Maraming salamat po sa pagsubaybay sa love story nila Emerald at Lucian.
May kumislap na ideya sa isip ni Emerald. Kailangang makausap niya si Elton. Makapangyarihan ito kagaya ni Lucian. Anak ito sa labas ni Don Mateo. Papayag siyang tumira muli sa mansyon upang makahingi dito ng tulong.“Sige, papayag ako sa isang kondisyon.”Kunot ang noo ni Lucian.“Ikaw na ang nagsabi, walang libre sa panahon ngayon. Bigyan mo ako ng twenty million kapalit ng pagtira ko sa mansyon. Gagawin ko ang gusto mo.” Kailangan niyang maging wais at makaipon ng pera para sa binabalak niyang paglayo.“Twenty million? Napakadali lang ng gagawin mo. Mang-iinis ka ng mga nakatira sa mansyon. Actually, inis na sila sa’yo kahit wala ka pang ginagawa.”“Kulang pa ang twenty million sa emotional damage na naranasan ko noon at mararanasan ulit sa kamay ng pamilya mong kasing sama ng ugali mo. Pero this time, hindi na ako magiging mabait sa kanila. Kaya lang naman pumapayag na apihin dahil sa’yo pero wala ng dahilan ngayon. Ngayon kung ayaw mo, maghanap ka ng ibang isasama sa mansyon.”“O
“Isusumbong kita kay Lucian,” sabi ni Ashley kay Emerald.“Bakit sa asawa ko ikaw magsusumbong? Hindi ba dapat kay Elton? Huwag mong sabihing may gusto ka pa din kay Lucian?” aniyang binitawan ito.Maaari niyang gamitin ang babae pero mas gusto niya si Nathalie para kay Lucian. Kahit naman masama ang ugali ng asawa ay hindi naman niya hinihiling na maging miserable ang buhay nito. Gusto lang niyang lumayo para makapagsimulang muli.“Alam ng lahat na walang amor sa’yo si Lucian, ikaw lang ang sumisiksik sa kanya. Ako ang gusto niya.”“Bakit mo iniwan si Lucian pero mukhang naghahabol ka naman? Kapag iiwan mo siya para kang nagtampo sa bigas.”“Dahil inutil siya at walang silbi. Kung hindi lang ako pinigil ni Elton ay ipagkakalat ko sa buong mundo ang sakit niya. Tignan ko lang kundi magpiyesta ang media.”Tumaas ang kilay niya sa pang-iinsulto nito para kay Lucian. Alam ng babae ang kapansanan nito.“For your information magaling na siya.”“Pwede ba, hindi siya tinitigasan. Ang bata pa
Papasok na si Emerald sa mansyon ng harangin siya ni Elton.“Em, anong nangyari sa’yo? Akala namin wala ka na,” anitong niyakap siya.“Maswerteng nakaligtas at nabigyan ng pangalawang pagkakataon.” Pasimple siyang dumistansya dito.“Sobrang saya ko ng makita kita ngayon. Nakatakas ka na kay Lucian bakit bumalik ka pa? Alam mo namang hindi maganda ang trato niya sa’yo.”“Iyon na nga, hihingi ako ng tulong sa’yo. Napilitan lang akong bumalik. Kilala mo ang kapatid mo. Wala akong magawa,” nagsusumamo ang tinig niya.Hinawakan nito ang kamay niya na agad niyang binawi.“Em, sumama ka sa akin. Matagal ko ng sinasabi sa’yo na kaya kitang protektahan sa asawa mo.”“Sinalo mo na ang ex-girlfriend ko, ngayon naman ay pinupuntitya mo ang asawa ko? Mahilig ka talaga sa mga pinagsawaan ko na kahit noong mga bata pa tayo,” sabi ni Lucian sabay hila sa beywang niya.Nagkaunawaan ang mga mata nila ni Elton.“Sa pagkakaalam ko, mga bata pa lang tayo, ikaw ang inggit na inggit sa akin which I don’t und
