Bumaba ng dyip si Emerald at napatitig sa matayog na gusali. Lahat ng tao sa kanilang lugar ay nangangarap na makapasok sa LM Corporation. Malaki ang sweldo at todo ang benefits ng kumpanya. Idagdag pa ang gwapo at bilyonaryong CEO nito na si Lucian Monteverde.
Habang naglalakad palapit sa gusali ay muli siyang napatigil. Naalala niya ang unang araw sa kumpanya. Lahat ay nanghula na hindi siya tatagal sa pagiging mainitin ng ulo ng CEO. Pero siya lamang ang tumagal na assistant nito.
Naging malapit si Abby sa kanya na kasintahan ni Lucian. Alam naman niyang gusto lamang siya nitong gawing spy sa CEO.
“Emerald, ang gwapo talaga ni Lucian ano?”
“Yes, Ms. Abby. Agree po ako.”
“Don’t you find him attractive? I mean, madalas kayong magkasama.”
“Ms. Abby, assistant lang po ako ni Sir Lucian. Wala pong anumang namamagitan sa amin maliban sa pagiging boss at assitant. Huwag po kayong mag-alalala.”
Naging mailap ang mata niya dahil alam niya sa sariling may lihim siyang pagtingin sa boss. Ngunit ang lihim na pagtingin niya dito ay mananatiling sikreto na isasama niya sa hukay. Wala siyang planong ipakita ang pag-ibig sa CEO na alam niyang may kasintahan na. Bukod pa sa langit at lupang pagitan nila.
“May sasabihin ako sa’yo,” hinila siya ni Abby sa sulok.
“Ano po ‘yun?”
“I will go abroad. Alam mo na fashion shows at may kasama akong ibang boyfriend.”
Nalaglag ang panga niya sa nadinig. Nagtataksil si Abby sa amo niya. May bumabangong inis sa kanyang dibdib.
“Yes, magpapakasal sana ako kay Lucian for security ng buhay at pamilya ko kaso na-in love ako sa iba,” anitong ipinakita pa ang larawan ng nobyo sa cellphone na isa ding modelo. Pero hindi hamak na mas nakakahigit si Lucian.
“Bakit po ninyo sinasabi sa akin ang mga bagay na ‘yan?”
“Tulungan mo akong sirain ang engagement namin. Masamang magalit ang mga Monteverde, pero kung si Lucian ang magkakamali, makakalaya ako sa relasyon namin ng walang hirap,” anito.
“Pasensya na po, hindi ko magagawa ang inuutos ninyo.”
“Anong mahirap sa pang-aakit kay Lucian? Maganda ka at sexy. Makipagrelasyon ka sa kanya ng lihim. At kunwari ay matutuklasan ko tapos ay makikipag-break ako.”
“Baka magalit si Sir Lucian sa akin. Mahal ka niya.”
“Nasa ospital ang tatay mo hindi ba? May tubig sa baga? Hindi maituloy ang gamutan dahil sa mahal? Ako ang sasagot sa pagpapagamot niya. Pati pagpapaaral ng kapatid mo.”
“Pag-iisipan ko po muna. At mas mainam na pag-isipan din ninyong mabuti.”
“Buo na ang pasya ko. Ngayon kung ayaw mo, gagawa ako ng paraan na maalis ka sa trabaho para mapalitan ka ng babaeng papayag sa gusto ko. Alam mong hindi madaling lumapit sa isang Lucian Monteverde. Kaya kita binabayaran ay dahil ikaw ang nasa posisyon na madaling makakagawa ng inuutos ko.”
Nasindak siya. Hindi niya kayang mawalan ng trabaho sa panahon ngayon.
“Sige po, payag po ako. Pero magpirmahan po tayo ng kasulatan,” sagot niya kahit puno ng agam agam ang dibdib.
“Hindi na kailangan, marunong akong tumupad sa usapan. Ipapaayos ko na ang hospitalization ng tatay mo at scholarship ng kapatid mo. Papadalahan kita ng gamit upang maakit mo si Lucian. Hindi mo siya maaakit sa mga cheap mong kasuotan.”
Nang araw din na iyon ay dinala siya sa spa at salon ni Abby. Binilihan din siya ng mga damit at pabango.
Kinabukasan ay napansin ni Lucian ang pagbabago sa kanya.
“Emerald, akala ko ba kaya ka nag-advance ng sahod mo ay dahil nasa ospital ang tatay mo pero mukhang bago lahat ng gamit mo at mamahalin pa,” sita nito.
“Bigay lang po ito sa akin.”
“Anyway, anong schedule today?” anitong napatagal ang titig sa kanya. Nakahapit at maiksi siyang dress, bakas ang magandang hubog ng kanyang katawan. Nataranta siya at nahulog ang hawak na ballpen sa paanan ng boss kaya napayuko siya at bago pa ma-out of balance at napahawak siya sa tuhod nito.
“Are you seducing me? Tigilan mo ako. Alam mo ang nangyayari kapag lumagpas ka sa boundaries.”
