Share

Marco 86

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-09-15 17:47:38

Paglabas ko mula sa dambuhalang glass doors ng Iron Media, halos nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang galit. Nanlilisik ang aking mga mata at naglalagutukan ang aking panga sa matinding pagpipigil.

Hindi ko matanggap.

Hindi kailanman matatanggap ng aking pride na pagkatapos ng lahat ng paghahanda ko, pagkatapos ng mga pagmamayabang ko sa media, at pagkatapos gamitin ang pangalan ni Rose Ann Sanchez para lang makuha ang atensyon ng mga executives—isang simpleng compliance review at pagbun
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 9

    Ito ang gusto ko, diba? Ang maging kailangan. Ang maramdamang may taong masayang kasama ako nang walang dalang sermon o pangaral tungkol sa mga maling ginagawa ko sa buhay. Si Aria, hindi niya ako pinipilit maging perpekto. Tinatanggap niya ako kung ano ako kapag nagpapakita ako ng kabaitan sa kanila."Sige," sagot ko nang wala sa oras. "Saan ba kayo pupunta?""Sa may tapat ng mall, malapit sa kainan nina Tita," sagot ni Aria, halatang natutuwa sa pagsama ko. "Pero sandali... pwede bang hiramin muna namin ang susi ng sasakyan mo? Para hindi na kami mag-commute papunta roon, dire-diretso na kaming lahat."Napakunot ang noo ko nang bahagya. "Susi ng sasakyan?""Oo, kung okay lang sa 'yo," sagot niya habang naka-pout nang bahagya na parang bata. "May dala ka namang sasakyan ngayon, di ba? Iyong bigay ng pamilya mo."Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kamay niyang nakalahad, naghihintay ng susi. Sa sandaling iyon, dumaan sa isip ko ang bawat salitang binitawan ni Jayzel kanina s

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 8

    Mas lalo akong nainis. Bakit ba kailangan niyang umabot sa puntong insultuhin ang pagtulong ko? Bakit kailangan niyang sabihin na parang aso lang ako na sunud-sunuran kapag may tumatawag sa akin? Ang sakit-sakit pakinggan. Kahit kailan, hindi ko naman siya pinakialaman nang ganoon kalala kahit alam ko namang minsan ay sumusobra na rin siya sa pagiging seryoso sa buhay.Pero habang lumalayo ako nang lumalayo, mas lalo ko ring naririnig ang sarili kong mga iniisip—at ang boses sa loob ko na nagtatanong kung bakit ganito ang pakiramdam ko.'Bakit hindi niya ako hinabol?'Napapikit ako nang mariin habang naglalakad sa tabi ng mga halamanan sa labas ng gusali. 'Hindi ko kailangan si Jayzel. Hindi ko kailangan ang konsuwelo de bobo niya.' Pero bakit parang may kung anong bahagi ng sistema ko ang nakakaramdam ng matinding panghihinayang? Bakit parang mas masakit pa ang katotohanang hindi siya sumunod kaysa sa mismong mga sermon niya kanina?Nakarating ako sa isang bench malapit sa tahimik na

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 7

    POV: JunPaglabas ko ng library, hindi ko na nilingon si Jayzel.Galit ako. Sobra.Hindi ko alam kung alin ang mas nakakainis—ang paulit-ulit niyang sermon, ang mapanghusgang paraan ng pagsasalita niya sa akin, o ang nakakapanibagong pakiramdam na para bang wala akong sariling pag-isip o kakayahang magdesisyon para sa sarili ko.Parang bata ako sa paningin niya. Parang kailangan niya akong bantayan sa bawat galaw ko, sa bawat taong kinakausap ko, at sa bawat oras na ibinibigay ko sa iba. Para bang hindi ko alam kung ano ang tama at mali, at siya lang ang may hawak ng tamang sagot sa lahat ng bagay.Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko habang naglalakad ako nang mabilis sa hallway.'Bakit ba siya ganoon?'Alam kong concern siya. Alam ko iyon sa bawat boses niyang nanginginig sa inis, sa bawat salitang ibinabato niya. Pero hindi ibig sabihin na dahil matalik ko siyang kaibigan, may karapatan na siyang panghimasukan ang bawat desisyon ko. May sarili akong buhay. May sarili akong u

