登入LORIE LOVE
“So, bakit love ang tawag mo sa babaeng ‘yan? Ang cheap mo naman kung siya ang tinatawag mong love.” tanong ng babae na halatang naiinis na dahil pasimple akong nilait pero kalmado lang ang boses niya.
“Dahil—”
“Dahil po, Lorie Love po ang name ko. Unang araw ko pa lang po kasi ngayon sa trabaho kaya po siguro hindi na ni Sir Congressman maalala ang pangalan ko. Ganun po talaga kapag nagkaka-edad na medyo mahina na ang memory,” sabi ko sa jowa nitong ninong cong ko.
Ako na ang nagpaliwanag dahil ayaw ko naman na siya pa. Baka mamaya ay mag-away pa silang dalawa. Hindi naman kasi ako babae ng matandang ito dahil katulong niya ako.
“Is that true, babe?” tanong pa ng babae.
“Yes,” sagot ni ninong pero ng nakatingin ako sa kanya ay ang sama ng tingin niya sa akin na para bang may mali akong ginawa sa kanya.
“Akala ko talaga ay pumapatol ka na sa–”
“Huwag po kayong mag-alala dahil hindi po ako mahilig sa matatanda. Masyado pa po akong bata para magkaroon ng boyfriend, at isa pa po alam ko na pangit ako,” sabi ko sa babae bago pa ako makarinig ng panlalait mula sa kanya ay ako na mismo ang lalait sa sarili ko.
“Dapat lang dahil hindi bagay ang katulong at boss, wala ka sa teleserye sa tv,” sabi pa niya.
Hindi na ako nagsalita at tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Nagsisimula ng lumiwanag ang mga ilaw dito sa daan. Malayo ito sa amin kaya ngayon lang ako ulit nakapunta dito. Kung tahimik sa lugar namin ay siya namang ingay dito sa city. Pero kasi sabi nga nila nasa city ang pera. Kapag masipag ka ay talagang may pera.
Sa unang sahod ko ay uuwi ako sa bahay. Bibili ako ng masarap na pagkain para sa pamilya ko. Gusto ko na makatikim rim sila ng masarap na pagkain. Masustansya ang mga gulay pero iba pa rin kapag may ibang pagkain rin silang matitikman.
Kaya pagbubutihan ko talaga ang trabaho ko para naman makuha ko ang una kong sahod. Hindi na siguro ako aasa na makakapag-aral pa ako. Ang mahalaga na lang talaga ngayon ay maka-survive ako. Kailangan kong mag-survive dahil sa dami ng kailangang gamot ng nanay ko.
Nagulat na lang ako dahil nakarating na pala kami sa mansion. Hindi ko man lang namalayan dahil iba ang nasa isipan ko. Bumaba na ang mga boss ko at ako ang huling bumaba pero hindi ko alam kung bakit masama pa rin ang tingin sa akin ng ninong kong hilaw.
“Galit ka po ba sa akin?” lakas loob na tanong ko sa kanya.
“Tawagin mo pa akong matanda sa susunod ay lagot ka sa akin,” sabi niya at nauna na siyang pumasok sa loob kasama ang jowa niya.
Kaya pala galit dahil tinawag kong matanda. Eh matanda naman talaga siya sa akin. Kung sabagay ay hindi naman siya mukhang matanda dahil nga gwapo siya. ‘Yon nga lang ay palpak lang sa ugali o baka sa akin lang dahil ayaw na ayaw niya na tinawag ko siya na ninong.
Sumunod na ako sa kanila at dito ako dumaan sa likod ng bahay. May mga bisita na kasi sa loob. Hindi rin naman kasi talaga kami dumadaan sa main door dahil para lang ‘yon sa kanila.
“Kumusta, anak?” nakangiti na tanong sa akin ni nanay Flor.
“Okay naman po, nay.”
“Magpahinga ka muna dahil mamaya ay kayo ang tutulong doon sa pool party,” sabi niya sa akin.
“Okay po, nay. Salamat po,” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa silid kung saan ako.
