Partager

KABANATA 2

Auteur: sweetjelly
last update Date de publication: 2022-11-09 07:17:24

"A-no ba! Ang sakit!" reklamo ko. Hawak ko na ang kamay ng taong biglang humablot sa braso ko. Sinubukan kong kalasin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Pero halos mawala ang kalasingan ko nang makita ang mukha niya. Uminit ang buong mukha ko at hindi na magawang magreklamo. Umaapoy kasi sa galit ang mga mata niya.

"R-Romeo…" pabulong at utal kong bigkas sa pangalan niya.

"Ano ba, dude? Bitiwan mo nga siya!" bulyaw ng lalaki at hinila ako pabalik sa kaniya.

Nagtagis ang bagang ni Romeo at hinila niya ako palapit din sa kaniya. Para akong garter na pinaghihilahan ng dalawa. Mga sira-ulo ang mga 'to!

"B-bitiwan n'yo nga ako!" sigaw ko.

Buong lakas kong hinablot ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nila. Na siya namang dahilan ng pagbagsak ng mga tuhod ko sa sementadong daan.

Pero itong si Romeo, imbes na tulungan ako, nauna pang sugurin ang lalaking akmang tutulungan ako.

Nanggagalaiti sa galit ang lalaki nang makita ang bakas ng dugo sa daliri niya.

"Gago ka!" sikmat nito kasabay ng pagsugod ng suntok.

Tumama ang malakas nitong suntok sa mata ni Romeo. Ilang beses silang nagpalitan ng suntok na animo'y mga boksingero hanggang sa tumilapon ang lalaki.

"Tumayo ka diyan! Ang lakas ng loob mong landiin ang girlfriend ko!" bulyaw niya. Duro niya ang lalaki at akmang susugurin na naman.

Kahit hirap at masakit ang mga tuhod ko, pinilit kong tumayo at hinarang ko siya.

"Romeo… tama na, please!" sigaw ko habang yakap-yakap siya.

Bahagya siyang kumalma nang makitang umiiyak ako. Nilingon ko pa ang lalaking tinulungan na rin ng mga kasama at nilayo sa amin.

Maya maya ay dumating na rin ang taxi na hinihintay namin. Walang kibong pinasakay nito sina Lenny at Myrna na walang kamalay-malay sa nangyari. Habang ako, tahimik na umiiyak sa gilid ng daan.

Tinulungan niya akong tumayo at walang imik na naglakad habang hawak ang kamay ko. Sa sobrang bilis at laki ng mga hakbang niya, hindi na ako makahabol at muntik na namang matumba.

Bigla niya akong binuhat. Pero bago iyon, mainit na tingin muna ang pinukol niya sa akin na lalong nagpatikom ng bibig ko.

Binuksan niya ang pinto ng kotse at maingat akong pinaupo, kinabitan ng safety belt, pero pabagsak na isinara ang pinto na ikinagulat ko nang husto.

Hindi ako makatingin sa kaniya. Nahihiya ako. Napaaway siya dahil sa akin. Nakita ko pa ang paghigpit ng hawak niya sa manibela at paulit-ulit niya itong sinuntok. Napasinghap ako at napalakas ang paghikbi ko.

Lalabas na sana ako ng kotse pero bigla niyang pinaharurot. Sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Napahawak na lamang ako nang mahigpit sa safety belt na nakapulupot sa katawan ko.

"S-sir!" sigaw ko nang makita ang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada. Naangat ko ang mga paa sa takot, pigil ang hininga at pikit-matang humagulgol.

Buti na lamang at naapakan niya pa ang preno. Hindi kami sumalpok sa likod ng truck. Sa sobrang diin ng pag-apak niya, para akong tumilapon at pabagsak na napasandal pabalik sa upuan.

Nayugyog ang buong katawan ko. Sumakit ang leeg ko. Pikit-mata akong humagulgol habang mahigpit ang pagkakahawak ng mga kamay sa safety belt.

"Shit!" rinig kong mura ni Romeo. Narinig ko rin ang pagbukas at pagsara ng pinto mula sa driver's seat. Pero hindi ako nagkalakas-loob na magdilat.

Nanghihina ang buong katawan ko… sa kaba, sa kakaiyak, at sa sama ng loob. Naghalo-halo ang emosyong nararamdaman ko. Narinig ko na lamang ang pagbukas ng pinto sa tabi ko.

