تسجيل الدخول
MYLENE’S POV:
“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak. “Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang teddy bear na may puso. Nag aalalang hinabol ko ito, kahit pa ilang dipa lamang ang layo nito mula sa akin. Limang taon pa lang si Kimmy, at aaminin ko, mahirap ang maging isang single mother, lalo na sa sitwasyon ng anak ko ngayon. May sakit si Kimmy, mahina ang puso nito kaya kumuha ako ng nanny na mag babantay at mag aalaga dito sa mga araw na wala ako at may pasok. Nagba-barko ako noong dalaga pa ako, nakaipon naman ako ngunit dahil sa tagal na din ng pamamalagi namin ni Kimmy dito sa Paris ay paubos na din ang naipon kong pera, kaya kung dati ay relax lang ako sa pagbabanat ng buto at pagkayod para sa kalagayan ni Kimmy, ngayon ay doble, minsan pa nga ay triple na ang sipag ko sa pag kayod sa pagta-trabaho para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng anak ko. Mabuti na nga lang at nandito kami sa Paris, madami ring libreng gamot at madalas nga ay libre kapag nao-ospital ito. Kung nasa Pilipinas kami, malamang ay lubog na lubog na ako sa utang para lang sa pagpapa gamot dito. Limang taon. Sa loob ng limang taon nakayanan ko ang magtago, ginawa kong patay ang aking sarili sa Pilipinas, walang sino man akong tinawagan na kaibigan o kamag anak doon upang balitaan ang mga ito kung saang lupalop at kung ano na ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Hirap ako pero sa tuwing makikita ko ang maaliwalas at nakapagandang ngiti ng anak ko, ay nawawala lahat ng hirap at pagod ko basta nandito ito at kasama ko. “Kimmy! Slow down!” Sigaw ko dito ng makita ko ang biglang pagtakbo nito kaya agad ko itong hinabol. Ngunit sadyang mabilis tumakbo ang batang ito kaya nabitawan ko na ang drinks na hawak ko at saka pinilit kong ma-abutan ito. “Kimmy! STOP! I said STOP!” Saway ko na may halong taranta, ngunit dahil pakiramdam siguro ng bata ay nakikipag habulan ako dito - lalo nitong binilisan ang pagtakbo. Halos magkandarapa ako sa pag habol dito. “KIMMY!” Sigaw ko na halos mapatid ang lalamunan ko sa sobrang lakas nang makita kong may papalapit na itim na sasakyan. Kitang kita ko ang pag hinto sa gitna ng anak ko na hindi nito malaman ang gagawin, nakatitig lamang ito sa mabilis na paparating na sasakyan. “ANAK!” Sigaw ko na hindi malaman kung paano ang gagawin. Nakita ko na lamang ang anak kong nakahiga na sa kalsada tila wala na itong malay kaya agad na nilapitan ko ito. “Call 911!” Iyon lamang ang narinig kong sabi ng nakapaligid sa akin na naintindihan ko. Hindi ko alam pero wala akong maunawaan sa nangyayari sa paligid. Basta na lamang ako sumalampak sa tabi ng anak ko habang walang tigil sa pag iyak. “Sir, I-I didn’t hit the kid.” Sabi ng isang taong naka talungko sa tabi ko. “Are you sure?” Tanong ng nakatayong lalaki na nasa tabi nito. “Yes sir. I think the Kid just passed out.” Imporma nito sa tinatawag nitong ‘Sir’. “Let’s bring her to the hospital.” Sabi ng lalaking nakatayo at nakita ko nalamang itong nilapitan ang anak ko at binuhat na parang baby. “You’re the mom of this kid?” Tanong nito sa akin ng pangko pangko nya na ang anak ko. “Do you think I’ll cry if I don’t even know her?”. Pag susungit ko dito. “Calm down Ms. Let’s take her to the Hospital.” Sabi nito at dumaretso na sa sasakyan nitong buhat buhat ang anak ko. “What’s her name?” tanong nito sa akin. “Kimmy.” Simpleng sagot ko. “How old is she?”. Muling tanong nito sa akin. “Five. Ang kulit! Tanong ng tanong!” Sabi ko dahil alam kong hindi naman ako nito maiintindihan. “She doesn’t look like you. Maybe she got her looks from her dad. Am I right?” Muling tanong nito. “Maybe. Ewan ko. Ako lang kamukha ng anak ko.” Muling sagot ko dito. Wala akong paki kung hindi ako maintindihan ng banyaga. Nag aalala ako sa anak ko ngayon. “Where’s the father? Is he at work?”. Tanong na naman nito sa akin. "Can you please stop asking me so many questions? I believe you’re not a policeman who would need to investigate me. Right?" Di ko napigilan na pambabara dito. Naiingayan ako lalo at hindi pa din nadilat ang anak ko ngayon. “Chill. I'm just trying to calm you down by diverting your mind to our conversation. I can see how tense you are right now." Eksplika nito sa akin. “Thank you. Kahit hindi naman nakatulong” Sagot ko na lamang dito. Napatingin ako sa mukha nito. Nakangiti itong nakatingin sa labas habang hawak hawak nito ang anak ko. Gwapo sana ang lalaki, matangos ang ilong. Sayang kaso ‘shunga’. Isip ko at ibinalik ang atensyon ko sa anak ko. “Anak, wake up na mahal. Mommy’s really worried na... Please mahal ko.” Sabi ko sa anak kong nakapikit pa din ang mga mata. Hinalikan ko ito sa noo. “Ahem!.” Ubo ng lalaki kaya agad na napatingin ako dito dahil napukaw nito ang atensyon ko. “Excuse me?” Sabi ko dito. “Hmm...” Sabi nito na itinuro