Share

Kabanata 152 Telling a Lie

last update Last Updated: 2025-05-16 16:11:35

Nangangatal ang katawan ni Mayumi sa pagdapo ng kamay ni Don Manuel sa kanyang balat.

“Well, pwede kitang pagbigyan. Makakapaghintay pa naman ako bago ang kasal natin. Para din mas exciting.”

Nakahinga siya ng maluwag. “Don Manuel, gusto ko po sanang tumulong sa plantasyon ng prutas ninyo. Ayokong umasa lamang. Gusto kong magtrabaho.”

“Gusto ko ‘yang mindset mo. Sige, bibigyan kita ng trabaho sa plantansyon simula bukas.”

Kinabukasan ay nagsimula na agad magtrabaho si Mayumi. Mainit ang sikat ng araw nang dumating siya sa malawak na plantasyon ng prutas ni Don Manuel. Nakasuot siya ng simpleng blouse at pantalon, bitbit ang maliit na bag na naglalaman ng recorder at isang manipis na notebook. Sa unang tingin, isa lamang siyang bagong empleyado, ngunit ang tibok ng kanyang puso ay kabado sa bigat ng misyon na kailangan niyang matapos.

Lumapit si Don Manuel, suot ang puting sombrero at hawak ang baston. Ngumiti ito ng may pagnanasa kaya medyo nailang siya.

“Mayumi, nandito ka na pala,”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po. May update pa po mamaya.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 154 One Rainy Night

    Naglalakad sa gilid ng plantasyon si Mayumi malapit sa boundary sa lupang pag-aari ni Cayden. Lumapit siya sa kubong gawa sa kawayan.Naabutan niya si Cayden sa loob. Hindi siya nagsalita agad. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, ang tensyon sa pagitan nila ay parang apoy na sisiklab anumang sandali. Namula ang mukha niya ng maalala ang namagitan sa kanila kanina.“Bakit mo ako pinatawag?” malamig ang boses niya.“May sasabihin ako sa’yo.”“Ano ‘yun? Bilisan mo na. Tumakas lang ako.”Pero napalitan ng pilyong ngiti ang seryosong mukha nito at hinagod ng tingin ang suot niyang maluwang na dress.“Bakit naka-dress ka na ngayon porke makikipagkita ka sa akin. Miss mo na ba si Junjun?”Pinigil niyang mapangiti. Inirapan niya ang binata at nagkunwaring naiinis. Totoong sinadya niyang alisin ang sagabal na pantalon kanina. Masyado yata siyang halata.“Alam mo kung wala kang sasabihin, babalik na ako sa mansyon.”“Ikaw naman, hindi ka mabiro. Seryoso ang sasabihin ko.”“Bilisan mo dahil bak

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 153 Missing Each Other

    “No, you’re lying!” ani Cayden na mas lumapit sa kanya. Hindi makahinga si Mayumi sa presensya nito.“Totoo ang sinasabi ko kaya hindi mo na kailangang pumunta dito at pilitin akong sumama sa’yo!"“Huwag mo akong lokohin, Mayumi. Hindi mo ako kayang itaboy gamit ang kasinungalingan.”“Hindi ako nagsisinungaling. Mas magiging madali ang buhay ko kung si Don Manuel ang sasamahan ko,” aniya at umaasang makukumbinsi si Cayden.“Kung hindi, bakit nanginginig ka? Sabihin mo sa akin habang nakatingin ka sa mga mata ko na hindi mo ako gusto. Sabihin mo!”Tumawa siya upang mas maging epektib ang sasabihin. “Huwag mong sabihing pinaniwalaan mo ang mga sinabi ko sa’yo. Sinabi ko sa’yong gusto kita at mahal kita dahil akala ko ay mahuhulog ka sa bitag ko.”Hinawakan nito ang braso niya, marahan ngunit mariin. Naglapat ang kanilang mga mata. At bago pa man siya makapagsalita ng isa pang kasinungalingan, bigla siyang hinagkan ni Cayden.Mabilis, mapusok, puno ng damdaming hindi niya kayang bigyan n