"Mahal... sorry... sorry!" paulit-ulit nitong sabi. Tinatanggal niya ang safety belt ko. Pinahid niya ang pawis sa noo ko at ang mga luhang nag-uunahang naglandas mula sa mga mata ko.

Hindi ko pa rin magawang dumilat. Hindi ko rin maawat ang pangangatal ng mga kamay ko. Inalalayan niya akong lumabas ng kotse, pero walang lakas ang mga paa kong tumayo.

Isinandal niya ako sa kotse saka niyakap nang mahigpit. Nakalaylay ang mga kamay ko. Gusto ko siyang yakapin, pero hindi ko maiangat ang mga braso ko.

Sinuntok niya pa ang salamin ng kotse habang yakap ako. "Mahal..." Hawak na niya ang magkabilang pisngi ko. Hinalikan niya ako sa noo, sa mata, sa ilong, at sa labi.

"Tahan na, mahal. Parang sinasakal ako kapag nakikita kang ganyan!" Dinikit niya ang noo sa akin. Naamoy ko ang magkahalong amoy ng alak at sigarilyo sa hininga niya.

"Sorry, mahal," ulit niya at niyakap na naman ako.

Matapos ang mahabang iyak, nagawa ko ring igala ang paningin sa paligid. Nasa tahimik at madilim kaming kalsada. Walang signage sa likod ng truck na nakaparada, tanging ang malaking gulong lamang ang nakaharang sa likod no'n.

"Mahal, I'm sorry." Kinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya. Nagtagpo ang aming mga mata at isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya.

"I love you so much, Vianna May. I cannot imagine a life without you. Kaya, sorry kung nagalit man ako. Ayoko kasi na makita ka na may kasamang iba. It feels like my heart has crashed into pieces." Hinalikan niya ako sa labi at muling niyakap nang mahigpit. "You are only mine, Vianna May," bulong niya.

"Paano ang mommy mo?" mahinahon kong tanong na may kasamang paghikbi. "Ayaw ng mommy mo sa akin, Romeo…" sabi ko at nag-uunahan na namang pumatak ang mga luha ko.

"Mahal, pasensiya ka na sa ginawa ni Mommy. Gano'n talaga siya sa lahat ng naging girlfriend ko."

Hindi ako sumagot. Paano ko naman magagawang magpasensiya? Hinamak niya ang pagkatao ko. Ang sakit ng mga sinabi niya.

"Pasensiya na kung hindi man kita napansin noong pumasok ka sa opisina. Malalim lang ang iniisip ko no'n kaya hindi kita napansin. Tinawagan kita nang paulit-ulit, pero pinatay mo ang cellphone mo."

Umikot ang mga mata ko at napaismid pa. Para namang hindi niya alam kung saan ako nakatira. Hinayaan niya lang akong mag-isip na tapos na kami buong gabi. Wala siyang ginawa. Hindi siya nag-abalang puntahan ako sa bahay.

"Sorry kung hindi man kita napuntahan sa bahay n'yo. Nalasing ako. Nagpakalasing ako dahil umuwi ka nang hindi ako kinakausap. Pagkatapos kitang ipagtanggol kay Mommy. Pagkatapos kitang ipaglaban... Umalis ka na lang basta at hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko. Pinatay mo pa ang cellphone mo," seryoso niyang sabi at may mga luha na sa mga mata.

"Ako pa ngayon ang may kasalanan," inis kong sabi at tumalikod.

"Hindi, mahal.... hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo. Sinasabi ko lang kung ano ang dahilan kung bakit hindi kita napuntahan."

Napahalukipkip ako at humakbang palayo. Pero hinila niya ako at niyakap mula sa likod, saka siniksik ang mukha sa leeg ko.

"Huwag... huwag mo akong iwan, mahal. Hindi ko kaya. Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito. Maiisip ko pa lang na mawawala ka, para na akong mawawalan ng hininga, para na akong mababaliw!" sabi niya at mas siniksik pa ang mukha sa leeg ko at mas lalong humigpit ang pagkapit niya sa baywang ko.

Pinihit niya ako paharap sa kanya. Nakasimangot akong tumingin sa kaniya. "Huwag ka nang sumama ulit sa ibang lalaki, ha. Dahil baka sa susunod, makakapatay na ako!"

Magsasalita pa sana ako, pero hindi ko na nagawa dahil hinalikan na niya ako. Bahagya niya pang kinagat ang pang-ibaba kong labi nang hindi ko tinugon ang mga halik niya, dahilan kung bakit naibuka ko ang bibig ko at nasiil niya iyon ng halik.

