“Tabi! Baka sumabog ulit ang kotse!” “Lumayo kayo sa kotse! ‘Wag kayong papatama sa pagsabog!” Sampung segundo lamang ang lumipas bago lumitaw si Harvey mula sa madla. Tumayo siya harapan ng lahat habang nagbibigay siya ng babala. “Bigyan niyo ako ng gwantes!” Isang tao mula sa madla ang nagbato ng isang pares ng gomang guantes sa sahig. Hindi nagdalawang-isip si Harvey at kaagad itong kinuha. Inilagay niya ito sa magkabilang kamay at sumugod sa sumasabog na Lamborghini. Pinanood siya ng mga tao at nakahinga nang maluwag ang mga ito.Kumpara kay Daniel na nagyayabang lang, natutukoy nilang talagang sinusubukan ni Harvey na sagipin si Ms. Thompson. Kahit sa pinakadelikadong sitwasyon, hindi ito nataranta at nanatili itong kalmado.“Hindi talaga siya natatakot kahit nasa panganib. ‘Yan ang tunay na propesyonal—isang tunay na expert!” “Mag-ingat ka, Mr. Expert!” “Tigilan niyo na ang paghanga sa kanya! Mag-isip kayo ng paraan para alisin ang mga kotse niyo! Malapit nang mak
Nang makitang maputla si Ms. Thompson, kaagad na hinawakan ni Harvey ang dibdib nito. Bumuga siya ng hangin sa bibig nito nang ilang beses, walang pakialam kung gaanong mukhang hindi angkop ang ginagawa niya. Fwoooo!Makalipas ang isang sandali, umingit nang mahina ang babae bago umubo nang matagal. Umubo siya ulit, at lumabas ang dugo mula sa kanyang labi. Subalit, bumalik na sa dati ang kanyang paghinga at wala na siya sa panganib.Nakahinga nang maluwag si Harvey sa nakita niya. Pagkatapos ay tumayo siya at humarap kay Butler Thompson.“Sige! Ayos na ang lahat.” “Para lang makasiguro, dapat dalhin niyo siya sa ospital para makapagpasuri pagdating ng ambulansya.” “Atsaka, kapag umigi na ang pakiramdam niya, huwag niyo siyang papasakayin sa mabilis na kotse. Kung hindi siya marunong magpatakbo ng mabibilis na kotse, baka maaksidente na naman siya.”“Naiintindihan ko, naiintindihan ko! Maraming salamat, Ginoo!” Paulit-ulit na tumango si Butler Thompson. Ang kayabangang ip
“Oh, ang aking bayani…”Suminghal nang malungkot si Teresa Thompson.gusto niyang habulin si Harvey bago ito maglaho, ngunit pagkatapos humakbang nang ilang beses, nagsimula siyang hingalin. Nanghina siya sa aksidente at hindi siya makatakbo. “M’lady, hindi mo na siya kailangang habulin.” Lumapit sa kanya si Butler Thompson at ipinakita ang larawan ni Harvey sa kanyang phone. “Nakuhanan ko siya ng larawan. Makakaasa ka, M’lady. Sa kapangyarihan ng Thompson family, hindi magiging mahirap na mahanap ang kahit na sino!” “Atsaka, dahil mayaman siya, madali lang siyang mahanap.” Nakahinga nang maluwag si Teresa sa sinabi ng kanyang butler. Dahil ipinanganak siya sa isang makapangyarihang pamilya, natural na mayroon siyang matalas na pag-iisip. “Butler Thompson, dapat palihim natin itong gawin,” bulong ni Teresa habang naniningkit ang kanyang mga mata.“Maaaring may kakaibang pagkatao ang tagapagligtas ko, o kaya may mga lihim siyang ayaw niyang ipaalam sa kahit kanino.” “Kapa
Pumasok si Harvey sa bulwagan. Sa loob ay maraming mga dalagang nakasuot ng alahas at mga lalaking nakasuot ng mamahaling kasuotan. Lahat sila ay mukhang mayaman.Si Simon at Xynthia ay nagtatago sa sulok ng isang kwarto, mukhang pagod na pagod. Sa kabilang banda, si Lucie at ang kanyang anak ay nakikipagsigawan sa mga galit na may-ari ng kotse. "Magbayad ka! Ibigay mo sa amin ang pera ngayon na!" "Ano ngayon kung nakatira ka sa Fragrant Hill villa?! Tingin mo pwede ka na lang bastang pumasok sa isang mamahaling villa at banggain ang mga kotse namin?!" "Magbayad ka ngayon na!" "Wala akong pake kumg sino kayo! Kapag hindi kayo nagbayad, tatawag ako ng pulis!" Pagkatapos pakinggan ang kaguluhan nang panandalian, naunawaan ni Harvey ang sitwasyon. Alam na alam ng lahat na ang Fragrant Hill ay may kanya-kanyang garahe. Dahil hindi pa nakakapunta dito si Nicolas, hindi niya ito alam.Kaya ipinarada niya ang Toyota Alphard sa paradahan ng villa na malapit sa kanto. Kasabay nito
