LOGIN"Romeo, ano'ng ginagawa mo? Hindi ka puwede rito. Bumaba ka before Mama sees you," sita ko sa kanya.
"Hayaan mo na lang ako, Mahal,” sabi niya, hinaplos ang pisngi ko. "Gusto ko lang ayusin ang lahat sa pagitan nating dalawa," bulong niya bago idinikit ang labi sa labi ko.
"Teka nga lang, hindi pa tayo bati. Akala mo, madadaan mo ako diyan sa lambing mo. Do'n ka nga!" Turo ko sa kama.
Nakangiti siyang nagtungo roon at agad umupo. Pinatong ko na rin sa bedside table ang bag ko at tumalikod.
"Saan ka pupunta?" tanong niya at akmang hahawakan ako.
"Kukuha lang po ng gamot," maagap kong sagot.
Bumalik siya sa pagkakaupo na may tango at ngiti. Parang bata.
Kinuha ko ang medical kit mula sa dresser ko. Pagkatapos ay bumalik ako kay Romeo na nakangiti pa rin hanggang sa tainga.
Tahimik akong umupo sa tabi niya at maingat na ginamot ang mga sugat niya. Ngiti lang siya nang ngiti habang dahan-dahang inilalapit ang mukha sa akin, nakanguso pa. Parang tanga rin.
"Umayos ka nga! Hindi ko magamot nang maayos ang sugat mo!"
Magkasalubong ang kilay na saway ko. Diniinan ko pa ang paglalagay ng cream sa pasa niya para umayos naman siya ng kaunti dahil kanina pa ako parang matutunaw sa mga titig niya.
Inis pa rin kaya ako sa kaniya. Ang swerte naman niya kung papatawarin ko agad siya. Nasaktan ako at umiyak nang sobra dahil sa kaniya. Hindi puwedeng patawarin ko na lang siya agad.
Sumilip ako sa bintana habang malakas ang ihip ng hangin. Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Umiindayog ang mga kurtina sa tabi ng bintana, parang puso kong hindi rin matigil sa pag-indak.
Ibinaling ko ang tingin kay Romeo. Loko rin eh, agad ba namang sinalubong ng mabilis na halik ang labi ko.
Pinanliitan ko siya ng mga mata at idiniin ang cotton bud sa labi niya.
"Para-paraan ka talaga, 'no?!" Umismid ako saka tinuloy ang paggamot.
"Tigilan mo na nga 'yang kakangiti mo. Para ka nang baliw!" saway ko sa kaniya.
"Oh, ayan. Tapos na. Bumaba ka na at magbibihis na ako," seryoso kong sabi, saka binalik ko na rin ang mga gamot sa lagayan nito.
"Ano pa ang ginagawa mo r'yan? Bumababa ka na!" Inis na utos ko. Hindi pa rin kasi siya kumikilos.
"Bahala ka nga diyan!" nasabi ko na lang at padabog na pumasok sa banyo.
Sinadya kong magtagal para mainip siya at umalis na lang.
Bumuntong-hininga na lamang ako nang makita siyang nakasandal sa headboard at nakapikit.
Ang guwapo pa rin talaga niya kahit pa basag ang mukha.
Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi niya. "Romeo," pabulong kong tawag. "Hoy! Huwag ka ngang magkunwaring tulog. Alam kong gising na gising ka pa!"
Niyugyog ko ang braso niya para magdilat lang siya. Pero wala talaga. Talagang nagmamatigas siya.
"Ewan ko sa'yo," nasabi ko na lang. Ayaw pa rin kasi niyang magdilat. Tumalikod na lamang ako.
"Ayaw mo na ba talaga akong tawaging mahal?"
Bigla akong napalingon nang marinig ang malungkot nitong boses. Parang kinuyumos ang puso ko pagkarinig no'n.
Idagdag pa ang tanong niya na parang kinurot din ang puso ko. Pero hindi ko naman magawang sumagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil iniisip ko pa rin ang mommy niya.
"Mahal, suko ka na ba agad? Ayaw mo na sa akin dahil kay Mommy?"
Yumuko ako. Tama nga kasi siya. Sumuko na ako kagabi pa. Kahit masakit.
Narinig ko na lang ang paghinga niya nang malalim. "Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya sa garalgal na boses.
Sa inaasta niya ngayon, hindi ko na alam kung hanggang kailan ko siya matitiis. Hindi ko alam kung tuluyan ko bang mapanindigan ang pagsuko ko.
