THEA FAITH
“Saan mo ako dadalhin?!” Pasigaw na tanong ko sa kanya.
“Saan sa tingin mo?” tanong niya sa akin.
“Bwisit ka! Bitiwan mo ako!” sigaw ko sa kanya.
“Ayaw ko nga, bakit ko naman gagawin?” sabi niya sa akin.
Sa sobrang inis ko ay mabilis ko siyang sinabunutan na dahilan para dumaing siya.
“Fvck! Tumigil ka na!” sigaw niya sa akin.
“Ikaw ang tumigil!” sigaw ko sa kanya at pinalo ko ang likod niya dahilan para mabitiwan niya ako.
Ang buong akala ko ay mahuhulog ako at sasaluhin na lang ako ng malamig na sahig pero hindi nangyari ‘yon. Dahil may bisig na sumalo sa ako. Nang imulat ko ang mga mata ko ay ang gwapong mukha ng lalaking hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin.
“N–Ninong?” nauutal na tanong ko sa kanya.
“What’s going on here?” tanong niya.
“Sino ka ba?” tanong ni Barj.
“Who are you?” seryoso na tanong ni ninong sa stepbrother ko.
“Ikaw ang sino? Sino ka ba?”
“He’s my–”
“Hindi mo na kailangan pang malaman,” sagot ni ninong.
“Tara na, Thea.” sabi ni Barj at hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko ito.
“Ayaw kong sumama sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.
“Huwag mong hintayin na magalit ako. Malilintikan ka sa akin,” sabi niya.
“Bakit hindi ka na lang magtrabaho? Bakit ako pa ang gusto niyong ibenta para magkapera ka–”
“Anong sabi mo?” nakakunot ang noo na tanong sa akin ni ninong.
“Balak po nila akong ipakasal, ninong.” sagot ko sa kanya.
“Ninong? Ninong mo ang lalaking ito?” tanong agad sa akin ni Barj.
“Sir, mukhang mayaman ka naman. Pahingi nga ng pera,” sabi niya kay ninong na para bang hindi man lang siya nahihiya.
“Tumigil ka nga, hindi ka man lang ba nahihiya sa ginagawa mo.” naiinis na ako sa kanya.
“Bakit naman ako mahihiya? Mukha namang mayaman ang ninong mo. Hindi ka naman siguro niya hahayaan na maikasal ka sa matandang lalaki dib–”
Sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya. Sobrang nakakahiya talaga silang dalawa ng nanay niya. Mga mukhang pera.
“T*ngina kang babae ka!” sigaw niya sa akin at akmang sasaktan niya ako ay nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumalsik.
“Gag*!” sigaw niya kay ninong.
“Tumigil ka na! Ikaw ang g*go!” sa sobrang galit ko sa kanya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya.
“Magkano ba ang kailangan mo?” seryoso na tanong sa kanya ni ninong.
“Limang milyon,” sagot pa ng walang hiya.
“Lima lang?” tanong pa ninong na ikinagulat.
“Ninong, no. Hayaan mo po sil–”
“Huwag ka ngang kontrabida d’yan!” sigaw sa akin ni Barj.
“Wala ka na bang kahit kaunting hiya sa katawan mo?” galit na tanong ko sa kanya.
“Wala akong pakialam sa ‘yo,” sabi niya sa akin.
Ako naman itong nahihiya sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Kahit pa ayaw ko ay hinawakan ko ang braso ni ninong para pigilan siya. Ayaw kong magbigay siya ng pera sa mga ito. Lalo na kung ipapangsugal lang naman nila. Kaya nga nasanay ang mga pera dahil sa bisyo nilang dalawa ng ina niya.
“Here’s the money, ‘wag ka ng magpapakita pa at ‘wag na ‘wag mong guguluhin si Thea. Dahil kapag ginawa mo ay may kalalagyan ka sa akin,” sabi ni ninong kay Barj.
“Salamat dito, Sir. Makakaasa ka,” nakangisi na sabi niya at mabilis na umalis.
“Ninong, sana po hindi niyo siya binigyan ng pera. Ipapangsugal lang po nila ‘yon eh,” sabi ko sa kanya.
“Sino ba ‘yon? Boyfriend mo?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
“Stepbrother ko po, anak po siya ng kinakasama ni daddy.” sagot ko sa kanya.
“Kaya pala batugan,” sabi niya.
“Tapos binigyan mo pa ng pera. Mas lalong maging batugan ‘yon. Ubod ng sinungaling ‘yon kaya ang sinabi niya na hindi na siya babalik pa dito ay hindi niya po ‘yon gagawin, babalik at babalik pa rin po siya,” sabi ko sa kanya.
“Maglalagay ako ng tao na magbabantay dito,” sabi niya.
“Naku, ‘wag na po, ninong. Hindi ko pa po mababayaran ang una niyong binigay ay mayroon na naman. Hindi naman po pinupulot lang ang pera, pinagtatrabahuhan po.” sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya sa akin.
