LOGINTHEA FAITH
“Marry me and I’ll pay you ten million pesos,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko. “Po?” tanong ko sa kanya dahil parang nabingi yata ako. “Marry me—” “Inaalok mo talaga ako ng kasal?” Tanong ko sa kanya. “You need my help and I need your help,” sagot niya sa akin. “I–Ibig pong sabihin ay single ka pa? Bakit po? Wala ka pang asawa?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya. “Kailangan ko bang sagutin kong bakit ako single?” tanong niya sa akin habang seryoso ang gwapo niyang mukha. “Hindi naman po, sorry.” nahihiya na sabi ko sa kanya. Baka isipin niya na masyado akong interesado sa buhay niya. “Hindi mo pa kailangan na sumagot sa ngayon. Pag-isipan mo ang alok ko,” sabi niya sa akin. “Kapag ba tinanggap ko ay tutulungan mo rin kami na maayos ang gulo sa company ng daddy ko? Ipapagamot mo rin siya?” tanong ko sa kanya. “Yes,” mabilis na sagot niya sa akin. “Okay lang po kahit na ‘wag mo ng ibigay ang ten million na ‘yan. Ipagamot lang po ang daddy ko ay sapat na sa akin.” “Pag-isipan mo munang mabuti.” Naging tahimik ako dahil nag-iisip pa ako ng dapat na isasagot ko sa kanya. “Kumain na muna tayo, saka ka na mag-isip.” sabi niya sa akin dahil dumating na ang pagkain naming dalawa. Kumain na kaming dalawa at nagulat pa ako dahil ang buong akala ko lang ay ‘yung order ko lang ang kakainin ko pero ang dami nitong dumating sa table namin. “Ninong, ang dami naman po nito.” sabi ko sa kanya dahil punong-puno ang mesa namin. “Kaunti pa nga ‘yan eh,” sagot niya sa akin. “Tayong dalawa lang naman po. Pero, if ever po na hindi natin maubos ay okay lang po ba na ibalot na lang natin. Ibigay po sa mga bata sa labas?” tanong ko sa kanya. “Okay,” sagot niya at kumain na rin siya. Kumain na rin ako at pareho kaming tahimik. Ang sarap ng mga pagkain kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na nag-enjoy habang kumakain ako. “Ninong, puwede po ba akong magtanong?” tanong ko sa kanya dahil curious lang rin talaga ako. “About what?” Tanong niya sa akin. “Bakit po ako ang inaalok niyo?” Tanong ko sa kanya. “Dahil kailangan ko ng babae na hindi mukhang pera. Kailangan ko ang mana ko, kaya ikaw ang pinili ko.” sagot niya sa akin. “Okay po,” tanging nasabi ko. After naming kumain ay pakiramdam ko busog na busog ako. Napag-usapan namin na dadalawin niya ang daddy ko sa hospital. Kaya naman doon na kaming dalawa dumiretso. Laking pasasalamat ko dahil wala na ang mag-ina. Tulog ang daddy ko kaya hindi na namin siya ginising pa. Sinabi rin ng doctor ang ibang sakit ng daddy ko kaya kailangan niyang manatili sa hospital. Si yaya naman ang magbabantay sa kanya. “Aalis na ako, tawagan mo na lang ako kapag may sagot ka na,” paalam sa akin ni ninong at may binigay siya sa akin na number niya. “Sige po, salamat po.” Nang maka-alis na siya ay kaagad kong sinave sa phone ko ang number niya. “Siya ba ang ninong mo? Ang bata pa pala niya,” tanong sa akin ni yaya. “Kahit po ako ay nagulat lang rin, yaya. Ang buong akala ko ay matanda na siya,” nakangiti na sabi ko. “Kaya nga, ang bata pa pala niya. Iba talaga kapag mayaman,” sabi niya sa akin. “Tama ka po, yaya.” “May asawa na kaya siya?” tanong niya sa akin. “Wala pa po,” sabi ko sa kanya. “Talaga? Sa gwapo niyang ‘yon ay wala pa?” alam ko na nagtataka siya at ganun rin ako kanina. Tama siya, gwapo kasi talaga si Ninong Noah. Gusto kong sabihin kay yaya na niyaya ako ni ninong na magpakasal. Pero ayaw ko na mag-alala siya sa akin. Wala pa naman akong sagot sa kanya. Dahil hindi ko rin alam kung kaya ko bang pakasalan ang kaibigan ng daddy ko. At kapag nalaman ito ni daddy ay papayag kaya siya? Naguguluhan rin ako. Mabuti na lang at hindi naman nagmamadali si ninong kaya binigyan pa niya ako ng time para makapag-isip. Isa lang rin ang ibig sabihin