Share

Chapter 24.1

Lance Mcneil's POV

"Open this damn door!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa buong silid.

Sa sobrang inis ko ay sunod-sunod kong kinalampag ang pinto.

"Mom! Ano ba? Hindi na 'to nakakatuwa!"

Ngunit wala akong napala kundi ang mapagod sa pagsigaw, pagkalampag at pagtadyak sa pinto.

"This is really bullshit!" Pakiramdam ko puputok ang litid ko sa leeg dahil sa labis na gigil. 

Hinugot ko ang cellphone ko at muling binalikan ang text message na galing sa kanya kanina.

Mommy:

We already left the house, Hijo. Hindi na tuloy ang party.

Ano to? Joke ba 'to?

Paanong hindi na tuloy?

At ang malaking katanungan ngayon ay kung bakit nila ako iniwan. 

Naiwan ba ako o sadyang iniwan nila ako?

Bago ko pa mapindot ang call button ay muli akong nakatanggap ng mensahe galing sa kanya.

Mommy:

Malakas na ang ulan, Hijo. Please huwag kang lumabas. There's a possibility of flash floods i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status