Share

Chapter 5

MATAPOS bitawan ni Shaun ang mga malalamig na salita, tinalikuran niya ako at iniwan sa tatlo pa niyang kasama. Bumuga ako ng hangin para ilabas man lang ang inis na nararamdaman.

“Buti nga sa’yo. Deserve mo ‘yan. Napaka gaspang kasi ng ugali mo. Gwapo lang ang meron ka, oy. Siguro narealize na ng babae na minalas siya sa’yo.” parinig ko. Nilakasan ko ‘yon para marinig ni Shaun, but he didn’t say a word. Sinundan ko siya ng masamang tinging hanggang sa makalabas na siya at mawala sa paningin ko.

“He’s unbelievable. Malaki ang problem ng lalaking ‘yon.” mahinang sabi ko. My thoughts were interrupted nang marinig ang usapan ng tatlong lalaki na kasama ko sa loob. Sumusulyap pa ito sa direksyon ko. I arched my eyebrows at them. Hindi ko ibinaba iyon hangga’t hindi sila lumilingon. 

Nakuha ko rin ang atensyon nila sa wakas matapos ang ilang segundo, “MAY SALTIK SA UTAK KAIBIGAN NIYO!” pasigaw na sabi ko para marinig talaga ni Shaun sa labas. Hindi nga ako nabigo dahil sumilip ang nilalang na dala-dala ang maitim na awra, “Anong sinisilip silip mo? Natamaan ka ba sa sinabi ko?” taas noo at matapang na tanong ko.

Umangat lang ang isang sulok ng labi niya na tila hindi na makapaghintay sa susunod nilalang gagawin. Napalunok ako ng laway at inilipat-lipat ang tingin sa mga kasama ko sa CR.

Anong binabalak niya?

Imbes na sagutin ang mga tanong ko, ibinaling niya ang tingin sa tatlong kasama at inutusan ang mga ito, “That annoying girl needs to learn her lesson. Do you what you have to do. Wag niyo pakawalan.” he laid his cold gaze at me and smirked again bago niya kami talikuran. Domuble ang kaba ko sa napagtanto.

“A—Anong lesson? A—Anong gagawin niyo sa’kin?” kinakabahang tanong ko. Pumidpid ako at niyakap ang tuhod ko habang nakatuon ang mga mata sakanila. Alerto sa kung ano ang susunod nilang gagawin sa akin.

Nagsingisi lang ang dalawa at ang isa sa kanila ay naiiling pa na tila hindi sang-ayon sa mga binabalak nila. But he didn’t say a word at tumingin lang sa akin at tipid na ngumiti. Am I in a big trouble?

Humakbang papalapit ang tatlo kaya hindi ko mapigilang mahintakutan. I couldn’t ignore the possibility na hahalayin nila ako rito—gang rape!

“W—Wag kayo lalapit! Sisigaw ako!” pananakot ko sa kanila.

“Easy ka lang, cutie pie.” sabi ng lalaki na nakaconverse na sapatos. Hindi ako kumibo, parang tuta ako na na trap sa isang sulok na takot na takot. Lumapit ang lalaking may blazer na nakasabit sa balikat at hinila palayo sa’kin ang lalaking naka converse.

“Wag mo nga siyang takutin.”

“Hindi ko naman tinatakot si babe!” 

“Excuse me. Don’t babe me.” mabilis na sabi ko. Tumihol ang kasama nila na nakabukas ang butones sa polo. Lumapit ito sa lalaking nasa harap ko at umakbay, “Ano nga ulit plano natin?” tanong nito.

“Plano? Mas magandang plano ‘yong paalisin niyo nalang ako dito at sabihin niyo sa may saltik niyong kaibigan na kalimutan nalang ang nangyari. Move on rin pag may time!” suhestyon ko.

“Magandang plano nga ‘yan.” sang-ayon nong nakatanggal ang butones, “Pero hindi pa namin pweding gawin ‘yan hangga’t hindi pa natin nagagawa ‘yon.” makahulugang sabi ng naka converse. Napakunot noo ako.

“‘Y—Yon?” tanong ko.

Lumapit ang naka converse at tumabi sa dalawang nasa harap ko. Lumingon siya sa mga kasama at nagsalita, “Hoy, ‘yong pustahan natin ha.” paalala nito sa mga kasama niya.

“P—Pustahan?” mas lalo akong nalito at kinabahan sa mga naririnig. Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sakanila. Tumingin sila sa akin ng makahulugan.

