Marlita’s Point of View
CRAZY Bakit ganiyan kung makatitig siya sa akin? Parang kusang nalalaglag ang panty ko na pamana pa sa akin ng aking Lola. Mahinang siniko ako ng mayordoma. Naalala ko ang ibinulong nito sa akin kanina. Kailangan kong gumawa ng eksena para makuha ang atensyon ni Grayson Ryker. Ngunit paano ko ito gagawin? Iiyak ba ako sa harapan nito o kaya ay magbo-bold star ako sa harap niya? Bigla kong kinuha ang kamay ni Senyorito Grayson. “Ako nga pala si Marlita, ang lalandi sa ‘yo.” Lintek! Ano ang nasabi ko? Nagtatakang tinitigan ako ng aking amo. “Este, ako po ‘yong kasambahay na maglilinis, magluluto, at mag-aaruga ng mansyon, Sir.” Binitiwan ko na ang pagkakahawak sa malaki at malambot nitong kamay. “Yes, those are the work of a maid. Nasabi na ba ni Manang Sedes na sa akin ka lang?” ang barako at malalim nitong titig ay tumutugma sa guwapo nitong mukha. Shit! Ang sarap-sarap! Subalit na-bother ako sa tanong niya. Ano’ng ibig niyang sabihin? “S-Sa iyo lang ako, Sir?” tanong ko at itinuro pa ang sarili. Napatingin ako sa katabing mayordoma. Nanlilisik ang mga mata nito sa akin. Galit ba ito? Para namang may dalaw itong si Manang e, menopause naman na siguro siya. “Pasensya na Senyorito Grayson, ngunit hindi ko pa nababangit kay Marlita ang tungkol doon. Hayaan niyong dalhin ko siya sa kaniyang silid nang sa gano’n ay masabi ko na sa kaniya ang bilin at nais niyo.” Sambit ng mayordoma at saka ako nito hinila papasok ng mansyon. Pasimpleng tango lamang ang sagot ng lalaki sa mayordoma. In fairness, purong Tagalog ang gamit nila sa pag-uusap dito, ang akala ko ay kapag mayayaman ay English dapat ang lengguwahe nila. Kaya siguro ako ang naisipang paibigin ni Veronica kay Grayson kasi Englishera siya—halata? Hindi sila magkakaintindihan? Subrang laki naman yata ng problema nila kaysa sa akin. Pagkapasok namin sa mansyon ay mas lalo lamang akong na lula sa ganda at laki ng loob nito.. Ang lalaki ng mga paintings at kapansin-pasin din ang chandelier na nakasabit sa gitna mismo ng sala. Sa harap namin mismo ay may dalawang hagdan na may red carpet pa. Bongga! Nakabukas ang bibig ko dahil sa pagkamangha. “Ang ganda-ganda…” bulong ko sa hangin. “Baka nakakalimutan mo na ang totoong pakay mo rito, Marlita. Pinapaalala ko lang sa ‘yo, mahirap kunin ang loob ni Senyorito Grayson kaya galingan mo kung ayaw mong tuluyang malagutan ng buhay ang Lola mo.” Tuluyang nawala ang pagkasabik at namamangha kong diwa. Nilingon ko ang babaeng mayordoma sa aking tabi. “Oo, Manang Sedes, hindi ko nakakalimutan ‘yon,” seryosong sagot ko. Dinala ako sa isang magandang kwarto ng mayordoma. Nasa third floor kami ng mansyon kaya nakakahingal. Ito raw ang kuwarto ko ngunit bakit maganda at malaki ito? Ang akala ko ay sa bed space lang natutulog ang isang kasambahay. “Malapit lamang ang kwarto ni Senyorito Grayson sa kwarto mo at ang dahilan ay gusto ka niyang gawing personal maid.” Nagulat ako sa sinabi ni Manang Sedes, ang buong akala ko ay normal na kasambahay lamang ako rito pero mukhang pinaglalaruan yata talaga ako ng tadhana. “Ang ibig bang sabihin nito Manang Sedes ay mas mapapadali kong maisasagawa ang plano ko?” “Maaari ngunit depende pa rin ‘yan sa ‘yo kung paano mo bibilugin ang ulo niya kaya simulan mo na ngayon. Puntahan mo siya sa kwarto niya ngayon at saka mo siya akitin,” seryoso ang mukha ng mayordoma. Kinilabutan naman ako sa sinambit niya. “Mukhang nagmamadali naman po yata kayo sa plano. Step by the step lang muna tayo, Manang Sedes,” ani ko naman. Ngunit hindi yata nagustuhan ng mayordoma ang isinagot ko. