Share

CHAPTER 25

last update Last Updated: 2024-11-18 07:27:03

"Wow! Anong meron? Ang bongga naman ng almusal natin. Kailangan pala talaga na may lovelife para masarap ang almusal," biro ni Nikka bago umupo.

Kadalasan kasi siya ang nagluluto ng almusal namin dahil mahilig siya magluto. Mula ng pumasok ako sa kumpanya ni Axel ay bawing-bawi talaga ako sa tulog. Minsan ay nauuna gumising si Nikka kaysa sa akin.

"Tse! Tumigil ka nga dyan at kumain ka na lang," kunwari ay galit na sabi ko.

"Ikaw naman pinupuri na nga kita ganyan ka pa. Nanibago lang naman ako dahil madalas ay pandesal lang hinahanda mo," malambing na tugon niya at napangiti ako.

"Kumain na nga tayo at baka lumamig na ang pagkain," aya ko at inabot ko ang kape niya.

Sinangag na kanin, scramble egg at tocino ang niluto ko. Wala namang kakaiba sa niluto ko kaya natatawa ako sa pinsan ko.

"Kumusta naman ang lovelife este buhay pala, Bakla?" natatawa na tanong ni Nikka bago sumubo.

"Okay naman," nakangiti na sagot ko.

"Nakikita ko nga mukhang okay nga naman kasi malapit ng mapunit ang la
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joan Lager Parbo
nxt chapter plzzz...
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
baka bigla kang e ghost ni Axel kc ayaw nita ma inlove duwag pa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never let you go   CHAPTER 63

    "Huwag na kayo ako tumuloy?" puno ng alanganin na tanong ko habang nakatingin sa salamin at tiningnan ako nang masama ni Nikka.Gusto niyang makasigurado na okay ang itsura ko kaya nagpumilit siya na pumunta sa bahay habang inaayusan ako. Siya rin ang naghanap ng mag-ayos sa akin at pumayag naman si Axel. Sa tingin pa nga ni Axel ay magandang ideya iyon. Kaya ko naman mag-ayos pero gusto ni Nikka na maging perfect ang kalalabasan. Hindi ko tuloy Alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa ginawa niya."Gusto mong kalbuhin ko ang kilay mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya at huminga ako nang malalim.Kakaalis lang ng mga kaibigan niya na nag-ayos sa akin. Tinanong ko siya kung magkano pero sinabi niya na si Axel na ang nagbayad. Sobrang galing nila at talagang napaka-professional nila. Kagabi pa talaga ako hindi mapakali pero pinipilit ko iyon itago kay Axel dahil aam ko na totohanin niya ang sinabi niya na hindi siya pupunta kung hindi ako sasama. Nabanggit sa akin ni Mr. Jay ku

  • Never let you go   CHAPTER 62

    Ngayon lang ulit kami magkikita ni Nikka at sigurado na marami kaming pag-uusapan. Naging busy na kami siya sa work at ako naman sa paghahanap ng trabaho. Pagkalipas ng ilang oras ay nasa labas na ako ng building at naghihintay ng taxi papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Nikka. Habang nakasakay ako sa taxi ay nakatanggap ako ng message galing kay Nikka kung saan kami magkikita para hindi na ako mahirapan na hanapin siya. Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko na agad siya kaya naglakad na ako papalapit sa kanya."Kanina ka pa?" tanong ko pagtapik ko sa balikat niya.Nakangiti na lumingon siya sa akin saka tumayo para batiin ako. Nagbeso na muna kami saka nagyakapan na para bang ang tagal-tagal na naming hindi nagkita. Ang huling pagkikita namin ay noong mismong araw na umalis ako sa kumpanya. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at kumain kami sa labas bago ako umuwi. Hindi naman kami nawalan ng communication dahil lagi niya ako kinakamusta."Kadarating ko lang naman," tugon ni

