“Lumayas ka! Hindi namin kailangan ang tulong mo,” ani Emerald na kumakabog ang didbib dahil hindi pa lumalabas ang duktor sa kwarto ni Zoey. Baka kung ano ang mangyari sa anak. Nasa bibig nito ang kamay. Halatang pinipigil ang mapaiyak.Pinagsusuntok siya ni Emerald nang hindi siya tumitinag hanggang sa wala siyang nagawa kundi ang umalis. Bumalik siya sa kotse.“Sir Lucian, bakit po hindi ninyo ipagtapat kay Ms. Em ang nangyayaring pananakot at pagbabanta sa buhay nilang mag-ina kaya kayo lumayo?” sabi ni Kiel habang nagmamaneho.“Pansamantala lamang ang ganitong sitwasyon. Mas malalagay sila sa panganib kapag may alam sila. Mainam ng layuan ko mula sila. Nakita mo ang dala kong panganib, mas lumala ang lagay ni Zoey ng dumalaw ako,” aniyang may pait sa tinig.“May tauhan na po tayo sa koob ng ospital para ireport ang lagay ni Zoey.”“Get all her medical records. Gusto kong malaman kung ano ang sakit ng bata.”Bumalik siya sa LM Corporation at nakasalubong si Elton sa hallway. Nakata
Nagmamadaling sumugod si Lucian sa opisina ni Don Mateo at sinugod ito ng suntok.“Nasaan si Emerald? Kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Kakalimutan kong naging ama ko kayo! Tang-ina, ako na lang! Nag-usap na tayo!”Inawat ng dalawang bodyguards ang nagwawalang si Lucian. “Gago! Wala akong alam sa sinasabi mo! Mag-ingat ka sa pagbibintang mo!” kalmado ngunit may tensyon sa tinig ng matanda.“Huwag ka ng magmaang-maangan pa! Ibalik mo sa akin si Emerald!” aniyang nagdidilim na ang paningin.“Hindi ko alam kung nasaan ang babaeng kinababaliwan mo! Wala akong kinalaman sa pagkawala ng babae mong 'yan! Wag mo akong pagbintangan sa kasalanang hindi ko ginawa!” anitong malakas ang boses.Nagwala siya mula sa pagkakahawak ng bodyguards. Pinitsarahan niya ang ama. “Ikaw lang ang may motibo! Hindi ako nakikipaglaro sa inyo. Kapag may nangyaring hindi maganda kay Emerald, lulusawin ko lahat ng negosyo mo. Bubulukin din kita sa kulungang hayup ka!” aniyang tila torong manunuwag at hindi
“Nagkakamali ka, paghihiganti ang dahilan kung bakit siya lumalapit sa akin! Maniwala ka! Siya mismo ang nagsabi sa akin. Nakipag break na siya. Kahit kailan ay hindi niya ako minahal,” ani Emerald na pilit kinukumbinsi si Abby na tila isa ng baliw.“Bobo ka o manhid?! Mahal na mahal ka niya kahit noon pa!”“Abby, ikaw ang mahal ni Lucian.”“He never loved me, akala lang niya ako ang nagligtas sa kanya kaya naging magaan ang loob niya sa akin. Hindi niya alam, ikaw ang babaeng tanga na sumagip sa kanya!”“Abby, makinig ka. Si Lucian mismo ang nakipaghiwalay---"“Ginawa niya ‘yon dahil tinakot siya ni Don Mateo. May tatlong duktor na nagpunta sa ospital upang saktan ang anak mo sa sandaling hindi siya sumunod. Are you happy now? Natupad na ang ilusyon mong mahalin ka ni Lucian Monteverde pero sad to say hindi na kayo magkikitang muli. Papatayin muna kita! Kahit bangkay mo ay hindi na niya makikita.”Nagsisikip ang dibdib niya sa takot at sa maaaring sapitin sa kamay ni Abby.“Maawa ka