niya hindi niya ako pinipilit. Nasa akin pa rin kung papayag ako o hindi. “Yaya, umuwi ka po muna para magpahinga. Ako na lang po muna ang mag-aalaga kay daddy,” sabi ko sa kanya. “Ako na, anak. Ikaw ang dapat na magpahinga. May pasok ka pa bukas,” sabi niya sa akin. “Okay lang po ako, yaya.” “Okay lang rin ako kaya sige na umuwi ka na,” sabi niya sa akin. “Mamaya na lang po,” sabi ko sa kanya. “Sige, uuwi na lang ako para kumuha ng mga gamit namin. Mamaya ka na lang umuwi kapag nakabalik na ako.” “Ingat po, yaya.” sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at umalis na. Ako naman ay naiwan dito sa daddy ko. Hinawakan ko ang kamay niya. “Dad, pagaling ka. Gagawin ko po ang lahat para maging okay ka. Kaya sana, gumaling ka. Okay lang na matagal pero ‘wag mo akong iiwan ha. Mahal na mahal po kita,” umiiyak na sabi ko sa kanya. Naramdaman ko na gumalaw ang mga daliri niya. Kaya sapat na ito na sagot para sa akin. Masaya ako dahil alam ko na naririnig niya ako. Alam ko na gusto rin ng daddy ki na gumaling. Alam na alam ko kung gaano niya kamahal ang company namin. “Huwag ka pong mag-alala sa akin. Dahil kayang-kaya ko po ito. Basta po, sikapin mo rin na gumaling. Kasi mamasyal ulit tayo tulad ng dati.” kausap ko sa daddy ko. Lahat ay kaya kong gawin para sa kanya. Kilala ko rin siya, alam ko na mag-alala siya sa akin. Kaya ko sinasabi sa kanya para alam niya na okay lang ang lahat. Hawak ko ang kamay niya hanggang sa hindi ko namalayan na naka-tulog na pala ako. Nagulat na lang ako dahil may naramdaman ko na parang may bumuhat sa akin. At tama nga ako. “Saan mo ako dadalhin?!” Pasigaw na tanong ko sa kanya.NASH TYLER“Tita Lib, ano ba ang gagawin ko?” tanong ko sa tita ko dahil sinadya ko siyang puntahan ngayon.“Ang dapat mong gawin ay magstay, kung ‘yan ang nais ng asawa mo. Sa tingin mo ba ang pagtakas ang solusyon sa lahat? Sa tingin mo ba ang pagkulong sa kanya ay naging maganda? Kapag aalis kayo ay hindi pa rin naman kayo malaya, wala pa rin namang kalayaan kaya ang mas mabuting gawin ay ang harapin niyo para matapos na,” sagot niya sa akin.“Tutulungan mo ba kami?” tanong ko sa kanya.“Kaya mo na ‘yan,” sabi niya sa akin.“Pero–”“Matalino ka kaya alam mo na kaya mo. At isa pa kilala mo na ang kaaway ng pamilya ng asawa mo. Hindi puwedeng mangialam ang mga agent sa mafia,” sabi niya sa akin.“Bakit po?”“Alam ko kasi na kaya niyo na ‘yan? Wala namang kailangan na iba, kundi ang matapos na lang ito,” sabi niya sa akin.“Ayaw rin naman niyang umalis. Gusto niyang makasama ang pamilya niya,” sabi ko sa tita ko.“Sa tingin ko ay tama siya. Sa tingin ko ay mali na magsayang na naman
NASH TYLER“Iho, can we talk?” tanong sa akin ng daddy ng asawa ko.“Yes po, Sir.”“Call me dad, asawa ka ng anak ko kaya dapat lang na daddy ang itawag mo sa akin.”“Ano po ang pag-uusapan natin, dad?”“Puwede mo bang ilayo dito ang anak ko?” tanong niya sa akin.“Po?”“Naisip ko lang kasi na kapag nandito siya ay mapapahamak siya. Kaya binibigay ko na siya sa ‘yo dahil alam ko na aalagaan mo siya. Pinagsisihan ko ang pagkulong ko sa kanya. Alam ko na malaki ang galit niya sa akin sa mga kasinungalingan na hinayaan ko lang na paniwalaan niya. Pero ginawa ko lang ‘yon para sa kanya dahil mahal na mahal ko siya at ayaw ko na mawala siya sa amin,” sabi niya sa akin at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.“Opo, hindi tama ang ginawa mo pero dahil rin sa ginawa mo ay safe pa rin siya hanggang ngayon. Alam ko kung gaano mo kamahal ang anak mo at kung nais mo po talaga na sa akin na siya ay gagawin ko ang lahat para alagaan at protektahan siya. Asawa ko po siya at mahal na mahal