Napapikit na lamang ako dahil para na kasi akong naduduling sa kakatingin sa mga mata niyang mariing nakapikit.

"God! Alam mo ba kung gaano kita na-miss? Ang mga halik mo? Ang mga yakap mo?" usal niya habang magkalapat pa rin ang mga labi namin.

Bumilog ang mga mata ko nang maramdaman kong gumalugad ang dila niya sa loob ng bibig ko.

Napapikit ako at napaungol nang s******n niya ang dila ko.

Ano ba 'tong pinagagawa niya sa akin?

Parehong habol ang aming hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Namumungay ang mga mata niya na tumitig sa akin at bahagya nang may ngiti.

Pero mas naging lutang ako sa ginawa niyang halik. 

Bakit kasi pati dila gumalaw? May pahabol pang s****p.

Wala sa isip na hinawakan ko ang dila ko. Chine-check ko lang kung hindi ba nawala; baka kasi nalunok niya. Narinig ko na lamang ang mahina niyang tawa.

Napatiim-bibig na lamang ako at nagbaba ng tingin. Nag-init kasi ang mukha ko.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon. Ngayon ko lang napansin ang pasa at sugat sa mukha niya. May pasa siya sa gilid ng mata, pisngi, at labi.

Tumingkayad ako para halikan ang mga pasa niya. Mas lalo pa siyang napapangiti.

"Sorry, dahil sa akin, napaaway ka," humihikbi kong sabi.

"Bakit kasi nagpunta kayo sa lugar na 'yon? Paano kung hindi ako dumating? Baka kung saan ka na dinala ng lalaking 'yon!"

Tumiim na naman ang bagang niya nang maalala ang lalaki kanina. "Talagang hinayaan mo pa siyang hawakan ka!" galit niyang sabi.

"Hindi ko siya hinayaan! Natumba nga ako at nasalo niya!" inis kong tugon, saka tinulak siya nang bahagya. Pero hindi siya natinag. Nanliit ang mga mata nitong tumitig sa akin.

"Bakit hinila ka niya pabalik?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Nasaktan nga ako. Hinablot mo na lang ako bigla." Saka ko lang naalala at naramdaman ang pananakit ng braso at tuhod ko.

Nagmarka nga ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. Inangat ko naman nang bahagya ang laylayan ng uniform ko at nakitang may mga gasgas at sugat din ang mga tuhod ko.

Mainit ang tinging pinukol ko sa kaniya. "Imbes na tulungan mo ako kanina, inuna mo pa ang manuntok!" Inis at nagtatampo kong sabi.

Banayad niyang hinaplos ang braso ko. "Sorry na, mahal. Hindi ko naman sinasadya na masaktan ka," sabi niya, saka hinalikan ang pasa ko nang paulit-ulit.

Umismid ako. "Paano 'yong mga gasgas at sugat ko sa tuhod?" nakasimangot kong tanong.

"Gusto mo ba na halikan ko rin ang mga tuhod mo?" tanong niya. Nilibot pa ang paningin sa paligid, saka diniin ako sa kotse, kasabay no'n ang paghimas sa mga hita ko.

"Tumigil ka nga," sabi ko at tinulak siya. "Hindi pa tayo bati! 'Tsaka, tuhod ko ang may gasgas, hindi ang mga hita ko!" maktol ko.

"Hindi pa tayo bati?" kunot-noo niyang tanong. "Ikaw nga 'yong naglakas-loob na manood ng Bulate show. Ikaw pa ang galit! Sa susunod, sabihin mo kaagad kapag gusto mong makakita ng gano'n! Dahil hindi ako magdadalawang-isip na igiling sa harapan mo ang higante kong bulate," natatawa niyang sabi.

Hinampas ko siya sa braso at bahagya na ring natawa. Pero 'di pa rin kami bati!

"Tara na nga, ihatid mo na ako. Baka nag-aalala na si Mama." Ngumiti siya. Kaagad niyang binuksan ang pinto. Nang makaupo ako nang maayos ay patakbo naman siyang nagpunta sa driver's seat.

Hindi na nawala ang ngiti niya habang binubuhay ang makina ng kotse at dahan-dahang umatras palayo sa likod ng truck.

Pareho kaming tahimik habang binabaybay ang daan pauwi. Panay lamang ang tinginan namin sa isa't isa habang hawak niya ang isang kamay ko.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.

