Kumabog ang dibdib ni Mayumi sa isiping magpapang-abot ang dalawa. Nagtutulakan na ang mga ito.Ngunit ilang saglit lang bago pa siya makaawat, unti-unting lumabo ang paningin niya. Uminit ang kanyang katawan, sumikip ang dibdib, at hindi na siya makapagsalita, napahawak siya sa ulo at buti na lang ay nasalo siya ni Justin bago bumagsak sa sahig.Humingi sila ng tulong upang maisugod sa ospital si Mayumi. Dumating ang service vehicle. Dali-daling isinakay ang dalaga. Sa loob ng sasakyan, parehong sumama sina Cayden at Justin.Habang inaasikaso ng mga nurse si Mayumi, naglalakad-lakad si Cayden sa labas ng ER, nakasalubong ang galit na si Justin na galing sa admission.“Bakit sinusundan mo pa din si Mayumi? Ikakasal ka na pero ginugulo mo pa siya! Tignan mo ang nangyari!”“Negosyo ang habol ko at hindi babae!”“Kung ganoon, umalis ka na. Ako na ang bahala kay Mayumi! Hindi ka niya kailangan. Kapag may nangyaring masama sa kanya, mananagot ka sa akin!”Biglang bumukas ang pinto ng emerg
Napansin marahil ni Don William ang pag-aalangan sa mukha ni Mayumi.“Alam kong hindi madali. Pero hindi ko ito iniaalok dahil anak kita. Iniaalok ko ito sa’yo dahil nakita kong may kakayahan kang mamuno, tumayo sa harap ng kahit sino, at ipaglaban ang prinsipyo mo. Napakagandang training din na makatrabaho mo ang kagaya ni Mr. Villamor.”Saglit na katahimikan. Ramdam ang kabigatan sa loob niya. Takot at alinlangan, ngunit may halong sigla ng hamon. Para sa ama ay tatanggapin niya ang proyekto.“Sige po. Tatanggapin ko,” aniyang marahang tumango.Ilang araw ang lumipas. Dumating si Cayden sa Aragon Tower. Tahimik siyang nagbabasa ng report.“Effective today, ako na ang bagong Project Director ng Alta Verde. Magkakasama tayo sa trabaho. Pero kagaya ng sabi mo trabaho lang at walang personalan. Professional ka naman at ganoon din naman ako kaya wala akong nakikitang problema,” bungad niya.“Of course, Ms. Aragon. Business lang at walang personalan.”***Unang joint site visit nina Mayum
Lahat ng tao sa conference room ay napatingin kay Mayumi. Natigilan siya. Anong alam niya sa ganito? Nakinig siya kaso hindi siya handang mag-comment agad. Napatingin siya kay Don William na nakangiti sa kanya. Kinuha niya ang kopya ng proposal na Villamor Realty Corporation.“Yes, it’s i- it’s promising pero may ilang bagay akong hindi nagustuhan. Hayaan ninyo munang pag-aralan kong mabuti ang proposal bago ako magsalita sa inyong lahat,” aniyang muntik ng matumba sa kinakatayuan. Bihasa si Cayden sa ganitong bagay. Wala siyang laban. Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito.“Alright, Ms. Aragon. I would like to hear from you tomorrow. We really need to review all the proposals thoroughly,” anang Chairman.Nakahinga siya ng maluwag. Kailangan niyang araling mabuti ang proposal. At hanapan ng butas. Napapadyak siya paglabas ng conference room. Mukhang perfect ang proposal. Naalala niya ang proyektong ito noong nagtatrabaho pa siya sa Villamor Realty Corporation. Hindi lang niya inasahan
Ang babaeng inakala ni Cayden na gold digger ay siya palang tunay na anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa.“Paano nangyari ito? Kailangang malaman ‘to ni Mama. Nakakagulat naman,” palatak ni Naomi at bakas ang inggit sa mata.Si Cayden, tahimik na nakatingin kay Mayumi.“Magandang gabi sa inyong lahat. Ikinagagalak kong makasama kayo sa kaarawan ng aking ama. Ang hiling ko lamang ay mahabang buhay at mabuting kalusugan para sa aking Daddy William.”Palakpakan ang mga bisita at pinapalibutan na siya ng mga kaanak, kaibigan, at mamamahayag. Pinilit niyang makibagay sa mga taong naroon.Katatapos lamang ng selebrasyon, palabas na ang mga bisita. Napansin niya si Cayden na nakatayo sa gilid, hindi pa ito umaalis.Nakita nitong lumabas siya sa may side door, papunta sa veranda. Tahimik siyang naglalakad, kailangan niya ng hangin at hindi siya sanay sa mga ganitong pagtitipon.Agad na sumunod si Cayden. Ngunit bago pa ito makalapit, dalawang bodyguard na naka-itim ang humarang sa
Madilim ang anyo ni Cayden habang nakatanaw sa bintana ng condo nito. Dumating si Henry.“Sir, ito na po ang report. At may larawan din.”Inabot ni Henry ang isang brown envelope. Dahan-dahang binuksan iyon ni Cayden at inilabas ang mga litrato, mga kuha habang magkayakap sina Mayumi at Justin. Isang kuha pa ang mas intimate na nagpapakita na may relasyon ang dalawa, mahigpit na yakap ni Justin si Mayumi.Napatigil siya at nanigas ang panga."So, sumama siya kay Justin at nakikipag-live in na.”"Base sa report, sinabi ng tao natin na hindi sila naghihiwalay. Pero baka naman may ibang dahilan—"“Ano pang dahilan? Maliwanag sa litrato. Magkayakap sila. Magkasama at nakatira sa iisang condo.”Tumayo siya, nilapitan ang minibar sa sulok, nagsalin ng alak at ininom nang diretso.“Sir, huwag ka ng malungkot, andyan naman si Naomi at malapit na kayong ikasal.”“Alam mo, Henry, may bahagi sa akin na ayaw magpakasal kay Naomi. Pero iyon ang tamang gawin."“Sir, kung ganoon ay pag-isipan ninyo
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Aling Sally! “Wala kang utang na loob! Ingrata!”“May dapat ba akong tanawing utang na loob sa inyo? Ni minsan hindi ko naramdaman na nag-alala kayo sa akin. Trauma lang ang ibinigay ninyo! Na hindi ko alam kung paano maghihilom!” aniyang sumisigaw na.Lumabas si Naomi. Dumating din si Cayden ng madinig ang sigawan.“Hindi kita gustong kupkupin, naawa lang ako sa’yo!” hiyaw ni Aling Sally.Pinunasan niya ang luha. May halong sakit at tapang sa kanyang mukha.“Tama, hindi mo ako ginustong ampunin at hindi ko din ginustong ikaw ang tumayong ina sa akin. Ngayon, aalis ako. Wala ng hahadlang sa mga plano ninyo. Hanapin kung sino talaga ako.”Hawak ni Cayden ang DNA test. Kuyom ang palad nito.Umakyat siya guestroom upang kunin ang bag at ilang gamit.Pumasok sa pinto si Cayden. Tinignan lamang niya ito.“Mayumi, I’m sorry for what happened. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa’yo para gumaan ang loob mo.”“Seryoso ka ba? Kanina lang ay nagwawa