LOGINLORIE LOVE
“Lorie, dalhan mo raw ng chips si Sir Johann sa room niya,” sabi sa akin ng isa pang katulong dito sa mansion.
“Anong chips daw?” tanong ko sa kanya.
“Hindi naman niya sinabi, basta chips daw,” sagot niya sa akin.
“Okay sige,” sabi ko at kumuha ako ng lahat ng klase ng chips para naman hindi na ako bumalik ulit dito sa baba.
Hindi pa tapos ang party pero nasa room na nila siya kasama ng jowa. Siguro ay nag-jugjugan na ang dalawang ‘yon. Mukha pa namang mahilig itong ninong kong hilaw. Pero ano nga ba ang pakialam ko sa kanya. Simula ngayon ay kalilimutan ko na siyang ninong ko.
Ayaw naman niya akong tanggapin na inaanak niya kahit ang totoo naman ay inaanak niya. What if ipakita ko na lang kaya ang baptismal ko? Maniniwala na kaya siya? Pero ‘wag na, ‘wag na dahil pinahiya niya ako kanina sa harap ng mga kaibigan niya. Sinigawan niya ako at alam ko na galit siya pero bakit ako pa rin ang inutusan niya na magdala ng chips nila.
“Papagalitan kaya niya ako ulit?” tanong ko sa sarili ko.
Kung pagalitan man niya ako ay bahala siya. Wala naman akong kasalanan eh. Bahala siyang magalit, hindi naman siya ang boss ko. Oo boss ko siya pero may main boss at iyon ang mommy niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell nitong room niya. Dito ay hindi uso ang katok-katok dahil soundproof daw ang mga room kaya nilagyan na nila ng doorbell. Pero ang magaling na congressman ay hindi man lang binubuksan ang pintuan niya.
“Baka nasa baba siya,” nakangiti na sabi sa akin ng gwapo kong boss tapos mabait pa.
“Ang sabi po ng kasamahan ko ay nagpapadala daw po ng chips dito,” sagot ko sa kanya.
“Puwede ba akong humingi ng chips?” nakangiti na tanong niya sa akin.
“Pumili na lang po kayo,” nakangiti na sagot ko sa kanya.
Kaagad naman siyang nakapili ng gusto niya.
‘Thank you?”
“Lorie Love po,” nakangiti na sagot ko sa kanya.
“Bagay sa ‘yo ang pangalan mo. Ako naman si Joranz, but you can call me Kuya Ranz,” sabi pa niya.
“Okay lang po na kuya at hindi sir?”
“Kapag tayong dalawa na lang,” nakangiti na sabi niya na para bang hindi man lang nangangalay ang labi niya sa kakangiti.
“S–Sige po, kung ‘yan po ang gusto mo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Huwag kang mahiya sa akin. Kapag may kailangan ka o kung ano man ay sabihin mo lang sa akin,”
“Salamat p–”
“Bakit hindi ka pa pumasok?” galit na tanong sa akin ng masungit kong boss at matalim ang tingin na binigay niya sa akin.
“Hindi mo naman po–”
Nagulat na lang ako dahil bigla niya akong hinila papasok sabay sara ng pintuan.
“Where’s my chips?” tanong niya sa akin at ang lapit namin sa isa’t isa.
“Ito po, pumili ka lang po kung alin ang gusto mo,” sagot ko sa kanya.
“Bakit mo binigay kay kuya ang chips ko? ‘Yon ang gusto ko eh,” sabi niya sa akin.
“Sabi kasi niya ay gusto niya ng chips kaya pinapili ko siya. Hindi mo naman kasi sinabi kung alin o ano ba ang gusto mong chips kaya dinala ko na lahat dito. Kung ‘yun ang gusto mo ay kukuha na lang ulit ako sa baba,” sabi ko sa kanya.
“Pinakaayaw ko sa lahat na kapag ako ang nag-uutos ay ako ang binabalewala,” sabi niya sa akin.
