Share

Nilimot Na Alaala
Nilimot Na Alaala
Author: sweetjelly

SIMULA

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2022-11-04 23:53:38

"Ano ang binigay mong kapalit, katawan mo?"

Katagang binigkas ng Mommy ni Romeo—ang lalaking mahal ko.

I fell in love with a man whose social standing was vastly different from mine. Ito ang kapalit, masakit na salita at panglalait. Ni ang ipagtanggol ang sarili hindi ko magawa.

Isang hamak na jeweler lang naman kasi ako sa branch ng diamond jewelry shop na pagmamay-ari ng pamilya nila. Ang Jouel Corp. at si Romeo ang manager ko.

Sa loob ng isang buwan na naging kami, ngayon ko lamang nakita at nakilala ang Mommy niya. Ngayon pa mismo sa araw ng aming monthiversary .

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana tinanggap ang regalong bigay ni Romeo.

A lovely and expensive necklace, kapalit naman paghamak sa aking pagkatao.

I tried to talk to him, ngunit wala akong narinig na salita mula sa kaniya, ni ang lingunin ako hindi niya ginawa.

Ang kaninang maganda at masayang simula ng aming araw, nauwi sa iyak at mugtong mga mata. Hindi ko na tinangkang kausapin siya. Hindi na rin ako nag-abalang magpaalam pa. Basta na lang ako umuwi pagkatapos ng trabaho at hindi na rin sinagot ang tawag niya.

"Anak, anong problema?" tanong ni Mama. Hindi ko na pansin na sinundan niya pala ako dito sa kwarto ko.

Yumuko ako at hindi kaagad sumagot. Sinubukan ko pa na itago ang mugto kong mga mata.

"Wala po, Ma," pagsisinungaling ko. Pero hindi naman makatingin ng diretso sa kanya. Mapakla rin akong ngumiti.

Hindi ko kasi alam kung tama ba na nagsinungaling ako. Nag-aalangan ako na sabihin sa Mama ko ang nangyari dahil ayaw ko na masaktan siya gaya ko.

"Anak, kahit anong tago pa ang gawin mo, alam ko at kita naman sa mga mata mo na may problema ka. Na umiiyak ka. Nag-away ba kayo ni Romeo?" mahinahon niyang tanong.

Mapait akong ngumiti. "Sana nga po ay nag-away na lang kami. Siguro hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko."

Sa huli ay sinabi ko rin kay Mama ang totoong nangyari. She paused for a moment, then let out a sigh, saka siya umupo sa tabi ko.

Alam kong nasasaktan din siya. Alam kong nakaramdam din siya ng galit gaya ko, kahit hindi niya pa sabihin. Wala naman kasing magulang na gustong masaktan, tapakan, at maliitin ang anak ng kahit na sino.

She gently stroked my hair. "Tahan na Anak, sa simula pa lang, alam mo na darating talaga ang araw na 'to. Magkikita at magkikita kayo ng magulang ng nobyo mo," mahinahon niyang sabi. "Nagmahal ka kasi ng lalaki na sobrang layo ng pamumuhay sa atin. Pero Anak, ang importante lang naman ay alam mo sa sarili mo na hindi totoo ang mga sinabi ng Mommy ni Romeo."

Mama was right; hindi nga totoo ang mga sinabi ng Mommy ni Romeo, but I still couldn't help but be hurt and resentful. Tagos hanggang buto ang mga binitiwan niyang masasakit na salita.

Oo, mahirap lamang kami; hindi ko naranasan ang magkaroon ng mamahaling gamit. Pero ni minsan, hindi ako naghangad na magkaroon, hindi ako nanghingi. Kusang binigay sa akin ang kwentas na iyon ni Romeo, ngunit binalik ko sa kaniya na walang ano mang salita.

I love Romeo for who he is, not for his wealth or what he can give me.

Ang sakit marinig ng mga salitang iyon, galing pa mismo sa bibig ng Mommy niya. Nagawa niya akong husgahan, hindi man lang ako kinilala ng lubusan.

Why do such people exist? Bakit may mga tao na ang dali lamang sa kanila na magbitiw ng masakit na salita? Hindi man lang ba niya naiisip na katulad din nila ako. May puso at nasasaktan.