“Hindi po, Sir Lucian. Alam ko po kung saan ako dapat lumugar,” aniyang mabilis na tumayo ngunit napatid sa sariling mga paa kaya nahulog siya sa kandungan ng amo.
Lihim niyang kinurot ang sarili. Mag-uumpisa pa lamang ay palpak na siya. Dapat ay maakit ang boss sa kanya ng hindi nito namamalayan. Ngunit paano? Wala naman siyang alam sa flirting.
Binuksan niya ang laptop at nag-search. Libre na lamang ang matuto ngayon. Aaralin niya ang art of flirting. Madami siyang manliligaw pero dahil si Lucian Monteverde ang target niya, kailangan niyang galingan.
“Tama bang ubusin mo ang oras mo sa ganyang bagay?” anang baritonong tinig sa likuran! Naihagis niya ang mouse sa gulat!
“Art of flirting? Magaling ka na diyan. Simpleng galaw ng balakang at titig mo sa akin. Alam kong pinagnanasaan mo ako,” anitong bumulong sa kanyang tenga. Tumama ang mabangong hininga nito sa kanyang pisngi. Tila siya naparalisa.
Kailangang gamitin niya ang pagkakataong ito. “Sir Lucian, busy po si Ms. Abby sa kanyang career. Baka kailangan po ninyo ng reserba. Kaya kong punan ang pagkukulang niya,” matatag at mapang-akit ang kanyang tinig kahit pa tila may naghahabulang daga sa kanyang dibdib.
Humarap siya sa CEO at hinila ang necktie nito. “Walang nakakaalam. Ikaw at ako sa paraiso. Bayaran mo ako at nakahanda akong pagsilbihan ka hindi lang sa loob ng opisina kundi maging sa kama.”
“Disguting! Ulitin mo pa ‘yan at tanggal ka sa trabaho!” anitong itinulak siya.
Hindi niya inasahan na ganito kahirap akitin si Lucian. Inilaan niya ang mga araw sa simpleng pang-aakit dito at pag-alam ng lahat ng gusto nito na pinagsisihan niya dahil sa bawat araw ay mas lalo siyang nahuhulog sa CEO. Huli na upang iahon ang sarili. She’s crazy in love na handang gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig.
Natauhan lamang siya ng mabangga siya ng isang empleyadong nagmamadaling pumasok sa loob. Tulala ang lahat ng makita siyang pumasok sa loob ng ML Corporation. Sinalubong siya ni Luna at sinamahan sa opisina ni Lucian.
Malamig ang simoy ng hangin, at ang bawat sulok ng reception area ay may halakhakan, musika, at halimuyak ng bulaklak. Sa gitna, masayang naghihiwa ng cake sina Justin at Gab habang pinapalakpakan sila ng mga mahal sa buhay.Kinikilig si Mayumi habang hawak ang kamay ni Cayden.“Grabe! Akala ko hindi na matutuloy ‘to. Pero tingnan mo naman sila parang movie ang ganda ng kasal!” anitong lumapit sa bagong kasal. Kasama nito si Cayden at Lola Mila.“Apo, ipinagdasal ko gabi-gabi na mabuo na ang pamilya mo. Napakasaya kong masaksihan muli ang inyong pag-iisang dibdib,” ani Lola Mila.“Lola Mila, maraming salamat po sa pagtanggap sa akin mula simula,” ani Gab na naluluha.“Apo, unang kita ko palang sa’yo, alam kong ikaw ang tamang babae para kay Justin at hindi ako nagkamali. Tignan mo naman at ikakasal kayong muli at may kasama ng Nathaniel.”Nagyakap silang dalawa.Si Nathaniel ay abala sa photo booth kasama sina Gianna at Mommy Olivia, naka-bowtie pa ito at masayang naglalaro ng confetti
Tuloy ang kasal! Ang buong lugar ay tila isang panaginip. Puting rosas at eleganteng bulaklak ang nakapaligid sa altar, may ilaw na banayad at musika ng violin na lumilikha ng isang payapang ambiance. Naka-focus ang lahat kina Gab at Justin na magkaharap na sa altar. Si Gab sa kanyang simple ngunit eleganteng puting gown, si Justin sa black na tuxedo.Ang kanilang mga kamay ay magkahawak, habang ang pari ay nagsimulang magsalita."Ngayong araw ay ipinagkakaloob natin ang ating mga puso at pangako sa isa’t isa, sa harap ng Diyos, ng pamilya, at ng ating mga kaibigan."Tahimik ang lahat, sagrado ang sandaling iyon. Sa likod ng ngiti ni Justin, may isang bahagi sa kanyang isipan ang alerto, nagsusuri at nagmamasid. Kahit pa mahigpit at madaming security personnel. Napansin niyang may dalawang security staff na hindi naka-uniforme ng maayos. Isa sa kanila, kanina pa sumisilip sa gilid ng bulwagan at tila palipat-lipat ng posisyon.Sumulyap siya sa paligid. May lalaking nakabihis waiter nak
