Share

Kabanata 007

Author: SugarInk
last update Last Updated: 2025-08-30 19:05:32

Marlita’s Point of View

MASSAGE

Papasok pa lang ako sa kusina ay naririnig ko na ang mga bulungan at mahihinang tawa ng mga babae.

Isang araw na ang nakalipas simula nang may tumulak sa akin sa pool. Kahapon ay hindi ako pinagtrabaho ni Sir Grayson para raw maipagpahinga ko ang kanang paa ko na nagkaroon ng malaking pasa.

“Ang dinig ko ay si Daddy Oliver daw ang nagligtas kay ate girl. Ang landi ‘di ba?!”

Nagulat ako sa narinig ko.

Ako ba ang tinutukoy nila? At anong landi ang pinagsasabi nila?

“Si Oliver?! ‘Yong napaka-yummy na bodyguard ni Senyorito Grayson?” Napalakas ang boses ng isang babae, halatang nagulat ito sa nalaman.

“Akala mo kung sinong maganda e, maganda lang naman ang katawan.” Nagtawanan ang mga ito. Sa wari ko ay tatlo sila at ako ang topic sa mainit-init nilang tsismis. Na-late pa nga ng dating sa kanila, noong isang araw pa nangyari ‘yan.

Taas-noong pumasok ako sa kusina. Doon nga ay nakita ko ang tatlong babaeng kanina lang ay nag-uusap ng malapitan pero
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)   Kabanata 007

    Marlita’s Point of View MASSAGE Papasok pa lang ako sa kusina ay naririnig ko na ang mga bulungan at mahihinang tawa ng mga babae. Isang araw na ang nakalipas simula nang may tumulak sa akin sa pool. Kahapon ay hindi ako pinagtrabaho ni Sir Grayson para raw maipagpahinga ko ang kanang paa ko na nagkaroon ng malaking pasa. “Ang dinig ko ay si Daddy Oliver daw ang nagligtas kay ate girl. Ang landi ‘di ba?!” Nagulat ako sa narinig ko. Ako ba ang tinutukoy nila? At anong landi ang pinagsasabi nila? “Si Oliver?! ‘Yong napaka-yummy na bodyguard ni Senyorito Grayson?” Napalakas ang boses ng isang babae, halatang nagulat ito sa nalaman. “Akala mo kung sinong maganda e, maganda lang naman ang katawan.” Nagtawanan ang mga ito. Sa wari ko ay tatlo sila at ako ang topic sa mainit-init nilang tsismis. Na-late pa nga ng dating sa kanila, noong isang araw pa nangyari ‘yan. Taas-noong pumasok ako sa kusina. Doon nga ay nakita ko ang tatlong babaeng kanina lang ay nag-uusap ng malapitan pero

  • Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)   Kabanata 006

    Marlita’s Point of ViewBEST FRIEND“Hindi ka makalakad ng maayos,” pinuna ni Oliver ang paglalakad ko. Pauwi na kami sa mansyon at nag-aayos na lamang.Ako ang nagsabi na maayos na ako dahil hindi naman malala ang kalagayan ko. Malayo ito sa bituka at kasama ito sa pagtatrabaho ko.Tumawa siya kaya nilingon ko ito.“Kinarma ka agad sa ginawa mo,” pangpipikon pa nito.Tiningnan ko ito ng masama. Sinubukan kong lapitan siya ngunit nahihirapan akong maglakad.“Hindi ko sinadya ‘yon!” pagtanggi ko. Tumawa lang siya sa akin na mas lalo kong ikinainis.Bakit nakita ba niya na tumalon ako? E, may tumulak nga sa ‘kin. Ngunit hindi ko na lang pinatulan ang lalaki, bahala siyang problemahin ‘yon.Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Si Manang Sedes na lang ang bumalik at sinabing may pinuntahan daw si Sir Grayson.“Oliver, paki dala na lang nitong bag at hintayin mo na lang kami ni Marlita, susunod kami,” saad ni Manang. Iniwan kami ni Oliver sa loob ng kwarto.“Manang, bago tayo u

  • Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)   Kabanata 005

    Marlita’s Point of ViewFIRST PLANMagkunwaring nalulunod sa swimming pool.Iyon ang nakasulat sa notebook plan na ibinigay ni Veronica sa akin. Ang unang plano upang simulan ang nais niya.Kumunsulta ako kay Manang Sedes kung ano ang dapat kong gawin para sa unang plano. Hindi ako mapakali kung paano ko gagawin ito.“Paano ko sisimulan iyon, Manang?” nasa loob kami ng kwarto ni Manang Sedes upang walang sino man ang makarinig sa aming pag-uusapan.“Tumalon ka syempre.”Ang tanong kung bakit at papaano?“Maraming bodyguard na pwedeng makakita sa gagawin ko. Baka isipin nila na baliw ako,” kinakabahan kong ani.May ipinakitang video si Manang Sedes sa phone niya. Pinanood ko iyon hanggang sa matapos.“Kagaya ng ginawa ng babae sa video ay gayahin mo rin,” seryosong saad niya.Malalim ang iniisip ko nang makalabas ako sa kwarto ni Manang Sedes. Hindi mapakali ang isip ko sa gagawing plano namin.Paano ko nga ba gagawin ‘yon? Paano kung dahil do’n ay ikamatay ko pa?Nabanggit ni Manang S

  • Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)   Kabanata 004

    Marlita’s Point of ViewFUBUNgayon ang pangalawang araw ko sa mansyon. Umagang-umaga pa lang ay gising na ako at maging si Manang Sedes. Kanina lang ay nakilala ko na ang ibang kasambahay ng mansyon. Sa na aalala ko ay may sampong kasambahay rito maliban sa akin.Namangha pa ako kasi may nakikita akong mga lalaking naka-suit ng itim. Pormal na pormal ang dating nila at ito raw umano ang mga bodyguard ng mansyon. Napakarami nila at pakiramdam ko ay nasa isang palasyo ako.“Bakit wala akong nakikitang ibang pamilya ni Sir Grayson dito?” biglaang tanong ko kay Merel, isang kasambahay rin.Naghihiwa siya ng carrots nang sagutin ang tanong ko. “Nasa out of town sila ngayon at next month pa raw ang uwi.”Tumango-tango ako sa narinig.“Kawawa rin pala si Sir, hindi man lang siya pinasama.”Biglang na tawa si Merel sa aking sinabi. Nag-joke pala ako?“Ano ka ba, Marlita! Hindi nakakaawa si Sir, ‘no, sadyang hindi lang niya trip na sumama kasi hahanapin siya ng girlfriend niya,” ani nito.Nag

  • Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)   Kabanata 003

    Marlita’s Point of ViewNO BOYFRIEND ALLOWEDHindi ko alam kung paano ko sisimulan ang utos ni Manang Sedes sa akin. Hindi ko naman inexpect na ngayong araw ko talaga iyon sisimulan. Wala man lang pa-hi and hello sa ibang kasambahay rito.Habang nakatitig ako sa puting kisame ay bigla kong naalala ang kalagayan ng aking Lola at Lolo. Ang tanging taong pinagbilinan ko sa kanila ay ang kaibigang nurse na nagtatrabaho roon sa mismong Hospital.Naisipan ko itong tawagan dahil alam kong break time ni Benji sa trabaho. Ilang ring ang narinig ko bago sagutin ng isang lalaki.“Benji? Si Marlita ito, pasensya na sa abala,” malumanay at mahina ang boses ko. Ayaw kong may makarinig sa akin sa labas.Sumagot naman ang nasa kabilang linya. “Hi, Marlita, I have been waiting for your call today. Kumusta ka? Kumain ka na ba?” mahihiwatigan ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.“Pasensya na ngayon lang ako napatawag. Okay naman ako, sina Lolo? Kumusta na si Lola?” tanong ko.Hindi ako mapakali sa kalag

  • Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)   Kabanata 002

    Marlita’s Point of ViewCRAZYBakit ganiyan kung makatitig siya sa akin? Parang kusang nalalaglag ang panty ko na pamana pa sa akin ng aking Lola.Mahinang siniko ako ng mayordoma.Naalala ko ang ibinulong nito sa akin kanina. Kailangan kong gumawa ng eksena para makuha ang atensyon ni Grayson Ryker. Ngunit paano ko ito gagawin? Iiyak ba ako sa harapan nito o kaya ay magbo-bold star ako sa harap niya?Bigla kong kinuha ang kamay ni Senyorito Grayson.“Ako nga pala si Marlita, ang lalandi sa ‘yo.” Lintek! Ano ang nasabi ko?Nagtatakang tinitigan ako ng aking amo.“Este, ako po ‘yong kasambahay na maglilinis, magluluto, at mag-aaruga ng mansyon, Sir.” Binitiwan ko na ang pagkakahawak sa malaki at malambot nitong kamay.“Yes, those are the work of a maid. Nasabi na ba ni Manang Sedes na sa akin ka lang?” ang barako at malalim nitong titig ay tumutugma sa guwapo nitong mukha.Shit! Ang sarap-sarap! Subalit na-bother ako sa tanong niya. Ano’ng ibig niyang sabihin?“S-Sa iyo lang ako, Sir?”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status