Isang malamig at malamlam na silid ang kinaroroonan ni Lucian habang binabantayan ni Emerald. Naririnig ang tunog ng heart monitor.Nasa ICU si Lucian, may benda sa dibdib, duguan ang sugat na tinamaan ng bala. Nakaupo siya sa tabi ng kama, nanginginig at halos hindi makahinga sa pag-iyak, hawak-hawak ang kamay ng lalaking pinakamamahal.Gumalaw ang kamay nito.“Lucian!” aniyang napamulagat. Nagmamadaling tinawag niya ang nurse at duktor.“Gumising ka. Lumaban ka. Huwag mo kaming iiwan,” aniyang nanginginig ang tinig habang humahagulgol.Humina ang tunog ng heart monitor. May emergency buzz. Biglang nagmadali ang mga doktor at nars. Hinila siya palabas ng kwarto.Ang heart monitor ay biglang naging flatline. Tumigil ang mundo niya. Tila siya pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang mga doktor ay agad na kumilos, nagbigay ng CPR at defibrillator.Nakita niyang umangat ng bahagya ang katawan ni Lucian dahil sa gamit ng duktor na makina. Wala pa ring tibok ang puso nito. Napakabigat ng kaloob
Bumalik si Emerald sa kwarto ni Lucian matapos ang lab tests. Natulala siya sa sunod sunod na pagsubok na dumarating. Ngunit sa kabila ng lahat alam niyang hindi siya papabayaan ng Diyos.“Em, humiga ka sa tabi ko. Baka sobrang stress ka na,” ani Lucian ng makita siyang namumutla.Pinilit niyang ngumiti. Magulo ang takbo ng kanyang isip.“Em, pwede akong sumailalim sa tests baka mag-match kami ni Zoey. Kinausap ko si Dr. Alvarez. Kaya huwag ka ng mag-alala.”“Lucian, hindi ka pa lubusang magaling.”“Kaya ko. Kailangan ako ni Zoey. Sana lang ay perfect match.”“Magdasal tayo. Alam mo, lahat ng hiniling ko ibinigay ni Lord. Magtiwala tayo sa kanya,” aniyang naluluha.Pumasok ang duktor sa kwarto ni Lucian. Hawak nito ang envelope ng lab results niya.“Congratulations Mr. and Mrs. Monteverde. You're pregnant,” sabi ni Dr. Alvarez.Napatingin siya kay Lucian, nanlaki ang mata niya. Natulala siya at hindi makapaniwala.“P-po? Sigurado po ba kayo?”“Yes. We ran all the tests. You're about ei
Hindi sa video na iyon nagtapos ang pag-abandona kay Kiel ni Don Mateo.Malinaw pa sa isip niya ang pagmamakaawa nilang mag-ina noong siya ay pitong taong gulang lamang.“Bakit ka nandito, Olivia?” tila kulog ang tinig ng kanyang ama.Napahawak siya sa palda ng inang nagpipigil ng luha.“Mateo, wala na kaming matirhan. Nasunugan kami. May sakit si Kiel. Wala kaming ibang malalapitan kundi ikaw.“Hindi kita pinangakuan ng kahit ano. Alam mo ang usapan natin, itatago mo ang batang ‘yan. Hindi siya isang Monteverde,” walang emosyong tinapunan siya nito ng tingin“Pero anak mo siya. Anak mo rin siya, Mateo.”“Umalis na kayo bago ko ipatawag ang guardiya. At huwag kayong babalik dito. Hindi kailanman magiging parte ng buhay ko ang anak mong ‘yan!”Bumalik siya sa kasalukuyan at natamaan ng ilaw mula sa screen ang mukha. Inalis nito ang suot na hoodie at mask. Si Kiel. Sa harap niya ay maraming CCTV feeds — ospital, kwarto ni Zoey at Don Mateo, lobby, rooftop, villa, mansyon, at opisina ni L
Hindi pa nakakalabas ng ospital si Don Mateo. Nagbabantay si Donya Leticia sa asawa. Hindi siya umalis sa tabi nito kahit na sinaktan siya ng labis noon.Si Don Mateo ay nakahiga sa kama at ilang araw ng comatose. Nagising ito mula sa isang malalim na pagkakahimbing at dahan-dahang tumingala. Natanaw nito ang isang pamilyar na mukha.Agad siyang lumapit sa asawa, ngumiti at nag-aalala."Mateo, gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?"Tila nalilito, pilit na sinusuri ng paligid, may kalituhan sa mga mata nito at nagsimula siyang mangamba."Saan… saan ako? Anong nangyari? Bakit ako nasa ospital?" sabi nito sabay hawak sa ulo, parang walang naalala."Inatake ka sa puso at na-stroke. Na-comatose ka ng ilang linggo. Tatawag ako ng duktor,” malumanay niyang sabi."Bakit? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Anong nangyari sa aking utak? Tila blangko at kulang ang memorya ko.”"Tumingin ka sa akin, Mateo. Kilala mo ba ako?" aniyang hinawakan ang kamay ng kabiyak."Oo naman mahal k