“Alam mo, ang kulit mo rin talaga. Kukuha na nga lang ulit ako sa baba,” sabi ko sa kanya dahil parang mauubos ang pasensya ko sa matandang ito.
“Huwag na! Nawalan na ako ng gana,” sabi niya at tinalikuran na ako. Umupo ito sa may sofa dito sa room niya, siya lang rin at wala ang babe niya, binuksan niya rin ang malaking tv.
Pero nanlaki ang mga mata ko dahil sa bumungad sa screen. May dalawang tao na n*******d at may umuungol.
“Fvck!” mura niya sabay patay ng tv.
“Ang bastos mo naman, alam na may bata dito eh binuksan mo ‘yan. Bakit hindi mo na lang paakyatin ang babe mo dito para kayo na lang na dalawa ang–”
“Ang ano? Ano ang alam mo? Ituloy mo? Bakit, totoo ba na may experience ka na?” tanong niya sa akin.
“Ano naman kung mayroon na? Ano naman ngayon?” mataray na sabi ko sa kanya dahil naiirita ako sa mukha niya.
“Sino ba ang boss sa ating dalawa?”
“Ikaw,” sabi ko sa kanya pero tinarayan ko pa rin siya.
“Ako pala, pero ginagamitan mo ako ng bastos mong tono.”
“Ikaw nga pinahiya mo ako kanina. Wala naman akong kasalanan sa ‘yo pero sinigawan mo ako,” sabi ko sa kanya.
“Bakit ka kasi nagsuot ng ganyang damit?” tanong niya sa akin.
“Ano ba ang mali dito sa damit ko? Mukha na nga akong manang tapos nagagalit ka pa. Ano ba ang gusto mo? Balutin ko ang sarili ko?” naiinis na tanong ko sa kanya.
“Lumabas ka na nga, lalo mo lang sinisira ang gabi ko.” pagtataboy niya sa akin.
“Kung sira ang gabi mo ay sira rin ang gabi ko. Akala mo ikaw lang, simula ngayon ay itinatakwil na kita bilang ninong ko, ayaw ko na sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.
“Bakit tinanggap ba kitang inaanak ko?” nakangisi na sabi niya pero inirapan ko lang siya.
Akmang lalabas na ako nang bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko.
“Hindi ko alam kung saan ka ba kumukuha ng lakas ng loob para tarayan ako ng ganyan. Pero sa susunod ay tutuluyan ko na ‘yang mga mata mo, at alam mo ang ibig kong sabihin,” sabi niya sa akin.
“Sorry ka na lang dahil hindi titirik ang mata ko sa katulad mong pangit na, matanda pa. Kahit naman katulong ako ay alam ko kung sino ang gwapo sa hindi, malinaw na malinaw pa itong mga mata ko,” sabi ko sa kanya na dahilan para mas lalong dumilim ang mukha niya.
“Isang insulto mo pa ay–”
“Ay ano? Tatanggalin mo ako sa trabaho? Subukan mo lang para malaman ng lahat na masama ang ugali mo. Tingnan ko lang kung manalo ka pa sa susunod na eleksyon,” sabi ko sa kanya.
“You–”
“Baba na po ako, Sir Congressman,” sabi ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas.
Nakangiti akong lumabas sa room niya dahil alam ko na iritang-irita sa akin ang matanda na ‘yon. Sungitan pa niya ako dahil ipagkakalat ko talaga na masama ang ugali niya. Pero syempre hindi ko naman ‘yon gagawin baka mamaya ay matagpuan na lang akong palutang-lutang sa kung saang ilog. Bumaba na ako dahil mukhang magiging masarap ang tulog ko ngayong gabi. Nakaganti na ako sa pamamahiya niya sa akin doon sa labas.
******
Kinabukasan ay maaga na naman akong gumising. Tulad ng ginawa ko kahapon ay ito ulit ang ginawa ko. Pero dahil tulog pa ang mga boss ko ay tumulong na muna ako sa mga kasama ko na maglinis sa pool area dahil ang kalat dito.
