Share

C46

last update Dernière mise à jour: 2025-10-07 22:02:00
LORIE LOVE

“Gayuma? Anong gagawin mo sa gayuma?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya.

“Oo gayuma, ibibigay ko sa ‘yo para naman wala ka ng kawala sa akin,” nakangisi na sabi niya sa akin.

“Baliw ka na,” sabi ko pa sa kanya.

“Matagal na po, matagal na akong baliw,” natawawa na sabi niya sa akin.

“Huwag na tayong pumunta sa albularyo dahil sa mental na lang kita dadalhin, mukhang may tama ka na–”

“Matagal na akong tinamaan,” natatawa na sabi niya sa akin kaya naman mabilis ko siyang iniwan.

Pero dahil malaki siya kung humakbang ay nasundan rin niya agad ako.

“Ohh, akala ko ba aalis kayo?” tanong sa akin ni nanay.

“Hindi na po, nay.”

“Umatras naman po siya, nay. Gusto ko nga pumunta doon eh,” sabi pa nitong isang ito.

“Bakit, saan ba kayo pupunta?” tanong ni nanay.

“Sa albularyo daw po,” mabilis na sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Ha? Albularyo? Ano naman ang gagawin niyo doon?” tanong naman ni nanay.

“Ipapa-gamot daw po ako ni Lorie,” nakangisi na sabi niya kaya mas lalo
CALLIEYAH JULY

pasensya na po kayo kung dami ko pong absent... ngayon lang po naging okay ang pakiramdam ko.. may sakit po kasi ako.. Thank you po & God bless po!

| 89
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (31)
goodnovel comment avatar
Chassylyn Johndedzlyn
OK Lang Sana Kong PA Isa Isa Yung update nyo...kaso pa Isa Isa na Nga,e ang tagal PA nang update nyo,,Kaya na kalimotan na ang story nya,,,,Kaya nakawalang gana bashin na Tuloy,,,
goodnovel comment avatar
Irene Merced Laxamana
love is in the air ninong.
goodnovel comment avatar
Aleth L. Boniol
Same here..
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C67

    LORIE LOVE“Kumusta ang unang araw mo sa work mo?” “Okay naman,” sagot ko sa kanya.“Mabuti naman, pero kapag gusto mo mag-work sa akin ay sabihin mo lang,” sabi sa akin ni Jude.“Gustuhin ko man ay alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa Zuares Foundation.”“Alam ko, pero malay mo lang,” natatawa na sabi niya sa akin kaya napangiti ako.“Ikaw talaga, kumusta pala kayo ng girlfriend mo?” tanong ko sa kanya.“Ayon,” sagot niya sa akin.“Anong ayon?”“Ayon, nag-break na kami,” sagot niya sa akin. Na para bang wala lang sa kanya. Hindi man lang brokenhearted.“At bakit naman?”“Sobrang selosa, nasasakal ako sa sobrang pagseselos niya,” sagot niya sa akin.“Nagselos ba sa akin?” tanong ko sa kanya.“Wala kang kinalaman this time,” sagot niya sa akin.“Baka maging single ka niyan habang buhay kapag hindi ka pa lumayo sa akin,” pabiro na sabi ko sa kanya dahil hindi lang naman ngayon ito dahil kahit pa noon ay ako na ang dahilan kaya sila naghihiwalay. “Don’t say that, hindi lang

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C66

    LORIE LOVEHindi naging madali ang unang araw ko sa trabaho pero masaya ako na natapos ito ng maayos kaya bukas naman ulit. Kahit pa malayo sa bahay namin ay doon pa rin naman ako uuwi. Hindi naman kasi ako puwedeng umuwi sa asawa ko dahil nga galit sa akin. Balak ko naman siyang suyuin pero hindi ko naman gusto na ipahiya ang sarili ko. Baka kasi itaboy niya ako doon at maging eskandalo pa.Hanggang ngayon kasi ay congressman pa rin siya. Pero active pa rin siya sa company niya kaya naman kahit hindi siya maging politiko ay mayaman pa rin siya. Hindi ko alam kung sino ba ang kasama niyang babae kanina dahil kasama lang niya ito sa loob ng office niya.Nauna pa nga akong lumabas kaysa sa kanila at ngayon ayt nag-aabang ako ng jeep. Dalawang sakay pa ako dahil malayo ito ay nasa one to two hours ang biyahe ko. Gusto ko sanang maghanap ng apartment pero sa weekend na lang. Pumasok na kasi ako sa trabaho ko kaya naman hindi na ako nakahanap pa. May dumaan na jeep kaya naman sumakay na aga