Kanina ko pa siya gustong yakapin nang mahigpit at halikan. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng alinlangan dahil sa mommy niya.
"Mahal, magsalita ka naman, oh." Ayoko sanang lingunin siya, pero ewan ko ba? Hindi ko maawat ang sarili ko at kusang napapalingon na lang ako. Agad naman akong nagbawi ng tingin. Lumambot kasi ang puso ko habang tinititigan ang napakalungkot niyang mukha.
"Mahal," tawag niya ulit sa akin kasabay ng pagkapit ng braso niya sa baywang ko.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko… Mahalin mo lang ulit ako?" Siniksik na naman nito ang mukha niya sa leeg ko.
"Mahal," tawag niya ulit sa akin. May kasamang pinong halik sa leeg ko. "Mahal…" nang-aakit na ang boses na tawag niya sa akin.
Pero sinikap ko pa rin na 'wag tumugon. 'Wag magpadala sa mga lambing niya.
Bumitiw siya sa pagkapupulupot sa baywang ko saka hinaplos ang braso ko kasabay pa rin ng pinong halik sa leeg ko pababa sa balikat ko.
Sa totoo lang, kaunti na lang, bibigay na ako. Hindi ko alam kung sino ang mas nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon. Siya ba na walang tigil sa panunuyo at paghalik sa akin o ako na kanina pa nagpipigil na 'wag madala sa panunuyo at mga halik niya.
"Aray!" reklamo ko. Hindi niya sinasadyang mahawakan ang pasa ko. Mainit na tingin ang pinukol ko sa kaniya.
"Sorry, mahal," sabi niya at kaagad nilapat ang labi niya sa braso ko. Nagulat lang ako nang pumadausdos siya at umupo sa tabi ko. Ilang sandali siyang hindi kumilos at hindi tumingin sa akin. Napakunot-noo tuloy ako.
Nagulat naman ako nang bigla niyang hinalikan ang tuktok ng balikat ko saka tumayo.
Nagpunta siya sa dresser at binuksan ang drawer kung saan ko nilagay ang mga gamot kanina.
Nakangiti na siya, bitbit iyon at umupo sa paanan ko.
Kinuha niya ang bruise cream na ginamit ko sa kaniya kanina. Naglagay siya ng kaunti sa daliri niya saka banayad na pinahid sa mga tuhod ko habang 'di maalis ang tingin sa akin.
Tumayo siya at tumabi sa akin. Naglagay ulit siya ng kaunting cream sa daliri niya at banayad na pinahid sa braso ko kasabay ng pagdantay ng labi niya sa tuktok ng balikat ko habang ang mga mata ay nakatitig sa akin.
Nang-aakit ang mga titig niya na unti-unting lumulusaw sa pinatigas kong puso. Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo at hinabol ng halik ang labi kong iiwas na sana sa paglapit ng mukha niya.
Agad siyang kumapit sa batok ko, tinagilid ang ulo at mas pinalalim ang halik sa akin. Halik niyang parang uhaw na uhaw sa labi ko.
Nasa pagitan naming dalawa ang lagayan ng gamot, kaya may agwat pa rin ang katawan namin.
Namalayan ko na lang na tinutugon ko na ang halik niya at sa bawat pagtugon ko ay napapangiti siya.
"Mahal," malambing na tawag niya sa akin habang magkalapat pa rin ang aming mga labi. Siya namang paggalaw ng doorknob.
Tinulak ko si Romeo at umayos sa pagkakaupo habang siya nama'y balisang naghahanap kunwari ng gamot sa box.
Naglagay na siya ng cream sa daliri nang magbukas ang pinto at pumasok si Mama. Makahulugan ang tingin ni Mama at seryoso ang mga matang nagpalipat-lipat sa aming dalawa ni Romeo.
"Nagamot mo na ba ang mga pasa sa mukha ng boyfriend mo?" Walang emosyon sa mukha na tanong ni Mama.
Naka-cross pa ang dalawa nitong kamay sa dibdib. Tumango lang ako. Hindi pa kasi kumakalma ang puso ko na parang lumundag kanina.
"Akala ko ba mukha ni Romeo ang may pasa. Bakit siya ang naglagay ng cream sa daliri niya?"
Nakagat ko ang labi ko. Hinuhuli niya talaga kami. "Eh, Ma… may pasa po kasi si Mahal sa braso at may gasgas ang tuhod niya," sagot naman ni Romeo, kasabay ng pagpahid ng gamot sa braso ko, at napadiin niya pa ang pagpahid no'n.