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 152 Telling a Lie

    Nangangatal ang katawan ni Mayumi sa pagdapo ng kamay ni Don Manuel sa kanyang balat.“Well, pwede kitang pagbigyan. Makakapaghintay pa naman ako bago ang kasal natin. Para din mas exciting.”Nakahinga siya ng maluwag. “Don Manuel, gusto ko po sanang tumulong sa plantasyon ng prutas ninyo. Ayokong umasa lamang. Gusto kong magtrabaho.”“Gusto ko ‘yang mindset mo. Sige, bibigyan kita ng trabaho sa plantansyon simula bukas.”Kinabukasan ay nagsimula na agad magtrabaho si Mayumi. Mainit ang sikat ng araw nang dumating siya sa malawak na plantasyon ng prutas ni Don Manuel. Nakasuot siya ng simpleng blouse at pantalon, bitbit ang maliit na bag na naglalaman ng recorder at isang manipis na notebook. Sa unang tingin, isa lamang siyang bagong empleyado, ngunit ang tibok ng kanyang puso ay kabado sa bigat ng misyon na kailangan niyang matapos.Lumapit si Don Manuel, suot ang puting sombrero at hawak ang baston. Ngumiti ito ng may pagnanasa kaya medyo nailang siya.“Mayumi, nandito ka na pala,”

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 151 Facing the Monster

    “Ako lang ang magdedesisyon kung tapos na tayo. Bayad ka, huwag mong kalimutan!”“Cayden,” tawag ni Mayumi na nahihirapan na ang kalooban.“Wala ka bang kunsensya? Nakita mong nasa ospital ako tapos iiwan mo ako sa ere? Pera lang ba talaga ang mahalaga sa’yo?! Basta! Hindi tayo maghihiwalay. Tapos ang usapan.”Napayuko siya, nagpipigil ng luha. Gusto niyang sabihin ang totoo. Na may panganib pero hindi niya magawa. Mas malalagay sa panganib ang buhay nito kapag nagkataon.“Hindi ko hahayaan na basta ka na lang umalis. Malaki na ang nagastos ko sa’yo. Pero sige, bibigyan pa kita ng pera. Magkano ang gusto mo? Huwag mo lang akong iwan. Kailangan kita. I mean, ayokong malungkot ang mommy ko kapag bigla kang aalis.”Tahimik lang siya. Nakayuko, nakatayo malapit sa pintuan, tila handa nang lumabas anumang sandali. Gusto na lang niyang tumakbo palayo. Ngunit naninigas naman ang kanyang katawan.“Cayden,” mahina niyang sabing lumapit sa binata, “Hindi mo naiintindihan. May mga bagay akong kai

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 150 Ending the Contract

    Anak nga ba siya ni Nanay Sally? Tila sinuntok ang sikmura niya. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at unti-unting nagbalik ang ilang alaala ng nakaraan noong siya ay bata pa.Maulan na hapon. Sa loob ng maliit na kubo na tinitirhan nila sa baryo, may sira ang bubong at tumutulo sa sahig na kawayan ang tubig. Si Mayumi ay nakaluhod sa sulok, nanginginig sa lamig, habang hawak ang sirang laruan, isang maliit na manikang wala nang braso.Sa gitna ng sala, nakatayo si Nanay Sally, ay hawak na walis sa isang kamay.“Ano’ng sinabi ko sa’yo ha? Sinabi ko na sa’yo, huwag mong gagalawin ang mga laruan ni Naomi at baka masira!” sigaw ng ina, habang ibinabagsak ang walis tambo sa sahig bilang panakot.“Wala kang ginawa kundi manggulo! Puro kamalasan ang dala mo sa buhay ko! Mula ng ipinanganak ka, puro malas na lang ang dumating!”“Pasensya na po, Nay,” umiiyak na sagot niya. “Wala lang po kasi akong laruan, nanghihiram lang po ako---”Isang malakas na palo ang dumapo sa binti niya. Isa. Da

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 149 Mission Started

    “Humawak ka!” sigaw ni Cayden, kasabay ng isang biglang liko at kabig ng manibela. Naramdaman ni Mayumi ang mahigpit nitong yakap upang protektahan ang kanyang katawan sa posibleng impact ng pagbangga.Kasunod ang pagliparan ng mga ibon, ang langitngit ng gulong sa semento, at ang dagundong ng bakal sa lupa. Sa isang iglap, lumipad ang sasakyan pababa, bumangga sa mga tanim na palay, at bumulusok sa gitna ng luntiang bukirin. May ilang basag na salamin, pero salamat sa siksik na taniman at putik, bumagal ang bagsak ng kotse.Ilang saglit ang katahimikan. Naririnig lamang ang mabilis nilang paghinga. Eratiko ang tibok ng kanilang mga puso.“Mayumi, ayos ka lang?” hingal ni Cayden, habang sinusuri siya at labis ang pag-aalala.Tumango siya, nanginginig ang katawan at hindi makapasalita. “Oo... okay lang ako. Ikaw?”Napatingin siya sa binata at nakita ang pag-agos ng dugo sa ulo nito. Nahindik siya lalo ng nawalan ito ng malay.“Cayden, Cayden, gumising ka,” nanginginig niyang tawag. Tum