ang kamay kong nakahawak sa legs nito nung halikan ko sa noo ang aking anak. “Ay! Sorry...” Sabi ko at mabilis na nahihiyang inalis ang kamay kong ipinatong sa legs nito dahil ginawa ko iyon para suportahan ang sarili sa pag yuko ko kanina para halikan ang aking anak. Hindi ko na napansin na hita pala ng lalaki iyon at malapit sa gitna nito ang nahawakan ko. Ngumiti ito na para bang nahihirapan bilang tugon nito sa pag hingi ko ng pag umanhin dito. “M-May I know your name?” Napipilitang tanong ko dito para maibaling na sa iba ang nakakahiyang pangyayari. “I’m Gab. And you?” Balik tanong sa akin nito. “Mylene.” Sabi ko sabay ngiti dito ng alanganin. “Nice to meet you ‘Myles’.” Sabi nito sa akin na ipinagtaka ko. Mali ata ito ng rinig ng pangalan ko. “I said, my name is MYLENE.” Pag lilinaw ko dito. “I heard you. But I prefer to call you ‘Myles’. Mylene is too long to say. I hope you don’t mind.” Sabi nito sa akin. “S-Sure.” Sagot ko dito. Hinayaan ko na lamang ito. Atleast tinulungan ako nitong buhatin ang anak ko at nagmagandang loob pa na dalhin kami sa ospital.“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May lalaki ka ba?” Nag ngangalit ang ngipin na napatiim bagang na lamang ako.“Hindi pa ba ako sapat Mylene? Bakit kailangan mo akong iwan at saktan?” Puno ng katanungan na nai-isip ko.Mylene’s POV...Nakarating ako sa ospital kung nasaan ang anak ko. Doon ko ibinuhos ang atensyon ko. Pinilit kong iwaksi sa isipan ko ang ama ni Kimmy.Ramdam ko ang kaba na para ba ako hinahabol ng isang daang kabayo. Ngunit kahit na ganoon ay ayaw ko pa din magpahabol dito.Hindi ako maaaring magpatalo sa aking damdamin. Matagal na kaming wala. Limang taon na kaming hindi nagkikita kaya malamang baka may ibang asawa na ito...Nakatulog ako sa kakaisip sa tabi ng anak ko habang nag babantay dito.KINABUKASAN...Wa
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin ngayon kaya nagkaroon ako ng sapat na oras para maayos na malinis at maihanda ang silid nito.Alam kong hindi lang basta VIP ang darating na guest kung hindi SUPER VIP. Kasi lahat ay natataranta. Mahigpit ang management ngayon dahil ayaw mapahiya sa padating na bisita.Magulong magulo ang utak ko habang nag lilinis sa Presidential suite room ng guest namin kaya wala sa sariling dinampot ko ang lalagyanan ng mop na may tubig at mabilis na umikot para sana dalhin ito sa CR at linisin ng mabangga ako sa biglang lingon ko at bumuhos lahat ng laman na maduming tubig na pinang punas ko sa sahig sa taong nabangga ko.Napapikit ako at nakaramdam ng malakas na kabog sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ulo at ilong.Ilang linggo lamang ang lumipas pagkatapos ng insidente sa pagitan namin ni Gab at ng anak ko ay nangailangan na nga kaagad ni Kimmy ng dugo. At dahil wala talaga akong mahanap na blood bank na may stock ng katulad sa blood type ng anak ko ay napilitan akong tumawag at humingi ng tulong kay Gab. Agad naman ako nitong tinulungan ng walang kahirap hirap.Na-supplyan kaagad si Kimmy ng dugo mula sa connection ni Gab. Lumipas pa ang ilang buwan patuloy ang pag tulong ni Gab dahil kailangan pa din ng dugo ni Kimmy hanggang sa tumawag ito at inimporma ako na malapit na maubos ang stock ng blood type ng anak ko sa mga connections na meron si Gab.“Hi Gab! What’s their suggestion?” Tanon
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo nito na ngayon nga ay kasama namin patungong ospital.Pag dating namin sa ospital ay agad kaming nilapitan ng medical health workers sa emergency room at inasikaso ng mga ito si Kimmy. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Basta ang pakiramdam ko ay halos di na ako makahinga dahil sa sobrang kaba na ngayon nga ay nararamdaman ko.“Dyos ko, kayo na po ang bahala sa anak ko.” Taimtim na dasal ko habang inaasikaso nila si Kimmy.Wala akong tigil sa pag paroo’t parito ng paglalakad sa hallway ng biglang mabangga ako sa isang matigas na bagay kaya agad na napahimas ako sa noo ko at saka tiningala kung sino o ano ang nabangga ko ng hindi ko namamalayan.“Calm down, she’s gonna be alright.” Sabi sa akin
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang teddy bear na may puso.Nag aalalang hinabol ko ito, kahit pa ilang dipa lamang ang layo nito mula sa akin. Limang taon pa lang si Kimmy, at aaminin ko, mahirap ang maging isang single mother, lalo na sa sitwasyon ng anak ko ngayon. May sakit si Kimmy, mahina ang puso nito kaya kumuha ako ng nanny na mag babantay at mag aalaga dito sa mga araw na wala ako at may pasok. Nagba-barko ako noong dalaga pa ako, nakaipon naman ako ngunit dahil sa tagal na din ng pamamalagi namin ni Kimmy dito sa Paris ay paubos na din ang naipon kong pera, kaya kung dati ay relax lang ako sa pagbabanat ng buto at pagkayod para sa kalagayan ni Kimmy, ngayon ay doble, minsan pa nga ay triple na ang sipag ko sa pag ka







