na ipinadala ng Marigold Herrera para sa anak nito.

"Yes?" tanong ni Jessa sa seryosong tinig.

Bahagyang yumuko ang may katangkarang bodyguard at bumulong kay Jessa.

"May naghihintay kay Miss Tori sa backstage."

Kumunot ang noo ni Jessa. "Alam naman na ninyo ang drill, hindi ba?" mahina ang tinig na aniya sa lalaki. "Paalisin ninyo—"

"Sorry, Jessa pero hindi namin kayang paalisin."

"At bakit?" may katarayang untag niya bago nameywang.

"Si Atty. Landon Dominguez ang naghihintay kay—"

Nanlaki ang mga mata ni Jessa. "Ay!" bulalas niyang bahagyang natutop ang bibig. Lumingon siya sa gawi ni Tori na abala na sa hawak nito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status