“Hindi ka ba marunong mag-thank you?” tanong niya sa akin.
“Po?”
“Sinabi ko ba na bayaran mo ang binigay ko?” tanong na naman niya sa akin.
“Pero ang laki naman po ng five million,” sabi ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa akin kaya yumuko na lang ako.
“Sorry po, pero hindi po ako magpapasalamat sa pagbigay mo sa batugan na ‘yon.” sabi ko sa kanya dahil mali talaga ang ginawa niya.
“Okay lang,” sabi pa niya.
“Bakit po pala nandito kayo?” tanong ko sa kanya.
“Nandito ang mommy ko,” sagot niya sa akin.
“Ganun po ba? Kumusta naman po siya?” tanong ko sa kanya.
“She’s okay now, lalabas na rin siya bukas.” sagot niya sa akin.
“Mabuti naman po kung ganun. Pasensya na po kayo kung nakita niyo pa ang gulo sa pamilya namin. Sige po, pasok na po ako sa loob, ninong.” paalam ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng silid kong nasaan ang daddy ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si yaya kaya naman nagdesisyon na ako na umuwi na ngayon. Habang nag-aabang ako ng jeep ay may tumigil na sasakyan sa harap ko.
“Hop in,” sabi sa akin ni ninong.
“Po?”
“Ihahatid na kita pauwi,” sagot niya sa akin.
Nahihiya man ay pumasok pa rin ako sa loob ng sasakyan niya. Habang nasa daan kami ay tahimik siya at ganun rin ako. Nahihiya akong magsalita kaya naman ang ginawa ko na lang ay sumandal na lang ako at tumingin ako sa labas ng bintana. Hanggang sa hindi ko namalayan ang sunod na nangyari.
Nagising ako na nasa tapat na kami ng bahay namin. Nang tumingin ako sa tabi ko ay tulog na rin si ninong. Wala sa sarili na tinitigan ko siya. Napangiti ako dahil ang gwapo niya kahit tulog siya.
“Stop it, Thea. Mali itong ginagawa mo, ninong mo siya.” saway ko sa sarili ko.
“Kapag ba tinanggap ko ang alok mo ay ano ang mangyayari sa aki–”
THANK YOU PO SA PAG-ADD KAY NINONG NOAH..MAY ISA RIN PO AKONG NINONG STORY..NINONG MAYOR PO ANG TITLE BAKA PO GUSTO NIYO RIN.. GOD BLESS PO!
ELLIA ELLIZE“It’s okay, kuya. Kung talagang inaantok ka ay puwede ka naman matulo–”Nagulat ako sa ginawa niya dahil hindi ko ito inaasahan. Bigla na lang kasi si kuya na humiga sa legs ko. Ginawa niyang unan ang legs ko. Hindi naman mabigat ang ulo niya pero kasi nagulat talaga ako.“Okay lang ba?” tanong niya sa akin.“O–Okay lang naman, kuya.” sagot ko sa kanya.“Kumain ka na lang muna d’yan. Iidlip lang ako,” sbai niya sa akin.Hinayaan ko na lang siya dahil baka pagod nga talaga siya. Ako naman ay nagsimula na lang kumain ng palabok na dala niya. Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan na hindi titigan ang gwapo niyang mukha. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ba ang gwapo ng lalaking ito. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko eh. Talagang binibigyan ko siya ng compliment dahil ‘yun naman talaga ang totoo. Ang tangos ng ilong niya, ang kinis ng balat niya at ang shape ng panga niya, masasabi ko na perfect. Pang model nga siya eh, dapat ay nagmodel na lang siya kaysa nagi
ELLIA ELLIZENang makarating kami sa bahay ay umalis rin agad si kuya dahil may pasok rin siya sa school. Motorsiklo ang gamit niya. Ang cool nga niya eh. Kasi talagang bagay na bagay sa kanya ang leather jacket niya at ang helmet niya. Ang cool niya talaga. Parang gusto ko na rin tuloy matuto na magmotor.“Baby, may sasabihin ka raw sa akin,” sabi sa akin ni mommy.Sure ako na si Nash na naman ang nag-ingay kay mommy dahil hindi na naman siya makapaghintay na sabihin ko kay mommy ang nangyari kanina.“Sinabi na po ba ni Nash, mom?”“Wala pa siyang sinasabi. Ang sabi lang niya ay may sasabihin ka raw sa akin. May nangyari ba kanina?” tanong sa akin ni mommy.“Opo, mom. Nanggugulo na naman po sila sa akin. Mabuti na lang po at dumating si kuya Aedan,” sagot ko kay mommy.“Siguro ay kailangan mo na talagang lumipat sa ibang school. Sa tingin ko kasi ay hindi na safe na doon ka pa rin,” sabi niya sa akin.“Sa tingin ko rin po, mom. Nakakatakot na po sila, sinusundan na nila ako. At kung
