Share

KABANATA 175

last update Last Updated: 2025-08-03 22:52:44
MARIANNE

Nang imulat ko ang mga mata ko ay ang asawa at baby namin ang bumungad sa akin. Buhat buhat niya na ito ngayon.

“Kumusta ang pakiramdam mo, mahal?” malambing na tanong sa akin ng asawa ko.

“I’m good, mahal ko. Si baby, okay lang ba siya?”

“Okay na okay ang baby girl natin. Kanina ay tinatanong nila ako kung ano ba ang pangalan ng baby natin,” sabi niya sa akin.

“Amara Ysabel Nerizon Alcantaria,” nakangiti na sabi ko sa asawa ko.

“Baby Amara, mahal na mahal ka namin ng mommy mo,” sabi ng asawa ko kaya naman ang saya ng puso ko.

Ang lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko ay bigla na lang nawala. Buo na talaga ang pagkatao ko dahil may pamilya na ako na masasabi kong akin. At aalagaan ko ito habang buhay.

“Mahal, dalawa pa ang kulang ha,” nakangisi na sabi sa akin ng asawa ko.

Ako naman itong hindi makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Talagang ngayon niya sinasabi ito sa akin eh kakapanganak ko pa lang. My gosh! Talaga ang lalaking ito.

“Mahal, awat ka naman. Saka na n
CALLIEYAH JULY

MARAMING SALAMAT PO SA INYO. MEDYO MATAGAL ANG UPDATE KASI PINAG-IISIPAN KO PA KUNG PAANO KO BA GAGAWAN NG ENDING HAHHAHA... AUGUST 5 PO AY STOR NA NI LIBBY. DITO NIYO RIN PO MABABASA.. SALAMAT PO & GOD BLESS YOU ALL!

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Irish Culminas
author ky libby at gene naman na story
goodnovel comment avatar
jeannetaminos
ano po ang title ng story Nina lobby at Arthur,pati na din po sana sa story Nina gene at Val po... please author,sana mapansin mo din tong comments ko..thank you po
goodnovel comment avatar
Welita Belves Alegarbes
grabe, sobra sobrang ganda ng story nila, OMG, Miss A,, thank you wlng paligoyligoy, next episode po pls,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C90

    LIBBY“Arthur, can I join here? Wala kasi akong kasama eh, ang lungkot naman kung mag-isa lang ako,” sabi pa ng babae.At ang asawa ko naman ay nakatingin sa akin. “Subukan mo at aalis ako,” saad ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kanya.“Lixie–”“Okay lang naman siguro sa asawa mo,” sabi pa niya.“Lixie, it’s not okay. Ayaw ko na magalit sa akin ang asawa ko. At hindi naman talaga naging tayo. Alam mo na magkaibigan tayo at hanggang doon lang ‘yon. Hindi naging tayo, hindi kita naging ex at higit sa lahat ay hindi ikaw ang first love ko,” sabi ng asawa ko na hindi ko inaasahan.“Arthur, naging tayo diba. Nagkakaunawaan tayo, lumalabas nga tayo noon eh. Tapos sasabihin mo na–”“Sinamahan lang kita dahil wala kang kasama. Magkasundo tayo dahil kaibigan ang tingin ko sa ‘yo. Kaya sana ay ‘wag mong sirain ang dinner namin ng asawa ko. Minsan lang namin ito gawin kaya sana hayaan mo na lang kami,” sabi pa ni Arthur kaya hinawakan ko ang kamay niya.“Fine! Kung ayaw niyo edi ‘wag,”

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C89

    LIBBYDahil sa naging usapan namin ng asawa ko na magbabakasyon kami ay pumunta kami sa ibang bansa. Sabi niya ay hindi naman daw ito honeymoon pero ito naman ang ginawa niya. Pero dahil sa Brazil kami ay gusto ko ng mg outdoor activities. Para masulit naman itong bakasyon namin. Isang linggo kami dito at next week ay sa ibang bansa na naman kami pupunta.Ang sabi niya ay secret daw. Siya lang talaga ang nakakaalam kung saan ba kami pupunta. Ako itong nagugulat na lang sa kanya. Gusto ko sana na dalhin mga alaga ko pero hindi naman puwede kaya doon na muna sila kay mommy. Siya na muna ang mag-alaga sa mga apo niya.Iniisip ko tuloy ngayon kung ano ba ang ginagawa nila.“Okay pa kaya si mommy?” natatawa na saad ko sa sarili ko kaya nakatingin sa akin ang asawa ko at ngumiti lang ako sa kanya.Masanay na siya sa akin dahil weird talaga ang asawa niya at wala na siyang magagawa pa.“Nagugutom ka na ba?” malambing na tanong niya sa akin.“Hindi pa,” sagot ko sa kanya.“Coffee?”“Ayaw,” sag