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito ngayon at mukhang napipikon na sa akin. “Sundin mo ang utos ko at akitin mo ngayon si Grayson!” Nanlisik ang dalawa niyang mata na ikinapagtataka ko.Marlita’s Point of ViewBEST FRIEND“Hindi ka makalakad ng maayos,” pinuna ni Oliver ang paglalakad ko. Pauwi na kami sa mansyon at nag-aayos na lamang.Ako ang nagsabi na maayos na ako dahil hindi naman malala ang kalagayan ko. Malayo ito sa bituka at kasama ito sa pagtatrabaho ko.Tumawa siya kaya nilingon ko ito.“Kinarma ka agad sa ginawa mo,” pangpipikon pa nito.Tiningnan ko ito ng masama. Sinubukan kong lapitan siya ngunit nahihirapan akong maglakad.“Hindi ko sinadya ‘yon!” pagtanggi ko. Tumawa lang siya sa akin na mas lalo kong ikinainis.Bakit nakita ba niya na tumalon ako? E, may tumulak nga sa ‘kin. Ngunit hindi ko na lang pinatulan ang lalaki, bahala siyang problemahin ‘yon.Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Si Manang Sedes na lang ang bumalik at sinabing may pinuntahan daw si Sir Grayson.“Oliver, paki dala na lang nitong bag at hintayin mo na lang kami ni Marlita, susunod kami,” saad ni Manang. Iniwan kami ni Oliver sa loob ng kwarto.“Manang, bago tayo u
Marlita’s Point of ViewFIRST PLANMagkunwaring nalulunod sa swimming pool.Iyon ang nakasulat sa notebook plan na ibinigay ni Veronica sa akin. Ang unang plano upang simulan ang nais niya.Kumunsulta ako kay Manang Sedes kung ano ang dapat kong gawin para sa unang plano. Hindi ako mapakali kung paano ko gagawin ito.“Paano ko sisimulan iyon, Manang?” nasa loob kami ng kwarto ni Manang Sedes upang walang sino man ang makarinig sa aming pag-uusapan.“Tumalon ka syempre.”Ang tanong kung bakit at papaano?“Maraming bodyguard na pwedeng makakita sa gagawin ko. Baka isipin nila na baliw ako,” kinakabahan kong ani.May ipinakitang video si Manang Sedes sa phone niya. Pinanood ko iyon hanggang sa matapos.“Kagaya ng ginawa ng babae sa video ay gayahin mo rin,” seryosong saad niya.Malalim ang iniisip ko nang makalabas ako sa kwarto ni Manang Sedes. Hindi mapakali ang isip ko sa gagawing plano namin.Paano ko nga ba gagawin ‘yon? Paano kung dahil do’n ay ikamatay ko pa?Nabanggit ni Manang S
Marlita’s Point of ViewFUBUNgayon ang pangalawang araw ko sa mansyon. Umagang-umaga pa lang ay gising na ako at maging si Manang Sedes. Kanina lang ay nakilala ko na ang ibang kasambahay ng mansyon. Sa na aalala ko ay may sampong kasambahay rito maliban sa akin.Namangha pa ako kasi may nakikita akong mga lalaking naka-suit ng itim. Pormal na pormal ang dating nila at ito raw umano ang mga bodyguard ng mansyon. Napakarami nila at pakiramdam ko ay nasa isang palasyo ako.“Bakit wala akong nakikitang ibang pamilya ni Sir Grayson dito?” biglaang tanong ko kay Merel, isang kasambahay rin.Naghihiwa siya ng carrots nang sagutin ang tanong ko. “Nasa out of town sila ngayon at next month pa raw ang uwi.”Tumango-tango ako sa narinig.“Kawawa rin pala si Sir, hindi man lang siya pinasama.”Biglang na tawa si Merel sa aking sinabi. Nag-joke pala ako?“Ano ka ba, Marlita! Hindi nakakaawa si Sir, ‘no, sadyang hindi lang niya trip na sumama kasi hahanapin siya ng girlfriend niya,” ani nito.Nag