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C65

    LORIE LOVE“Huwag mo naman akong pahirapan na suyuin ka. I’m sorry kung ngayon lang ako bumalik and sorry kasi umalis ako. Pangako, hindi na ako aalis,” sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin na walang kahit na anong emosyon.“Sa tingin mo ba talaga ay may babalikan ka pa after mong umalis?”“Wala na ba? Sure ka ba na wala na akong babalikan?” tanong ko sa kanya.“Gawin mo ang trabaho mo dahil kung ayaw mo ay marami ang papalit sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaysa sagutin ang tanong ko sa kanya.“First day ko pa lang po, Sir. Pero ayaw mo na agad akong makita. Sorry po pero magtitiis ka sa mukha na ito. Kalma ka lang rin po at baka magkasakit ka pa ng highblood kapag ganyan ka lagi. Relax lang po, relax ka lang, kalma,” sabi ko at sinimulan ko ng iligpit ang mga nagkalat na mga papel sa sahig.“Sana hindi ka na bumalik,” napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Mahina pero sigurado ako sa narinig ko.“Puwede naman akong umalis kung ayaw mo talaga na makit

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C64

    LORIE LOVEAFTER 4 YEARS…“Welcome home, anak! Kumusta ang byahe mo?” bati ng pamilya ko sa akin sa pagdating ko dito sa bahay.“Miss na miss ko kayong lahat, okay naman po, nay,” sabi ko sa kanila.“Kami rin, anak,” nakangiti na sabi sa akin ni nanay.Niyakap nila ako kaya niyakap ko rin sila isa-isa ng mahigpit. Sobrang na miss ko talaga ang pamilya ko. Sa loob kasi ng apat na taon ay hindi ko sila nakasama.“Congrats, bunso. Proud na proud kami sa ‘yo,” sabi ni kuya sa akin.“Thank you, kuya. Sobrang thank you,” nakangiti na sabi ko at niyakap ko siya.“Alam ko na ginalingan mo kaya nagluto kami ng mga paborito mo,” sabi niya sa akin.“Miss na miss ko na talaga ang mga pagkaing pinoy,” sabi ko sa kanila.“Maliban sa pagkain ay ano pa ang na miss mo?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Kayo, kasi miss na miss ko na kasi talaga kayo,” sagot ko sa kanya.“Kami lang ba?”“Kuya, gutom na po ako,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Hayaan mo na lang muna ang kapatid mo, anak. Pagod ‘yan sa b

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C63

    LORIE LOVEHabang umiiyak ako ay may narinig ako na nag-dodoorbell kaya naman pinunasan ko ang luha ko at lumabas ako para tingnan. At hindi ko inaasahan ang bisita na pupunta sa akin. Dahil nandito siya, nandito si madam ngayon.“Magandang gabi po, madam,” bati ko sa kanya.“Kumusta ka dito? Okay ka lang ba dito na ikaw lang?” tanong niya sa akin at nakangiti na siya ngayon.“Opo, okay naman po ako.”“Mabuti naman, akala ko kasi ay hindi. Kapag gusto mong pumunta sa bahay ay umuwi ka lang doon. May dala akong pagkain,” sabi niya sa akin at hindi na siya tulad kahapon na nakasimangot.“Salamat po,” nahihiya na sabi ko sa kanya.“May pinuntahan lang ako dito kaya napadaan na ako,” sabi niya at umupo siya sa may sofa.“Gusto mo po ba ng maiinom?”“I’m good, hindi naman ako magtatagal. Balita ko pala ay sa sabado na ang operasyon ng nanay mo,” sabi niya sa akin.“Opo, sa sabado na po.”“Alam ko na kaya ng nanay mo,” sabi niya sa akin.“Salamat po, salamat po sa inyo ni Cong. Dahil po sa i

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C62

    LORIE LOVEHindi ko alam pero nakakaramdam ako ng lungkot. Nalulungkot ako dahil ako lang mag-isa dito ngayon. Hindi ako sanay, hindi ako sanay na ako lang ang nandito at wala ang makulit ko na boyfriend. Kumusta na kaya siya? Nakarating na kaya sila sa pupuntahan nila?Gusto ko sana siyang tawagan pero hindi ko ginawa dahil alam ko na baka busy siya. Alam ko rin na tatawag siya sa akin kapag free na siya. Kaya naman nagluto na lang ako ng hapunan ko. Napangiti ako dahil kumain siya kanina bago siya umalis. Malinis ang kusina ay halatang naglinis siya.Kahit pa naninibago ako sa kanya ay natutuwa ako. Hindi naman pala siya gano’n ka sosyal. I mean kahit pa mayaman siya ay marunong rin naman pala siya sa mga gawaing bahay. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal siya ng mga tao rito. Hindi kasi ako masyadong interesado sa politika kaya hindi ako pumupunta sa mga lugar na pinupuntahan nila kapag kampanya.Tamad na tamad talaga ako kaya taong bahay ako kapag walang pasok sa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status