Napalunok ako ng laway, “Gawin na ba natin?” wika ng naka tanggal ang butones. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

“A—Anong binabalak niyo?”  nahintakutang tanong ko. Sumasayaw sayaw ‘yong lalaking naka converse na tila excited sa mangyayari. Wala akong ideya! 

“Parang awa niyo na. M—Marami pa akong pangarap sa buhay. Hindi ko kasalanan na nag hiwalay sila. Maniwala kayo. Baka ayaw na talaga ng babae sakanya. Pag ayaw na ng babae, wala na siyang magagawa roon. Punishing me won’t help. Minus points talaga kayo sa langit pag ginawa niyo...niyo a—ang binabalak niyo sa’kin. W—Wag niyo ako h—halayin!” nagmamakaawang sabi ko habang nakapikit ng taimtim

“Pfft.” napadilat ako ng marinig ang tila pagpipigil nila ng tawa. Kanya-kanya pa sila ng talikod. Tumikhim ang lalaking naka conversee at tumingon ulit sa akin, “Tama ka nga sa sinabi mo, may point ka roon. Pero hindi ka pa namin pweding pakawalan. May gagawin pa tayo.” itinaas taas pa nito ang kilay.

Nakangisi ang lalaking may blazer ng humarap sa’kin, “At sinong may sabi na hahalayin ka namin?” natatawang tanong niya. Lumuwag ang kapit ko sa tuhod ko at nagtatakang kinurap-kurap ang mata. Nakahinga rin ako ng maluwag sa nalaman.

“S—Sure kayo?” naninigurong tanong ko. Tumango silang tatlo, “Dapat mo lang pasayahin si Shaun.” nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Masyado na atang gumagana ang pagka greenminded ko at kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip ko.

“Susunod ka lang sa sasabihin niya.” dagdag ng naka tanggal ang butones. Napalunok ako ng laway, “G—Gaya ng sa 50 shades of grey—”

“HAHAHAHAHAHA.” 

Napakunot noo ako nang sabay-sabay silang humagalpak ng tawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon?! Tumalungko ang lalaking naka converse at ngumisi sa harap ko, “Parang gano’n.” mahinang sambit niya.

“Ang wild no’n.” rinig kong sabi ng nakatanggal ang butones na natatawa parin. Hinila ulit ng nakablazer ang nakatalungko sa harap ko kaya muntik na itong matihaya.

“Siraulo.” sabi ng may blazer sa balikat sa kasama niyang nakaconverse, na ngayon ay nakaupo sa sahig, “Stop scaring her.” sita nito.

“S—Sigradohin niyo lang! N-Nanununtok ako, sinasabi ko sainyo." banta ko kahit hindi naman totoo. Nanlaki ang mata ko, nataranta at napapidpid nang inilapit ng lalaking naka blazer ang kamay niya sa’kin.

“D-Don't touch me!Subukan mo lang talaga, bubugbugin kita!" pananakot ko sakanya.

Nagtawanan pa ang mga animas, “B-Bata pa ako. H—Hindi ko ibigay ang V-Card ko sa hindi ko kilala. Kahit ga’no pa siya kagwapo o kayaman, no...no!" naiiling at natatarantang sabi ko. Sunod sunod na ang mabibigat kong paghinga dahil sa kaba. Muli akong pumidpid pero sana hindi ko pala ginawa ‘yon.

“ARAAAAY KO!”

“MISS!”

“SHT!”

“PATAY.”

They said in unison. Walang nakapigil sa nangyari. Buset na pintong 'yan! Natihaya ako dahil biglang bumukas. Gusto kong umiyak dahil sa bowl pa talaga ako napakapit para hindi tuluyang mapahiga. Yuck!

“Miss?Okay ka lang?!” tanong ng lalaking naka tanggal ang ilang butones. Napangiwi ako dahil sa sakit ng balakang at pandidiri. Magkasalubong ang mga kilay ko na tiningnan sila isa-isa.

“Okay? Talagang tinanong mo pa. Obviously, hindi!” sarcastic na sagot ko, “Sabi ko nga.” sagot niya. Lumapit ang naka converse, “Tinakot niyo kasi!” paninisi niya.

“Kompara naman sa mukha ko, mas nakakatakot mukha mo, Louie.” he retorted to guy who’s on converse na Louie ang pangalan.