Ang ibang mga katulong ay may mga kasama sa room nila. Ako lang ang wala kasi bago lang ako. At bawat room dito ay may sariling banyo para hindi na daw kailangan na lumabas pa ng mga katulong. Umupo muna ako sa may kama ko.
Natutuwa talaga ako dahil ang lambot nitong kama ko. Kaya talagang masarap ang tulog ko kagabi dahil hindi sumakit ang likod ko. Pero ewan ko ba parang tinatangay ako ng antok dahil bumibigat ang talukap ng mga mata ko pero pinipigilan ko lalo na may trabaho pa ako mamaya.
“Aray!” sinampal ko ang sarili ko para magising ako. Masakit kaya hinaplos ko rin ang pisngi ko dahil na palakas pa ang ginawa ko.
Tumayo na lang ako at nag hahanap ako ng damit ko dahil balak ko na lang maligo para mahimasmasan ako at mawalla itong antok ko. Mahirap na kapag hinayaan ko ang sarili ko na umidlip dahil baka mamaya ay makatulog ako at mahirapan pa sila sa akin.
Maayos talaga sa mga tauhan nila ang pamilyang ito kaya hindi ako magtataka kung marami ang nagmamahal sa kanila. Nakakatuwa lang na may shower rin ang mga banyo ng katulong at kumpleto pa ang mga gamit. Kaya parang ayaw ko tuloy umalis sa banyo dahil ang sarap maligo kapag ganito.
Gustuhin ko man ay kalahating oras na akong nandito kaya dapat na akong tumigil. Kumakanta pa ako habang naliligo ako kaya naman ang ganda talaga ng mood ko. Nang matapos na ako ay kaagad na akong lumabas sa banyo. May naririnig akong kumakatok kaya lumapit ako para buksan.
“Lorie, magsisimula na ang party nila. Kailangan na tayo doon, mauna na ako ha. Sunod ka na lang,” nakangiti na sabi ng kasamahan ko dito.
“Sige, sunod agad ako,” sabi ko sa kanya.
Nang makaalis siya ay mabilis kong tinali ang buhok ko. Basa pa kasi kaya ayaw ko naman na nakalugay. Mas okay na maayos ang buhok ko. Mabilis akong sumunod sa kasama ko. May mga inutos si manang na dalhin namin doon.
Ako naman ay alak ang hawak ko at ang sabi niya ay kay ninong ko raw ito mismo ibigay. Paglabas ko pa lang sa pintuan ay bumungad agad sa akin ang maingay at may mga disco light. May mga naka-bikini na mga babae. Bumabaha ng gwapo at maganda.
Ako naman ay hinanap ng mga mata ko ang ninong kong hilaw. Nakita ko siya at katabi niya ang jowa niya. Nakaupo sa kandungan niya ang babae. Parang sawa itong nakalingkis kay congressman. Lumapit naman ako sa kanila at napansin ako ni ninong.
“Excuse po, Sir Cong. Ito na po ang alak niyo,” sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita pero sumenyas siya na ilapag ko sa may mesa na nasa harapan nila kaya ginawa ko. Nakatayo lang ako ngayon at hinihintay ko ang susunod niyang utos.
“Bro, hindi ko alam na may maganda pala kayong maid,” sabi ng isang lalaki na nasa kalapit niyang upuan.
“Fvck off! Bata pa ‘yan,” sabi ni ninong habang seryoso ang mukha niya.
“Hi, Miss. Ilang taon ka na?” nakangiti na tanong sa akin ng lalaki.
“Eighteen po,” sagot ko sa kanya.
“Eighteen na pala eh, hindi na masama. Puwede ng pitasin.” nakangisi na sabi ng lalaki.
“Miss, may experience ka ba–”
“Umalis ka na dito at ‘wag ka ng babalik!” nagulat ako dahil bigla na lang sumigaw si ninong habang nakatingin sa akin.
“Po?”
“I said get lost!” sigaw niya kaya nakuha namin ang atensyon ng mga tao na nandito.
