Share

6. STILL 2

NITE

“Here is how she looks now.” Zeno Scotto placed a picture of his sister in front of me. “I need you to protect her and tell me all the activities she will do. And just follow wherever she will go.”

I smirked on that. Walang kabagay-bagay. Hindi ko alam kung bakit ang pakikipagkita ko kay Master Lev sa isla ay mauuwi pala sa trabaho na pagba-bodyguard. Hindi pala. Mali. Pagiging stalker ang tamang tawag sa trabahong pinapagawa sa akin. Trabaho na labas sa Foedus.

Tiningnan ko si Zeno na nakaupo ng prente sa swivel chair niya. Nakasandal. The man is in his suit and undeniably spends money like water. Saan ba nagmana ng ugali ang bratinellang kapatid niya na kayang mamigay ng 2.5 million dollars na kuwintas? Syempre, dito lang naman sa lalaking nasa harap ko.

Dahil naisip ko ang kuwintas na bigay ni November noon kapalit ng pagsang-ayon ko na suportahan siya sa kalokohan niya, ay napailing ako. Kalokohang trip na iuwi ang kidnapper niya na parang nakakita lang ng tuta o kuting sa kalsada na naisip alagaan.

“November is eighteen now,” ani Zeno na ikinabalik ng atensyon ko sa kaniya. “My sister’s marriage will soon be arranged for some alliance in Russia. My father wants to make sure she will be pure until the day of her wedding. Pumayag lang si Papa na isama ko rito si November pero kailangan huwag kong hahayaan na makipagrelasyon o makipag-date man lang. At iyan ang magiging pinakatrabaho mo, bantayan at siguraduhin na walang lalaking magtatangka kay Novee."

“Arranged marriage for an eighteen-year-old mafia princess…” sarkstikong ulit kong pabulong habang kinakabisado ang mukha ni November na nasa larawan. Hindi ko naman dapat bigyang prayoridad ang mga personal na impormasyon dahil ang importante lang ay ang trabaho na dapat gawin ko. Pero ewan at hindi ko napigilan sabihin iyon. Ang bata pa kasi ni November pero mukhang nakapili na sila ng lalaking para rito.

“Yes, her arranged marriage. I still have no idea when it will happen, but that is all I can do now at my father’s order.”

“An order to ensure that your sister's 'chastity' is intact until you hand her to some bast—mafia boss’ son?” I wanna say ‘bastard’, but I will sound stupidly bitter with my life to mind others' business.

Zeno just gave me a look. Mukhang hindi natuwa sa kakaepal ko. Then I realized na napasobra yata ako ng tanong. I just lifted my brows, shrugged, and grinned.

“Apologies. I have no right to dig on some family matters,” I said. “Speaking of your sister… just wondering… Does this brat sister of yours really need me as her protector? I still remember when she was only twelve and ‘almost’ killed me because of… Berto? Is that right? Did I remember her kidnapper’s name?”

“Right. Si Berto nga. Nandito siya kanina at siya ang pinaka-assistant ko na ngayon.”

“Swerte ni Berto kung gano’n,” I opined. “So my exact work for you is susundan ko lang ang kapatid mo kahit saan, tama ba? At paano pala kung makita niya ako?”

“That’s fine. Gawaan mo ng paraan basta hindi pwedeng malaman niya na inutusan kita.”

“Okay." Iniisip ko pa kung ano pa ba ang ibang kailangan maliban sa picture ng kapatid niya at address ng bahay nila nang mapatingin ako sa babaeng pumasok sa opisina ni Zeno. Tumayo na lang ako at mukhang nakakaistorbo na ako. “I better go,” paalam ko.

Tinanguan ako ni Zeno at tumalikod na ako. Inihakbang ko na ang mga paa ko patungong pinto palabas nang tawagin niya akong muli. Nilingon ko naman at binalikan.

“May iba pa bang dapat kong tandaan?” tanong ko.

“Novee is trying to look for you weeks ago. Hindi ko alam kung bakit nakatuwaan ka ng kapatid kong hanapin.”

