Share

Kabanata 180 The Lost Heiress

last update Huling Na-update: 2025-05-26 14:19:14

Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Aling Sally! “Wala kang utang na loob! Ingrata!”

“May dapat ba akong tanawing utang na loob sa inyo? Ni minsan hindi ko naramdaman na nag-alala kayo sa akin. Trauma lang ang ibinigay ninyo! Na hindi ko alam kung paano maghihilom!” aniyang sumisigaw na.

Lumabas si Naomi. Dumating din si Cayden ng madinig ang sigawan.

“Hindi kita gustong kupkupin, naawa lang ako sa’yo!” hiyaw ni Aling Sally.

Pinunasan niya ang luha. May halong sakit at tapang sa kanyang mukha.

“Tama, hindi mo ako ginustong ampunin at hindi ko din ginustong ikaw ang tumayong ina sa akin. Ngayon, aalis ako. Wala ng hahadlang sa mga plano ninyo. Hanapin kung sino talaga ako.”

Hawak ni Cayden ang DNA test. Kuyom ang palad nito.

Umakyat siya guestroom upang kunin ang bag at ilang gamit.

Pumasok sa pinto si Cayden. Tinignan lamang niya ito.

“Mayumi, I’m sorry for what happened. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa’yo para gumaan ang loob mo.”

“Seryoso ka ba? Kanina lang ay nagwawa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (14)
goodnovel comment avatar
Lorena Calixtro
ang ganda ng story
goodnovel comment avatar
Cecilia Mendoza
ganda walang paligoy ligoy
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thank you so much po! noted po, oplan pahirapan si Cayden,hahahah
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 257 Cutting All Ties

    Pumasok si Justin sa kwarto ni Lola Mila. Laking gulat niya nang makita ang batang si Nathaniel na nakaupo sa tabi ng abuela. Kumakain ng crackers ang dalawa.“Ikaw na naman? Teka, nakalimutan kong tanungin ang pangalan mong bata ka.”“My name is Nathaniel. Just call me Nathan. I am four years old. I am a good boy!” anitong tila sasali sa That’s my Boy.Tumayo agad ang bata at tumakbo palapit sa kanya, walang pag-aalinlangan.“Daddy!”Napalingon si Lola Mila sa kanya, halatang gulat din sa narinig. Hindi agad siya nakasagot. Pero hindi rin niya naitulak ang bata nang yakapin siya nito sa bewang.Dama niya ang maliliit na bisig ng bata. Dama rin niya ang pagkalito. Ngunit higit sa lahat, ang lukso ng damdamin na hindi niya maipaliwanag.“Justin… anong ibig sabihin nito? May anak ka?”Hindi siya nakasagot. Napayuko lamang siya habang tinitingnan si Nathaniel.“Lola Mila, siya ang Daddy ko!”Napatingin siya sa matanda. “La, hindi ko alam kung saan galing ang batang ito. Basta na lang ako

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 256 The Return

    Limang taon ang matuling nakalipas. Muling bumalik sa bansa si Gab. Ngunit hindi siya nag-iisa. May kasama siyang apat na taong gulang na batang lalaki na isang genius. Nasa ospital ang amang si Don Antonio Montaban.Ang babaeng dumating ay iba na sa babaeng umalis dahil sa kahihiyan at sakit. Nasa mata pa rin niya ang bakas ng mga sugat ng nakaraan, pero mas matatag siya ngayon. Katabi niya si Nathaniel, maputi, matangos ang ilong, at taglay ang mga matang kilala ng sinumang minsang nakatingin sa mga mata ni Justin Aragon."Mommy, saan na po tayo pupunta?”"Sa ospital muna, anak. May sakit ang lolo mo. Kailangan natin siyang makita.”Nilingon ni Gab ang anak, marahang inayos ang buhok nito na nilaro ng hangin. Isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan bago muling humakbang.May sampung bodyguard sa labas. Sa loob ng kwarto, nakaratay si Antonio Montalban, matanda na ngunit matikas pa din. Sa kanyang tabi ay si Dr. Perez, na agad ngumiti ng makita si Gab."Miss Gab, mabu