“Xen. Xenica, right?” inilahad nito ang kamay niya para tulungan ako, “Ako na ang mag sosorry. Binibiro ka lang nila. Hindi gano’n ang ibig naming sabihin. Wala kaming gagawin sa’yo.” sincere at kalmang sabi ng may blazer sa balikat.  Hindi ko tinanggap ang kamay niya at tumayo na ako ng mag-isa. Mabilis pa sa alas kwartro na umakyat ako sa bowl.

“WOAH!” sabay nilang sabi nang magulat sa nakita.

“Stay away.” I commanded. Hinubad ko ang sapatos ko para gawing s*****a. Parang spada na itinoon ko ito sa kanila, “Wag niyo maliitin sapatos ko. Nakakamatay ‘to. Kung mahal niyo ang mga buhay niyo, lubayan niyo ako!”

“Mukhang mahihirapan tayo, dude.” sabi ng kasama nila na nakatanggal ang butones, “Hindi ka namin sasaktan.” sabi ng may blazer sa balikat.

"Talaga? ‘Yan din ang sinabi ng mga serial killer sa mga biktima nila.” sagot ko naman.

“Don't worry, we're harmless.” sabi ng naka-unhook ang butones, “Sayang lang ang kagwapohan namin kung gagawa kami ng krimen at makukulong.” dagdag niya. 

“Ano ba talaga ang pakay niyo? Hindi niyo naman ako tatadtarin gaya ng chopchop lady, right?” paniniguro ko, “Hindi.” natatawang sagot ng may blazer sa balikat. Muling napahagalpak ng tawa ang mga kasama niya.

“Hindi kami gano’n. Si Rob lang ang mukhang serial killer—aray! Ano ba,dude. Ikaw kaya batukan ko dyan?” inis na wika ng naka converse sa kasamang naka unhook ang butones. Binatukan kasi.

"Siraulo ka. Ikaw mas mukha kriminal. Para kang rapist na inumaga.” sabi ng naka unhook ang butones, “Gagu, dude.”

Pinagmasdan ko silang nagtatalo sa harap ko. Siraulo ba 'tong mga 'to? Aaminin ko, natatawa ako sa mga sagutan nila. Mukhang mababait naman pero hindi ako dapat magpakampante. A demon was once an angel.

Natigil ang kanilang asaran nang may sumilip na demonyo sa pinto ng CR. Magkasalubong pa ang mga kilay, “Ba't ang tagal niyo?You're wasting time.Tsk!" 

“Patience, dude. Don’t worry maabutan mo pa siya.” sabi ng may blazer sa balikat, “Hurry up.” maotoridad na sabi ni Shaun at agad tumalikod.

“Tara.” aya ng lalaki na may blazer sa balikat. Kumurap-kurap lang ang mga mata ko, nagtataka sa sinabi niya, “Anong tara?

“May pupuntahan kayo ni Shaun.” sagot niya. Umiling ako, “Hell no!” tanggi ko pero laking gulat ko ng walang pasabing hinawakan niya ako sa braso. Nagpumiglas ako at pilit tinanggal ang pagkakahawak niya.

“Ano ba! Bitiwan mo’ko!What makes you think na sasama ako sa mga strangers na tulad niyo?" taas kilay na sabi ko, “I don't even know your names.”

Matagumpay na naagaw ko ang braso ko ng lumuwang ang hawak niya. Bumaba ako sa bowl, shoved them to the side at tinungo ang main door para makaalis na. Palabas na sana ako nang may humarang.

“You're not going anywhere. Hindi pa ako tapos sa'yo.”

Parang sasabog na ang ugat ko sa ulo dahil sa inis sa lalaking ‘to. Sarap niyang tirisin! Tinalikuran ko siya at bumalik sa cubicle ng kusa. Tumungtong ulit ako sa takip ng bowl. Nagtakang nakasunod lang ang mga mata nila sa akin.

“Hindi niyo ako tatantanan? Hindi ako lalabas rito. Pag nalaman ng school director ang pinag gagawa niyo, you guys are so dead.” sabi ko sa kanila na nakaangat ang sulok ng labi.

Pero hindi sila natinag roon. Hindi ko man lang nakitaan ng takot sa mata. Ngumiti sa’kin  ang may blazer sa balikat, “Pagpasensyahan mo na si Shaun. Mainit lang ulo no’n ngayon. By the way, i’m Glen.” pakilala niya sa’kin.

