Share

Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko
Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko
Author: Midnight Ghost

Kabanata 1 - Last Will

last update Last Updated: 2025-07-27 13:49:38

Kabanata 1

“Kailangan mong magpakasal para—”

Hindi na natapos ng attorney ng pamilya ang kanyang sasabihin dahil biglang lumipad ang vase sa ibabaw ng mesa at tumama sa pader, kasabay ng malakas na tunog ng pagkabasag nito. Ang opisina ni Gabriel ay natahimik, maliban sa mabilis na paghinga ni Gabriel na galit na galit na nakatayo sa likod ng kanyang mesa.

“Gabriel, ito ang gusto ng namayapa nating ama kaya wala kang magagawa!” mariing sabi ng kanyang nakatatandang kapatid na si Derrick, hindi alintana ang tensyong bumalot sa buong silid.

Gabriel clenched his fists. Alam niyang hindi siya ipinanganak sa tamang paraan at ang kanyang ina ay dating kasambahay sa mansyon ng Montenegro. 

Kahit kailan ay hindi siya itinuturing na pantay ng tatlo niyang kapatid. Hindi rin siya umaasang makukuha niya ang mana ng maayos, pero ngayong narinig niya ang kundisyong iyon mula mismo sa bibig ng attorney, na kailangan niyang magpakasal upang mapanatili ang hawak niya sa mga ari-arian at posisyon, parang insulto na ito sa lahat ng pinaghirapan niya.

“Shut up!” sigaw niya sa kapatid niyang si Sebastian, ang mga mata’y naglalagablab sa galit dahil hindi niya matanggap ang lahat.

“This is mine,” mariin na sambit ni Gabriel, puno ng paninindigan at galit. “I was the one who f*cking handled it! Ako ang nagpatakbo ng kompanyang ito, ako ang nag-ayos ng mga utang, ako ang bumangon sa bawat pagkakabagsak ng pamilyang ‘to, tapos sasabihin niyo sa akin na kapag hindi ako nagpakasal, mawawala sa akin ang lahat ng meron ako?!”

Masama ang titig ni Gabriel na nakatitig kay Derrick na prenteng nakaupo at ngingisi ngisi, ang pamangkin niyang kilala sa pagiging babaero, na pati mismong nobya ni Gabriel ay inahas at pinaglaruan pa.

At ngayon? Kapag hindi siya nagpakasal, ang lahat ng pinaghirapan niya ay mapupunta sa lalaking iyon? Magkaedad sila, oo, pero dahil isang kasambahay lang ang kanyang ina—hindi siya kailanman itinuring na tunay na bahagi ng pamilya.

Nakakasundo niya ang iba niyang kapatid at pamangkin, pero sa panganay na anak ng kanilang ama na si Sebastian, pati na rin sa anak nito na si Derrick, ay talagang hindi siya kasundo. Hindi nila matanggap na siya, anak ng isang kasambahay, ang siyang namumuno sa kompanya ng mga Montenegro.

That was what the last will declared—if Gabriel failed to get married before the set deadline, everything would be taken from him and transferred to someone he believed was the least deserving of all people. Kung sa ibang mga pamangkin lang sana na kaedad niya, baka pumayag pa siya. At least alam niyang may kakayahan ang mga iyon at marunong sa negosyo. Pero kung kay Derrick? Ni sa panaginip ay hindi siya papayag.

“Don’t look at me like that. Wala akong kinalaman diyan. Malas mo lang talaga dahil sampid ka lang sa pamilya,” mariing ani ni Derrick, may halong ngisi sa mga labi habang nagmamalaki.

“Derrick!” singhal ni Fiera, isa pang pamangkin na mas may konsensya kaysa kay Derrick.

“What? I’m just saying the truth,” sagot ni Derrick na tila walang pakialam sa tensyon. “Sampid ang lalaking 'yan. Hindi asawa ng lola natin ang ina niya—isang hamak na kasambahay lang. Ni wala nga siyang karapatang humawak ng kompanya, much less ang maging tagapagmana nito,” dagdag pa niya sabay tawa, tila ba nag-eenjoy sa pang-aalipusta kay Gabriel.

