Ang mapangutyang mga salita ni Harvey ay nagpalubog sa pinakailalam ng puso ni Justin Walker.Ng gabing iyon, ang badge ng branch leader ay dapat ang kanyang alas. Pero matapos na pinakita ni Harvey ang video, ang kanyang tinatawag na alas ay wala ng silbi.Kung sabagay, ang posisyon ng branch leader ay dapat makuha ng sariling mga kamao.Matapos makita ang malagim na ekspresyon ni Justin, ngumiti si Harvey.“Deputy Branch Leader Walker. Kamakailan, nagkasalubong tayo ng ilang beses at alam ko na marami kang pinaghirapan para sa posisyon ng branch leader ng Mordu.”“Alam ko na ikaw ay medyo masama ang loob kung sasabihin ko na sumuko ka na lang ng ganito.”“Paano kung ganito? Bibigyan kita ng pagkakataon na ipakita lahat ng alas mo!”“Kung magagawa mo akong takutin, ako ay masayang isusuko ang posisyon ko sayo.”Ang interes ni Harvey ay tumaas habang nagsasabi siya sa walang pakialam na tono na para bang patuloy niyang minamaliit si Justin.Ang masamang ekspresyon ni Justin ay
Si Aiden Bauer ay dinala ang gift box kay Justin Walker habang nagpapakita ng mainit na ngiti.Ng nilagay niya ang box sa harapan ni Justin, isang masamang pakiramdam ang umusbong sa puso niya.Huminga ng malalim si Justin, tapos mabagal na binuksan ang box gamit ang kanyang nanginginig na kanang kamay.Boom!Malamig na kilabot ang bumagsak sa spine ni Justin na para bang may tumamang kidlat sa tabi niya. Siya ay natisod patalikod at bumagsak sa sahig habang nagpapakita ng hindi makapaniwalang ekspresyon.Ito ay isa pang ulo!Isa sa Six Princes ng Mordu, ang ulo ni Lucas Jean, ay nasa loob ng kahon!Si Lucas ay nagrerepresenta ng pinakamalaking suporta at lakas ni Justin!Nakatingin sa ngiti ni Aiden, si Justin ay tanging nakatayo doon nanlalamig, na parang yelo.Alam niya ng maigi na si Aiden ay walang kapangyarihan na patayin si Lucas.Kaya, ang tanging posibilidad ay si Harvey York mismo!Hindi nakapagtataka na si Harvey ay nagawang magpakita dito ng walang pinsala. Mata
Ang kakayahan lumaban sa pagitan ng dalawa ay parang araw at gabi.Si Justin Walker ay wala man lang lakas na manlaban, paano nalang ang lumaban pabalik.Si Justin, na nagpapakita ng ekspresyon na kasing dilim ng gabi, ay mabagal na tumayo. Nawala ang inis niya ng tuluyan at napalitan ng walang ng pagasa.Tapos, si Justin ay nilabas ang badge na mukhang krystal habang patuloy na nanginginig, tapos inabot ito gamit ang parehong kamay.“Ito’y…”“Kinagagalak ko na makilala ka, Branch Leader!”Sa kumpas ng kamay ni Harvey, ang branch leader badge ay lumipad pabalik sa kamay ni Harvey sa isang iglap.Tinaas niya ang badge at pinakita ito sa lahat ng tao.Si Rachel Hardy, Aiden Bauer at iba pa ay masaya. Lahat sila ay nakaluhod sa isang paa at nagsabi, “Kinagagalak na makilala ka, Branch Leader!”Ang mga tao ay nagwawala. Hindi mabilang na tao ay nakaluhod sa isang paa.“Kinagagalak na makilala ka, Branch Leader!”Si Kait Walker ay sobrang masaya din.Sa kabilang banda, si Angeli
Matapos asikasuhin ang mga simpleng bagay, si Harvey York ay kaagad na umalis.Si Rachel Harvey at Aiden Bauer ay epektibong aasikasuhin ang mga bagay sa loob ng Longmen branch ng Mordu.At matapos tuluyang mawalang ng kapangyarihan si Justin Walker, si Kait Walker ay magagawang umangat ng walang problema.Ayaw ni Harvey na guluhin ang “alone time” ng magama. Sinubukan niyang iligtas ang ilang dignidad ni Kait.Nagmaneho pabalik si Harvey sa Fragrant Hill villa.Ng huminto siya sa harap ng traffic light, nagpadala siya kay Mandy Zimmer ng mensahe.Kahit na hindi niya tinawagan si Mandy kamakailan, nalaman niya na si Mandy ay pinagiisa ang lahat ng resources mula sa pamilya Zimmer sa South Light at papunta na sa Mordu.Sa banda ng pamilya Jean ng Mordu, si Mandy ay magkakaroon ng malaking pagkakataon na umangat sa kapangyarihan tutal patay na si Lucas Jean.Pero hindi masabi ni Harvey kung ito ay magandang bagay o masamang bagay.Ano pa man, negosyo ay negosyo. Sa diretsong pag