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 255 Doubting Her

    “Justin!” tawag ni Gab at patakbong lumapit.Nagulat si Justin. Bago pa siya makalapit, hinarang siya ni Camille.“Wala ka na bang kahihiyan? Ilang beses ka nang nagpakalat ng kasinungalingan. Napakakapal ng mukha mo!”“Huwag kang makialam dito. May kailangan kaming pag-usapan ni Justin,” maanghang niyang sabi.Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi niya mula kay Camille. Hindi siya agad nakagalaw, ngunit nanginginig sa matinding galit at sakit, gumanti siya ng sampal. Hinawi niya ang babae.“Justin, makinig ka. Mag-usap tayo. Bu--“At bago pa man siya makalapit ng tuluyan, isang malakas na sampal ang ibinigay ni Justin sa kanya. Tila nayanig ang mundo niya. Nanlaki ang kanyang mata.“Wala kang karapatang saktan si Camille! Hindi kita gustong makita pa kahit kailan!”Napahawak siya sa pisngi. Ngunit higit ang sakit sa kanyang puso.“Justin, ilang minuto lang. Gusto ko lang ipaalam na---”“Talagang gagawin mo ang lahat para manatiling nakakapit sa Pamilya Aragon!” harang ni Cami

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 254 Carrying His Child

    Nag-aayos ng mga gamit si Gab. Hinihintay na lang niya ang visa at ilang papeles. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Napakapit siya sa gilid ng kama. Hindi pa niya maproseso sa utak ang nararamdaman ay napatayo siya dahil biglang bumaligtad ang kanyang sikmura. Ilang minuto na ay nagsusuka pa din siya at halos tubig na lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.Sinakmal siya ng kilabot. Napaawang ang labi niya ng maisip na hindi siya dinatnan ng buwanang dalaw noong nakaraang buwan!Wala sa plano niya ang mabuntis. Hindi ngayon at hindi kailanman. Tuliro siya at hinilamusan ang mukha. Kailangan niyang makatiyak. Nagpunta siya sa pinakamalapit na clinic. Nanginginig ang katawan niya habang naghihintay ng resulta. Tinawag siya ng duktor at pinapasok sa loob.“Congratulations, misis. You’re two months pregnant,” tila bombang pinasabog ang balita.Tulalang lumabas siya ng clinic. Hindi niya alam ang gagawin. Magsisimula na siya ng panibagong buhay sa piling ng kanyang tatay. Mukhang may ibang plan

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 253 Father and Daughter

    “Paano naayos ang kaso? Paano tayo nakalaya? Mabigat ang ebidensya laban sa atin,” tanong ni Gab kay Ryder.“Gab, Gab, hindi mo alam kung gaano kamakapangyarihan ang Kapatiran Mob. May tao tayo sa loob, ‘di ba? Mas mataas pa sa Aragon na ‘yan! At kung kumanta ka at nalaman ng mga pulis ang totoo, malamang hindi ka na sikatan ng araw sa kulungan. Tamang desisyon ang ginawa mo.”Napalingon si Gab sa presinto. Isang bahagi sa kanya ang gustong bumalik. Gusto niyang sabihin kay Justin ang buong katotohanan. Ngunit alam niyang hindi siya nito papaniwalaan. At dapat lang na tapusin na niya ang kahibangan.“Sumakay ka na. May bagong instructions ang Kapatiran Mob. Gusto kang makausap ng lider.”Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang papasok sa van, para bang lalong lumayo ang pagitan ng tama at mali. Ngunit wala na siyang pwedeng takbuhan.Bago pa siya tuluyang makapasok ay dumating si Justin. Napaatras siya, tila naubusan ng lakas. Hindi siya makakibo, pero tumitig

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 252 Putting Her in Jail

    Nagmamaneho si Gab ng mapansin niyang may sumusunod sa kanila ni Justin. Hindi lang isa kundi dalawang sasakyan. Sumilip si Justin sa bintana.Nag-takeover ang isang patrol car.“Justin! Ngayon na!” sigaw ni Lance.Kinabig niya ang manibela ngunit hindi na niya naituloy. Nakatutok ang baril ni Justin sa kanyang sentido. Daig pa niya ang natuklaw ng cobra at unti-unting kumakalat ang kamandag sa kanyang katawan tapos ay binagsakan siya ng bomba. Ganoon kadurog ang puso niya.Sa likod ng sasakyan, nakaposas na si Ryder, hawak ng mga tauhan ni Lance. Nangingisi ito.“Gab! Huwag ka ng magmalinis! Ikaw ang naglatag ng plano! Alam ng lahat, ikaw ang utak nito! Kaso tiklo tayo! Kitakits na lang sa loob,” anitong tila baliw.Tulala siya, nanlalambot at naginginig ang kanyang kalamnan. Hindi niya maihakbang ang mga paa. Naramdaman na lang niya ang matalim na tingin ni Justin.“Gabriella Belmonte, you’re under arrest!” parang batingaw sa tenga niya ang sinabi ng binata.Naramdaman na lamang niy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status