Una po sa lahat ay gusto ko magpasalamat kay Miss Yanne na hinayaan ako na gamitin ko ang pangalan niya sa story na ito.. thank you so much po, Miss Yanne. At sa inyong lahat po na patuloy na nagbabasa sa story na ito.. may mga umalis pero marami pa rin ang nanatili.. maraming-maraming salamat po sa pagsama sa akin dito sa journey ko.. hindi ko inaasahan na mamahalin niyo ang ninong story ko dito... God bless you all po! at next story ay kay Libby na po..
LIBBY“Bakasyon na!” masayang sambit ko after nang isang nakakapagod na trabaho.Sipa at suntok ang ginagawa namin para makipaglaban sa mga kaaway. Gumagamit rin kami ng baril kapag nakikipag-barilan na sila sa amin, pero ngayon ay bakasyon ko na. Naamoy ko na ang masayang bakasyon ko. Dahil natapos na ang misyon namin dito sa US. Si Yanne ay babalik na sa Pilipinas para makasama niya ang daddy niya. At si Gene naman ay magstay na lang daw muna siya dahil may part time job siya. Ako naman ay uuwi rin sa amin dahil sure ako na miss na miss na ako ni Lavinia.Kahit pa ayaw niya sa trabaho ko ay alam ko na gusto pa rin niya na umuwi ako. I miss my mom kahit pa lagi kaming nag-aaway. Pero bigla na lang nagbago ang lahat ng plano ko dahil kailangan ako ng kaibigan ko. Kaya naman imbis na sa bahay ako dumiretso ay mas pinili ko sa lugar nila Yanne. Kahit pa hindi ko kabisado ang probinsya nila ay go na go pa rin. Hindi naman ako naging agaent kung hindi ako sanay sa ganito.Hindi ko kasi pu
Isang babae na nais maging malaya. Nais niyang mag-explore kaya sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Valentine, ang kumuha sa kanya para maging isang agent. At naging bahagi siya ng organisasyon nito. Siya si LIberty "Libby" Villamor. Siya ang sexy, kabog at magaling na agent.Ayaw man ng kanyang ina sa landas na tinahak niya ay mas pinili niya ang pangarap niya. At hindi naman siya nagkamali dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng saya. Hanggang sa kailangan niyang tulungan ang kaibigan niya sa misyon nito. At dito niya nakakasama ang isa sa magaling niyang partner, si Gallong ang artistang ahas.Maayos ang lahat hanggang sa dumating sa buhay niya si Arthur Alcantaria. Ang lalaking nagpapakulo sa dugo niya.. Isa rin itong agent na makakasama niya. Ang nagbigay sa kanya ng pangalan na mangkukulam. May pagmamahalan kayang mabubuo sa pagsasama ng dalawang magaling na agent? o baka sa iba siya itinadhana?CODE NAME: SEXY MANGKUKULAM FT. GALLONG (LIBBY'S STORY)
MARIANNELumipas man ang mga taon. Walang nagbago sa pagmamahal ko sa asawa ko at masasabi ko na ganun rin naman siya. Mas naging sweet pa nga siya sa akin. At syempre gwapo pa rin siya. Kahit na senior na ay inaalagaan niya ng mabuti ang katawan niya. Nadagdagan pa ng dalawa ang naging anak namin. Isang lalaki at isang babae. Kaya naman ang kabuuang anak namin ay naging lima na. May dalawang lalaki at tatlong babae kami. Babae ang bunso naming anak at ito ay si Athena Drew Alcantaria. Ang second son naman namin ay si Andrei Mavy Alcantaria. Masaya kami na malaki na talaga ang pamilya namin. Masaya ako na makita ang mga anak ko na malusog at may mga pangarap. Hinayaan namin silang mabuhay sa paraan na gusto nila. We gave them their freedom to choose what they want.Kami naman ng daddy nila ay nandito lang palagi para sa kanila. Susuportahan namin sila sa abot ng makakaya namin. Sulit ang lahat ng puyat na naranasan ko sa kanila dahil mabait ang mga anak ko. Pero mukhang nagbago sila