Matapos panoorin ng sandali, si Harvey York ay kaswal na nagdonate ng ilang rocket na nagpakita sa screen.Napansin ni Hazel ang mga rocket at nagpakita ng mainit na ngiti.“Maraming salamat sa iyong rocket, Mr. Tycoon.”“Kung hindi niyo alam, si Mr. Tycoon ay ang top Bro sa leaderboards! Hindi siya masyado online, pero marami siya magbigay bawat beses na nandyan siya!”“Mahal kita, Mr. Tycoon!”Hinatak ni Hazel si Yvonne papalapit, na mukhang sobrang naiilang, para batiin si Mr. Tycoon.Ngg walang pagdadalawang isip, nagdonate pa si Harvey ng isa pang Divine War God.Habang si Hazel ay sumisigaw pa puno ng kasiyahan, pinatay ni Harvey ang screen.Matapos dumating sa Prague Hotel, si Harvey ay tahimik na hinintay ang tinatawag na assistant ni Hazel na sunduin siya.Sa sandaling ito, ilang Toyota Century na may diplomatikong licenses ang dumating at tumigil sa VIP entrance.Nanliit ng kaunti ang mata ni Harvey. Ang Toyota Century ay tanging eksklusibo sa maharlika ng Island Na
Ang BMW Z4 ay maikukunsidera na pinaka mura sa mga luxury convertible na kotse.Sa mata ng mayamang tao, ang kotseng iyon ay laruan lamang.Pero ang kotse tulad nito ay madalas sapat na para takutin ang ordinaryon tao.Ang bubong ng kotse ay bumukas sa sandaling ito, nagpakita ng isang babae. Hindi siya maganda, pero ang kanyang mukha ay merong mga layer ng foundation para gawing medyo kakaiba ang kanyang itsura.Nilabas ng babae ang kanyang phone para tumingin tapos pabalik kay Harvey.“Ikaw ang kaibigan ni Ms. Yvonne Xavier?”“Oo, Tama.”Tumango si Harvey.“Ikaw siguro ang assistant ni Hazel Malone, si Ms. Mullins. Tama?”Nanlalamig na tugon ni Assistant Mullins, “Paano ka naging ganito kayabang?! Bakit hindi ka man lang naghintay sa akin sa tabi ng kalsada? Gusto mo ba akong umikot pabalik ng entrance para lang sayo?”“Hindi mo ba alam na ako ay sisingilin ng limang dolyar para lang pumarada dito?!”“Pumasok ka na sa kotse! Hindi ko alam ang iniisip ni Ms Xavier, sinabi n
Hindi nagpakita ng emosyon si Harvey York habang nanlalamig na nakatitig sa mayabang na itsura sa mukha ni Assistant Mullins. Kung sabagay, walang punto ang pakikipagusap sa maliit na mga tao.Sa pagkain ng tanghalian sa temple ni Chief Leonard Bray?Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Harvey habang ang interes niya ay tumaas pagkarinig nito. Si Chief Leonard ay nakakaintrigang tao. Kahhit na siya ay taga labas na nagensayo ng ancient martial arts, sinubukan niya pa din na sumali sa negosyo.Nagtataka si Harvey kung ang palm print sa kanyang mukha noong isang gabi ay nandoon pa din.Nakita si Harvey na tahimik na nakaupo sa passenger seat, inisip ni Assistant Mullins na siya ay takot na marinig ang pangalan ni Chief Leonard.Isang mapangutyang ngiti ang lumitaw sa mukha niya habang nagmamaneho. Kaagad, ang kotse ay nasa viaduct habang papunta sa mga suburb.Kalahating oras pa, ang kotse ay nagpunta sa harap ng Purdue Mountain.Ang lugar ay isang five-star scenic area. Ito ay nap
"Sa totoo lang, Ms. Xavier. Kilala ko ang lalaking ito.""Nakakahiya talaga na pagusapan ito. Siya ay talagang mahirap na kamag anak na ang ama ko ay nakita sa Buckwood.""Nirekomenda ko siya sa Kaizen Group hindi matagal ang nakalipas para magtrabaho doon.""Pero dahil sa sobrang swerte, nagawa niya talaga na papirmahan ang kontrata at bigyan ang sarili niya ng mahabang bakasyon.""Nagtataka ako ano ang ginagawa niya kamakailan. Hindi ko naisip na pumunta siya dito para maging bodyguard mo!""Siguro ay naloko ka niya, Ms. Xavier! Alam ko ng maigi kung anong klaseng tao siya!""Gusto mo siya na panatilihin kang ligtas?""Kalimutan mo na lang ang tungkol dito!"Matapos marinig ang mga sinabi ni Hazel Malone, ang mga sikat sa internet na kababaihan ay kaagad nawala ang interes kay Harvey York."Narinig nila si Yvonne Xavier na meron siyang kaibigan na paparating at inakala na si Harvey ay prince o young master, pero siya ay isang bodyguard lang.Ayos lang kung siya ay isang bod