Bumuo ng team si Justin upang hanapin si Rosie at si Lance na hindi na din niya mahagilap. Bumalik siya sa mansyon. Deretso sa mini bar at nagbukas ng alak. Nagsalin siya sa baso at mabilis na tinungga. Ilang minuto na siyang tulala.“Justin, may problema ba?” ani Gab ng makita siya. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ito ng mahigpit. Buo na ang pasya niyang ipagtapat kay Gab ang natuklasan.“Gab, may kailangan akong sabihin sa’yo. Bago tayo tuluyang magsimulang muli, gusto kong malaman mo ang totoo.”Napapakunot ang noo ang dalaga.“Anong sasabihin mo? Bigla naman akong kinabahan. Masyado kang seryoso.”“Hindi ko alam kung paano sisimulan. Mangako ka muna na kahit ano ang mangyari ay ipaglalaban natin ang pagmamahalan natin.”Tumango si Gab.“Masyado na tayong madaming pinagdaanan. Madami na tayong pagsubok na nalagpasan. Sa tingin ko, wala tayong hindi kakayanin.”Huminga siya ng malalim bago magsimula.“Noon pa man alam mo na hinahanap ko kung sino ang pumatay sa mommy ko kaya nga
Tahimik ang gabi, ngunit mulat pa rin si Justin. Mag-isa siyang nakaupo sa harap ng isang monitor, paulit-ulit na nire-review ang CCTV footage mula sa safehouse kung saan pansamantalang itinatago si Rosie. Nais niyang matiyak ang kaligtasan nito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali hanggang sa makita niya ang isang pamilyar na pigura sa footage. Si Lance! Napakasipag talaga ng kaibigan niya. Hands on ito sa pagtulong sa kaso ng mommy niya.Pinatigil niya ang video sa eksaktong frame na pumasok ang lalaking naka-cap at itim na jacket. Agad niyang pinazoom ang mukha upang matiyak kung si Lance nga. Mahirap ng magtiwala. Ngunit bakit naman pupunta ang kaibigan niya ng ganitong oras?Kinuha niya agad ang cellphone at tinawagan si Lance.“Bro? May problema ba?” bungad nito.“Wala naman. Itatanong ko lang kung nagpunta ka ba sa safehouse kagabi? Kay Rosie? May latest news ba? Baka may naalala siyang iba pang sangkot.”“Ha? Hindi, bro. Bakit ako pupunta doon? Hindi ba sabi mo, ako
Tatlong araw bago ang kasal. Pinasyalan nila Gab at Justin ang wedding venue.Ang wedding coordinator ay abalang inaayos ang seating arrangements, habang ang mga staff ay nag-aayos ng mga ilaw, sound system, at wedding arch.Nasa gilid si Justin, hawak ang cellphone ngunit matagal nang nakatitig lamang sa kawalan. Hindi niya namamalayang pinagpappawisan siya ng malapot sa tensyon. Tila bumibigat ang bawat segundo dahil sa lihim na bumabagabag sa kanya.“Sir Justin, okay na po ang final layout. Si Ma’am Gabriella po ay tinutulungan na nina Mommy Olivia at Gianna sa fitting ng bridal gown. Gusto ninyong i-check ang program?” ani Trisha.Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip. Napangiti ng pilit, saka tumango.“Sige. Patingin.”Habang iniisa-isa ang detalye ng wedding program, tahimik lang siya. Sa isip niya, umiikot lang ang tanong kung kaya ba niyang ituloy ang kasal gayong alam niyang ang ama ni Gab ang dahilan ng pagkamatay ng mommy niya?Ni hindi na niya namalayan ang paglapit ni
Tumigil ang paghinga ni Gab habang ang lahat ay napasigaw sa kilig. Si Mayumi ay napa-cover ng bibig, si Mommy Olivia at Gianna ay kinikilig, si Lola Mila ay napaluha.Inilabas ni Justin ang isang eleganteng singsing mula sa bulsa.“I want to do this right. Not because we have to, not because of duty, but because I love you. Will you marry me… not just as the mother of our son, but as the love of my life?”Tahimik siya, nangingilid ang luha. Lahat ay naghihintay ng sagot.“Yes. Yes, Justin. I will,” aniyang tinanggap ang singsing at tuluyan ng napaluha.Hiyawan at palakpakan ang buong pamilya. Tumayo si Justin at niyakap siya ng mahigpit.“Justin, I love you, too. I never stop loving you,” aniyang hilam ang mata sa luha.“Napakasaya ko, Gab. Maraming salamat!”Naghalikan sila sa gitna ng palakpakan at kilig ng mga bisita. Si Nathaniel ay yumakap sa gitna nilang dalawa.“Yehey! Happy family!” sigaw ng bibong bata.Lalong lumakas ang palakpakan. Si Lola Mila ay napaiyak sa tuwa.“Ay sala