“Lorie, pinapatawag ka ni Madam.” sabi sa akin ng isa sa mga katulong rin dito.
Ako naman itong nagtataka kung bakit ako pinapatawag ng ganito kaaga.
“Ano kaya ang sasabihin niya sa akin?” tanong ko sa sarili ko.
Ano kaya, Lorie? hahahaha! thank you po sa inyong lahat! God bless po!
LORIE LOVEHindi na talaga kami umabot sa condo namin. Dahil parking pa lang ay pinapak na agad ako ng asawa ko. Ang excited niya talaga masyado kaya hinayaan ko na lang kasi gusto ko rin naman. Katulad ng sinabi ko kanina sa kanya ay bibigyan ko siya ng reward at ito na nga ito ngayon.“Sorry, love. Pero gusto ko talaga na gawin natin dito sa sasakyan ko,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Gawin mo lang ang lahat ng nais mo,” malambing na sabi ko sa asawa ko.“Humanda ka na dahil magkakaroon ng lindol dito,” nakangisi na sabi niya sa akin kaya naman tumawa ako.“Okay, show me,” natatawa na sabi ko sa asawa ko.Mabilis na naman niyang sinakop ang labi ko at nagpasakop naman ako sa kanya ng buong puso. Wala eh, marupok rin talaga ako at kailangan ko na tuparin ang sinabi ko na pagbibigyan ko siya. Kaya nga siya nagmamadaling umuwi dahil sa gusto niya ito.Inayos niya ang upuan niya at inangkin nga talaga niya ako dito sa loob ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung may dumadaan ba na tao d
LORIE LOVEDahil sa pasya naming dalawa na umalis ay gumala na lang kaming dalawa. Bumiyahe kami para pumunta sa isang sikat na food night market at napag-usapan na lang naming dalawa na dito magdate. Nakasuot ng sumbrero ang asawa ko at gano’n rin ako. Hawak rin niya ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Masaya ako na kasama ko siya. Walang dahilan para malungkot ako kahit pa hindi maganda ang nangyari kanina.“Love, alin d’yan ang gusto mo?” malambing na tanong niya sa akin.“Gusto ko ‘yon, ‘yon at ‘yon. Teka lang may mukhang masarap pa doon,” sagot ko sa kanya at tinuro ko sa kanya ang lahat ng gusto ko.“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, ang lakas mo pa rin talagang kumain,” sabi niya sa akin.“Opo, ako pa rin ito,” nakangisi na sabi ko dahil ang totoo ay hindi ko rin talaga alam kung masarap ba ang mga pinili ko na pagkain.Lahat naman ng gusto ko ay binili niya. Naghanap rin kami ng table na malapit sa may kumakanta. Kaya ang romantic rin naman ng puwesto naming dalawa d
LORIE LOVE“Mas pinili mo talaga ang alam mong mas maraming pera,” sabi pa niya sa akin kaya nasaktan ako dahil ang buong akala ko ay mabait siya.“Tita, mali po ang—”Nagulat ako dahil bigla na lang niya akong sinampal. Pero mas nagulat ako nang sampalin rin siya ng asawa ko.“Sinaktan mo ako?” tanong niya kay Johann.“Dahil sinaktan mo ang asawa ko. Anong karapatan mo para sampalin siya?” galit na tanong ng asawa ko at bigla akong natakot sa aura niya.Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka galit.“Dahil pinaglalaruan niya tayo. Sinaktan niya ang damdamin ng anak ko. Pinaasa niya ito at umasta siya na para bang wala siyang asawa,” sabi niya pero alam ko na alam niya na i-kwento ko na sa kanya ang tungkol sa asawa ko.Hindi ko lang sinabi sa kanya ang pangalan ng asawa ko dahil gusto kong alagaan ang image ni Johann.“Matagal ko na siyang asawa kaya ano ang sinasabi mo na pinaasa niya ang anak mo. Eh ang anak mo nga ang habol ng habol sa asawa ko,” sabi pa ni Johann.“What’s going o