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 6

    Tumahimik siya. Literal na natigilan. Ang mga mata niyang galit kanina ay bahagyang kumurap, umiwas ng tingin sa akin dahil alam niyang totoo ang mga sinasabi ko."Sagutin mo ako," mahina pero mariin kong sabi. "Sino ang sumasalo sa'yo kapag ikaw ang lugmok?""Jayzel..." boses niya, medyo lumambot pero may halong depensa pa rin."Wala, 'di ba? Dahil kapag ikaw ang humihingi ng tulong o simpleng oras lang para sa sarili mo, abala sila. Pero kapag sila ang tumawag sa pangalan mo, parang aso kang tatakbo agad!""Hindi mo naiindihan," bulong niya habang umiiling."Edi ipaliwanag mo sa akin! Ipaliwanag mo kung bakit kailangan mong magpakatanga nang ganito!"Tumayo siya nang bigla. Dahil sa paggalaw niya, nayugyog ang mesa at nahulog ang ilang papel sa sahig. Hindi niya pinansin ang mga iyon. Nakatingin siya sa akin nang may halong inis at sakit."Dahil hindi ko kailangang humingi ng tulong sa kanila!" sigaw niya nang bahagya, sapat para marinig sa buong sulok ng reading area. "At lalong hi

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 5

    Ilang araw matapos ang kasal nina Rose Ann at Marco, muli kaming nagkita ni Jun sa campus.Hindi ko naman siya hinahanap. Sa totoo lang, sinadya kong huwag siyang galawin o abalahin man lang kahit sa chat. Pero masyadong maliit ang mundo namin sa eskwelahan, lalo na kapag pareho kayong may mga kakilala sa iba't ibang department. Kaya hindi na ako nagtaka nang makita ko siya isang hapon sa library—doon sa paborito naming pwesto sa pinakadulong bahagi ng reading area.Mag-isa siya sa isang mahabang mesa, napapaligiran ng mga bukas na librong may markang paboritong sanggunian, ilang printed articles, at mga lapis na nagkalat. Nakakunot ang noo niya habang nakatutok ang mga mata sa screen ng laptop. Halatang ilang oras na siyang nakatunganga roon, nakikipagbuno sa mga salitang hindi naman para sa kanya.Huminto ako sa ilang hakbang mula sa kinaroroonan niya. Hindi niya ako napansin.Sa screen ng laptop niya, may bukas na research database. Sa tabi nito ay isang document na puno ng mga san

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 4

    Nang ibulong niya ang halaga, nanlaki ang mga mata ko. Halos kapareho iyon ng eksaktong kulang niya sa tuition fee para makapag-exam siya!“Ginamit mo ang pambayad mo sa tuition para ibili siya ng regalo?!” nanggigigil na tanong ko.“Babawiin ko naman sa sideline ko next week, Jayzel. Huwag kang mag-alala.”“Paano mo babawiin kung may exam ka at sunod-sunod ang ginagawa mong project para sa mga kaibigan niya? Kailan ka matutulog? Kailan mo uunahin ang sarili mo?”Tahimik siya. Walang masabi. At dahil alam kong nanganganib na naman ang pag-aaral niya dahil sa katangahan ng pagpapakabuti sa iba, wala na akong nagawa kundi ilabas ang wallet ko.Inihagis ko sa mesa ang ipon ko. “Kunin mo ‘yan. Bayaran mo ang tuition mo. Bayaran mo na lang ako kapag may pera ka na.”Tumingin siya sa akin, gulat na gulat sa ginawa ko. “Jayzel… hindi ko pwedeng tanggapin ‘to.”“Kunin mo na bago ko pa bawiin! Mag-aral ka naman nang maayos, Jun. Hindi habambuhay na may magliligtas sa iyo sa katarantaduhang gi

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    CHAPTER 2

    Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    CHAPTER 1

    MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    CHAPTER 5

    “Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    CHAPTER 4

    Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status