"Aray! Dahan-dahan naman," reklamo ko at sinamaan siya ng tingin.
"Sorry, mahal," sabi niya, pero kay Mama ang tingin.
"Tapusin niyo na iyan," nasabi na lang ni Mama saka humakbang palabas ng kuwarto. "Isara n'yo iyang bintana at baka may makakita sa inyo na ginagamot pa ang iba n'yong sugat!" madiin na sabi ni Mama, saka tuluyan nang bumaba.
Sinilip ko pa siya kung talagang bumaba na nga. Nakahinga ako nang malalim nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa baba.
Napaisip pa ako sa sinabi niyang ibang sugat. Wala na naman kaming ibang sugat sa katawan. Si Mama talaga, nakakalito rin minsan.
Pumasok ulit ako sa kuwarto at pinandilatan ko si Romeo na nakangisi. "Ikaw kasi! Muntik na tuloy tayong mahuli!" inis kong sabi at dinuro pa siya.
Pero nagulat ako nang bigla siyang tumayo at isinara ang bintana. Inayos niya pa ang mga kurtinang nakasabit doon at nakangiting lumapit sa akin. Pero nilagpasan niya ako at dumiretso sa pinto. Ni-lock din iyon.
Humarap siya sa akin pagkatapos ma-lock ang pinto. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Si Mama ang may sabi na isara ang bintana at baka may makakita sa atin," pilyo ang ngiti niya habang nakatitig sa akin.
"Narinig ko nga, bintana lang ang sinabi niya, 'di ba? Eh, bakit pati pinto ni-lock mo?" tanong ko.
"Hindi pa kasi kita tapos gamutin. Baka bumalik si Mama at mahuli na naman tayo," nakangiti niyang sabi, saka hinila na ako papunta sa kama. Niligpit niya ang lagayan ng mga gamot at pinatong ito sa bedside table.
"Teka lang, bakit niligpit mo iyan? 'Di ba sabi mo gagamutin mo pa ako?" Kumunot ang noo ko.
"Ibang gamutan kasi ang gagawin natin." Kumindat pa ang loko kasabay ng pagkagat sa pang-ibabang labi. Humiga siya at nagsenyas na humiga na rin ako.
Umiling ako.
Magsasalita pa sana ako, pero bigla niya akong hinila at agad akong kinulong sa mga bisig niya. "Romeo, ano ba?" Hinampas ko siya sa braso.
"Wala ka bang balak umuwi?" tanong ko na lang. Para kasing wala na siyang planong pakawalan ako. Ang higpit kasi ng pagkakayakap niya.
"Hangga't hindi mo ako tawaging mahal, hindi ako uuwi," maagap niyang sagot. "Hangga't nararamdaman kong galit ka pa sa akin, dito na ako titira."
"Akala mo naman papayag si Mama na dito ka tumira." Siniksik na naman niya ang mukha sa leeg ko. "Bakit ba ang hilig mong sumiksik diyan?!" Madiin kong tanong at inipit ang mukha niya roon.
"Ang sarap mo kasi…" Pabitin ang salitang sinabi nito.
Napakagat-labi tuloy ako habang hinihintay ko ang karugtong no'n. Pero ilang minuto na akong naghihintay; hindi na siya nagsalita.
"Hoy!" Siniko ko siya. Pero hindi pa rin siya nagsalita. Narinig ko na lang ang mahina nitong tawa.
"Tawa ka riyan! Bitiwan mo na nga ako!" Pinilit kong alisin ang nakapulupot niyang braso. Pero lalo lang iyong humigpit.
"Mahal..." Ayan na naman ang napakalambing niyang boses na nagbibigay ng libo-libong boltahe sa aking katawan.
"Mahal..." ulit niya pa.
Hindi ko na yata siya matiis. Para kasing hinahaplos ang puso ko sa bawat pagtawag niya. Napapapikit at napapakagat-labi na lamang ako para pigilan ang sarili ko.
"Mahal…" tawag niya pa ulit, kasabay na ang pagdampi ng malambot niyang labi sa batok ko.
"Ano ba? Sabihin mo na kasi kung ano ang gusto mo!" Kunwari, naiinis kong tanong, sabay ang pagpupumiglas.
Pinihit niya ako sa paharap. "Galit ka pa rin ba talaga sa akin, mahal?" nakalabi niyang tanong.
"Ano sa tingin mo?!" tanong din ang sagot ko.