Ang silid ni Emerald sa ospital ay puno ng kagalakan sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya. Si Lucian ay kasalukuyang nakaupo sa tabi ng kama, yakap-yakap ang kanilang bagong silang na anak na si Ace Sebastian, habang siya ay nagpapahinga, ang kanyang mga mata ay puno ng saya kahit pagod.Dumating ang pamilya ni Emerald upang dumalaw. Si Tatay Mariano at ang kanyang kapatid na si Peter, pati na rin ang mga malalapit na kaibigan nilang sina Luna at Cayden. Bawat isa ay may bitbit na regalo at pagmamahal sa kanilang puso."Tatay, Peter, Luna, Cayden! Andito kayo!” nakangiting sabi ni Em."Hala, ang gwapo ng pamangkin ko! Hindi ko akalain na magiging kamukha ko," banat ni Peter na puno ng excitement habang nakatingin sa sanggol.Sumulyap sa baby at pagkatapos ay bumaling kay Lucian si Tatay Mariano."Lucian, salamat sa lahat ng ginagawa mo para kay Emerald at sa mga bata. Alam kong magiging mabuting ama ka sa kanila,” emosyonal nitong sabi.Nagpatuloy ang masayang usapan at halakhak
Nagpanting ang tenga ni Thesa ng madinig ang sinabi Mayumi. Akmang susugurin siya nito."Wow, hindi ka lang palpak na sekretarya, ilusyunada ka pa! Makakatikim ka sa akin!"Mabilis na nakaharang si Cayden."Thesa, let's talk outside."Lumabas si Cayden sa opisina bitbit si Thesa na nanggagalaiti sa kanya. Nagkaroon ng pagkakataon si Mayumi na lapitan si Henry ng sila na lang."Henry, bakit ba biglang nangailangan ng secretary si Cayden?""Hindi ko din alam. Bigla na lang sinabi sa akin na babawasan daw ang trabaho ko. Siyempre natuwa ako.""Inalok niya ako kahapon na maging secretary niya. Nakakapagtaka lang dahil naiinis na nga siya sa mansyon tapos magkakasama pa kami sa office.""He is obsessed only with two women, una sa batang nagligtas sa kanya noong teenager siya. Pangalawa, kay Emerald na nakipagbalikan na sa dating asawa. Baka ikaw na ang pangatlo, I'm warning you. Hindi ka basta basta papakawalan ni boss kapag nagustuhan ka niya.""Naku, imposibleng magkagusto sa akin si Cay
Tahimik silang dalawa. Nakaupo si Mayumi, nakayuko. Si Cayden, nakatayo pa rin, ngayon ay nakapamulsa at nakatingin sa kanya.“Cayden, sa tingin ko hindi ako pwedeng maging secretary mo. Nakita mo naman ang mga kapalpakan ko.”“Akala ko hindi ka madaling sumuko. First day pa lang umaayaw ka na.”“Actually, wala naman akong masyadong pake sa ibang tao kaso nahihiya ako na pati ikaw nadadamay. Tsaka hindi ako dumaan sa proseso talagang may masasabi ang ibang tao.”“Then, prove them wrong. Tsaka I feel bored sometimes, I need a toy. Kaya kita dinala dito,” anitong lumapit sa kanya at napatingin sa dibdib niyang basa pa din.Napahinga siya ng malalim. Akala pa naman niya ay bumabait na ito. Gusto lang pala siyang gawing laruan kapag nabo-bored. Ngunit sa halip na mainis ay tila willing siyang maging laruan. Kunsabagay dalawang buwan na lang naman niyang makakapiling ang binata. Dapat niyang samantalahin ang pagkakataong makalapit dito.Nagkatinginan sila. Walang imikan. Binagtas ni Cayden
