Marlita’s Point of View
NO BOYFRIEND ALLOWED Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang utos ni Manang Sedes sa akin. Hindi ko naman inexpect na ngayong araw ko talaga iyon sisimulan. Wala man lang pa-hi and hello sa ibang kasambahay rito. Habang nakatitig ako sa puting kisame ay bigla kong naalala ang kalagayan ng aking Lola at Lolo. Ang tanging taong pinagbilinan ko sa kanila ay ang kaibigang nurse na nagtatrabaho roon sa mismong Hospital. Naisipan ko itong tawagan dahil alam kong break time ni Benji sa trabaho. Ilang ring ang narinig ko bago sagutin ng isang lalaki. “Benji? Si Marlita ito, pasensya na sa abala,” malumanay at mahina ang boses ko. Ayaw kong may makarinig sa akin sa labas. Sumagot naman ang nasa kabilang linya. “Hi, Marlita, I have been waiting for your call today. Kumusta ka? Kumain ka na ba?” mahihiwatigan ko ang pag-aalala sa kaniyang boses. “Pasensya na ngayon lang ako napatawag. Okay naman ako, sina Lolo? Kumusta na si Lola?” tanong ko. Hindi ako mapakali sa kalagayan nila ngayon. Natatakot ako na baka may nangyari na habang wala ako sa tabi nila. “Lolo Arvonaldo is totally fine at si Lola naman ay kasalukuyan ng inihahanda para sa operasyon niya. Ang sabi ng doctor ay may kidney donor na raw silang nahanap kaya baka bukas ay isasagawa na nila ang operasyon,” paliwanag niya. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang mga salitang iyon. Sa wakas ay gagaling na ang Lola ko, hindi na niya iindahin ang sakit na ilang taon na niyang dala-dala. “Salamat sa pagtingin mo sa kalagayan nila, Benj, hayaan mo at bibisita ako riyan sa Hospital kapag rest day ko,” sambit ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Benji. Isang klase ng tawa na alam kong nahihiya siya. “Hindi na. Rest day mo ‘yon kaya ilaan mo sa sarili mo, Marlita. Alagaan mo palagi ang sarili mo, okay?” narinig kong sinabi niya mula sa kabilang linya. Sumilay ang ngiti sa aking labi. “Oo naman! Ikaw rin dapat puro ka na lang trabaho!” biro ko rito pero totoo naman ang sinabi ko masyadong workaholic ang lalaking ito. “Nagtatrabaho ako para makaipon ng pera nang sa gano’n ay pwede ko ng ligawan ang babaeng minamahal ko.” Natawa ako sa narinig mula sa kaniya. “Ayan ka na naman sa pagiging lover boy mo! Hindi mo naman sinasabi kung sino ‘yang babaeng tinutukoy mo,” may clue na ako sa babaeng gusto ni Benji, hindi lang ako sigurado kung tama ba ang hula ko. Nahihiya rin kasi itong magsabi sa akin kahit ilang taon na kaming magkaibigan. Ayaw ko rin naman siyang pangunahan kaya hindi ko na lang pinipilit. “It's you, Marlita—” nawala ang atensyon ko sa kabilang linya. Nakarinig kasi ako ng bagay na nahulog sa sahig. Nang nilingon ko ang kinaroroonan ng pintuan upang tingnan kung ano ang ingay na iyon ay na gulat ako. Pagkaharap na pagkaharap ko sa pintuan ay laking gulat ko na may isang tao pa lang nakatayo roon. Ang bulto ng isang lalaking napakamaskulado. Muntikan ko pang mabitawan ang aking hawak na telepono kung hindi ko pa ito nasalo. “S-Sir! Hindi ko alam na nandiyan pala kayo,” kinakabahan ako sa klase ng titig niya. Malalim at madilim. “Yes, I have been here for almost five minutes. I called your name multiple times, but I guess you didn't hear me, and now I know why,” ang boses niya ay wala pa ring pinagbago. Malalim at barakong-barako pa rin, masarap pakinggan sa tainga. Nataranta ang kaloob-looban ko. Baka nagalit ko si Senyorito Grayson sa unang araw ko pa lang dito. Huwag naman sana, ang pangit ng first day ko sa kaniya kung gano’n. “Pasensya na, Sir, tumawag lang—” pinutol niya ang aking pagsasalita. “I don't allow my personal maid to have a boyfriend. Focus on your work only if you want permanent work here.” Iyon lamang ang sinabi niya bago niya ako iwan sa aking kwarto. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag. Bawal magkaroon ng boyfriend ang personal maid niya? Pwede pala iyon? Nasa batas ba ‘yon o gawa-gawa lang niya? Istrikto si Grayson Ryker. Ayaw niyang may kaagaw sa pagtatrabaho ko ngunit huwag siyang mag-aalala dahil wala naman talaga akong boyfriend. Siya nga ang balak kong akitin, eh. Ngunit sandali, bakit straight ‘yong English ni Sir Grayson kanina? Akala ko purong Tagalog ang gamit nila rito?Marlita’s Point of ViewBEST FRIEND“Hindi ka makalakad ng maayos,” pinuna ni Oliver ang paglalakad ko. Pauwi na kami sa mansyon at nag-aayos na lamang.Ako ang nagsabi na maayos na ako dahil hindi naman malala ang kalagayan ko. Malayo ito sa bituka at kasama ito sa pagtatrabaho ko.Tumawa siya kaya nilingon ko ito.“Kinarma ka agad sa ginawa mo,” pangpipikon pa nito.Tiningnan ko ito ng masama. Sinubukan kong lapitan siya ngunit nahihirapan akong maglakad.“Hindi ko sinadya ‘yon!” pagtanggi ko. Tumawa lang siya sa akin na mas lalo kong ikinainis.Bakit nakita ba niya na tumalon ako? E, may tumulak nga sa ‘kin. Ngunit hindi ko na lang pinatulan ang lalaki, bahala siyang problemahin ‘yon.Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Si Manang Sedes na lang ang bumalik at sinabing may pinuntahan daw si Sir Grayson.“Oliver, paki dala na lang nitong bag at hintayin mo na lang kami ni Marlita, susunod kami,” saad ni Manang. Iniwan kami ni Oliver sa loob ng kwarto.“Manang, bago tayo u
Marlita’s Point of ViewFIRST PLANMagkunwaring nalulunod sa swimming pool.Iyon ang nakasulat sa notebook plan na ibinigay ni Veronica sa akin. Ang unang plano upang simulan ang nais niya.Kumunsulta ako kay Manang Sedes kung ano ang dapat kong gawin para sa unang plano. Hindi ako mapakali kung paano ko gagawin ito.“Paano ko sisimulan iyon, Manang?” nasa loob kami ng kwarto ni Manang Sedes upang walang sino man ang makarinig sa aming pag-uusapan.“Tumalon ka syempre.”Ang tanong kung bakit at papaano?“Maraming bodyguard na pwedeng makakita sa gagawin ko. Baka isipin nila na baliw ako,” kinakabahan kong ani.May ipinakitang video si Manang Sedes sa phone niya. Pinanood ko iyon hanggang sa matapos.“Kagaya ng ginawa ng babae sa video ay gayahin mo rin,” seryosong saad niya.Malalim ang iniisip ko nang makalabas ako sa kwarto ni Manang Sedes. Hindi mapakali ang isip ko sa gagawing plano namin.Paano ko nga ba gagawin ‘yon? Paano kung dahil do’n ay ikamatay ko pa?Nabanggit ni Manang S
Marlita’s Point of ViewFUBUNgayon ang pangalawang araw ko sa mansyon. Umagang-umaga pa lang ay gising na ako at maging si Manang Sedes. Kanina lang ay nakilala ko na ang ibang kasambahay ng mansyon. Sa na aalala ko ay may sampong kasambahay rito maliban sa akin.Namangha pa ako kasi may nakikita akong mga lalaking naka-suit ng itim. Pormal na pormal ang dating nila at ito raw umano ang mga bodyguard ng mansyon. Napakarami nila at pakiramdam ko ay nasa isang palasyo ako.“Bakit wala akong nakikitang ibang pamilya ni Sir Grayson dito?” biglaang tanong ko kay Merel, isang kasambahay rin.Naghihiwa siya ng carrots nang sagutin ang tanong ko. “Nasa out of town sila ngayon at next month pa raw ang uwi.”Tumango-tango ako sa narinig.“Kawawa rin pala si Sir, hindi man lang siya pinasama.”Biglang na tawa si Merel sa aking sinabi. Nag-joke pala ako?“Ano ka ba, Marlita! Hindi nakakaawa si Sir, ‘no, sadyang hindi lang niya trip na sumama kasi hahanapin siya ng girlfriend niya,” ani nito.Nag
