Home / Romance / Never Fall Again to the Heartless Billionaire / Kabanata 163 Simple and Happy Life

Share

Kabanata 163 Simple and Happy Life

last update Last Updated: 2025-05-21 15:43:27

Maingay ang lumang bentilador na nakakabit sa kisame ng inuupahang silid. Humahalo ang amoy ng lumang kahoy at alikabok sa malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa bintana.

Habang naglilipat ng channel sa telebisyon ay nakita niya ang sarili sa balita.

"Breaking news: Isang dalagang nagngangalang Mayumi Olivares ang naiulat na nawawala matapos umanong dukutin habang sakay ng delivery van.”

Tumigil ang kanyang kamay. Napako ang kanyang paningin sa screen. Doon, malinaw na malinaw ang kanyang mukha sa larawan. Nakita din niya ang interview sa ina na maluha luha pa. Kung hindi niya ito kilala ay maniniwala siyang nag-aalala ito sa pagkawala niya.

Napatingin siya kay Cayden na noon ay abala sa paglalatag ng bedsheet sa papag.

"May balita na, hinahanap na nila ako. Kapag nalaman nilang ikaw ang kumidnap sa akin. Baka mapahamak ka."

Tahimik si Cayden habang nakatingin sa kanya, malamig ang titig ngunit may bakas ng pag-aalala.

"Hindi mo pa rin naiintindihan, Mayumi. Ginawa ko 'to para ila
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat. May update pa po mamaya. Abangan!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 251 Assassination Day

    Tahimik ang buong kabahayan ng dumating si Justin galing sa headquarters. Tila walang anumang tensyon, ngunit sa loob ng puso niya, naglalagablab ang galit dahil sa pagtataksil ni Gab. Hindi niya sinabi kay Gab na alam niya ang pakikipagtagpo nito at ni Ryder.Kababalik lang ni Gab mula sa labas, agad itong pumasok ng banyo upang maligo. Nakatapis pa ng tuwalya habang kinukuha ang damit sa damitan. Hindi nito alam na mula sa bahagyang awang ng pinto ay nandoon si Justin, palihim na nagmamasid. Nakatayo siya sa gilid ng pinto at nakapako ang mga mata sa bawat kilos ni Gab.Nang buksan ni Gab ang isang maliit na drawer sa ilalim ng damitan, tumambad ang isang spare phone. Saglit itong hinawakan ng dalaga at agad na ipinasok sa isang bag, kasama ng charger.Hindi na siya nakatiis. Pumasok siya sa study room at isinara ang pinto nang mahina. Doon siya dumiretso sa table niya at agad binuksan ang kanyang laptop. May naisip siyang paraan.Sa loob ng silid, binuksan ni Justin ang security sy

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 250 Choosing Love

    Nasa harap ng laptop si Justin, lumapit si Lance. May iniabot itong tablet na naglalaman ng ulat mula kay Athena."Justin, nagbabalik si Athena. May bagong intel siya. Assassination attempt laban sa'yo. Biyernes, alas sais. Dalawa ang assassin, pawang mga beterano. Hindi pumapalya.”Nakuyom ang kamao, pero hindi nagpahalata ng takot."Ano pang sabi ni Athena?”“Magbibigay pa daw siya ng detalye kapag may bagong impormasyon.”"Matagal ko ng gustong makilala si Athena. Malaki ang pasasalamat ng kapulisan sa kanya.”“Ang nakakapagtaka lang, matindi ang bilin niyang protektahan ka. Hindi kaya isa sa mga admirers mo ‘yan sa kapulisan? Si Demi, Cindy, Ella?” anitong naglitanya ng mga pangalan ng babaeng kasama sa serbisyo.“Bro, imposibleng isa sa kanila si Athena. Well, one day, I know makikilala din natin siya. Wala pa siyang impormasyong pumalpak.”"Totoo ‘yan kaya intresado din akong makita siya. Anyway, magpapasok ako ng dalawang covert operatives sa mansyon ninyo at convoy sa kotse mo