“Huwag mo ng alamin. Kilala ko ang sama ng ugali mo. Baka pag-initan mo pa.”“Ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo na tigilan mo ang ilusyon na makakalaya ka sa akin. Ibalik mo ang buhay ni Abby, iyon lamang ang makakapagpalaya sa’yo.”“Para mo na ding sinabi na wala na akong pag-asang makawala sa’yo. Hindi ko kayang bumuhay ng patay.”“So alam mo naman pala. Huwag kang magmahal ng iba dahil masasaktan ka lang. Hindi ka kailanman magkakaroon ng chance na magmahal at mahalin ng iba.”“Paano si Nathalie? Papayag ba siyang maging mistress dahil lang sa paghihiganti mo sa akin?”“Of course, payag siya. Huwag mong problemahin ang relasyon ko sa iba.”Tumalikod siya at bumalik sa sofa. Pabiling biling siya sa higaan. Hindi siya mapakali. Wala siyang maisip na paraan para makawala kay Lucian kundi ang tapusin ang isang taong kontrata. Pagkatapos noon ay lalayo silang buong pamilya. Uuwi sila sa probinsya ng ina.Maaga siyang nagising kahit kulang sa tulog. Buti at tulog pa si Lucian. Nagmamad
Maliit lang ang awang ng pinto ng silipin ni Emerald. Si Ashley ang kumakatok.“Lucian, totoo ba ang sabi ni Emerald na magaling ka na?” anitong hinaplos ang braso ng kaharap.“Kung wala kang importanteng sasabihin ay huwag mo akong kakausapin.”“Well, look at me, kahawig ko si Abby. Height, katawan, buhok, at parehas ang mga ngiti namin. Kaya mo nga ako nilapitan sa isang party.”Saan galing ang kirot sa kanyang dibdib ng malamang naghahanap si Lucian ng kahawig ni Abby? Kaya pala tila pamilyar si Ashley, may hawig nga ito sa namatay na ex ni Lucian.“Ipapaalala ko lang sa’yo ang ginawa mong pag-iwan sa akin at pagpatol sa stepbrother ko.”“Lucian, may pangangailangan din ako. Pero kung magaling ka na. Babalik ako sa’yo.”“Hindi kita kailangan. Umalis ka na,” anitong ibinalibag ang pinto.Agad bumalik si Lucian at inalis ang robe. Ngunit tumayo siya upang maglinis ng katawan. Inabot niya ang tuwalya upang itapis sa katawan.“Late na tayo sa office,” aniya.“Isa pang round.”Pilit niy
Natigilan si Mitch at napalingon sa kanyang likuran ng makilala ang may-ari ng tinig.“Sir Lucian. Totoo po ang sinasabi ko. Alam namin na inaakit kayo ni Emerald. May nakakita po na nagpupunta siya sa condo ninyo at nagpipilit siyang sumakay sa kotse ninyo. Dapat pong ilagay sa dapat niyang kalagyan ang babaeng ‘to!”“I don’t have to repeat myself. Last day mo na ngayon.”“Sir Lucian, pinoprotektahan ko po kayo. Baka pati imahe ninyo ay masira.”“Ikaw na babae ka! Malandi ka at makapal ang mukha!” anitong akmang sasampalin siya.“Don’t you dare touch my wife!” awat ni Lucian sa kamay ng babae.Nagulat ang lahat ng empleyadong nakadinig sa tila kulog na tinig ng CEO.Siya na naman ang pangunahing topic sa tsismis ng ilang araw o linggo sa LM Corporation. At isa pa’y ayaw niyang malaman ng iba na asawa siya ni Lucian para mas madaling makipaghiwalay ng wala masyadong komento kahit pa matagal na naman siyang walang pakialam sa sasabihin ng iba.Nagmamadali siyang lumabas ng building. Ka
Napalinga si Emerald sa paligid. Madaming taong nanonood sa kanila. May mga nagvi-video pa. Nasa gilid din ang lahat ng tauhan nila sa café. Hindi niya maatim na tanggihan at ipahiya si Cayden.Napatango siya kasabay ng fireworks sa kalangitan. Isinuot ni Cayden ang ring sa kanyang daliri. Nagulat siya sa bilis ng mga pangyayari. Nadinig niya ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao.Niyakap siya ni Cayden ng mahigpit habang siya ay gulong gulo ang isip. Kakausapin na lamang niya ito ng masinsinan sa ibang pagkakataon at magpapaliwanag. Madali naman itong kausap. Dumaan muna siya sa Tatay Mariano niya upang kumustahin ito at ang kapatid.Gabi na ng umuwi siya sa mansyon. Sinalubong siya ni Kiel.“Ms. Emerald, ano po ang nangyari? Sira po ang kotse ni Sir Lucian ng umuwi.”“Ha? Naaksidente siya?” Bigla ang kabog ng kanyang dibdib.“Hindi po. Pinagpapalo po niya ng baseball bat ang kotse.”“Ha? Sige, kakausapin ko,” aniyang nanlalambot ang tuhod. Natakot siya. Tiyak na galit ang a