“Ako nga pala si Louie, single.” pakilala ng naka converse. “You can call me babe—pucha naman dude! Nagsasalita 'yong tao.” inis na sabi nito sa kasamang nakatanggal ang butones.

“Dami mo’ng sinabi.” itinaas ng panghuli nilang kasama ang kamay nito at nagpakilala rin, “Hey, Xen. Rob nga pala.” sabi niya sabay ayos sa butones niya. 

“Vics vaporROB. HAHAHAHA.” pang-aasar naman ni Louie at tumawa ng parang timang. Inakbayan siya ni Rob at sinakal, “Acck!” Louie cried. 

“Premature spermcell 'yan si Louie, wag mo nalang pansinin.” sabi ni Glen. Wala akong reaction pero sa isinulat ko na sa isip ko ang mga pangalan nila. Rob, Louie, at Glen.

Glen was nice. Louie’s timang and Rob, he’s okay. But I could see that they’re crackhead kapag sila lang magkakasama. ‘Yong tipong hindi mauubusan ng kalokohan. Except lang siguro sa kaibigan nilang may saltik at ipinaglihi sa sama ng loob na si Shaun.

Nakakapanghinayang pa rin na pangit ang first meeting namin ni Shaun. Sayang talaga. Sabi nga nila, tell me who your friends are and I’ll tell you who you are. Kung mababait tong mga ‘to, siguro may kabaitan rin si Shaun, but needless to say, hindi na mababawi ang mga masakit na salitang binitawan niya sa akin kanina. Touch move!

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng tipid sa kaharap ko, “Sorry.” mahinang sabi ko. Natigilan sila at napatingin sa’kin. Ngumiti si Glen sa’kin at napakamot sa kilay, “Hindi ka dapat sa amin nag so-sorry.” 

“Kay Shaun.” dugtong ni Rob.

“Kita niyo naman na napakasarado ng isip ng kaibigan niyo. Kayo nalang ang magsabi.” nakangusong sabi ko.

“Wag ka matakot. Hindi 'yon nangangagat. Slight lang." napangiwi ako sa sagot ni Rob. Nanakot pa!

"Any piece of advice?Ano ba ang dapat kong gawin para matapos na'to.Pinairal niya kasi ang init ng ulo niya. Pwedi naman kaming mag usap ng maayos. Anong magagawa ko kung ayaw na ng babae? Dapat na ba akong bumili ng bulldog glue? Ano? Pa'no ko 'to aayusin para matapos na?” frustrated na tanong ko.

“Kung gusto mong maayos 'to, kailangan mong sumama samin.” seryosong sagot ni Glen.

“Trust us. Hindi kami masasamang loob. Si Shaun lang.” Louie pursed his lips when his two friends glared at him, “Jokey-jokey! Seseryoso niyo.” bawi niya sa sinabi.

“Ang bakla mo talaga, Louie.” sabi naman ni Rob, “Sa’n niyo ba ako gustong dalhin?” tanong ko. 

“Hindi naman gano’n kalayo.”  wika ni Glen.

“Teka, pag iisipan ko muna.” 

“Dude, we need to hurry. Mabilis lang ang oras. Baka maabutan tayo ng heavy traffic sa daan. Patay tayo sa do’n sa isa. Atat na atat pa naman.” biglang singit ni Rob. Napaatras ako nang lahat ng mga mata nila’y nakatuon sa akin na tila may binabalak. Muntik pa ako mahulog sa bowl na pinagpapatungan ko.

“Sorry, Xen pero hindi na namin mahihintay ang desisyon mo—”

“OH, MY GOSH! H—Hoy! Sandali!” 

Hindi makapaniwalang sabi ko. Mabilis lang ang mga pangyayari. Nakaangat na ako sa ere—or shall we say nakasabit na ako sa balikat ni Rob, “H—Hoy, ibaba mo’ko!” sigaw ko at sinubukan magpumiglas. Kada galaw ko ay mas hinihigpitan pa niya ang pagkakakapit sa’kin.

“Tara! Woooh!” sabi ni Louie. Sumunod naman si Glen at kami ni Rob. Hutang’na! 

“Okay! Let's do this! Wag ka malikot, Xen ha. This is going to be a bumpy ride!” 

Napatili ako nang itakbo na nila ako! Jesus-Mary-Joseph!

HELP!!!

I'M ABDUCTED BY THESE GORGEOUS ALIENS!

----

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lhay Ka Aquino
how to avail next chapter
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status