MasukChapter 53Alessandra's POVChapter 53Alessandra’s POVNang makita ko sa screen ang pangalan ni Marie, biglang nag-init ang ulo ko. Bumitaw ako kay Max at pagkatapos ay nagbihis na rin.“Bakit kaya tumatawag ang babaeng iyon?” tanong ko sa sarili ko.Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ko. Ilang segundo pa lang ang nakalilipas, nasa mga bisig ko si Max at tila wala kaming ibang iniisip kundi ang isa't isa. Pero isang tawag lang mula kay Marie, biglang nagbago ang lahat.Kung sa bagay, wala naman akong karapatan kay Max dahil hiwalay na kami. Kaya kung kanino man siya nakikipagkita o nakikipagmabutihan ay wala na akong pakialam.Iyon ang sinasabi ng isip ko.Pero sa loob-loob ko, gusto kong buhusan ng asido ang babaeng iyon.Nakakainis dahil kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na wala na akong pakialam, hindi ko pa rin maitatangging nasasaktan ako. Hindi ko matanggap na may ibang babaeng maaaring tumawag sa kanya anumang oras at kailangan niyang
Chapter 52Alessandra's POVNapaupo na lamang ako sa swivel chair sa opisina ni Ate Erika. Pagod na rin ako sa maghapong pag-aasikaso ng problema. Marami pa akong kailangang gawin, pero kailangan kong unahin ang paglalabas ng official statement para hindi na lumaki ang isyu.Nagpaalam na rin si Andrei pagkatapos ay humalik muli sa akin sa pisngi.Sa unang beses, wala lang sa akin. Pero nitong pangalawa, napansin kong napatayo na si Max na parang gustong magreklamo.Tinapik pa ni Andrei si Max.Na parang nang-aasar at sinasabing nanalo siya sa oras na iyon.Tahimik pa rin si Max.“What?”“Bakit hindi mo ako nilapitan?”“I can also do that?”“Do what?” naiinis kong tanong.Hindi na siya kumibo.Hindi ko alam kung ano ang sentimyento pa niya sa buhay. Napakarami nang inatang ko sa kanyang responsibilidad, at hindi ko na alam kung ano pa ang gusto niyang mangyari.Hindi ko na siya sinabihan dahil may iba namang gagawa. Hindi ko kailangang umasa sa kanya sa lahat ng bagay.“You know, I hav
Chapter 51Alessandra’s POV“What do you mean kailangan ko nang bumalik?”May problema sa Bliss. Nagkaroon kasi ng food poisoning issue sa restaurant, at kailangan kong personal na asikasuhin ang nangyari.Maingat naman ang mga staff namin sa paghahanda ng pagkain. Mahigpit ang implementation namin pagdating sa cleanliness, food handling, at quality control. Kaya itong food poisoning incident ay hindi kapanipaniwala sa akin. Unless may nagsabotahe.Hindi ko maiwasang isipin na baka may taong sadyang gustong sirain ang pangalan ng restaurant namin.“Sige, babalik kami bukas, Kuya Mike.”Alalang-alala na si Ate Erika. Co-owner ko siya, kaya alam kong hindi rin biro ang nararamdaman niya. First time naming makaranas ng ganitong problema, at hindi namin alam kung hanggang saan ito maaaring lumala.“Ipaimbestigahan mo na lang muna, Kuya. Baka nga may mali talaga sa atin. We need to know what happened before we make any conclusions.”“Sikapin mo na lang na hindi na kumalat ang balita. We do
Chapter 50Alessandra’s POV“Papa, is this even real?”“Anak naman. Why are you still awed?”“Pa, ano pa ba ang tinatago mo?”Natawa si Papa sa mga sunod-sunod kong tanong sa kanya. Halatang natutuwa siya sa reaksiyon ko habang patuloy akong napapatingin sa paligid. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang ganitong kalaking property ay pagmamay-ari na niya. Hindi ito basta bahay o ordinaryong vacation house. Isa itong palasyo na tila may sariling mundo sa loob ng malawak na lupain.“Alam mo, madrama ka na rin gaya ng Tita Marge mo eh.”“This is big!”“Parang hindi ka na uuwi sa atin ah.”“Tama ka diyan, anak.”“Kaya nga ipinagkatiwala ko na ang lahat sa iyo dun eh.”“I already find my peace here.”Napatingin ako sa kanya. May kakaibang kasiyahan sa mukha ni Papa habang sinasabi iyon. Para bang matagal na niyang hinahanap ang ganitong klaseng katahimikan at ngayon lamang niya ito natagpuan.“Ibang klase din talaga ang peace mo, Papa, right here in a palace.”Napangiti siya at bahagyang umil
Chapter 49Alessandra's POVMakalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa main door ng Costa Brava. Medyo ancient na ang stone structures. Napakaganda ng pagkakagawa ng mga ito, halatang pinaglaanan ng panahon at malaking halaga. May mga lumang pader na yari sa bato, matataas na arko at malalaking pintuan na nagbibigay ng impresyong matagal nang nakatayo ang property.Nalalanghap din namin ang samyo ng coast. Medyo maalat pero refreshing. Sa malayo ay tanaw ang dagat na tila nakikipagtagisan sa bughaw na kalangitan.Napabuntong-hininga ako.“Ang ganda!”Hindi ko maiwasang mamangha. Hindi ito basta-bastang bahay. Para itong isang makasaysayang lugar na iningatan at inayos para mapanatili ang dating karangyaan.Sinalubong kami ng mga inside staff sa loob. Maayos ang kanilang mga uniporme at sabay-sabay silang yumuko nang makalapit kami.“Senorita Alessandra.”Nagulat kaming lahat.Napatingin ako sa kanila. Paano nila nalaman ang pangalan ko? Hindi naman ako kilala rito sa Spain, at h
Chapter 48Alessandra’s POVNasa Spain na kami. Dumiretso kami sa bagong kaka-acquired ni Papa na property. Natatawa pa nga kami nila Jovy dahil parang binabaybay namin ang isang malapalasyong estate. Hindi ko akalaing ganito kalawak ang lugar na pupuntahan namin. Habang tumatakbo ang sasakyan, kaliwa't kanan ang mga punongkahoy, malalawak na damuhan at mga tanawing tila walang katapusan.“Baka kapitbahay ng lote ninyo ito?” sabi ni Jovy habang nakadungaw sa bintana.“Napakalaki naman nito kung ito ngayon. Parang triple ng mansyon ninyo ito, Alex,” sabi pa ni Ate Erika na hindi rin maalis ang tingin sa paligid.“May ubasan pa,” dagdag pa ni Jovy.Napangiti ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magugulat sa lahat ng nakikita namin. Para kaming nasa isang pelikula kung saan ang mga pangunahing tauhan ay biglang napadpad sa isang lugar na pag-aari ng isang mayamang pamilya.Pinabuksan ko pa ang mga bintana para malanghap ang sariwang hangin. Napakaganda ng paligid. May mga taniman ng







