CASSANDRA
Sobrang lakas ng ulan ng gabing iyon. Nagmadali kaming pumunta sa parking lot para makuha ni ninong ang kotse niya.
“Wait here.” utos niya kung kaya’t naghintay nalang ako sa gilid at mabilis niyang kinuha ang sasakyan niya.
Huminto siya sa harapan ko at ibinaba ang bintana, binuksan niya rin ang pinto ng kotse.
“Get in.” utos niya kung kaya’t sumakay na ako sa passenger seat.
“Basang-basa ka na, mamaya magkasakit ka na naman nyan.” saad niya sa akin na parang nagagalit.
Ano na naman ang kasalanan ko? Malamang mababasa talaga ako. Umuulan eh at saka siya rin naman basa na eh.
Ganitong-ganito rin iyon noong unang magkrus ulit ang landas namin ni Ninong Jonas tatlong buwan na ang nakalilipas. It was raining so heavily and I almost got a fever.
*Flashback*
“Lumayas ka sa pamamahay na ito! Layas! Malas ka sa pamilyang ‘to! Simula ngayon ay wala ka ng koneksyon sa amin!” asik ng aking tiyahin habang tinutulak ako palabas ng Mansyon kasama ang mga ilang gamit ko.
Ang Mansyon na pinangarap ni mommy at itinayo ni daddy sa dugo at pawis niya ay pagmamay-ari na ngayon ng malupit kong tiyahin at ng kanyang tatlong sutil na anak.
Sa lakas ng pagkatulak niya sa akin ay nadiin ko sa lupa ang aking palad dahilan upang magkasugat ito at dumugo.
Napahagulgol na ako ng iyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Parang awa niyo na po, wag niyo po akong paalisin, wala po akong mapupuntahan!” pagmamakaawa ko habang tumatangis ngunit tila mabagsik ang kanilang mga tingin na para bang isa akong lumang gamit na kailangang itapon na lang ng basta-basta.
“Umalis ka na dito, wala kang pamilya dito, Cassandra! wala na kaming pakialam sayo!” asik nila at tinalikuran ako.
Bumuhos ang malakas na ulan ng gabing iyon. Mabigat ang maletang dala-dala ko ngunit mas mabigat ang nararamdaman ng puso ko. My boyfriend cheated on me with my bestfriend sa mismong lamay ni daddy at bukod pa doon ay dumating ang isang estragherong hindi ko akalaing makikilala ko. Si Giovanni Zobel na pinagkakautangan pala ni daddy ng isang bilyong piso.
All this time, akala ko mayaman kami, na maayos ang kumpanya ni daddy at animo’y hindi nauubusan ng pera ngunit nang mamatay siya ay isinama niya ang kayamanan at mga kasinungalingang iyon sa hukay.
My life is so fucked up that’s why I decided to go to the bar to drink. Gusto kong malasing. Gusto kong kalimutan ang lahat kahit pansamantala lang.
“Martini, please.” saad ko sa bartender na kaagad niya namang sinerve.
Maya-maya ay hindi ko na halos namalayan ang oras at nakailang martini na rin ako kung kaya’t napagdesisyunan ko na umalis na.
“Mr. Bartender, bill-out please.” magalang na saad ko.
“Five thousand one hundred twenty three po ma’am.”
“Okay.” saad ko na kinuha ang wallet ko ngunit pagbuklat ko ay six thousand nalang pala ang pera ko. Mabuti na lamang at sumakto pa.
Hirap na hirap ang damdamin ko ng mga oras na iyon habang pinagmamasdan ko ang huling cash sa wallet ko. Ilang libo nalang at nagastos ko pa sa pag-iinom. Damn it! Saan ako matutulog ngayong gabi?
Umuulan pa rin ng malakas paglabas ko ng bar ngunit wala akong pakialam at nagpatuloy sa paglalakad. Masakit. Sobrang sakit. Napatingin ako sa kalangitan at tila masamang masama ang loob dahil hindi ko alam kung anong nagawa kong masama at bakit nangyayari sa akin ito.
Lasing pa rin ako ngunit unti-unti na akong nagigising dahil sa lamig na dulot ng malakas na pag-ulan. I was hopeless while walking on the empty dark road.
Mommy, Daddy, ngayong wala na kayo, sino nang mag-aalaga sa akin? sino nang ituturing kong pamilya?
Napahinto ako sa paglalakad at napa-upo sa gutter kung saan merong puno. Doon ako sumilong dahil nangangatog na ako sa lamig at pakiramdam ko ay lalagnatin na ako.
Nayakap ko ang mga binti ko at yumuko ngunit nasilaw ako sa ilaw ng kotse na tumama papunta sa direksyon ko at huminto iyon sa harap ko.
“Cassandra!” saad ng isang baritonong boses.
Iniangat ko ang aking ulo at doon ay nakita ko ang isang matipunong lalaki na papalapit sa akin.