“Wala kami relasyon ni Cayden,” ani Emerald kay Lucian.“Wala? Gagawin mo pa akong tanga! Kitang kita ng dalawang mata ko ng tanggapin mo ang singsing! May fireworks display pa!”Napatingin ito sa daliri niya at nandoon pa nga ang singsing.Itinago niya ito ng tangkang kukuhanin ni Lucian ang ring. Ibabalik pa niya ito kay Cayden. Alam niyang hindi biro ang halaga nito.“At talagang itinatago mo pa ah!” anitong pilit kinukuha sa kanyang kamay ang ring.“Huwag mong pagdiskitahan ‘to. Ni hindi mo nga ako mabigyan kahit singsing na gawa sa plastic!”“Alisin mo sa daliri mo ang singsing. Ibibili kita ng dalawampung ring, lalagyan ko ang lahat ng daliri mo sa kamay at paa para sumaya ka!”“Lucian, gusto kong magpahinga. Pumasok ka na sa opisina ng matahimik ako,” aniyang ibinaon ang sarili sa kumot.“Pasalamat ka at binabantayan kita at pinag-aaksayahan ng oras!”Nagulat siya sa sinabi nito. “Hindi mo ako kailangang bantayan. Alam kong hindi ako makakatakas sa sama ng ugali mo. Kung kaya k
Nagpanting ang tenga ni Thesa ng madinig ang sinabi Mayumi. Akmang susugurin siya nito."Wow, hindi ka lang palpak na sekretarya, ilusyunada ka pa! Makakatikim ka sa akin!"Mabilis na nakaharang si Cayden."Thesa, let's talk outside."Lumabas si Cayden sa opisina bitbit si Thesa na nanggagalaiti sa kanya. Nagkaroon ng pagkakataon si Mayumi na lapitan si Henry ng sila na lang."Henry, bakit ba biglang nangailangan ng secretary si Cayden?""Hindi ko din alam. Bigla na lang sinabi sa akin na babawasan daw ang trabaho ko. Siyempre natuwa ako.""Inalok niya ako kahapon na maging secretary niya. Nakakapagtaka lang dahil naiinis na nga siya sa mansyon tapos magkakasama pa kami sa office.""He is obsessed only with two women, una sa batang nagligtas sa kanya noong teenager siya. Pangalawa, kay Emerald na nakipagbalikan na sa dating asawa. Baka ikaw na ang pangatlo, I'm warning you. Hindi ka basta basta papakawalan ni boss kapag nagustuhan ka niya.""Naku, imposibleng magkagusto sa akin si Cay
Tahimik silang dalawa. Nakaupo si Mayumi, nakayuko. Si Cayden, nakatayo pa rin, ngayon ay nakapamulsa at nakatingin sa kanya.“Cayden, sa tingin ko hindi ako pwedeng maging secretary mo. Nakita mo naman ang mga kapalpakan ko.”“Akala ko hindi ka madaling sumuko. First day pa lang umaayaw ka na.”“Actually, wala naman akong masyadong pake sa ibang tao kaso nahihiya ako na pati ikaw nadadamay. Tsaka hindi ako dumaan sa proseso talagang may masasabi ang ibang tao.”“Then, prove them wrong. Tsaka I feel bored sometimes, I need a toy. Kaya kita dinala dito,” anitong lumapit sa kanya at napatingin sa dibdib niyang basa pa din.Napahinga siya ng malalim. Akala pa naman niya ay bumabait na ito. Gusto lang pala siyang gawing laruan kapag nabo-bored. Ngunit sa halip na mainis ay tila willing siyang maging laruan. Kunsabagay dalawang buwan na lang naman niyang makakapiling ang binata. Dapat niyang samantalahin ang pagkakataong makalapit dito.Nagkatinginan sila. Walang imikan. Binagtas ni Cayden