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C88

    LIBBY“Mom, baka naman matunaw si gov?” pang-aasar ko sa mommy ko.“Tigilan mo nga ako, Liberty.”“So, nagsisisi ka na ba ngayon?” tanong ko sa kanya.“Saan?”“Na sinabi mo na pangit siya,” pang-aasar ko sa kanya.“Gwapo naman pala talaga, anak. Pero mas bagay pa rin talaga kayo ni Arthur.”“Mabuti naman at sa manugang mo pa rin ang panig mo,” sabi ko sa kanya.“Alam ko na noon pa man ay si Arthur na ang para sa ‘yo,” nakangiti na sabi niya sa akin.“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”“Ang alin?”“Na kaibigan mo pala ang mommy ni Arthur at kilala mo na talaga siya,” sabi ko sa daddy ko. “Kailangan mo pa bang malaman? Mas maganda na hindi mo alam,” sabi niya sa akin.“Ang hilig mo talaga sa mga surprises,” natatawa na sabi ko sa kanya.“Gusto ko lang na magustuhan mo siya at hindi ang alam mo na gusto ko lang na maging kayo.”“Sa tingin mo ba gusto ko siya?”“Hindi mo ibibigay ang sarili mo kung hindi,” sabi niya sa akin.“Bakit ba lagi ka na lang tama?” natatawa na sabi ko sa kanya.“Mab

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C87

    LIBBYPero nagulat na lang ako dahil bigla na lang akong hinila ng asawa ko at tinakpan niya ang mga mata ko.“Mister, kalma ka nga,” sabi ko sa kanya at natatawa pa ako.“Ikaw ang kumalma. Kumikislap na naman ang mga mata mo,” sabi niya sa akin.“Hindi ah, mali ka naman eh.”“Kitang-kita ko at kitang-kita naming lahat,” sabi pa niya sa akin.“Nagulat lang ako. Hindi ko kasi inaasahan na pupunta siya dito. ‘Wag ka ng magselos,” sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang labi niya.“Eyy, ang sweet naman,” narinig ko na pang-aasar ng mga kaibigan ko.“Hindi ko na ‘yan crush.”“Bakit?” tanong pa niya sa akin na para bang gusto niya talaga magselos.“Kasi may bago ng humahanga kay gov,” sagot ko sa asawa ko at tinuro ko sa kanya gamit ang nguso ko kung sino ba tinutukoy ko.Tinuro ko sa kanya ang mommy ko na nakatulala na lang kay gov. Ngayon niya talaga sabihin na pangit si gov. Eh mukhang nagulat pa nga siya. Nagulat siya kung gaano ka gwapo ang niligawan ng anak niyang babae.“Mom, ako po ang

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C86

    LIBBY“Ano ba talaga ang mga hindi ko alam?” tanong ko sa sarili ko.Alam ko na kahit ilang tanong pa ang itanong ko sa sarili ko ay hindi ko naman malalaman ang sagot. Kaya hahayaan ko na lang ito. Ang mahalaga sa ngayon ay alam ko na magkakasundo si mama at ang mommy ko. Walang magiging problema dahil magkaibigan pala silang dalawa.“Sexy!” napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Yanne kaya naman sobrang saya ko na nandito rin pala ang kaibigan ko.“I miss you, pretty,” parang bata na sabi ko at niyakap ko siya.“I miss you too. Kumusta ang misyon niyo?” nakangiti na tanong niya sa akin.“Ayon, tapos na.”“Ang bilis ah, iba talaga ang tandem niyo ng asawa mo,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Pumabor lang talaga ang tadhana,” sabi ko sa kanya.“At alam ko na talagang tinrabaho niyong dalawa. Alam ko rin na ginalingan mo,” sabi niya sa akin kaya pinipigilan ko ang mga luha ko.Naiiyak ako dahil hindi ko kasi siya kasama. Nasanay na kasi ako na panay ang utos niya sa akin. Tapos

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C85

    LIBBYHindi ako takot sa mga lumiplipad na mga bala pero ngayon ay kinakabahan ako. Paano ba naman pinilit ako ng nanay kong bruha. Wala pa naman kasi akong balak na sumama sa asawa ko pero siya naman itong pinipilit ako at ang mas masama ay kasama pa talaga siya. Makikita na tuloy niya kung paano maging demure ang anak niya mamaya.Ang asawa ko ang nagmamaneho ng sasakyan at sa kabilang sasakyan naman ang nanay at tatay ko. Talagang kasama pa silang dalawa. Mabuti na lang talaga at nasa US ang kuya ko kaya naman hindi namin siya kasama. Dahil kapag nagkataon ay pagtatawanan ako ng isang ‘yon. Minsan sweet pa naman siya at minsan naman ay bully siya sa akin.“Okay ka lang ba, misis ko?”“Okay lang ako,” sagot ko sa kanya.“Bakit ang lamig ng kamay mo? Kinakabahan ka ba?” tanong pa niya sa akin.“Medyo,” sagot ko sa kanya.“Si mommy at daddy lang naman ang haharapin natin kaya relax ka lang. Hindi mo kailangan na kabahan,” sabi pa niya sa akin.“Kinakabahan talaga ako,” sagot ko sa kan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status