“You think I’ll say yes just because it’s written in his f*cking will?!” sigaw ni Gabriel, nanlilisik ang mga mata sa galit. Sa bawat salitang naririnig niya ay para siyang pinupunit sa loob.

“Wala kang magagawa,” ani Derrick, puno ng pang-aasar sa boses. “Mas mabuti pang hindi ka na lang magpakasal. Sa akin mapupunta lahat. I’ll make sure of it.”

Natawa ng mapait si Gabriel. Isang sarkastikong tawa na halatang puno ng hinanakit. Dahan-dahan siyang lumapit sa malaking bintana ng kanyang opisina, pinipilit pigilan ang sariling muling makabasag ng gamit. Nanginginig ang kanyang mga kamay—hindi dahil sa takot, kundi sa labis na galit at pagkadismaya. Lahat ng hirap niya, tila ba walang halaga. Ipinagkait sa kanya ang normal na pagkatao, at ngayon pati ang pinaghirapan niyang tagumpay ay inaagaw pa.

“Wala na tayong magagawa, Gabriel,” ani ng abogado habang kinukuhang muli ang kanyang aktong lumipad na dokumento. “Kung gusto mong mapanatili ang kompanya at makuha ang mana mo, magpakasal ka. Otherwise, everything goes to Derrick. Iyan ang nakasaad sa last will. Pasensya ka na.”

Napapikit si Gabriel, nanatiling tahimik habang lumalabas ang abogado ng kwarto. Nang makaalis na ang lahat, ang buong opisina ay muling nabalot ng katahimikan. Hanggang sa muling marinig ang tunog ng basag—isang vase na hinagis niya sa sahig.

“Damn you all!” singhal niya, puno ng hinagpis. “F*ck you!” Sigaw niyang muli habang tinatabig ang mga papeles sa mesa, dahilan para kumalat ang mga ito sa sahig.

Nag-uumapaw ang galit niya—hindi lamang sa kanyang ama, kundi pati sa sarili. Ganoon na lang ba iyon? Pagkatapos ng lahat, siya pa ang kailangang yumuko?

Muli siyang napabuntong-hininga, pilit pinapakalma ang sarili. Ngunit sa kanyang pagtitig sa mga nagkalat na papel ay may isang dokumentong tumawag ng kanyang pansin. Isa iyong application form. Pinulot niya ito at pinagmasdan—may larawan ng babae sa itaas.

Hindi siya nagkamali. She looked familiar.

Bigla niyang naalala. Minsan nang ipinakilala sa kanya ni Derrick ang babaeng ito—habang nag-aalmusal sila sa mansion. Maamo ang mukha, mahinhin kung kumilos. Walang bahid ng yabang. Ngunit ngayon, hawak niya ang application nito. Applying to be his secretary?

Unti-unting sumilay ang mapanlinlang na ngiti sa mga labi ni Gabriel.

“She’s Derrick’s girlfriend…” bulong niya sa sarili habang pinipigil ang tawa.

Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan ang HR.

“Sir, napatawag po kayo—”

“Hire Alyana Zhaphara Mendoza as my secretary. Effective immediately,” utos niya, walang bahid ng pagdadalawang-isip.

“Po? Pero sir, under screening pa po siya—”

“Didn’t you hear me? I said hire her. Call her. Tell her she’s hired. Right now.”

At bago pa makapagsalita ang HR personnel ay pinutol na niya ang tawag. Bumaba siya ng opisina at hindi mapigilan ang sarili na mapangiti.

“Really? You think I’ll let my life be fvcking ruined?” Mariin niyang sabi, halos may poot sa bawat salita. “If my life is going down because of this f*cking marriage, then I’ll take your pride down first, Derrick. I’ll make your girlfriend my wife.”