LORIE LOVE“Ready na ba ako? Ready na ba ang asawa ko na mahusgahan ng iba? Dahil kahit pa anong gawin ko ay hindi mabubura ang nakaraan at naging katulong niya ako. Pumatol ang isang mayaman na congressman sa isang katulong,” saad ko sa sarili ko.Bumalik na naman ang pangamba sa puso ko. Alam ko naman na mahal ako ng asawa ko pero ayaw ko rin talaga na masira siya sa iba.“Love, are you okay?” nagulat pa ako sa biglang pagsalita ng asawa ko. Nakabalik na pala siya.“Okay lang ako.”“Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?”“Okay lang po ako, nagugutom lang,” pabiro na sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mag-alala siya sa akin.“Palapit na po akong matapos, sinalang ko na doon,” sagot niya sa akin.“Thank you, love. Kahit na hindi mo naman kailangan na gawin ay ikaw ang gumagawa,” sabi ko sa kanya.“Aalagaan po kita, love.”“Alam ko po, pero naalala ko lang pala. ‘Yong sahod ko noon ay hindi mo pala binigay sa akin,” natatawa na sabi ko sa kanya.“Hindi ba kita sinahuran?” tanong rin niya
LORIE LOVEWe decided na umalis na dito sa office at ngayon ay nandito na kaming dalawa sa condo niya. I miss this place, sobrang miss ko ang lugar na ito. Ang daming alaala ang mayroon sa lugar na ito. At halos masasaya ang mga naalala ko.“I’m finally home,” sambit ko.“Welcome home, love,” malambing na sabi sa akin ng asawa ko at niyakap niya ako mula sa likuran.“Thank you, Johannie. Sobrang na miss ko ang lugar na it–may wedding picture tayo?” tanong ko sa kanya dahil may malaking picture ang nasa pader.“Yes, noong umalis ka ay dineliver nila ‘yan dito,” sagot niya sa akin.“I’m sorry, I’m really sorry kung umalis ako,” sabi ko sa kanya dahil nalungkot na naman ako.“It’s okay, ngayon na nandito ka na ay magiging masaya na ulit ang unit na ito,” sabi niya sa akin.“Dito ka ba umuuwi?” tanong ko sa kanya.“Hindi, nang umalis ka ay umalis na rin ako dito. Doon na ako sa office nag-stay,” sagot niya sa akin.“Kaya pala ang lungkot pagpasok ko dito,” sabi ko sa kanya.“Magiging masa
LORIE LOVE“Ngayon na bumalik na ako. Ano ba ang pinakagusto mong matupad sa mga hiling mo?” tanong ko sa kanya.“Gusto ko na magkaroon na tayo ng anak,” sagot niya sa akin.“Ready ka na ba na maging daddy?” nakangiti na tanong ko sa kanya.“Matagal na, noon pa ako ready,” sagot niya sa akin.“Ipagdarasal ko na matupad ang gusto mo,” sabi ko sa asawa ko.“Sasamahan natin ng sipag pero hindi pa sa ngayon,” malambing na sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.“Sa tingin ko ay iyon ang dapat nating gawin,” sabi ko rin sa kanya at tumawa kaming dalawa.“Stay here, magluluto lang ako ng pagkain natin,” sabi niya sa akin.“Tulungan na kita–”“Love, hindi ka pa magaling, ako na lang po.”“Gusto kong gumalaw-galaw para naman mas mabilis akong gumaling. Kapag kasi nakatambay lang ako o nakahiga lang ako ay mas lalong sumasama ang pakiramdam ko,” sabi ko sa kanya.“Okay, pero kapag napagod ka ay sabihin mo agad sa akin,” sabi niya sa akin.“Opo, Johannie,” malambing na sabi ko at kumapit







