MasukRainn POVIsang buong buwan na akong nagte-training sa mansion ng kuya kong si Kenji. Oo, umalis muna ako sa High Garden Town dahil ayaw tumigil ni Hera sa paghahanap sa akin kaya dito muna ako sa puder ng kuya ko.At masasabi kong hindi naging madali ang lahat. Kung dati ay halos wala akong alam sa pakikipaglaban, ngayon ay masasabi kong malayo na ang narating ko. Hindi ko akalaing kayang baguhin ng isang buwan ang kakayahan ko nang ganito kalaki. Pero siyempre, hindi naman ordinaryong tao ang nagturo sa akin.Si Kuya Kenji mismo. Ang kuya kong kinatatakutan ng maraming tao. Isang dating mafia boss na hindi basta-basta hinahamon ng kahit sino dahil alam ng lahat kung gaano siya kalupìt kapag nakikipaglaban.At ngayon, ako ang personal niyang sinanay. Hindi niya ako pinagbigyan kahit minsan. Kapag mali ang galaw ko, inuulit namin. Kapag napapagod ako, pinapagawa niya ulit. May mga araw na halos hindi ko na maitaas ang mga braso ko dahil sa tindi ng training, pero hindi ako sumuko. Dahi
Jalina POVNagsimula na ang laban.Nakatayo na sa harapan ko ang tatlong lalaking ilang beses na mas malaki ang pangangatawan kaysa sa akin. Hindi ko alam kung gaano sila kahusay, pero base sa tindig at kumpiyansa nila, mukhang hindi rin sila basta-basta.Tatlo sila. Ako lang mag-isa.Napatingin ako kay Bianca na nasa gilid ng training area. Ngumiti siya at tumango na para bang sinasabi niyang kaya ko iyon.Nandoon din si Nanay Hira, kasama sina Tito Enzo at Tito Lucas. Halatang excited siyang panoorin ang laban ko.“Go, anak!” sigaw niya.Ngumiti ako sa kaniya. Pagkatapos, ibinalik ko ang tingin ko sa tatlong kalaban.“Ready?” tanong ng lalaking nasa gitna.Hindi ako sumagot. Yumuko lang ako at itinaas ang mga kamay ko sa tamang posisyon.Maya maya ay biglang gumalaw ang lalaking nasa kanan ko. Mabilis siyang lumapit at nagpakawala ng suntok. Dali-dali naman akong umiwas, saka ko hinawakan ang braso niya at ginamit ang momentum ng kaniyang pag-atake para mawalan siya ng balanse. Gano
Jalina POVIsang buwan na ang nakalipas mula nang huli kong makita at makasama si Rainn.Yes, napakabilis lang. Akalain mo ‘yun, isang buwan na ang natapos agad.Kung tutuusin, hindi naman ganoon kahaba ang isang buwan. Pero para sa isang taong nasanay na halos araw-araw siyang nakikita, napakahirap pala ng ganoon katagal na hindi man lang siya makausap nang personal.May mga gabing gusto ko siyang tawagan. May mga pagkakataong gusto ko na lang itanong kung kumusta na siya, kung ligtas ba siya, kung kumakain ba siya nang maayos, at kung hindi ba siya nasasaktan sa mga nangyayari sa paligid niya.Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Alam kong may dahilan kung bakit kailangan naming magkalayo muna. Hindi pa ligtas ang sitwasyon. Nariyan pa rin si Tita Hera, at hindi ko alam kung ano na naman ang binabalak ng bruhang iyon.Kaya kahit miss na miss ko na si Rainn, pinili kong magtiis. At least, may magandang nangyari sa akin sa loob ng isang buwan.Malaki na ang pinagbago ko. Hindi ko akalai
Rainn POVPagdating namin sa villa, agad kong ipinatawag ang lahat ng kasama ko. Halos lahat sila ay may mga sugat mula sa naging labanan. Mabuti na lamang at hindi naman ganoon kalala ang mga ito, pero halatang kailangan nilang magpahinga.Tinawag ko rin agad sina Liam at Javen para matulungan gamutin ang mga assassin ko.Nang makita kong papasok na rin si Delany sa loob, pinigilan ko muna siya.“Delany, wait. I need to talk to you.”Huminto siya at humarap sa akin. “Yes, sir?”Napabuntong-hininga ako bago nagsalita. “You shouldn’t have done that to Aira.”Napakunot ang noo niya. “Sir, I thought she was part of the enemy. She brought us there, and those three men attacked you.”“That’s not the point.”“Then what is it, sir?”Tinitigan ko siya nang diretso. “Dahil kapatid si Aira ng taong mahal ko. Kapatid si Aira ni Jalina. Mahalaga siya sa taong mahal ko, kaya dapat ko ring protektahan ang kapatid niya.”Napatigil siya, e. Halatang nagulat.“Si Aira ang kapatid ni Jalina, Delany, kay