Marlita’s Point of ViewNO BOYFRIEND ALLOWEDHindi ko alam kung paano ko sisimulan ang utos ni Manang Sedes sa akin. Hindi ko naman inexpect na ngayong araw ko talaga iyon sisimulan. Wala man lang pa-hi and hello sa ibang kasambahay rito.Habang nakatitig ako sa puting kisame ay bigla kong naalala ang kalagayan ng aking Lola at Lolo. Ang tanging taong pinagbilinan ko sa kanila ay ang kaibigang nurse na nagtatrabaho roon sa mismong Hospital.Naisipan ko itong tawagan dahil alam kong break time ni Benji sa trabaho. Ilang ring ang narinig ko bago sagutin ng isang lalaki.“Benji? Si Marlita ito, pasensya na sa abala,” malumanay at mahina ang boses ko. Ayaw kong may makarinig sa akin sa labas.Sumagot naman ang nasa kabilang linya. “Hi, Marlita, I have been waiting for your call today. Kumusta ka? Kumain ka na ba?” mahihiwatigan ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.“Pasensya na ngayon lang ako napatawag. Okay naman ako, sina Lolo? Kumusta na si Lola?” tanong ko.Hindi ako mapakali sa kalag
Marlita’s Point of ViewCRAZYBakit ganiyan kung makatitig siya sa akin? Parang kusang nalalaglag ang panty ko na pamana pa sa akin ng aking Lola.Mahinang siniko ako ng mayordoma.Naalala ko ang ibinulong nito sa akin kanina. Kailangan kong gumawa ng eksena para makuha ang atensyon ni Grayson Ryker. Ngunit paano ko ito gagawin? Iiyak ba ako sa harapan nito o kaya ay magbo-bold star ako sa harap niya?Bigla kong kinuha ang kamay ni Senyorito Grayson.“Ako nga pala si Marlita, ang lalandi sa ‘yo.” Lintek! Ano ang nasabi ko?Nagtatakang tinitigan ako ng aking amo.“Este, ako po ‘yong kasambahay na maglilinis, magluluto, at mag-aaruga ng mansyon, Sir.” Binitiwan ko na ang pagkakahawak sa malaki at malambot nitong kamay.“Yes, those are the work of a maid. Nasabi na ba ni Manang Sedes na sa akin ka lang?” ang barako at malalim nitong titig ay tumutugma sa guwapo nitong mukha.Shit! Ang sarap-sarap! Subalit na-bother ako sa tanong niya. Ano’ng ibig niyang sabihin?“S-Sa iyo lang ako, Sir?”
Marlita’s Point of ViewHANDSOME“Tinatanggap ko na ang alok mo sa akin.”Sa isang coffee shop na katapat lamang ng Hospital ay nagkita muli kami ng babae kahapon. Pamilyar siya sa akin at ngayon ay nakikilala ko na kung sino ang kaharap ko.Si Veronica Sanchez, ang kababata ko. Hindi ko ito na mukhaan kahapon dahil saglit ko lamang na tiningnan ang maganda nitong mukha. Ngayon ay malaya akong tinititigan siya gamit ang seryoso kong ekspresyon.“Madali ka lang pa lang kausap, Marlita.” Uminom ito sa tasang may lamang kapeng amerikano na kaniyang inorder kanina.“Ang plano lamang ay paiibigin at aakitin ko siya subalit paano ko magagawa iyon?” nagtataka kong tanong.Ang plano niya ay napakahirap gawin lalo na at pagpapanggap ito. Hindi ko maisip na may lulukuhin akong tao para lamang sa perang kailangan ko. Ngunit wala na akong ibang choice, kulang na ang panahon ko upang maghanap ng pera o umutang man lang.“Huwag kang mag-aalala dahil may tutulong sa iyo sa loob ng mansyon ng mga Ryk