LETTISIA LORRAINE“No!” sigaw ko dahil nakita ko na bumagsak ang asawa ni daddy.May tama siya ng baril at kitang-kita ko ang dugo ngayon na nasa katawan niya.“Honey!” narinig ko na sambit ni daddy kaya kahit pa hawak ako ni Nash ay mabilis akong bumaba para daluhan ito.“Please, stay,” sabi ko sa kanya.“Anak ko,” sambit niya kaya naiyak ako. Nakita ko rin ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.“Daddy! Dalhin po natin siya sa hospital! Dalhin po natin siya!” sabi ko kay daddy at sumisigaw na ako.“Love, please dito ka muna,” sabi sa akin ng asawa ko.“Dalhin natin siya sa ospital, Nash. Please, dalhin natin siya,” sabi ko sa kanya.“Dadalhin natin siya. Pero kailangan mo munang pumasok sa loob ng van, please. Please, love ayaw ko na masaktan ka,” sabi niya sa akin.“Please, dalhin natin siya,” sabi ko sa kanya.“Opo, love. Dadalhin natin at magiging okay ang lahat. Listen to me, pumasok na muna tayo sa loob, baka matamaan ka dito,” sabi niya sa akin.“Tayong dalawa,” sabi ko sa kany
LETTISIA LORRAINENanatili na lang ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit ulit sa kanya. Ni hindi ko na nga nabibigyan ng pansin ang sakit ng katawan ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko na sinabi sa akin ni daddy.Sa totoo lang ay mahirap talagang paniwalaan lalo na iba ang nakikita ng mga mata ko. Iba ang naranasan ko pero naisip ko rin na hindi ko dapat isara ang posibility na nagsasabi siya sa akin ng totoo. Lumapit sa akin si mommy Thea.“Anak, sana ay buksan mo ang puso ko sa parents mo. alam ko na nasaktan ka, alam ko rin na marami kang hinanakit sa kanila. Pero kung papakinggan mo lang sila ay alam ko na maiintindihan mo rin sila. Hindi ko sinasabi na tama ang ginawa nila. Ang sa akin lang ay sana bigyan mo sila ng chance na patunayan na tama ang lahat ng mga sinasabi nila sa ‘yo,” sabi sa akin ni mommy Thea.“Love, kung natatakot ka na sumama sa kanila ay sasama ako sa ‘yo,” sabi sa akin ng asawa ko.“No,
LETTISIA LORRAINE“Sakto pala para surprise–” Pero hindi ko inaasahan sa pagdating namin ay.“Ano ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanila.“Alle, anak,” sabi sa akin ng asawa ni daddy.“Bakit sila nandito? Alam mo ba na nandito sila?” tanong ko sa asawa ko.“Hindi ko alam, love,” sagot niya sa akin.“Hindi ako sasama sa inyo. Dito lang ako, kahit pa patayin mo ako ay hindi ako sasama sa ‘yo. Dito lang ako sa asawa ko,” sabi ko sa kanila.“Asawa?” kunot noo na sambit ni daddy.“Opo, asawa ko po si Nash. Kaya wala ka na pong karapatn pa sa akin,” sabi ko sa kanya.“Anak pa rin kita kaya may karapatan ako sa ‘yo.”“Hindi na ako sasama sa ‘yo. Sawang-sawa na ako sa pagkulong mo sa akin. Gusto ko rin maging normal. Gusto ko rin na maging masaya, mahirap bang ibigay sa akin ‘yon? Mahirap po ba?” “Umuwi na tayo,” mahinahon na sabi sa akin ng asawa niya.“Hindi, hindi ako sasama sa inyo! Hindi na kailanman,” sabi ko sa kanya.“Anak, please.”“Hindi mo ako anak,” sabi ko sa kanya.“Anka ki
LETTISIA LORRAINEMasakit ang katawan ko nang magising ako ngayon. Hindi ko inaasahan na ganito pala ito ka sakit. Parang hindi ko yata kayang bumangon. Mabuti na lang talaga at nandito ang asawa ko ngayon kaya hindi ako nahihirapan na pumunta sa banyo. Binuhat niya ako at hindi niya ako hinayaan na maglakad.“Hindi ka ba papasok sa office?” tanong ko sa kanya.“Hindi po,” sagot niya sa akin.“Bakit?”“Dahil aalagaan po kita,” malambing na sagot niya sa akin.“Thank you po,” nakangiti na sabi ko sa kaniya. Dahil kinikilig naman ako sa ginawa niya.“May gusto ka bang kainin?” tanong niya sa akin,“Wala po, pero nagugutom na ako. Kung ano man ang iluluto mo ay kakainin ko. Hindi naman po ako maselan,” sabi ko sa kanya.“Alam ko po, kaya kumain na tayo,” sagot niya sa akin.“Nagluto na ako ng breakfast kanina kaya kumain na tayo,” sabi niya at binuhat na naman niya ako.Nakasuot lang ako ngayon ng bathrobe. Kaming dalawa lang naman dito kaya walang magiging problema. Nakita na naman niya