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 249 Saving Her Love

    Pinagpawisan ang palad ni Gab, nanginginig ang kamay. Napatingin siya sa pintuan ng bathroom. Naririnig niya ang lagaslas ng tubig. Si Justin walang kaalam-alam at lubos ang tiwala sa kanya. Nagsisikip ang kanyang dibdib.Isinara niya agad ang message app at mabilis na itinago ang cellphone sa ilalim ng unan. Pero ang dagundong ng kanyang dibdib ay hindi kayang itago. Pilit niyang pinakalma ang sarili.Paglabas ni Justin, bagong paligo, may tuwalya pa sa leeg, agad itong napatingin sa kanya.“Hmm. Tahimik ang misis ko ah. Miss mo na ‘ko agad?”“Nagtataka lang ako, bakit bigla kang bumait sa akin? Kung hindi kita kilala, iisipin kong nagkakagusto ka na sa akin.”Napakunot ang noo ng binata at nilapitan siya.“Anong klaseng tanong ‘yan?”Umupo si Justin sa tabi niya, saka hinaplos ang pisngi niya. Ramdam niya ang pagmamahal nito kahit walang sinasabi.“Gusto kita, Gab.”“Ha?” hindi siya makapaniwala.“Kung may gumugulo sa ‘yo, sabihin mo lang. Kahit ano pa ‘yan, nakahanda akong tumulong

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabatanata 248 Bothered and Worried

    Lumapit si Gab sa alahero at sinimulang pagmasdan ang mga bracelet. Hindi para sa ginto at sa halaga. Kundi para sa kahulugan na unti-unting nabubuo sa pagitan nila ni Justin. May pag-asa ba ang damdamin niya? Posible kayang nahulog na din si Justin sa kanya?Sa gitna ng mesa ay nakalatag ang makikinang na koleksyon ng alahero. Mga pulseras na yari sa ginto, white gold, may inukit na disenyo, at may maliliit na bato. Si Justin ay tahimik na nakamasid lamang.Hindi siya makapili. Bagama’t ang mga mata ay gumagalaw sa bawat alahas, ang isip ay wala roon. Nang biglang nagsalita si Justin.“Pili tayo ng couple bracelet.”Nag-angat siya ng tingin, bahagyang nagulat.“Couple bracelet? Ikaw ang bahala.”“E ‘di ba mag-asawa tayo? Ayokong magsusuot ka ng hindi galing sa akin.”Hindi niya alam kung magbibirong totoo o naglalambing lang si Justin, pero may kakaiba sa titig nito ngayon.“Maganda nga ‘yon! Para kapag wala ang isa, mapapatingin tayo sa bracelet at maaalala natin ang isa’t isa!” san

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 247 Something Has Changed

    Matalim ang titig ni Justin kay Gab. Bakas ang pagpipigil ng damdamin, galit at matinding pagkalito.“Sabihin mo nga sa akin, Gab… anong meron sa inyong dalawa ni Ryder?” anang binata ng madala siya sa parking lot habang hawak pa din ang kanyang braso.Napatingin siya sa gilid, umiiwas sa mapanuring mata ni Justin.“Wala. Nagkita lang kami. Hindi ba at sinabi ko na dati ko siyang manliligaw.”Nakita niya ang paggalaw ng panga nito.“Na nagkita lang kayo? Sa isang tagong lugar na ganito? Tumakas ka para lang makipagkita sa dating manliligaw mo?”“Hindi ko kailangang magpaliwanag sa’yo kung sino ang kinakatagpo ko,” aniyang nagpakita ng inis upang tigilan na siya ni Justin.“Hindi mo kailangang magpaliwanag? Sa asawa mo?” anitong tila may pait ang tinig.“Pekeng asawa, correction,” aniyang humalukipkip upang iatago ang panginginig ng kamay.Hindi nakasagot si Justin. At doon bumaba ang mga mata nito, nahagip ang bracelet sa pulso niya ang itim plastic band na pamilyar sa mga miyembro ng

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 246 Her Bracelet

    Kinabukasan matapos ang pagnanakaw, ang buong mansyon ay nasa tensyon. Nakatayo sa sala ang mga tauhan ng pulisya, si Detective Lance, ang matagal nang kaibigan ni Justin at isa ring opisyal, ang nangunguna sa imbestigasyon.May mga kinukuhang fingerprint sa mga gamit at ibabaw ng muwebles, at tinitingnan ng mga tauhan ang surveillance system na hindi rin nakaligtas, naputol ang feed eksaktong oras ng insidente.“Pasensiya na, bro, pero kailangan naming i-process lahat. May dalawa kaming narekober na footprint na mukhang hindi sa mga kasambahay ninyo. Malinis ang trabaho. Mukhang inside info ang gamit,” ani Lance.“Natitiyak kong hindi ito random na akyat-bahay. Target nila ang vault at laptop,” galit na sabi ni Justin.“May hinala ka na ba kung sino ang posibleng may motibo?”“May listahan ako. Pero hindi sapat ang ebidensya.”Lumabas ng kwarto si Gab, balisa habang pinagmamasdan ang kilos ng mga pulis.Pinipilit niyang kumilos nang normal, pero kitang-kita ang tensyon sa bawat galaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status