  • Never let you go   CHAPTER 61

    "Good morning Babe!" narinig ko na bati ni Axel mula sa likuran ko at saglit ako napalingon."Good morning din Babe!" nakangiti na tugon ko. Mas lumapad pa ang pagkakangiti ko ng naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. Hinalikan niya ako sa pisngi at nanoot sa ilong ko ang pamilyar na amoy niya. Pinatong niya ang baba sa balikat ko at ipinagpatuloy ko lang ang pagluluto ko ng almusal namin. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa may leeg ko."Smells good," bulong niya at gusto kong matawa dahil alam kong iba ang tinutukoy niya.Kahit na lagi kaming magkasama hindi ko pa rin maiwasang hindi maapektuhan sa mga ginagawa niya sa akin. Halos bumaon na ang ilong niya sa leeg ko at naramdaman ko ang munting mga halik niya sa leeg pati na rin sa balikat ko. Biglang nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako at huminga ng malalim para kontrolin ang sarili ko. Naramdaman ko na mas hinigpitan pa niya ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Ilang sandali ay luto na ang fried rice

  • Never let you go   CHAPTER 60

    "You will be mine," nakangiti na sabi ko paglabas ko ng office ni Axel.Ang lalaki na katulad ni Axel ay mas paiiralin ang isip kaysa ang puso niya. Nakita ko ang mga award at certificate sa office niya at patunay iyon kung gaano siya ka dedicated sa trabaho niya. Normal lang na tanggihan at itulak niya ako ngayon pero hindi ako basta-basta susuko. Instead na ma-discourage sa pakikitungo niya sa akin mas na challenge pa ako na makuha siya."Hello, My Dear! How did it go?" tanong ni Mom pag-sagot ko sa tawag niya.Kagagaling ko lang sa office ni Axel at halatang hindi niya inaasahan ang pagpunta ko. Alam ko naman na ayaw niya ako makita pero kumpiyansa ako na magbabago rin ang isip niya. Naisipan ko na puntahan siya para makita ko ang kumpanya niya at higit sa lahat ay makita rin siya. Sinubukan ko siya tawagan after ng una naming pagkikita pero hindi naman siya sumasagot. Gusto ko na mas makilala niya ako at ganun din ako sa kanya. Bago pa kami magkita alam ko na ang mga plano ni Dad

  • Never let you go   CHAPTER 59

    "Mahal na mahal kita Axel," pabulong na Sabi Niya ng maghiwalay ang labi namin.Hinaplos ko ang pisngi niya habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Hindi ako magsasawa na titigan siya dahil sa mga mata niya nakita ko ang future ko. Noon sinumpa ko na hindi ko na hahayaan ang sarili ko na magtiwala at umasa pero dahil kay Althea nagbago ang lahat. Hinalikan ko muna siya sa noo, pisngi saka sa labi na buong puso naman niya tinugon. Pinatong niya ang dalawang kamay sa balikat ko at naramdaman ko ang mga daliri niya sa buhok ko. Nilagay ko ang isang kamay ko sa bewang niya at pinisil iyon dahilan para mas lumapit ang katawan niya sa akin. Ang isang kamay ko naman ay nasa batok niya para mas mapalalimin ang halik. Hindi nga nagtagal ay lumalalim at mapusok na ang halik na pinagsaluhan namin. Dahan-dahan ko pinasok ang kamay ko sa loob ng blouse niya at hinaplos ang likod niya dahilan para mapaungol siya. "I'll make sure you will feel how deep, hard and out of this world my love for you,"

  • Never let you go   CHAPTER 58

    Tiningnan ko si Althea at napangiti ako nang makita kong nakapikit ang mga mata niya. Hindi sana ako papayag ng magpaalam siya kanina na lalabas kasama ang mga co-workers niya pero naisip ko na baka iyon na ang huling pagkakataon na makasama niya ang mga kaibigan niya sa trabaho. Nang sabihin niya kung saan sila pupunta ay tinawagan ko agad ang owner ng bar na kaibigan namin ni Patrick. Alam kong magtataka siya kaya expected ko na tatawagan niya ako. Nasa meeting ako ng tawagan niya ako kaya nag-excuse muna ako sa client para makausap siya dahil buong araw ako hindi nakapag-reply sa mga message niya kanina. Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na ako sa bar kung saan nandoon sina Althea at naghihintay sa akin si Patrick. Gustong-gusto ko siya lapitan kanina pero pinigilan ko ang sarili ko. Hinayaan ko lang siya matulog hanggang makarating kami sa bahay. Dumaan muna kami sa isang drive thru dahil siguradong maghahanap siya ng pagkain mamaya. Kadalasan kasi kapag nakakainom siya ay naghah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status