Ako naman itong hiyang-hiya na kaya mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng bahay. Bakit siya nagagalit sa akin? Wala naman akong ginawang mali. Itong kaibigan nga niya ang may balak na bastusin ako.
“Anong nangyari, anak?” tanong sa akin ni nanay Flor.
“Hindi ko po alam. Bigla na lang po siyang na galit sa akin. Wala naman po akong ginagawa,” sagot ko sa kanya.
“Hayaan mo na lang siya. Dito ka na lang sa kusina, tulungan mo na lang akong magluto ng mga pagkain. Hayaan mo na lang at baka may tama na ng alak,” sabi sa akin ni nanay.
“Baka nga po,” sabi ko na lang dahil ayaw ko na rin naman bumalik doon.
Thank you po sa inyong lahat... Nasa kabilang bakod po ito at nilipat ko lang dito hahahha. sana po ay suportahan niyo si Ninong Cong ❤️
MARIA TESSA/MATETMaaga pa lang ay gising na ako. Masarap ang tulog ko kagabi. Bumangon na agad ako at naligo na rin dahil sisimulan ko ng maaga ang mga kailangan kong gawin. Kumakanta-kanta pa ako habang naglilinis ako. Gising na rin naman ang ibang kasama namin dito sa bahay. Ginagawa na namin ang kanya-kanya naming mga gawain. “Ikaw na ba si Matet?” nagulat ako sa boses ng tao na nagsalita sa likuran ko. Kaya naman humarap ako sa kanya.“Good morning po, Sir Joranz,” nakayuko na bati ko sa kanya dahil hindi ko siya kayang titigan sa mata.“Good morning too.”“Ikaw na ba si Matet? Ang laki mo na,” tanong niya ulit sa akin.“Opo,” sagot ko sa kanya.“Ang tagal mong hindi pumunta dito sa bahay.”“Busy po ako sa school,” sagot ko sa kanya.“College ka na ba?”“Opo,” mabilis na sagot ko.“Saan ka mag-aaral?” tanong pa niya at sinabi ko naman kung saan.“Malayo ‘yon dito sa bahay. Kakayanin mo ba na bumiyahe araw-araw?” tanong pa niya sa akin at hindi ko talaga inaasahan na magiging inte
Si Maria Tessa “Matet” Buenavista ay anak ng isa sa pinagkakatiwalaan na katulong ng pamilya Zuares. Bata pa lang siya ay kilala na siya ng pamilya ng mga Zuares. Nang kailangan na niyang pumasok sa kolehiyo ay nanirahan na rin siya sa mansiyon para makatulong sa kanyang magulang at para na rin maibalik ang kabutihan ng mga Zuares sa pagsagot sa kanyang tuition f*e.Scholar siya ng mga Zuares ngunit nagulat siya ng bigla na lang siyang pinalipat sa condo ng panganay na anak ng mga Zuares. Ang kaniyang ultimate crush na si Joranz Leandro Zuares. Isang sikat at ubod ng gwapong businessman. Nakangiti ito palagi at mabait ito sa kaniya. Paano na siya kapag nakasama na niya ito sa iisang bubong? Maitatago kaya ni Matet ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang boss igop? O gagawin niya ang lahat para maging kaniya ito?NOTE: Ayaw pang tapusin ng editor ko ang story ng Zuares.. Gusto niya pang magdagdag ako.. Sana ay samahan niyo pa ako hahahaha!