“Sorry, I’m late.” saad niya ngunit nagbu-blurred na ang paningin ko at hindi ko na siya makilala.
Sino ang lalaking iyon? bakit sinasabi niya sa akin na nahuli siya? nahuli para saan?
“I’m here now.” saad niya ngunit nahihilo na ako.
Hindi ko alam kung epekto ba ito ng alak na nainom ko? o sadyang masama lang talaga ang pakiramdam ko?
Maya-maya ay naramdaman ko nalang ang malakas niyang mga bisig na binuhat pa-bridal style at isinakay ako sa kotse niya.
Nang magising ako ay ipinaliwanag niya sa akin ang lahat na ibinilin ako sa kanya ng tatay ko bago ito mamatay kung kaya’t simula non ay sa poder na ako ni Ninong Jonas tumira at inoferran niya ako na maging secretary at personal assistant niya sa office.
***
Nabalik ako sa kasalukuyan nang yugyugin ni Ninong ang braso ko.
“Case! Kanina pa kita tinatanong, saan mo gustong kumain?”
“Huh?! Ah eh– kahit saan nalang po Ninong, nakakatamad na kasi kumain eh, gabi na.” saad ko.
“Fine. Kahit saan.” saad niya na nagdrive.
Maya-maya ay inihinto niya sa tabi ang kotse kung saan natatanaw ang isang restaurant.
“Oh ayan, kahit saan.” saad niya na tumuro doon, napatingin ako sa restaurant at pagtingin ko sa signboard ay “kahit saan” nga ang pangalan nito.
Nasapo ko ang noo ko.
“No freaking way.” saad ko.
“Eh sabi mo kahit saan oh ayan, dinala kita sa kahit saan.”
Pilosopo talaga itong si Ninong Jonas kahit kailan! Bwisit! Sinabi ko lang na kahit saan dinala nga ako sa resto na ang pangalan ay “kahit saan”
“I was just joking. What I meant is ikaw na po bahala mag-isip kung saan tayo kakain po Ninong Jonas.” saad ko na ine-emphasize talaga yung word na “po” dahil baka sabihin niya na naman na wala akong galang.
“Ito lang resto dito at saka gutom na ako Cassandra, baba!” mariing utos niya kung kaya’t wala na akong nagawa kundi bumaba nalang ng kotse at pumasok kami doon sa “kahit saan” resto na iyon.
Hindi ko naman akalain na may ganon pala. Laro itong may-ari ng resto na ‘to.
CASSANDRA“What the fuck was that?!” inis na tanong ko kay Ninong Jonas habang papunta kami sa Airbnb kung saan kami mag-iistay. Gabi na at napaod kami sa maghapong trabaho.“Hey, languange!” saway niya sa akin. “Ako pa talaga ginawa mong pang-sample kanina! Kainis! How dare you?! I hate you, Ninong!” “Case, baka nakakalimutan mo, nasa trabaho tayo at bayad ang serbisyo mo sa akin, kaya gagawin ko kung anong gusto kong gawin sayo.” “Oh really?!” singhal ko na inilapit ang mukha ko sa kanya. 1 inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin. “What do you want to do to me now?” tanong ko sa kanya. Halatang hindi siya mapakali dahil sobrang lapit ko sa kanya. “Nothing! I don't know where this kind of attitude came from, Cassandra! hindi kita kinupkop para maging spoiled brat! ganyan ba pagpapalaki sayo ni Daniel?! huh?! ang bait bait ng tatay mo tapos ikaw!” “Ano?! sabihin mo, ano?! I’m not a spoiled brat!” singhal ko na nilubayan na siya dahil sa inis ko. Maya-maya naman ay may dumat
CASSANDRADoon na kami nag-almusal. Al fresco dining doon kung kaya't habang kumakain kami ay tanaw na tanaw namin ang napakagandang view ng paligid. Sariwa ang hangin at masasarap ang pagkain. Nag-order kami ni Ninong ng silog meals sa restaurant doon. Magkaharap kami ni Ninong habang kumakain at halata naman na gutom na gutom na siya dahil nilalantakan niya talaga yung pagkain niya. “Ang sarap ng pagkain nila dito, Ninong tapos ang ganda pa ng view habang kumakain tayo!” masiglang saad ko ngunit hindi niya ako pinapansin at panay lang ang kain. Grabe! galit galit muna?! ganon?! tss, ini-isnob mo ang kagandahan ko huh!Napatingin naman ako doon sa inorder namin na hungarian sausage at naka-isip ako bigla ng kalokohan. “Grabe solid yung silog meals nila dito! Lalo na ‘tong hungarian sausage nila dito. Malaki, mahaba at higit sa lahat mataba! ang sarap isubo!” Pagkasabi ko nun ay biglang nasamid si Ninong Jonas. “Ay! Ninong! bakit po?! okay lang ho ba kayo?! Ninong!” saad ko na