Medyo nagulat akong marinig iyon. Medyo. Ano kaya ang dahilan? Parang nakakapagtaka naman na hanapin ako ng kapatid niya. Baka ang kuwintas at naisip bawiin. No problem at nasa akin naman iyon. I didn’t sell it as she told me, I decided to treasure it from a pretty twelve-year-old November Scotto I know.

Without November's knowing, she motivated me to become better than I was. Bata lang siya noon pero malaki ang nagbago sa akin dahil sa kaniya. I learned from her how to become a daredevil. A suicidal. If a twelve-year-old girl can fight out and survive, why can't I? In many ways, that necklace of hers becomes a reminder that being intelligently brave in a compromised situation is a must.

“Why she wants to find me?” tanong ko na lang. Curious din naman akong malaman kung bakit ba ako hinahanap ng batang iyon.

“I don’t know. Baka may crush sa ‘yo.”

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Zeno. I didn't expect that. Natawa naman ang babaeng nakakandong sa kaniya na hinila pa ang tainga niya.

“Loko mo!” sabi ng babae kay Zeno. “Nag-blush tuloy ‘yang kausap mo.”

Nag-blush? Ako?

“Stop that, Delfin!” saway ni Zeno sa girlfriend niyang hindi na nakontento sa paghila lang sa tainga niya, dahil isinunod ang pagpisil at pagpiga sa mga pisngi niya. Kung kanina mukhang boss na boss si Zeno, ngayon hindi na. Mukha na siyang clown sa gawa ng babaeng nakakalong sa kaniya na ang pangalan ay… Delfin?

“Hindi ako pumapatol sa bata, Mr. Scotto,” sabi ko na lang para mawala ang pagkailang na biglang naramdaman ko.

“Nag-blush ka nga!” singit ng babaeng may pangalan na Delfin.

Pilit na ngiti na lang ang pinakawalan ko. Nag-blush ako na hindi ko naman pwedeng i-deny. If I blushed ay dahil sa nabigla ako sa sinabi ni Zeno at walang iba. I am too old to think foolish things.

“Stop teasing the guy, Delfin…” muling saway na naman ni Zeno sa girlfriend niya at tama nga ako, Delfin nga ang pangalan. Tiningnan niya akong muli at ako na ang kinausap. “Eighteen na si Novee, she is no longer the twelve-year-old na batang sinasabi mo. Uunahan lang kita, Alberona. She should be off-limits sa gaya mo.”

I sneered. “Rest assured, hindi ako interesado sa babae.”

“Ay! Hala… lalaki ang gusto mo?” tanong ni Delfin na nanlaki pa ang mga mata. “Ang pogi mo pa naman tapos lalaki pala bet mo.”

“Delfin…” pangatlong warning ni Zeno na sinimangutan lang ng GF niya.

“Just be clear here na magiging ligtas ang kapatid mo,” sabi ko na lang at gusto ko nang makaalis. “At kung ano man ang iniisip mo na dahilan bakit niya ako hinahanap ay mali ‘yan. Baka gusto lang akong makita ng kapatid mo dahil balak akong patayin. She needs to be in rehab, I think. She was a psycho then, I don't know now.”

Zeno gave me his piercing gaze after I said that. I thought he would be mad, but amusement appeared next in Zeno’s eyes. Then he laughed. Loud.

“You can go. Novee is in AFSLink. Start your work today and used this card…” Abot niya sa akin ng isang black card. “Nandiyan na ang advance payment mo.”

Kinuha ko naman ang card at aalis na sana nang muli ay magsalita na naman ito.

“If tama ako ay alam ko na ang dahilan bakit ka pinapahanap ng kapatid ko. Go now, Alberona. Just be careful with her.”

Tumalikod na lang ako at lumabas na sa opisina ni Zeno Scotto. Direkta na ako sa elevator ng condominium building na pag-aari niya at bumaba na sa ground floor. Ayokong isipin ang huling sinabi ni Zeno. Whatever he meant ay focus lang sa trabaho ang dapat gawin ko.

I went to my big bike, my Kawasaki Ninja H2R na kakabili ko lang. Mukhang ito na muna ang gagamitin ko ngayon sa pag-stalk sa prinsesang kapatid ni Zeno. Nasa tatlong milyon din ang nagamit ko sa pagbili ng motorsiklo pero sulit naman. I used the electric starter and hit the road.