Nagsimulang tumalon pataas baba si Lucie ng galiit, naiirita. Siya a nasa malaking pagkalugi habang nakikipagtalo sa mga galit na residente ng mga regal villa.Tapos isang ignorante driver, si Harvey, ay dumating para insultuhin siya!Wala siyang ibang gusto kung hindi ilagay ang mga kamay niya sa paligid ng leeg ni Harvey at sakalin siya hanggang mamatay siya.“Pwede ka bang maging rasonable, Aunty Lowe?!” Biglang nagsalita si Xynthia. Siya ay tahimik nitong buong oras, hanggang hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili.“Tutal si Brother Nicolas ay ang siyang bumangga sa kotse ng lahat, ikaw ang dapat humingi ng tawad at bayaran sila sa utang mo! Bakit mo sinusubukan na imortgage ang aming villa?! Wala kaming kinalaman sa bagay na ito!”“Atsaka, ang villa ay pagmamay ari ng aking Brother-In-Law…!”Pero bago pa matapos ni Xynthia ang kanyang sinasabi, mautak na kuminang ang mata ni Lucie. Ang babae ay tinapik ang kanyang ulo, kumikilos na parang merong siyang naalalang importan
Si Lucie at kanyang anak ay umalis matapos pilitin si Harvey na aminin na siya ang tunay na may ari ng Toyota Alphard.Pansamantala, si Harvey ay naging sentro ng atensyon. Ang lahat ay nakatitig sa kanya. Siya ay kaagad na pinalibutan ng mga residente ng mga regal villa, na gusto na pilitin siya na magbayad at ayusin ang problema.Sila ay sakim na mga hayop na pagaagawan kahit ang isang dolyar.Kumpara kay Lucie at kanyang anak, na mukhang walang kahit isang kusing sa kanilang pangalan, pakiramdam nila na si Harvey, na nagmamay ari ng luxury car at equity agreement, ay talagang merong paraan para asikasuhin ang utang na ito.May gustong sabihin si Xynthia, pero kaagad siyang tinulak patabi ng mga tao.“Tama na! Aasikasuhin ko ang lahat ng ito!”Kinukulit masyado, ang isip ni Harvey ay sasabog na. Pinapagalitan at pinipilit ng paulit ulit sa sobrang simpleng bagay sa magulong sitwasyon tulad nito ay pinapaiksi ang kanyang pasensya.Kasalukuyan, siya ay walang ideya na ang buo
Hindi na mapigilan ni Xynthia ang kanyang galit at sumigaw.“Pweede bang tumigil ka na maging walang hiya, Aunty Lower?!” Galit na galit siya na naglakad paharap, sumisigaw sa galit.“Dahil sa iyong anak, ang aking Brother-In-Law ay kailangan magbayad ng apatnapun’t pitong milyong dolyar! Kalimutan mo na ang mahiya sa sarili mo, sinusubukan mong bentahan siya ng sampung taong gulang na motor sa orihinal na presyo nito?!”“Sa tingin mo ba ang pera niya ay nagmumula sa mga puno?!”“At ikaw din, Mother! Ang mga kotseng ito ay orihinal na regalo para kay Big Sister!”“Tinanggihan niya ang bawat isa sa kanila, pero hindi ikaw! Kinuha mo ang lahat ng ito at ngayon gusto mong ibenta ang mga ito?!”Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?!“”“Nasaan ang iyong konsensya?!”“Tumahimik ka!”Sumigaw si Lilian. Tinaas niya ang kanyang kamay at sinampal ng galit si Xynthia sa pisngi, walang pakialam kung gaano kabayolente niya tinatrato ang kanyang pinaka batang anak.“Ang lakas ng loob mo na
Ngumiti si Harvey York, “Ayos lang ito. Kaunting pera lang ito at ang pagsasama sama ng pamilya ang importante.”“Higit pa dito, hindi ako mawawalan sa oras na ito.”“Hindi mawawalan?!” Mukhang nabigla si Xynthia Zimmer, hindi alam ang ibig sabihin ni Harvey.Naglakad si Harvey sa isang gilid at kaagad tinawagan ang numero ni Elias Pastel, isa sa Six Princes ng Mordu. “Elias, narinig ko na gagawa ka ng palabas “Fast and Furious” sinasabi na gagamit ng mga luxury car at tunay na kotse sa shoot.”“Brother York, ikaw ay sobrang nakakaalam. Ang investment dito ay tinatantya na malapit sa pitong daan at pitumpu’t limang milyong dolyar at halos kalahati ng kapital ay ginamit para bumili ng mga top luxury car. Ang mga luxury car na ito ay dahan dahang masisira habang umuusad ang kwento.”Mailap para kay Elias na makakuha ng tawag mula kay Harvey. Kaya, bigla niyang pinaliwanag ito.Ngumiti si Harvey at sinabi, “Anong pagkakataon. Nangyai na meron akong ilang kotse na ibebenta. Ang pac