Si Thesa Ramirez ang dumating, ang head ng Marketing Department. Kilala sa buong kumpanya bilang matalino at matapang.Tumayo si Cayden mula sa kanyang upuan, kalmado ang kilos, pero tiningnan agad si Mayumi sa gilid ng mata.“What’s the problem, Thesa?” tanong nito. Napakagat labi siya sa malaking katangahan.“Heto, Sir Cayden,” sabay pakita ni Thesa ng tablet. “This email was sent to one of our VIP partners. It has the wrong sales figures, the wrong product list, and worst of all, a wrong sign-off with a typo that says Much lust, Mayumi instead of Much trust! Que Horror!”Namutla si Mayumi. “Lagot,” bulong niya. Parang gusto niyang maglaho na lang at kainin ng lupa.“Hindi lang ito nakakahiya, Sir Cayden. This puts our image at risk! The client literally called me asking if we hired an intern to run our corporate correspondence!” dagdag ni Thesa, habang halatang pinipigilan ang sarili na huwag lumipad ang tablet sa ulo ni Mayumi.“Pa-pasensya na, hindi ko si-sinasadya,” nauutal niyan
“Makinig ka. Pulis ako. Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat. Sumama ka sa amin.”Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lalaki. May kasama itong naka-unipormeng pulis. Isinakay siya sa puting van. Labis ang kabog ng kanyang dibdib.“Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan. Kanina, nakita ko ang walang pag-aalinlangan mo sa pagtulong sa nangangailangan. Kaya naman may iaalok kami sa’yo.”Hinubad ng lalaki ang suot na jacket, ipinakita ang isang markang hindi karaniwang badge, kulay itim at pilak na may nakaukit na letrang SFU: Secret Force Unit.Nanlaki ang mata niya.“Gobyerno kami,” patuloy ni Justin. “Lihim kaming yunit na tumutugis sa mga malalaking sindikato. Isa sa mga target namin si Don Manuel.”Napalunok siya sa narinig. “Bakit ako? Wala akong kakayahan sa ganyan. Oo matulungin ako sa nangangailangan dahil alam ko ang pakiramdam ng walang malalapitan. Pero hindi ko kayang banggain si Don Manuel,” mahina niyang sabi.“May koneksyon ka sa kanya. Kailangan namin ng mata at tenga
Hiyang hiya si Mayumi kay Mommy Cecil ng nagawa niyang utangan ito ng pera. Ngunit kailangan niyang kapalan ang mukha."Magkano, hija?" medyo nagulat ngunit kalmadong tanong nito."Isang milyon po.”"Isang milyon? Para saan, Mayumi?”"Ipambabayad ko po ng utang ng nanay ko,” aniyang nagpipigil ng luha.Tahimik ulit si Mommy Cecil. Malalim na nag-iisip."Ibigay mo sa akin ang detalye ng bank mo at ipapadala ko ang isang milyon.”“Talaga po? Papahiramin ninyo ako? Maraming salamat po. Pasensya na po kayo. Babayaran ko din po.”Tila anghel ang tingin niya sa Donya at parang nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib.“Anak ang turing ko sa’yo, Mayumi. Magsabi ka lang kapag may problema ka at nakahanda akong tumulong.”Napayakap siya sa matandang naging napakabait sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang makabawi dito.***Nakaupo si Mommy Cecil sa mahogany desk, may hawak na checkbook at cellphone. Katatapos lang nitong tawagan ang accountant upang ayusin ang transfer ng pera. May kumatok sa pin
Marahang umalis si Mayumi sa kama. Humiga siya sa sofa. Yumaman lang siya tapos ang problema niya sa buhay. Ayaw na siyang bigyan ni Cayden ng isang milyon. Tila lumobo ang utak niya kakaisip.Maagang gumising si Mayumi para maghanda ng agahan. Naglagay siya ng tatlong tasa ng kape sa mesa. Gunawa niya ang kape gamit ang coffee maker. Nagtrabaho syang barista sa sikat na coffee shop sa lugar nila kaya masarap ang timpla niya.Maya-maya pa'y bumaba si Mommy Cecil na nakangiti sa kanya. Napatingin siya sa matanda. Kung hindi siya bibigyan ng pera ni Cayden baka pwede siyang humiram sa Donya. Ngunit nakaramdam siya ng hiya. May ilang araw pa naman siya para maghagilap ng pera."Aba, Mayumi! Ang sipag mo talaga. Napakapalad naman ng anak ko sa'yo.""Naku, Mommy Cecil, maliit na bagay lang po ito. Si Cayden po kasi, pagod palagi sa trabaho kaya gusto ko po siyang pagsilbihan,” aniyang pilit pinapasigla ang boses.Sakto namang lumabas si Cayden mula sa kwarto. Bagong paligo ito at talaga nam