MARIANNENang imulat ko ang mga mata ko ay ang asawa at baby namin ang bumungad sa akin. Buhat buhat niya na ito ngayon.“Kumusta ang pakiramdam mo, mahal?” malambing na tanong sa akin ng asawa ko.“I’m good, mahal ko. Si baby, okay lang ba siya?”“Okay na okay ang baby girl natin. Kanina ay tinatanong nila ako kung ano ba ang pangalan ng baby natin,” sabi niya sa akin.“Amara Ysabel Nerizon Alcantaria,” nakangiti na sabi ko sa asawa ko.“Baby Amara, mahal na mahal ka namin ng mommy mo,” sabi ng asawa ko kaya naman ang saya ng puso ko. Ang lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko ay bigla na lang nawala. Buo na talaga ang pagkatao ko dahil may pamilya na ako na masasabi kong akin. At aalagaan ko ito habang buhay.“Mahal, dalawa pa ang kulang ha,” nakangisi na sabi sa akin ng asawa ko.Ako naman itong hindi makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Talagang ngayon niya sinasabi ito sa akin eh kakapanganak ko pa lang. My gosh! Talaga ang lalaking ito. “Mahal, awat ka naman. Saka na
MARIANNEMasaya ang naging buhay ko after ng kasal namin ni Andrew. Kahit na hindi naman kailangan ay nag-honeymoon pa rin kami. Buntis na nga ako pero gusto niya raw dahil iba raw ang mga advance honeymoon namin noon. Hindi pa naman daw kami kasal noon at ngayon na kasal na kami ay dapat lang gawin ang honeymoon.Ayaw ko mang iwan ang mga bata ay wala akong choice dahil itong asawa ko ay mapilit talaga. Naks! May asawa na talaga ako, hindi na ako basta inaanak na lang. Nasa akin na talaga ang lahat ng karapatan.Naging maayos na natapos ang honeymoon namin. At syempre gusto naman namin pareho lalo na si yorme ang pinaglilihian ko. Hindi naman ako ganito pero ngayon na buntis ako ay siya na talaga ang hinahanap ko. Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil masyado na talaga ito.Pabor na pabor na talaga ito sa asawa ko. Ang labas nito ay patay na patay ako sa kanya. Kahit pa hormones ko lang naman talaga ito. Sana talaga matapos na ito dahil hindi ako ito. Tigasin kaya ako, pero ngayon ay
MARIANNE (WEDDING DAY)Nagsimula na ang kasal naming dalawa. Hindi nga ako makapaniwala na kasal ko talaga ngayong araw dahil sa kagagawan ng mga kaibigan ko. Nataranta talaga ako kanina. Araw ng kasal ko na muntik ko ng pagsisihan kung hindi ako nakinig sa kanila. Mabuti na lang talaga at hindi ko pinasok ang sniper gun ko dito sa lobb. Dahil kung ginawa ko ‘yon ay baka talaga grabeng kahihiyan na ang nangyayari sa akin ngayon. Baka malaman na ng lahat kung sino ako at nakakahiya ito para sa iginagalang nila na mayor.Nagsimula na ang seremonya at hawak ni Andrew ang kamay ko. Ang higpit ng hawak niya na para bang ayaw niya na mawala ako sa kanya. Ayaw niya na tumakbo ako at hindi na ituloy ang kasal naming dalawa. “Mahal, ang higpit ng hawak mo. Takot ka ba talaga na tumakbo ako palabas?” pabiro na tanong ko sa kanya.“Baka kasi dalawin ka ng topak mo sa araw ng kasal natin at bigla ka na lang lumayas,” sabi niya sa akin kaya pinigilan ko ang sarili ko na tumawa kahit pa ang totoo