"Sa tingin ko, hindi ka na galit, mahal. Nagpapalambing ka na lang," nakangiti niyang sabi. Pinindot pa ang ilong ko.
"Ewan ko sa'yo!" Tumalikod na lamang ako para 'di niya makita ang namumula kong mukha. Agad naman niyang nilingkis ang isa niyang kamay sa baywang ko at idiniin ang sarili sa akin. Narinig ko na naman ang mahina niyang tawa.
Nakapikit na ako nang maramdaman ko na naman ang malambot niyang labi sa batok ko. Alam kong nilagyan na naman niya iyon ng marka. Saka siniksik na naman niya ang mukha sa leeg ko.
Hindi ako umimik. Nagkunwari akong tulog. Pero pigil ang hininga at nakakuyom ang mga palad ko hanggang sa naglakbay na ang mga halik niya sa leeg ko pababa sa balikat ko.
"Ano ba, mahal! Puwede ba, matulog na tayo!" may diin kong sabi habang nakapikit lang.
Tumigil siya at pinaharap na naman ako. Nakangiti na siya sa pagkakataong 'to.
"Tinawag mo na ulit akong mahal," sabi niya. Ang lapad ng ngiti.
Napatiim-bibig ako. Hindi ko kasi napansin na natawag ko na pala siyang mahal.
"Mahal mo pa rin talaga ako kaya hindi mo magawang tanggihan ang mga halik ko," tuwang-tuwa na sabi niya.
"Ewan ko sa'yo." Idiniin ko ang mukha niya sa palad ko. Hinawakan niya iyon at dinala sa labi niya.
"Tigilan mo na iyang kakatitig sa akin. Umidlip ka na sandali nang makauwi ka na."
Nakangiti siyang tumango saka pinikit kaagad ang mga mata. Para siyang bata na nakuha ang reward na gusto niya.
Pumikit na rin ako. Hawak niya pa rin ang kamay ko at nakadikit pa rin iyon sa labi niya hanggang sa 'di ko na namalayan na nakaidlip na nga ako.
Nagising na lang ako na wala na sa tabi si Romeo. Tumingin pa ako sandali sa orasan na nakapatong sa bedside table. Alas dos pasado na ng madaling-araw.
Sigurado akong umalis na lamang siya at hindi na lang ako ginising.
Pikit-mata akong umupo, hinubad ang suot kong oversized shirt at binalibag iyon kung saan. Talagang antok pa kasi ako. Nakatagilid akong nakahiga kaharap ang bintana. Nasa likuran ko na naman ang banyo.
"Ahem!"
Agad akong napatayo nang marinig ko ang sinadyang tikhim.
"Mahal, akala ko umalis ka na," gulat kong sabi. Kumunot ang noo ko nang makita siyang hawak ang shirt na hinubad ko kanina.
"Aalis na sana ako, pero... hindi ko na alam kung tutuloy pa ba ako."
VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n
DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay
Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita
VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so
Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango
DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw
VIANNA MAY POVI broke down in tears as Romeo went out with his men. My chest is so tight that I can hardly breathe.My hands are shaking as I touch my aching lips. For a long time, I feigned to be insane, hindi lang makalapit sa akin ang hayop na si Romeo. I still can't believe what he did to Diego.
Nahinto ako sa paghakbang kasabay ang malakas na pagdagundong ng puso at panlalamig ng mga kamay. "D-Dorry, una na ako," utal kong sabi. Takbo-lakad rin ginawa ko, at hindi na naghintay ng sagot. Pawisan at hindi ako mapakali nang dumating sa kubo. Kaagad ko rin na hinubad ang suot na diving suit. F
TAONG 2009 cont. Natigil ang pagmunimuni ko nang marinig ang tawanan ng mga kamag-aral ko. Ang saya nilang naglalaro sa pool. Swimming team sila ng school namin. Kasama nila ang kaklase at crush kong si Diego, ang dahilan kung bakit kahit paano sumisilay pa rin ang ngiti sa labi ko. Makita ko lang a
"Sir Nelson," sigaw ng mga tauhan ni Nelson. Habang alerto nang nakaharang sa likod nila.Rinig ko pa ang pagwawala at pagsisigaw ni Romeo. Pero wala na kan'ya ang atensyon ko. Nasa asawa ko na at sa kaibigan kong mahigpit na yumakap sa asawa ko. Nakatayo lamang sila na animo napako sa kinatatayuan n