Rainn POVHanggang sa biglang kumilos si Delany.Matapos niyang mapaatras ang kalaban niya, hindi siya muling sumugod dito. Sa halip, mabilis siyang lumihis at dumiretso sa kinaroroonan ni Aira.Nanlaki ang mga mata ko doon.“Delany!” sigaw ko. Nagulat si Aira nang mapansing papalapit sa kaniya si Delany. “Wait—”Hindi na natapos ni Aira ang sasabihin niya. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Delany sa mukha niya.Natabingi ang ulo ni Aira sa lakas ng pagkakatama ng kamao ni Delany. Bago pa siya makabawi, nawalan siya ng balanse at napaatras hanggang sa bumangga ang kaniyang likod sa pader.Pagkatapos, tuluyan siyang bumagsak sa sahig.Hindi na siya gumalaw pagkatapos nun.“AIRA!”Natakot pa rin ako siyempre dahil kapatid ‘yan ng babaeng mahal ko. Kapatid ni Jalina si Aira.Hindi ko na inisip ang mga taong nasa paligid ko. Agad akong sumigaw kay Delany.“NO! Huwag! Huwag mong saktan si Aira!”Pero huli na ang lahat. Nakatayo na lang si Delany sa harap ng walang malay na si Air
Rainn POVHindi ko alam kung gaano katagal na silang naglalaban-laban sa lugar na ito. Ang alam ko lang, hindi pa rin humuhupa ang tensiyon at tila walang gustong umatras sa magkabilang panig.Natatangahan lang ako sa sarili ko kasi ang laki-laki kong tao, pero wala akong magawa. Ni hindi manlang akong sanay gumamit ng kahit anong armas o kahit lumaban. Hindi maganda kung ganito lang ako, walang silbi.Hindi rin kasi basta-basta ang tatlong lalaking Koreano na sumugod sa amin. Kitang-kita ko sa bawat galaw nila na sanay sila sa ganitong klase ng labanan. Mabilis e, saka malalakas talaga.Pero hindi rin naman basta-basta ang mga taong ipinadala sa akin ni Kenji.Si Jett ang unang nakipagsabayan sa isa sa mga Koreano. Pareho silang may mga sugat na sa mukha at braso, pero walang gustong magpakita ng kahinaan. Si Wolfe naman ay halos hindi na makaiwas sa mga suntok ng kalaban niya. May dugo na sa gilid ng kaniyang labi, pero patuloy pa rin siyang lumalaban.Si Delany ang pinakanagulat ak
Janessa POVNakita kong bumaba na si Uncle River mula sa itaas. Pagbaba sa hagdan ay nakita ko siyang topless, pawisan pa rin at tanging boxer short lang ang suot. Agad siyang nagulat nang mapatingin sa akin.“Excuse me, pero sino ka?” tanong niya nang lapitan ako rito sa mahabang bangko sa sala.H
Janessa POVHabang tinatapunan ako ni Madam Imelda ng juice sa ulo ko ay biglang dumating sa loob ng bahay si Tita Merbella. Tanda ko ang mukha niya, siya ang kapatid ng Mama Maribel ko na sumalangit nawa ang kaluluwa.“Hayop kayo! Hindi na kayo naawa sa pamangkin ko!” sigaw niya nang lapitan si Ma
River POVNakapasok na ako sa bakery ngayong umaga. Sabi ni Merbella ay kaya naman niyang mag-isa sa bahay kahit wala kami ni Janessa. Ang bilin ko sa kaniya, kapag nagkaroon ng problema o kailanganin niya ako ay tumawag lang siya sa cellphone ko.“Ano bang nangyari at ilang araw kang hindi nakapas
Janessa POVPagod na pagod si Tita Merbella pag-uwi nila ni Uncle River dito sa bahay. Ni umakyat sa itaas ng bahay namin ay hindi na nito nagawa. Kaya ang ginawa namin ni Uncle River, binigyan namin siya ng higaan sa may sala. Doon na namin ito pinahiga kasi maging si Tita Merbella ay ayaw na raw







