Share

Chapter 6

HINDI ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon pero sigurado ako na sobrang gulo na ng buhok ko. Kakapumiglas ko kanina, ito napala ko. Sinuklay ko ang buhok ko sa may parteng nabuhol gamit ang daliri ko. Palihim kong sinulyapan ang katabi ko na tila x-ray ang mga mata na iginagala sa paligid. 

Maganda ang mga mata niya na may pagkaarogante at suplado. Maiintimidate ka sa genius straightface look niya. Pero kahit gano’n, sobrang lakas ng karisma niya na kahit ang lady guard do’n sa entrance, panay sulyap parin sakanya. Pati mga dumadaan sa harap namin, napapalingon sakanya. He's a head turner. Bali leeg.

Bakas sa mga mata ng kababaihan na dumadaan ang inggit—siyempre, akala siguro nila na may something kami ng isang ‘to. Yeah. Yeah. Lucky unlucky me. Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang takasan ang h1nayupak na’to. Panis na ata ang laway ko dahil mag-iisang oras na akong hindi nagsasalita. Hindi niya ako kinausap. Ganito lang kami mula kanina. Parang namamalimus

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status