Share

CHAPTER 62

last update Huling Na-update: 2025-07-11 18:44:44

Ngayon lang ulit kami magkikita ni Nikka at sigurado na marami kaming pag-uusapan. Naging busy na kami siya sa work at ako naman sa paghahanap ng trabaho. Pagkalipas ng ilang oras ay nasa labas na ako ng building at naghihintay ng taxi papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Nikka. Habang nakasakay ako sa taxi ay nakatanggap ako ng message galing kay Nikka kung saan kami magkikita para hindi na ako mahirapan na hanapin siya. Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko na agad siya kaya naglakad na ako papalapit sa kanya.

"Kanina ka pa?" tanong ko pagtapik ko sa balikat niya.

Nakangiti na lumingon siya sa akin saka tumayo para batiin ako. Nagbeso na muna kami saka nagyakapan na para bang ang tagal-tagal na naming hindi nagkita. Ang huling pagkikita namin ay noong mismong araw na umalis ako sa kumpanya. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at kumain kami sa labas bago ako umuwi. Hindi naman kami nawalan ng communication dahil lagi niya ako kinakamusta.

"Kadarating ko lang naman," tugon ni
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
tama its time para malaman ng lahat kung sino ka sa buhay ni Axel
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Never let you go   CHAPTER 62

    Ngayon lang ulit kami magkikita ni Nikka at sigurado na marami kaming pag-uusapan. Naging busy na kami siya sa work at ako naman sa paghahanap ng trabaho. Pagkalipas ng ilang oras ay nasa labas na ako ng building at naghihintay ng taxi papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Nikka. Habang nakasakay ako sa taxi ay nakatanggap ako ng message galing kay Nikka kung saan kami magkikita para hindi na ako mahirapan na hanapin siya. Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko na agad siya kaya naglakad na ako papalapit sa kanya."Kanina ka pa?" tanong ko pagtapik ko sa balikat niya.Nakangiti na lumingon siya sa akin saka tumayo para batiin ako. Nagbeso na muna kami saka nagyakapan na para bang ang tagal-tagal na naming hindi nagkita. Ang huling pagkikita namin ay noong mismong araw na umalis ako sa kumpanya. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at kumain kami sa labas bago ako umuwi. Hindi naman kami nawalan ng communication dahil lagi niya ako kinakamusta."Kadarating ko lang naman," tugon ni

  • Never let you go   CHAPTER 61

    "Good morning Babe!" narinig ko na bati ni Axel mula sa likuran ko at saglit ako napalingon."Good morning din Babe!" nakangiti na tugon ko. Mas lumapad pa ang pagkakangiti ko ng naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. Hinalikan niya ako sa pisngi at nanoot sa ilong ko ang pamilyar na amoy niya. Pinatong niya ang baba sa balikat ko at ipinagpatuloy ko lang ang pagluluto ko ng almusal namin. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa may leeg ko."Smells good," bulong niya at gusto kong matawa dahil alam kong iba ang tinutukoy niya.Kahit na lagi kaming magkasama hindi ko pa rin maiwasang hindi maapektuhan sa mga ginagawa niya sa akin. Halos bumaon na ang ilong niya sa leeg ko at naramdaman ko ang munting mga halik niya sa leeg pati na rin sa balikat ko. Biglang nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako at huminga ng malalim para kontrolin ang sarili ko. Naramdaman ko na mas hinigpitan pa niya ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Ilang sandali ay luto na ang fried rice

  • Never let you go   CHAPTER 60

    "You will be mine," nakangiti na sabi ko paglabas ko ng office ni Axel.Ang lalaki na katulad ni Axel ay mas paiiralin ang isip kaysa ang puso niya. Nakita ko ang mga award at certificate sa office niya at patunay iyon kung gaano siya ka dedicated sa trabaho niya. Normal lang na tanggihan at itulak niya ako ngayon pero hindi ako basta-basta susuko. Instead na ma-discourage sa pakikitungo niya sa akin mas na challenge pa ako na makuha siya."Hello, My Dear! How did it go?" tanong ni Mom pag-sagot ko sa tawag niya.Kagagaling ko lang sa office ni Axel at halatang hindi niya inaasahan ang pagpunta ko. Alam ko naman na ayaw niya ako makita pero kumpiyansa ako na magbabago rin ang isip niya. Naisipan ko na puntahan siya para makita ko ang kumpanya niya at higit sa lahat ay makita rin siya. Sinubukan ko siya tawagan after ng una naming pagkikita pero hindi naman siya sumasagot. Gusto ko na mas makilala niya ako at ganun din ako sa kanya. Bago pa kami magkita alam ko na ang mga plano ni Dad