Marlita’s Point of ViewNO BOYFRIEND ALLOWEDHindi ko alam kung paano ko sisimulan ang utos ni Manang Sedes sa akin. Hindi ko naman inexpect na ngayong araw ko talaga iyon sisimulan. Wala man lang pa-hi and hello sa ibang kasambahay rito.Habang nakatitig ako sa puting kisame ay bigla kong naalala ang kalagayan ng aking Lola at Lolo. Ang tanging taong pinagbilinan ko sa kanila ay ang kaibigang nurse na nagtatrabaho roon sa mismong Hospital.Naisipan ko itong tawagan dahil alam kong break time ni Benji sa trabaho. Ilang ring ang narinig ko bago sagutin ng isang lalaki.“Benji? Si Marlita ito, pasensya na sa abala,” malumanay at mahina ang boses ko. Ayaw kong may makarinig sa akin sa labas.Sumagot naman ang nasa kabilang linya. “Hi, Marlita, I have been waiting for your call today. Kumusta ka? Kumain ka na ba?” mahihiwatigan ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.“Pasensya na ngayon lang ako napatawag. Okay naman ako, sina Lolo? Kumusta na si Lola?” tanong ko.Hindi ako mapakali sa kalag
Marlita’s Point of ViewCRAZYBakit ganiyan kung makatitig siya sa akin? Parang kusang nalalaglag ang panty ko na pamana pa sa akin ng aking Lola.Mahinang siniko ako ng mayordoma.Naalala ko ang ibinulong nito sa akin kanina. Kailangan kong gumawa ng eksena para makuha ang atensyon ni Grayson Ryker. Ngunit paano ko ito gagawin? Iiyak ba ako sa harapan nito o kaya ay magbo-bold star ako sa harap niya?Bigla kong kinuha ang kamay ni Senyorito Grayson.“Ako nga pala si Marlita, ang lalandi sa ‘yo.” Lintek! Ano ang nasabi ko?Nagtatakang tinitigan ako ng aking amo.“Este, ako po ‘yong kasambahay na maglilinis, magluluto, at mag-aaruga ng mansyon, Sir.” Binitiwan ko na ang pagkakahawak sa malaki at malambot nitong kamay.“Yes, those are the work of a maid. Nasabi na ba ni Manang Sedes na sa akin ka lang?” ang barako at malalim nitong titig ay tumutugma sa guwapo nitong mukha.Shit! Ang sarap-sarap! Subalit na-bother ako sa tanong niya. Ano’ng ibig niyang sabihin?“S-Sa iyo lang ako, Sir?”
Marlita’s Point of ViewHANDSOME“Tinatanggap ko na ang alok mo sa akin.”Sa isang coffee shop na katapat lamang ng Hospital ay nagkita muli kami ng babae kahapon. Pamilyar siya sa akin at ngayon ay nakikilala ko na kung sino ang kaharap ko.Si Veronica Sanchez, ang kababata ko. Hindi ko ito na mukhaan kahapon dahil saglit ko lamang na tiningnan ang maganda nitong mukha. Ngayon ay malaya akong tinititigan siya gamit ang seryoso kong ekspresyon.“Madali ka lang pa lang kausap, Marlita.” Uminom ito sa tasang may lamang kapeng amerikano na kaniyang inorder kanina.“Ang plano lamang ay paiibigin at aakitin ko siya subalit paano ko magagawa iyon?” nagtataka kong tanong.Ang plano niya ay napakahirap gawin lalo na at pagpapanggap ito. Hindi ko maisip na may lulukuhin akong tao para lamang sa perang kailangan ko. Ngunit wala na akong ibang choice, kulang na ang panahon ko upang maghanap ng pera o umutang man lang.“Huwag kang mag-aalala dahil may tutulong sa iyo sa loob ng mansyon ng mga Ryk