"Mahal, gising na," mahinang tawag sa akin ni Romeo. Kahit antok na antok pa ako, wala akong nagawa kundi ang magdilat. Kinusot ko pa ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya.

"Nandito na tayo, mahal," mahina niyang sabi. Ngumiti ako saka lumabas ng kotse.

Naglahad ako ng kamay nang maramdaman ang mahinang patak ng ulan. Mabuti na lang at handa si Mama. Sinalubong kami at may dalang dalawang payong. Bahagya namang nag-iwas ng mukha si Romeo nang makalapit si Mama. Paano kasi, basagulero.

"Magandang gabi po, Ma," bati niya.

Mama na talaga ang tawag niya sa mama ko kahit noong nanliligaw pa lamang siya sa akin.

"Pasok na kayo sa loob at mukhang lalakas pa ang ulan," sabi ni Mama at nauna nang pumasok.

Nag-aalangan pa talaga si Romeo dahil kapag pumasok siya, siguro hindi na niya maitatago ang basag niyang mukha.

Hinila ko na lamang siya. Sakto naman na pagpasok namin ay siya namang pagbagsak ng malakas na ulan.

"Oh, anong nangyari diyan sa mukha mo?" nagtatakang tanong ni Mama.

Napahawak naman sa mukha niya si Romeo at parang nahihiya pa talaga.

"Iyan ang napala sa mga basagolerong gaya niya, Ma."

Napakamot na lamang sa ulo si Romeo.

"Buti at 'yan lang ang napala mo," seryosong sabi ni Mama. "Ano pa ang tinatayo-tayo diyan, anak? Kumuha ka na ng gamot at gamutin mo na iyang basagulero mong boyfriend."

Bahagya akong natawa sa tinuran ni Mama. Kahit hindi niya sabihin, alam kong medyo naiinis din siya kay Romeo. Pinaiyak niya rin kasi ako. Dumagdag pa siya sa sakit na ginawa ng mommy niya sa akin.

"Bahala na kayo diyan at inaantok na ako," sabi niya pa, saka pumasok na sa kuwarto.

"Dito ka muna, kukuha lamang ako ng gamot." Iniwan ko na siya at kaagad pumanhik sa taas. Pero hindi pa naman ako tuluyang nakaakyat, sumunod si Romeo.

"Anong ginagawa mo? Bumalik ka sa baba," mahina ngunit may diin na utos ko.

Pero umiling siya at nagpatuloy sa pag-akyat. Agad siyang kumapit sa baywang ko at hinalikan ako sa labi.

"Ano ba? Baka lumabas si Mama at makita tayo," saway ko.

Umiling at ngumiti lang siya, saka hinila niya ako papasok sa kuwarto.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Hello dear readers... Sa mga nakaabot sa chapter na 'to, sana mag-iwan kayo ng comment para alam ko naman kung may nagbabasa pa nitong kwento ko. Maraming salamat...
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Dernier chapitre

  • Nilimot Na Alaala   Wakas

    VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 80

    DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 79

    Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 78

    VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 77

    Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 76

    DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 69

    "Sir Nelson," sigaw ng mga tauhan ni Nelson. Habang alerto nang nakaharang sa likod nila.Rinig ko pa ang pagwawala at pagsisigaw ni Romeo. Pero wala na kan'ya ang atensyon ko. Nasa asawa ko na at sa kaibigan kong mahigpit na yumakap sa asawa ko. Nakatayo lamang sila na animo napako sa kinatatayuan n

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 58

    ROSELYN POVHindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, no'ng marinig mula sa bibig ni Romeo na alam na niya ang totoo.Ang plano kong asarin s'ya hanggang sukuan na lamang niya ako at hayaan na umalis ay nawala sa isip ko."Alam ko na ang totoo?!" Paulit-ulit nag-play sa utak ko ang mga salitang

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 57

    VIANNA MAY POVI broke down in tears as Romeo went out with his men. My chest is so tight that I can hardly breathe.My hands are shaking as I touch my aching lips. For a long time, I feigned to be insane, hindi lang makalapit sa akin ang hayop na si Romeo. I still can't believe what he did to Diego.

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 26

    Nahinto ako sa paghakbang kasabay ang malakas na pagdagundong ng puso at panlalamig ng mga kamay. "D-Dorry, una na ako," utal kong sabi. Takbo-lakad rin ginawa ko, at hindi na naghintay ng sagot. Pawisan at hindi ako mapakali nang dumating sa kubo. Kaagad ko rin na hinubad ang suot na diving suit. F

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status