Bumangon si Cayden at pumasok sa banyo upang maligo. Hinintay ni Mayumi ang paglabas nito. May hinanap siya sa bag at nakita niya maliit na bote ng langis at kumuha siya ng isang tuwalya."Cayden, gusto mo bang i-masahe ko ang likod mo? Parang pagod ka kasi."Lumingon si Cayden, at sa halip na ngumiti, napakunot ang noo."Kahit anong gawin mo ay hindi kita papahiramin ng pera.”Napaatras si Mayumi, kita sa mukha ang pagkabigla at medyo nasaktan kahit sanay naman siyang minamaltrato ng nanay at kapatid."Hindi kita pipiliting bigyan ako ng pera. Gusto lang kitang tulungang gumaan ang katawan mo,” aniyang napayuko."Gusto kong magpahinga. Umalis ka diyan.”Maingat ang mga hakbang niya, hawak pa rin ang maliit na bote ng langis."Alam kong pagod ka. Mas marerelax ka at makakatulog kapag minasahe kita,” mahinahong sabi niya.Hindi umimik si Cayden. Bumuntong-hininga lang siya, pero hindi umalis. Dahan-dahan siyang lumapit at naupo sa gilid ng kama. Binuksan niya ang bote ng langis at pina
“Maliwanag ang sinabi ng nanay mo. Sumama ka na sa akin ng wala ng problema,” sabi ni Don Manuel. “Nakikiusap ako na bigyan ninyo pa ako ng konting palugit. Babayaran ko ang isang milyon.”“Isang linggo. Kapag hindi mo ako nabayaran, sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo,” anitong umalis na.Dumating na ang kanyang sundo. Hindi maiwasang mapaluha ni Mayumi habang sakay ng kotse. Kailangan niyang maglabas ng isang milyon sa isang linggo. Si Cayden ang pag-asa niya. Sinabihan niya ang driver na gusto niyang puntahan sa opisina ang binata.Namangha siya sa napakataas na gusali sa kanyang harapan. Parang gusto na niyang umatras kaso ay kailangan na niyang makausap si Cayden.Inihakbang niya ang mga paa papasok. Abalang-abala ang reception area. Simple ang damit niya pero maayos naman. Naka-smile siya at excited. Namangha siya sa disenyo ng loob ng building. Sobrang yaman pala talaga ni Cayden. Napadaan siya sa tila exhibit ng mga mall na pag-aari ng Villamor Realty Corporation.Lumapit
Inawat ni Mayumi ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi siya dapat sensitive dahil trabaho ang pinasok niya at walang namilit sa kanya. Hindi naman permanente ang sitwasyon niya.Nanatiling nakapasok ang malaking ari ni Cayden sa kanyang hiyas. Mukhang hanggang madaling araw na naman ang gusto nito. Hindi siya nagkamali at kumakadyot itong muli. Maya mga pinagawa pa itong posisyon sa kanya na tila sila nag-eexperiment.Kinabukasan ay araw na ng pag-uwi nila. Napuyat siya sa magdamag na pag-angkin nito sa kanya. Plano niyang tulugan lang ito sa byahe para na din makaiwas.Nakauwi na sila sa mansyon. Binaba niya ang bitbit na bag habang si Cayden ay agad na nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. Sinalubong sila ni Mommy Cecil.“Kumusta? Nag-enjoy ba kayo?” anang Donya na niyakap silang dalawa.Mabilis ang kamay ni Cayden na umakbay sa kanyang balikat.“Yes, mom. Sobrang saya namin.”“Opo, sobrang nag-enjoy po kami lalo po ang anak ninyo. Salamat po.”“Naku, sana naman ay magkaapo na a