Muling tiningnan ni Gabriel ang litrato ng babae sa application. She looked too innocent for this game—but that made it more interesting. Isa pa, narinig niya mismo mula sa barkada ni Derrick noong nag-iinuman ang mga ito sa bar kung nasaan din siya, na wala pang nangyare sa dalawa kaya nga palipat lipat sa babae ang pamangkin niya dahil hindi niya makuha kuha sa kama ang sariling girlfriend niya.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Gabriel. “I’ll show you, Derrick… I’ll show you how I take what’s yours.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Adah Dino
interisting mgnda na sa umpisa
goodnovel comment avatar
Azumi Zensui
hi miss A support ako dito ...
goodnovel comment avatar
Karen Hazel Fantonial
salamat Ms A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 64 - Walang Pagpapanggap

    Halos gusto niyang tumakbo, ngunit ang damdamin niya ay nagtatalo sa pagitan ng kaba at tuwa,kaya naman agad ulit tumalikod si Alyana para lang huwag silang magkatitigan.“This is bad,” paos na sambit ni Gabriel, parang may lihim na ngiti sa tinig niya. Ramdam ni Alyana ang init ng kanyang hininga sa tenga niya at ang bahagyang presyon ng katawan nito sa likod, na nagdadagdag ng tensyon sa paligid.“What? Maupo ka na nga roon para makapagluto na ako–” agad na utos ni Alyana, ngunit napigilan siyang magpatuloy nang magsimula nang humalik si Gabriel sa leeg niya.Ang mga labi nito ay banayad ngunit mapang-akit, at halos hindi niya mapigilang manginig sa tuwa at kaunting kaba.Napapikit si Alyana at huminga ng malaim, pinipilit na huwag mahulog sa tukso. Alam niyang pagod pa siya, pero sa bawat haplos at halik ni Gabriel, naramdaman niyang muling buhay na buhay ang kanyang katawan, at tila ang bawat hibla ng kanyang enerhiya ay nagigising muli.Ang nakakainis, kahit pagod ang katawan niya

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 63 - Luto

    Kabanata 63 & 64 “What’s with you? I’m cooking, Gabriel,” mariing ani ni Alyana kay Gabriel, sabay bitaw ng hawak na kutsilyo at tinignan siya nang may bahagyang pagkabigla sa kilos nito, ramdam ang bigat ng presensya niya sa likod at ang init ng kanyang katawan na nagdudulot ng kakaibang kiliti sa tiyan niya kaya naman hinarap na niya ito at tinignan ng masama.Paano ba kasi siya makakapagluto kung ganito siya kalapit?"Ang kulit, Gabriel. I told you to just sit and wait the food," she said, kunot ang noo dahil sobra ang pagdikit nito, pero ramdam niya rin ang hindi niya mapigil na kasiyahan sa malapitang ito.Halos gusto niyang isigaw sa tuwa, ngunit pinipilit niyang mag-focus sa pagluluto, kung hahayaan niya ito, pakiramdam niya ay hindi siya matatapos sa pagluluto.“I’m just helping you,” he said, his deep voice smooth yet teasing as he stepped closer.Hinawakan niya ang bewang ni Alyana para muling iharap sa hinihiwa. Ang kamay nito, malakas ngunit maingat, ay agad na nilagay sa

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 62 - Away Bati

    “Answer it,” bigla niyang sabi, may halong pangungulit at pagka-seryoso. “Nag-usap na kaming dalawa kahapon, sinabi ko na ang mga dapat sabihin sa kanya, kaya wala na kaming pag-uusapan pa,” diretsong ani ni Gabriel, dahilan para mapalingon si Alyana dito nang may halong gulat.“Huh?” napataas-kilay niyang tanong, halos hindi makapaniwala sa naririnig. Ang puso niya ay biglang bumilis, at ramdam niya ang kakaibang init sa kanyang dibdib na hindi niya maintindihan.Akala talaga niya ay ito mismo ang sasagot sa tawag, pero heto at sinasabi niya na siya ang sumagot. Ang isip niya ay naglalaro sa dami ng posibilidad, bawat segundo ay mas nagiging mahirap ang paghinga, at halos maramdaman ang bawat titig ni Gabriel sa kanya tuwing inaalis ang tingin sa daan, hindi lang nagtatagal dahil nga sa nag dadrive siya.“Ikaw ang sumagot,” mariing sabi ni Gabriel.Alyana blinked, trying to see if he was joking, pero nakatutok lang ito sa kalsada, seryoso ang mukha.Napatingin siya sa phone, tumigil n