Dahil ba mahirap ako, wala na akong karapatan na gustuhin ang lalaki na angat ang pamumuhay kay sa akin? Wala namang pinipili ang pagmamahal, kusa na lang itong nararamdaman. I swear to God. Sinubukan kong pigilin ang puso ko. Pero ayaw kasi paawat. Mahal ko na si, Sir Romeo. Kaya heto, nasasaktan ako ng ganito.

What hurts more is that the man I thought could defend and fight for me because he loved me did nothing. He didn't even talk to me or console me. Hinayaan niya lang akong masaktan at umiyak mag-isa.

Ito ang unang beses na hindi niya ako sinuyo, kaya masyado akong nasaktan. Pero kahit na masakit, kahit durog at wasak ang puso ko ngayon. Tanggap ko na, wala na kami. Tapos na ang isang buwan na mala fairytale love story naming dalawa. Ano ba ang laban ko sa Mommy niya?

"Tanggap ko na po, Ma, wala na kami!" humihikbi kong sabi.

Mama chuckled. "Bakit nag-usap na ba kayo?"

I simply shook my head. Hindi na namin kailangan mag-usap. The fact that he didn't pay much attention to me earlier was enough, para masabi ko na tapos na ang aming relasyon.

"Huwag mo munang pangunahan si Romeo, Anak. Malay mo nag-iisip lang 'yon. Tumahan ka na Anak," pag-alo niya, kasabay ang paghalik sa noo ko.

Yakap na lamang ang tugon ko, kasabay din ang pag-alog ng balikat at paghikbi.

"Sige na anak, maligo ka na at pilitin mong matulog." Pinahid niya ang mga luha ko, kasabay ang paghalik sa aking pisngi.

Sinunod ko ang sabi ni Mama. Naligo ako at nagbihis agad pagkatapos, ngunit ayaw naman akong dalawin ng antok. Walang humpay pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

Hindi na lang sana ako nagmahal. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Hindi sana hinamak ang pagkatao ko.

Balot ang puso ko ngayon sa galit at hinanakit kay Romeo. Pero bakit mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang makita at mayakap. Miss ko ang paglalambing niya.

Binabaliw ako ng pagmamahal kong ito.

Umiiyak ako, nasasaktan, ngunit nakuha ko pa rin ang ngumiti. Ganito ba talaga ang magmahal?

Totoo nga ang sinasabi nila, na ang pag-ibig ay pasasayahin ka at pakikiligin, paiiyakin ka naman at wawasakin.

Iyon kasi ang nararamdamam ko ngayon. Nakakabaliw, ayoko nang umiyak. Pagod na akong umiyak.

Pinahid ko ang mga luha. Tumayo at bumaba. Tinungo ko ang fredge at kumuha ng tubig doon. Nilagok ko iyon at walang tinira, baka sakaling maanud itong nakabara sa dibdib ko na nagpapahirap sa paghinga ko.

Pero wala. Walang silbi ang pag-inum ko ng tubig. Hindi pa rin na ibsan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi pa rin nawala ang hinanakit ko.

Hindi ko pa nga alam kung may trabaho pa ba akong babalikan. Baka kasi pinatanggal na ako sa trabaho ng Mommy ni Romeo, para tuluyang malayo sa mahal niyang anak.

Bahala na kung anong mangyari bukas.

Alam ko naman na hindi pa ito ang katapusan ng buhay. Oo nga at nasaktan ako, pero alam kong hindi pa ito ang katapusan.

Nabuhay kami ni Mama na kami lamang ang magkaramay. Walang ibang tumulong at dumamay. Hindi ito ang magiging dahilan na malugmok ako.

Alam ko rin naman na kaakibat ng pagmamahal, ang masaktan. Sugal ang magmahal dahil hindi mo alam kung ano ang kahihinatnan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Thank you so much to everyone for taking the time to read this story. Your support means the world to me. I’d love to hear your thoughts, so please don’t hesitate to leave a comment and share your feedback. Your opinions and suggestions will help me grow and improve as a writer!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Nilimot Na Alaala   Wakas

    VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 80

    DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 79

    Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 78

    VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 77

    Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 76

    DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status