Share

Chapter 6

BIGLANG bundol ng kaba sa dibdib niya dahil sa sinabi nito. Naisip niya na baka kasama ng mga ito si Gray. Madali siyang pumasok sa loob ng bahay at nagtungo papunta sa living area. Hindi siya nagkamali na nandoon ang mga ito at naka-tipon.

Magkatabi ang nanay at tatay niya na nakatayo sa gilid ng mahabang sofa, may pagaalala sa mukha ng kanyang ina, ang ama naman niya ay madilim ang aura at nakita pa niyang napapayukom ito ng kamao.

Samantalang ang nanay at tatay naman ni Gray ay nakaupo sa sofa, umiiyak ang ginang at halos pigain na ito ng yakap ng asawa nito upang patahanin at aluin.

Mukhang hinihintay ng mga ito ang pagdating niya. Saglit niyang inikot ang paningin sa mga ito, may hinahanap ang kanyang mga mata. Wala siyang nakita.—Hindi kasama ng mga ito si Gray.

"Dad..." agaw pansin niya sa mga ito. Agad naman na napatingin sa gawi niya ang kanyang ama. "N-nasaan po si G-Gray?" dugtong na tanong niya ng bumaling sa mga magulan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status