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 148 Choosing Love

    Natigilan si Mayumi. “Mommy Cecil, patawarin po ninyo ako,” aniyang nanginginig ang katawan. Hiyang hiya siya sa matandang naging napakabuti sa kanya. Hindi na niya napigil ang sariling mapaiyak.Hinila siya ni Mommy Cecil sa likod ng mansyon. “Hindi ako galit.”“Hindi po kayo galit?” aniyang nanlaki ang mata.“Oo, nasaktan ako sa pagsisinungaling ninyo at pagpapanggap na magkasintahan. Pero kasalanan ko din kung bakit humantong sa ganitong desisyon si Cayden. Pinagtutulakan ko na siyang mag-asawa. Nag-aalala akong tumanda siyang mag-isa dahil sa paghahanap sa batang babaeng nagligtas sa kanya noon. I'm worried for my son.”“Pasensya na po…” aniyang yukong yuko ang ulo. Iniisip din niya ang galit ni Cayden sa sandaling malaman nitong alam na ng mommy nito ang totoo. Natitiyak niyang papalayasin na siya sa mansyon.Tahimik si Mommy Cecil ng ilang segundo, saka muling nagsalita, diretso na tila sinusukat ang damdamin niya.“Kung hindi totoo ang relasyon ninyo, edi ayusin natin. I’ll give

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 147 Discovering the Truth

    “Sige payag na akong maging impomante. Pero bigyan mo ng proteksyon si Cayden,” hiling ni Mayumi.“Wow, mahal mo nga ang lalaking iyon. Biruin mo, ikaw ang malalagay sa panganib, kaligtasan niya ang iniisip mo. Huwag kang mag-alala, maglalagay ako ng taong magbabantay sa kanya.”“Hindi ito alam ni Cayden,” mahina niyang sabi. “Ayokong malaman niya. Hindi ko siya kayang ilagay sa alanganin.”“Lihim nating gagawin ito. Pero Mayumi…” Hinawakan ni Justin ang kamay niya saglit. “Pwedeng mapahamak ka dito. Siguradong sigurado ka ba?”Huminga siya nang malalim.“Kung kailangan kong ilagay ang sarili ko sa panganib para sa kaligtasan ni Cayden… Oo. Gagawin ko.”“Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin ko ang kaligtasan mo, ng pamilya mo at ni Cayden.”Tumango siya. “Ano ang plano?” aniyang puno ng determinasyon ang tinig. Gagawin niya ito para sa kaligtasan ni Cayden at para sa kalayaan niya.***Hapon na ng makabalik si Mayumi. Wala pa naman si Cayden. Tiyak niyang mamaya pa ang uwi nito mula sa

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 146 Hardest Decision

    Bubuka pa lang ang bibig niya upang sabihing mahal na mahal niya si Cayden nang madinig nila ang boses ni Mommy Cecil.“Oh, anak!” masiglang bati ni Mommy Cecil habang niyayakap si Cayden. “Ang aga mo. Hindi mo talaga kayang mawalay ng matagal kay Mayumi, ha. Ganyan talaga kapag mahal na mahal.”Tahimik si Cayden. Wala pa ring reaksyon mula sa halik at pag-amin kanina ni Mayumi.“Mom, may pasalubong din ako sa’yo,” sagot niya at inabot ang isa pang bag sa ina.Tumayo sa tabi niya si Mommy Cecil at tumingin sa paligid. “Cayden, I’m not getting any younger. At itong si Mayumi alam kong mahal ka.”“Mom --”“Magpakasal na kayo,” putol nito sa sasabihin ni Cayden, mariing mariin. “Bakit papatagalin pa? Doon din naman ang tungo noon. Bigyan ninyo ako ng apo.”Huminga nang malalim si Cayden. “Ma, huwag nating madaliin. Marami pa akong kailangang ayusin sa kumpanya. Business decisions. Expansion. At si Mayumi, pangarap niyang makapag-aral sa ibang bansa. Ayokong hindi niya matupad ang pangara

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status