LORIE LOVE Ang kasal naming dalawa ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Narito kami ngayon sa reception at kasama namin ang buo naming pamilya. Masaya ang lahat, masaya sila para sa amin. “Johannie, ang saya ko sobra.”“Ako rin, love.”“Sana ay lagi na lang ganito no? Sana ay magaan lang ang lahat at sana kapag ako nanganak ay hindi ako mahirapan,” sabi ko sa kanya.“Love, lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi. Ano man ang mangyari ay nasa tabi mo lang ako lagi,” sabi niya sa akin.“Alam ko, alam ko na hindi mo na ako papakawalan lalo na ngayon na magkakaroon na tayo ng anak,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Habang-buhay na ito. Wala ng balikan pa at never akong hihinto na mahalin ka,” sabi niya sa akin kaya naman napaiyak ako.“Pinapaiyak mo na naman ako.”“Sinasabi ko lang ang totoo, mahal na mahal kita. Ikaw ang palagi kong pipiliin sa kahit na anong panahon pa ng buhay ko sa mundong ito. Ikaw ang good karma ko, love.”“Ang mahalaga naman ay nagbago ka. An
JOHANNNaisip ko rin na kung magpapakipot pa ako sa asawa ko ay baka magbago bigla ang lahat. Baka bigla na naman siyang umalis. Baka bigla na naman niya akong iwan kaya ako na naman itong iiyak at kawawa. Nakita ko naman na hindi lang ako ang nasaktan. Na siya rin naman ay nasaktan pero wala lang siyang choice.Gusto kong magalit sa mommy ko pero naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ‘yon ginawa. Siguro ay dahil sa ayaw lang niya na masaktan ang asawa ko once na may sabihin sa kanya ang ibang tao. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa ay finally, nakuha ko rin ang ninanais ko. Naging akin siya ng buong-buo at walang paglagyan ang saya sa puso ko. Sobrang saya ko na akin na talaga siya, well, akin naman talaga siya noon pa pero ang malaman na walang nakasalisi sa akin ay ibang level pala. Hindi ko lang rin talaga inaasahan na ang isang babaero na katulad ko ay magiging suwerte sa lahat. Kaya ipinagpapasalamat ko talaga na naging tapat siya sa akin at gano’n rin naman ako sa kany
JOHANNGustuhin ko mang magalit sa kanya pero iba ang sinasabi ng puso ko. Iba ang gusto ng katawan ko. Alam ko na ginagawa niya ang lahat kahit pa tinataboy ko siya palayo. Siraulo ako dahil pinipilit ko siya na pirmahan ang annulment paper naming dalawa. Sa una ay ayaw niya pero sa huli naman ay ginawa niya.Ilang segundo akong nakatulala ng marealize ko kung ano ba ang ginawa ko. Kaya naman mabilis akong lumabas sa office ko para sundan siya. At nalaman ko na na trapped na naman siya sa loob ng elevator.“Kung kinakailangan niyong sirain ang elevator ay gawin niyo. Nasa loob ang asawa ko,” sabi ko sa kanila na halatang nagulat sila.“Fvck!”“T*ngina!” sunod-sunod na mura ko dahil naalala ko na naman na takot nga pala siya sa elevator dahil nangyari na ito ngayon.Kung kaya ko lang sirain ang elevator ay ginawa ko na. T*nginang elevator ‘to pamahamak palagi. Sa sobrang galit ko ay sinisante ko ang lahat ng mga nasa maintenance nitong building na ito. Binabayaran ko sila ng maayos per
JOHANNPaulit-ulit kong tanong sa sarili ko kung bakit ba niya ako iniwan? Kung ano ba ang ginawa kong mali? Kung mayroon ba talaga akong mali? Ang sakit, sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Iyon ang sakit na hindi ko alam kung paano ba mawawala. Sa bawat paglipas ng mga araw na wala siya sa tabi ko ay nawawalan rin ng kulay ang buhay ko. Kahit pa tanungin ko ang pamilya niya ay hindi rin nila alam. Ang tanging sagot sa akin ay aalis lang daw. “Pasensya ka na, anak. Kung alam ko lang ay sasabihin ko rin sa ‘yo. Buwan-buwan ay may dumadating na sulat dito sa amin. Walang nakalagay kung saan ba galing. Pero ang sinasabi palagi ay okay lang daw siya.”“Mabuti pa kayo, pero ako kinalimutan na niya,” mapait na sabi ko.“Sorry, anak. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ba niya ito ginawa sa ‘yo. Patawarin mo kami kung hindi ka man lang namin matulungan.”“Okay lang po, nay. Ako na po ang maghahanap sa kanya. Alagaan mo na lang po ang sarili niyo ay magpalakas ka po.”“Maraming salamat s