  • Never let you go   CHAPTER 59

    "Mahal na mahal kita Axel," pabulong na Sabi Niya ng maghiwalay ang labi namin.Hinaplos ko ang pisngi niya habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Hindi ako magsasawa na titigan siya dahil sa mga mata niya nakita ko ang future ko. Noon sinumpa ko na hindi ko na hahayaan ang sarili ko na magtiwala at umasa pero dahil kay Althea nagbago ang lahat. Hinalikan ko muna siya sa noo, pisngi saka sa labi na buong puso naman niya tinugon. Pinatong niya ang dalawang kamay sa balikat ko at naramdaman ko ang mga daliri niya sa buhok ko. Nilagay ko ang isang kamay ko sa bewang niya at pinisil iyon dahilan para mas lumapit ang katawan niya sa akin. Ang isang kamay ko naman ay nasa batok niya para mas mapalalimin ang halik. Hindi nga nagtagal ay lumalalim at mapusok na ang halik na pinagsaluhan namin. Dahan-dahan ko pinasok ang kamay ko sa loob ng blouse niya at hinaplos ang likod niya dahilan para mapaungol siya. "I'll make sure you will feel how deep, hard and out of this world my love for you,"

  • Never let you go   CHAPTER 58

    Tiningnan ko si Althea at napangiti ako nang makita kong nakapikit ang mga mata niya. Hindi sana ako papayag ng magpaalam siya kanina na lalabas kasama ang mga co-workers niya pero naisip ko na baka iyon na ang huling pagkakataon na makasama niya ang mga kaibigan niya sa trabaho. Nang sabihin niya kung saan sila pupunta ay tinawagan ko agad ang owner ng bar na kaibigan namin ni Patrick. Alam kong magtataka siya kaya expected ko na tatawagan niya ako. Nasa meeting ako ng tawagan niya ako kaya nag-excuse muna ako sa client para makausap siya dahil buong araw ako hindi nakapag-reply sa mga message niya kanina. Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na ako sa bar kung saan nandoon sina Althea at naghihintay sa akin si Patrick. Gustong-gusto ko siya lapitan kanina pero pinigilan ko ang sarili ko. Hinayaan ko lang siya matulog hanggang makarating kami sa bahay. Dumaan muna kami sa isang drive thru dahil siguradong maghahanap siya ng pagkain mamaya. Kadalasan kasi kapag nakakainom siya ay naghah

  • Never let you go   CHAPTER 57

    "Saan tayo mamaya Althea?" tanong ni Tin-tin habang naglalakad kami papunta sa elevator at napatingin ako sa kanya.Katatapos lang namin kumain ng lunch sa cafeteria. Ang bilis ng panahon at hindi ko namalayan na isang buwan na pala ang lumipas mula noong nagpasa ako ng resignation letter ko. Hindi naman ako nahihirapan na i-turn over ang trabaho ko sa kapalit ko bagong graduate lang siya at madali siya turuan. Sa lumipas na buwan ay naging ka-close ko na ang mga kasama ko sa trabaho kaya kahit paano ay mabigat sa loob ko na umalis lalo na at okay naman ang trabaho ko. Nagpasa na ako ng resume at naghihintay na lang ako ng tawag. Kumpiyansa naman ako na makakahanap din ako ng trabaho sa lalong madaling panahon. Kailangan ko makahanap agad ng trabaho dahil ayoko isipin ng Papa ni Axel na pabigat ako sa anak niya. "Oo nga dapat lang na magpa-inom ka para mag-celebrate tayo dahil iiwan mo na kami," sabi naman ni DJ at natawa ako dahil sumang-ayon ang iba pa naming kasama."Masaya kayo d

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status