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 61 - Calling

    Kabanata 61 and 62"Let's go home, huwag na tayong pumasok ngayon, cancel all my meetings now," ani bigla ni Gabriel kaya naman napakurap-kurap na lang si Alyana at takang tinignan ito, halos hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kita niya ang seryosong ekspresyon sa mukha nito at ang paraan ng pagkakakrus ng mga braso niya, parang wala nang puwang ang pagtutol.“Teka, may importante kang meeting ngayon kaya bawal kang umabsent—” mahina ngunit mariing sambit ni Alyana, pilit na pinapakalma ang boses.Tumaas ang kilay ni Gabriel.“I’m the boss, ako ang magsasabi kung importante ang meeting o hindi,” he said, his voice low but filled with authority, ngunit may halong lambing na parang sinasabi sa kanya na mas mahalaga siya kaysa sa lahat.Umawang ang labi ni Alyana, saka niya kinagat ang labi niya at napaiwas ng tingin. Pero kahit gusto niyang magpaka-unbothered, she couldn't help but smile faintly, ramdam niya ang kakaibang kilig sa puso niya. Halos parang bumilis ang tibok ng puso niya sa

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 60 - Contract

    “Let’s not pretend what we feel right now in this relationship,” mababa at seryosong sabi ni Gabriel, mas malapit ang mukha, at bahagyang hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Ramdam ni Alyana ang init ng palad nito, parang hindi siya kayang pakawalan. “Nagseselos ka dahil mahal mo na ako. Nahulog ka na sa’kin, Alyana. Kaya ka galit na galit kahapon nang pinaalis kita dahil dumating si Hyacinth.” Huminga siya nang malalim, halos parang may bigat ang bawat salita, parang bawat kataga ay bumabagsak nang diretso sa dibdib ni Alyana. “Alyana… let’s make it clear this time. Hindi na ako papayag na magkunwari pa tayo. Hindi na ako papayag na bigla ka na lang magtatampo at magagalit sa akin tapos manlalake nanaman ang nasa isip mo para maging patas tayo. Ayoko nang lagi kang nagtatago sa likod ng pride mo, ayoko nang magsinungaling tayo sa isa’t isa. Kung may nararamdaman ka, sabihin mo. Kung mahal mo ako, aminin mo."Napatitig si Alyana sa singsing niya nang maramdaman niyang hinawakan iyon n

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 59 - Selos

    “God, look at you,” natatawang sabi niya, halatang inaasar siya. "Hindi pala masarap, ha?" Ani pa nito.“Bwisit ka!” singhal ni Alyana, halos pasigaw, at mabilis na kumuha ng unan para ibato sa kanya. Sa sobrang inis niya, gusto niyang batuhin ito ng buong kama kung kaya lang niya. Hinagis niya ang unan nang may buong pwersa, kahit nanlalambot na ang katawan niya.“Ouch!” daing ni Gabriel, pero halata sa ngisi niya na lalo lang siyang natutuwa. Mas lalo pa siyang nagrelax, nakataas ang kilay habang umiinom ulit ng kape na parang wala siyang kasalanan.“Walang nakakatawa! May trabaho pa tayo tapos ganito ang ginawa mo?!” Alyana snapped at him, her voice cracking between anger and embarrassment. Nahihiya siya at sobrang irita, lalo na’t ramdam pa rin niya ang sakit ng katawan mula kagabi.Gabriel just leaned back and smirked, crossing his arms habang nakaupo sa sofa na parang walang nangyari. “Dapat naisip mo ’yan bago mo ako pagselosin.”Natigilan si Alyana, parang may sumabog na bomban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status