CASSANDRA “Uhm, Ninong! Okay na po yung mga gamit niyo lalabas na ho ako!” sigaw ko sa kanya. “Sige, iwan mo lang dyan, ako na ang magbibitbit.” saad niya ngunit paglingon ko sa kanya ay bigla akong nadulas dahil basa yung sahig ngunit nasalo niya naman ako kaagad. “Ay! Ninong!” napakapit ako ng mahigpit sa kanya dahil akala ko talaga ay matutumba ako. Siguradong mababagok ang ulo ko sa lakas ng bagsak ko pag nagkataon. “Case! Are you alright?” tanong niya dahilan upang mapatingin ako sa napaka-gwapo niyang mukha at madama ang kanyang six pack abs! Nakatapis lang siya ng puting twalya sa bewang niya. “Your nose is bleeding!” saad niya kung kaya’t mabilis naman akong napahawak sa ilong at may dugo nga. Shit! Paano ko sasabihin sa kanya na nag nosebleed ako dahil nakita ko siyang nakahubad at napakalapit niya sa akin?! “I-I’m okay, Ninong.” saad ko na tumayo na at tumalikod ngunit hinigit niya ako ng marahan sa braso. “Are you sure? Gusto mo pumunta tayo sa ospital?”“Naku, wag
Dinala ako ni Ninong Jonas sa ice cream house pagkatapos ng trabaho namin dahil babawi nga daw siya sa akin ngunit ayoko doon. Pwede naman kami sa Bar at uminom bakit dito pa? “What am I? Twelve?! Bakit dito mo ako dinala, Ninong?”“Cassandra, I thought you like mint chocolate ice cream.” saad niya na kumakain ng vanilla flavored ice cream. “Yes but I prefer it on some other days.” “Ano bang gusto mo? Pag tinatanong kita palagi mong sinasabi ako bahala.”“You don't know what a lady wants paano ka magkaka-girlfriend nyan?!” asik ko sa kanya. “Bakit pati lovelife ko nasama? Hindi na ako natutuwa sayo, Cassandra!” asik niya habang nilalantakan yung ice cream. “I want wine. I want martini!”“You can have it. Basta doon lang sa Mansyon.”“What?! Balak mo ba akong gawing preso?!”“Iniingatan lang kita, kita mong namatay nga ang daddy mo eh.” “Nagpakamatay siya hindi pinatay.” “Iyon na nga! And I hate Daniel for doing that!”“Umuwi na nga lang tayo! Ayoko ng pag-usapan yan. ” saad ko
CASSANDRANang makainom ako ng gamot ay inaantok na din naman ako kaagad. Ito ang unang pagkakataon na sinamahan ako ni Ninong Jonas sa kwarto ko. I want him so bad ngunit wala siyang ginagawa. Binabantayan niya lang ako. KINAUMAGAHAN ay nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa bintana ng kwarto ko. Mataas na ang sikat ng araw at mukhang magdamag na nakabukas ang kurtina dahilan upang tumagos iyon sa loob ng kwarto ko.Napalingon ako dahil may naramdaman akong gumalaw sa tabi ko at laking gulat ko nang makita ko si Ninong Jonas na walang t-shirt at tanging boxer shorts lang ang suot kung kaya’t napasigaw ako dahilan upang malaglag siya sa kama ko. Napatakip naman ako ng mga mata ko gamit ang dalawang kamay ko. “Case! I’m sorry, magpapaliwanag ako.” “Just– Just put your clothes on and get out, Ninong!”“Okay. I’m sorry. Fuck!” asik niya na ginawa nalang ang sinabi ko at pinulot ang t-shirt niya at saka lumabas ng kwarto ko. Nagulat talaga ako dahil kitang-kita ko ang malapad
CASSANDRANang matapos kami sa pagkain ay 10:00 pm na ngunit malakas pa rin ang ulan. “Ano ba yan! Badtrip!” asik niya habang tinitignan ang sama ng panahon ngunit kailangan na naming makauwi dahil maaga pa kami bukas. “Ano? Uwi na tayo? Kaya mo ba?” tanong niya sa akin. “Opo Ninong, okay lang ho sakin.” “Sige, mag-iingat nalang ako sa pagda-drive.” “Okay.” iyon lang ang sinabi ko at akmang susugod na sa ulan ngunit bigla niyang hinigit ang braso ko. “Wait!” saad niya na kaagad na hinubad ang suot niyang coat at itinabon sa aming dalawa upang magsilbing pandong. “Okay, go!” mabilis naman kaming sumakay sa kotse, una niyang binuksan ang passenger seat para makapasok na ako sa loob at saka naman siya umikot at sumakay sa driver's seat. Ang totoo ay nangangatog na ako sa lamig dahil kanina pa basa ang damit ko, hindi ko lang sinasabi. “Are you okay?” tanong niya sa akin. Siguro ay napapansin niya na ang panginginig ng katawan ko. Pinatay niya naman na ang aircon ng kotse ngunit