ELLIA ELLIZE“Hi, Elli,” nakangisi na sabi ng isang lalaki na dati ay nanliligaw sa akin.Siya ang humarang sa daraanan ko kaya hindi na ako natuloy sa pagbalik ko sa school.“Leave me alone!” sabi ko sa kanya.“Can you give me a chance? Please,” sabi pa niya sa akin.“I’m sorry but–”“Elli,” narinig ko ang boses ni Kuya Aedan kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa kanya.“What’s happening here? Ginugulo ka ba niya?” tanong niya sa akin at tumango naman ako sa kanya pero hindi ko inaasahan ang gagawin niya dahil bigla na lang niyang sinuntok ang lalaking nanggugulo sa akin.“Fvck off!” galit na sigaw ni kuya sa lalaki. Duguan ang mukha nito at tumakbo palayo sa amin. Mabilis naman na lumapit sa akin si kuya.“Are you okay? May ginawa ba siya sa ‘yo?” sunod-sunod na tanong ni kuya sa akin.“I’m sorry, kuya kung umalis ako sa school. May isa pa kasi kanina na makulit,” sabi ko sa kanya.“Fvck!” narinig ko na nagmura siya.“We need to–”“No, kuya. Ayaw ko na mag-alala sa akin ang p
ELLIA ELLIZEDahil sa ayaw kong ma-late ay mabilis akong pumasok sa loob ng bathroom ko para maligo na. Hindi naman ako mabagal kumilos, katunayan ay mabilis lang ako maligo kaya tapos na agad ako. Nagbihis na ako ng uniform ko at lumabas ako dito sa room ko.“Kain na tayo, Elli,” nakangiti na sabi sa akin ni kuya Aedan.“Si mommy po?” “Tulog pa si ate at si kuya naman ay pumasok na sa work niya,” sagot niya sa akin.“Okay po,” sabi ko sa kanya at umupo na ako para kumain na.“Kuya, kaya ko na po ang sarili ko,” sabi ko sa kanya.“Hayaan mo na ako, hindi naman ito mahirap gawin.” “Kumain ka na lang po, at ako na po ang bahala sa sarili ko,” nahihiya na sabi ko sa kanya.“Huwag kang mahiya sa akin. Pamilya na tayo ngayon,” sabi niya sa akin.“Sorry po, hindi lang ako sanay na may iba kaming kasama dito. Pero ‘wag mo po sanang isipin na hindi kita gusto na nandito ka. Nag-aadjust pa lang po ako,” sabi ko sa kanya.“Alam ko naman ‘yan,” nakangiti na sabi niya sa akin.Ang lalaking ito.
ELLIA ELLIZE“Hi, Elli.” bati sa akin ng isang lalaki. Hindi lang siya basta lalaki dahil ang gwapo niya.“Hi,” tipid na bati ko rin sa kanya.“I’m Aedan Angelo Hoffman and I am your new driver,” nakangiti siya sa akin habang nagpapakilala siya sa sarili niya.“Okay,” sabi ko lang dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. “From now on, baby. Siya na ang maghahatid sundo sa ‘yo papunta sa school,” sabi sa akin ni daddy.“Okay po, daddy.”“And also he’s your new kuya na. Dito na kasi siya titira sa atin. Makakasama na natin siya sa bahay. Don’t worry dahil fil-am ang kuya mo. He can speak tagalog,” sabi pa sa akin ni daddy.Tumango na lang ako. Dahil wala talaga akong maisip na sasabihin ko. Si kuya Aedan naman ay nakatingin lang sa akin at nakangiti siya. Mukha naman siyang mabait pero naiilang pa rin ako. Naninibago ako na may makakasama na kami dito sa bahay maliban sa daddy ko. Hindi ko alam kung ilang taon na siya pero ang bata pa niya. Hindi ko rin naman kayang itanong sa kany
ELLIA ELLIZEAng masayang buhay namin ay naging magulo sa pagbabalik niya. Kahit pa nag-aalangan ako ay pinili ko na bigyan siya ng pagkakataon dahil sa pagkumbinsi sa akin ni mommy Thea. Pero pinagsisihan ko ito dahil nagdulot ito ng lungkot sa puso ni mommy.Alam ko na mali ko. Sana ay pinilit ko noon si daddy na umuwi na kay mommy. I hate myself. Galit ako sa sarili ko dahil umiyak ang mommy ko at nag-away silang dalawa ni daddy. Kahit pa hindi nila sinabi sa akin ay ramdam ko at alam ko na dahil sa akin kaya sila nagkakagulo na dalawa.Kaya naman nag-sorry ako kay mommy at pinagsisihan ko ito. Dahil nasayang lang ang tiwala na binigay niya sa tunay kong ina dahil sinungaling ito. Kahit pa noong lumabas kami ay sinungaling na siya. Mas nakatuon pa ang atensyon niya kay daddy kaysa sa akin. Kaya doon ko talaga na-realize na si daddy lang ang binalikan niya at hindi ako.Marami ang nangyari. At lahat ‘yon nagdulot ng sakit at lungkot sa buo kong pagkatao. Pero mas pinili ko pa rin na