Si Thesa Ramirez ang dumating, ang head ng Marketing Department. Kilala sa buong kumpanya bilang matalino at matapang.Tumayo si Cayden mula sa kanyang upuan, kalmado ang kilos, pero tiningnan agad si Mayumi sa gilid ng mata.“What’s the problem, Thesa?” tanong nito. Napakagat labi siya sa malaking katangahan.“Heto, Sir Cayden,” sabay pakita ni Thesa ng tablet. “This email was sent to one of our VIP partners. It has the wrong sales figures, the wrong product list, and worst of all, a wrong sign-off with a typo that says Much lust, Mayumi instead of Much trust! Que Horror!”Namutla si Mayumi. “Lagot,” bulong niya. Parang gusto niyang maglaho na lang at kainin ng lupa.“Hindi lang ito nakakahiya, Sir Cayden. This puts our image at risk! The client literally called me asking if we hired an intern to run our corporate correspondence!” dagdag ni Thesa, habang halatang pinipigilan ang sarili na huwag lumipad ang tablet sa ulo ni Mayumi.“Pa-pasensya na, hindi ko si-sinasadya,” nauutal niyan
“Makinig ka. Pulis ako. Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat. Sumama ka sa amin.”Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lalaki. May kasama itong naka-unipormeng pulis. Isinakay siya sa puting van. Labis ang kabog ng kanyang dibdib.“Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan. Kanina, nakita ko ang walang pag-aalinlangan mo sa pagtulong sa nangangailangan. Kaya naman may iaalok kami sa’yo.”Hinubad ng lalaki ang suot na jacket, ipinakita ang isang markang hindi karaniwang badge, kulay itim at pilak na may nakaukit na letrang SFU: Secret Force Unit.Nanlaki ang mata niya.“Gobyerno kami,” patuloy ni Justin. “Lihim kaming yunit na tumutugis sa mga malalaking sindikato. Isa sa mga target namin si Don Manuel.”Napalunok siya sa narinig. “Bakit ako? Wala akong kakayahan sa ganyan. Oo matulungin ako sa nangangailangan dahil alam ko ang pakiramdam ng walang malalapitan. Pero hindi ko kayang banggain si Don Manuel,” mahina niyang sabi.“May koneksyon ka sa kanya. Kailangan namin ng mata at tenga
Hiyang hiya si Mayumi kay Mommy Cecil ng nagawa niyang utangan ito ng pera. Ngunit kailangan niyang kapalan ang mukha."Magkano, hija?" medyo nagulat ngunit kalmadong tanong nito."Isang milyon po.”"Isang milyon? Para saan, Mayumi?”"Ipambabayad ko po ng utang ng nanay ko,” aniyang nagpipigil ng luha.Tahimik ulit si Mommy Cecil. Malalim na nag-iisip."Ibigay mo sa akin ang detalye ng bank mo at ipapadala ko ang isang milyon.”“Talaga po? Papahiramin ninyo ako? Maraming salamat po. Pasensya na po kayo. Babayaran ko din po.”Tila anghel ang tingin niya sa Donya at parang nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib.“Anak ang turing ko sa’yo, Mayumi. Magsabi ka lang kapag may problema ka at nakahanda akong tumulong.”Napayakap siya sa matandang naging napakabait sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang makabawi dito.***Nakaupo si Mommy Cecil sa mahogany desk, may hawak na checkbook at cellphone. Katatapos lang nitong tawagan ang accountant upang ayusin ang transfer ng pera. May kumatok sa pin
Marahang umalis si Mayumi sa kama. Humiga siya sa sofa. Yumaman lang siya tapos ang problema niya sa buhay. Ayaw na siyang bigyan ni Cayden ng isang milyon. Tila lumobo ang utak niya kakaisip.Maagang gumising si Mayumi para maghanda ng agahan. Naglagay siya ng tatlong tasa ng kape sa mesa. Gunawa niya ang kape gamit ang coffee maker. Nagtrabaho syang barista sa sikat na coffee shop sa lugar nila kaya masarap ang timpla niya.Maya-maya pa'y bumaba si Mommy Cecil na nakangiti sa kanya. Napatingin siya sa matanda. Kung hindi siya bibigyan ng pera ni Cayden baka pwede siyang humiram sa Donya. Ngunit nakaramdam siya ng hiya. May ilang araw pa naman siya para maghagilap ng pera."Aba, Mayumi! Ang sipag mo talaga. Napakapalad naman ng anak ko sa'yo.""Naku, Mommy Cecil, maliit na bagay lang po ito. Si Cayden po kasi, pagod palagi sa trabaho kaya gusto ko po siyang pagsilbihan,” aniyang pilit pinapasigla ang boses.Sakto namang lumabas si Cayden mula sa kwarto. Bagong paligo ito at talaga nam