Thirty minutes at nasa MOA complex na ako. Ilang oras din akong tumambay roon bago ko nakita na papalabas ng building ang isang… isang magandang babae. Muli kong tiningnan ang picture na nasa phone ko. Kinuhaan ko ng picture ang pinakitang larawan sa akin ni Zeno kanina at siyang-siya nga ang lumalakad palabas ngayon ng building.

At nagdalagang maganda nga talaga si November. And she’s tall, five-foot-eight, I think.

Maganda si November, but I should keep on my mind na bata pa rin siya. At kahit nakikita kong nakakaagaw ng atensyon ng kahit sino ang pagdaan niya…

‘Bata, Nite! Bata lang ‘yan!’ paalala ko ulit sa sarili ko.

Napailing na ako. Kalokohan ang sinabi ni Zeno at hindi ko dapat isipin pa. Zeno might only testing me.

Then I saw a man following November. Si Berto. I smiled for an unknown reason. Napangiti lang ako makita silang dalawa. Nostalgia probably makes me smile.

I followed them at mabuti na lang ang dinaanan nila ay allowed ang motorsiklo. Maiwawala ko sila kung sa ibang kalsada sila dumaan. I was keeping on tracking them when I noticed an unfamiliar car. Sinusundan din sila.

Napangisi na lang ako. Mukhang unang araw pa lang ay mapapasabak na ako sa gulo. Nasa pagpaplano ako paano ang gagawin nang may bumangga na truck sa kotse na gamit ni Berto.

Fuck! Hindi lang ang kotse sa gitna nina November at Berto ang sumusunod, pati pa pala ang truck sa likod ni Berto na nasa unahan ko!

At dahil sa pag-crash at pagtaob ng kotse ni Berto ay nagkagulo na. Maraming sasakyan ang huminto. Kahit si November ay inihinto ang sasakyan niya.

Observing, parang alam ko na ang plano ng prinsesa at hindi nga ako nagkamali. Lumabas siya ng sasakyan at lumakad papalapit sa kotse ni Berto na kung lalapitan niya ay—

I pulled her arm at hinila siya palapit sa big bike ko na hindi ko na namalayan na iniwan ko lang pala dahil nagmadali akong lapitan siya. What happened to me that I was out of focus in that instant?

I was still holding her arm when she started her moves and made a circling motion so I could lose my grip on her. I know what she was doing, lalaban siya. I immediately pulled her with one arm wrapped around her slim waist and used my gun to make her stop what she was planning.

Our eyes locked. We gazed at each other’s eyes. I don’t know why I felt that I could stare at her gaping look for eternity. I cleared my throat to remove the foolish thought in my brain.

“You’re… taller now, kid. But definitely, still, the brat you are,” I said to break the spell, and thanks, I did.

November frowned. Continue staring at me, then… “Nite?” she asked my name, and it was funny that I smiled as she remembered me just by staring into my eyes.

“Yes. And nice meeting you again, baby girl,” I stated.

Binitiwan ko na siya at isinuksok ang baril sa likod ko. Sumakay ako sa motorsiklo at muling pinaandar ito.

“Ride me—” I stopped my words in an instant.

Fuck! Napailing ako! Anong katangahan ang pinagsasabi ko? Napatingin ako kay November na nakakunot ang noo at nakabuka ang mga labi na mistulang iniintindi ang sinabi ko.

“Ride? You?”

Umiling na lang ako sa asar sa katangahan.

“Huwag mo na intindihin ang nasabi ko. Namamali ang grammar ko talaga minsan. Stupid mental condition," palusot ko na lang. "Tara at sakay na! Huwag nang matanong, prinsesa!"

Sophia Sahara

Hello po. Thank you for reading the story of my Team NINO. Salamat din sa mga nagbibigay agad ng gems at sa mga nagri-rate na rin.

| Like
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chris Tine
Nice! My kind of trip for now, big age difference. Mas ramdam ko sa ganito ang literal na butterflies in the stomach. ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status