Bumangon si Cayden at pumasok sa banyo upang maligo. Hinintay ni Mayumi ang paglabas nito. May hinanap siya sa bag at nakita niya maliit na bote ng langis at kumuha siya ng isang tuwalya."Cayden, gusto mo bang i-masahe ko ang likod mo? Parang pagod ka kasi."Lumingon si Cayden, at sa halip na ngumiti, napakunot ang noo."Kahit anong gawin mo ay hindi kita papahiramin ng pera.”Napaatras si Mayumi, kita sa mukha ang pagkabigla at medyo nasaktan kahit sanay naman siyang minamaltrato ng nanay at kapatid."Hindi kita pipiliting bigyan ako ng pera. Gusto lang kitang tulungang gumaan ang katawan mo,” aniyang napayuko."Gusto kong magpahinga. Umalis ka diyan.”Maingat ang mga hakbang niya, hawak pa rin ang maliit na bote ng langis."Alam kong pagod ka. Mas marerelax ka at makakatulog kapag minasahe kita,” mahinahong sabi niya.Hindi umimik si Cayden. Bumuntong-hininga lang siya, pero hindi umalis. Dahan-dahan siyang lumapit at naupo sa gilid ng kama. Binuksan niya ang bote ng langis at pina
“Maliwanag ang sinabi ng nanay mo. Sumama ka na sa akin ng wala ng problema,” sabi ni Don Manuel. “Nakikiusap ako na bigyan ninyo pa ako ng konting palugit. Babayaran ko ang isang milyon.”“Isang linggo. Kapag hindi mo ako nabayaran, sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo,” anitong umalis na.Dumating na ang kanyang sundo. Hindi maiwasang mapaluha ni Mayumi habang sakay ng kotse. Kailangan niyang maglabas ng isang milyon sa isang linggo. Si Cayden ang pag-asa niya. Sinabihan niya ang driver na gusto niyang puntahan sa opisina ang binata.Namangha siya sa napakataas na gusali sa kanyang harapan. Parang gusto na niyang umatras kaso ay kailangan na niyang makausap si Cayden.Inihakbang niya ang mga paa papasok. Abalang-abala ang reception area. Simple ang damit niya pero maayos naman. Naka-smile siya at excited. Namangha siya sa disenyo ng loob ng building. Sobrang yaman pala talaga ni Cayden. Napadaan siya sa tila exhibit ng mga mall na pag-aari ng Villamor Realty Corporation.Lumapit
Inawat ni Mayumi ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi siya dapat sensitive dahil trabaho ang pinasok niya at walang namilit sa kanya. Hindi naman permanente ang sitwasyon niya.Nanatiling nakapasok ang malaking ari ni Cayden sa kanyang hiyas. Mukhang hanggang madaling araw na naman ang gusto nito. Hindi siya nagkamali at kumakadyot itong muli. Maya mga pinagawa pa itong posisyon sa kanya na tila sila nag-eexperiment.Kinabukasan ay araw na ng pag-uwi nila. Napuyat siya sa magdamag na pag-angkin nito sa kanya. Plano niyang tulugan lang ito sa byahe para na din makaiwas.Nakauwi na sila sa mansyon. Binaba niya ang bitbit na bag habang si Cayden ay agad na nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. Sinalubong sila ni Mommy Cecil.“Kumusta? Nag-enjoy ba kayo?” anang Donya na niyakap silang dalawa.Mabilis ang kamay ni Cayden na umakbay sa kanyang balikat.“Yes, mom. Sobrang saya namin.”“Opo, sobrang nag-enjoy po kami lalo po ang anak ninyo. Salamat po.”“Naku, sana naman ay magkaapo na a