Kabanata 2
"Wala pa ba siya? Bakit ba palagi na lang ganyan 'yang boyfriend mo? Pangako nang pangako ng oras tapos hindi pala darating ng tamang oras, ano? Maghihintay ka nanaman dito?" ani Kyllie, halatang galit habang nakatitig sa kaibigan niyang si Alyana.
Napahawak si Alyana sa batok niya, pilit na ngumiti kahit ramdam niyang nahihiya siya sa sermon ni Kyllie. Hindi ito galit sa kanya, kundi sa boyfriend niyang si Derrick na dapat ay naroon na para sunduin siya.
"Na-extend daw ang meeting nila sa restaurant kaya—"
Pero bago pa matapos ni Alyana ang paliwanag ay agad siyang pinutol ni Kyllie, tila ba hindi na gustong marinig pa ang depensa nito.
"Talagang maghihintay ka? Hanggang ilang oras? Halika na, huwag mo na siyang hintayin. Sumabay ka na sa akin."
Nakakunot ang noo ni Kyllie, halatang inis para sa kaibigan. Si Kyllie, ang palaging nandiyan kapag kailangan siya ni Alyana, kaya mahal na mahal siya nito. Pero minsan, para na rin siyang ina kung makapagsermon.
"Ayos lang ako rito. Sabi naman ni Derrick susunduin niya ako. At saka… hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kanya na natanggap na ako sa company nila," aniya, pero napanguso siya nang makita ang pag-irap ni Kyllie.
Anak mayaman si Derrick kaya naman pangarap ni Alyana na makapasok sa kompanya ng pamilya nito upang mapatunayan na kaya niyang pumasok sa malaking kompanya sa sariling sikap. Hindi man si Derrick ang namumuno sa kompanya, bahagi pa rin siya ng pamilyang Montenegro.
Hindi niya lang natanong kung sino ang namumuno sa pamilya dahil hindi rin niya nabanggit na doon siya mag-aapply. Ngunit tiyak niyang matutuwa ito kapag nalaman ang balita. Nasa labas nga siya ngayon ng kompanya dahil kinausap siya ng HR tungkol sa trabaho niya, grabe din kasi ang sayang naramdaman niya nang makatanggap ng tawag dito kaya dali dali na siyang pumunta sa kompanya para pumirma.
"Uulan na, kung gusto ka niyang puntahan dito, dapat—"
"Kyllie Jane, ayos lang ako rito. Sige na, mauna ka na," mabilis na sambit ni Alyana, kita sa boses ang pagpipilit na manatili.
Gusto pa sanang magsalita ni Kyllie, pero alam niyang matigas ang ulo nito. Kapag may sinabi na ito, bihira nang mabago ang desisyon.
Napabuntong-hininga na lang si Kyllie at ibinalik ang panyo sa bag. "Mauna na ako. Text mo ’ko kapag hindi siya dumating, ha?"
Tumango si Alyana at pinilit ngumiti. Pilit man, sapat na para hindi na mag-alala ang kaibigan.
Naiwan siyang mag-isa sa ilalim ng maliit na waiting shed. Papalubog na ang araw, at unti-unti nang namumutla ang langit. Halos wala nang tao sa paligid. Maya-maya, gumulong ang isang kulog sa kalangitan, at kasabay nito ang biglang pagbuhos ng ulan.
"Naku naman…" bulong ni Alyana habang pinagmamasdan ang ulan. Ramdam niya ang malamig na hangin at hindi niya mapigilang manginig.
Kainis!
Nakakainis talaga! Bakit ngayon pa umulan? Araw na dapat ay masaya siya—may magandang balita siya para kay Derrick. Pero heto siya, nakatayo, basang-basa ang sapatos, at ang nobyo niya? Wala pa rin.
Tiningnan niya ang cellphone niya at sinubukang tumawag. Dalawang beses na, pero hindi ito sumasagot. Gabi na, hindi pa ba tapos ang meeting nito?
Napayakap siya sa sarili nang humangin pa lalo. Pinagtitinginan na siya ng ibang tao, pero wala siyang pakialam. Naghintay siya. Hanggang sa tumunog ang cellphone niya.
Ngunit hindi si Derrick ang nag-text.
Unknown:
Your boyfriend is Derrick Montenegro, right? He is in the bar and he is flirting with some woman. Pumunta ka rito nang makita mo.
Kumunot ang noo ni Alyana. Agad umakyat ang inis sa dibdib niya. Gusto niyang murahin ang nagpadala ng mensahe. Hindi siya naniniwala. Kilala niya si Derrick. Oo, busy ito, pero hindi ito kailanman nagkulang sa pagmamahal.
Ibubulsa na sana niya ang cellphone nang muling may dumating na mensahe. Isang address lang ang nakalagay.
Napailing siya. Hindi siya naniniwala. Pero kasabay ng pagtanggi niya ay mas lumakas ang ulan. Basang-basa na siya sa waiting shed.
Ramdam niya ang ginaw, hindi lang sa ulan kundi sa kaba. Baka bumaha. Baka mapahamak pa siya roon. Hindi ba niya iyon naisip?
"Miss? Sasakay ka ba?" tanong ng isang taxi driver na huminto sa harap niya. "Wala nang ibang taxi na daraan dito at baha na sa kabilang kanto. Kung mananatili ka pa, baka bahain ka na rito."
Napapikit si Alyana. Nagdadalawang-isip. Gusto pa rin niyang hintayin si Derrick, pero hindi rin siya mapakali sa mga mensahe. Kaya kahit nababasa na ang buong katawan niya, tumakbo siya papasok ng taxi.
"Saan tayo, Ma’am?" tanong ng drayber.
Bubuksan na sana niya ang bibig para sabihin ang address ng apartment, pero ang lumabas sa bibig niya ay ang address mula sa text. Napasinghap siya, hindi makapaniwala sa sarili. May tiwala siya kay Derrick, pero nauuna ang kuryosidad.
Bakit ba siya nagpapaapekto? Gusto lang naman niyang matahimik ang isip niya. Gusto niya ng kasagutan.
Dalawang taon na silang magkasintahan. Alam niyang hindi siya kayang lokohin ni Derrick. Ngunit nang makarating siya sa bar, para bang may humigpit sa dibdib niya. Bumaba siya ng taxi, tinungo ang loob ng bar kahit ramdam ang mga matang nakatingin sa kanya.
Nakasuot lang siya ng fitted pants at t-shirt, basang-basa sa ulan. Samantalang ang mga babae sa loob ng bar ay mga nakapustura, magagara ang ayos. Siya? Para siyang basang sisiw.
Gusto na sana niyang umalis, pero isang hiyawan ang narinig niya mula sa kabilang bahagi.
"Derrick! Inunahan mo nanaman kami!"
Nanigas siya. Hindi lang dahil sa pangalan kundi sa pamilyar na boses. Napatingin siya sa direksyon ng sigawan at nakita ang ilang kaibigan ni Derrick, may kasamang mga babae.
At sa gitna ng nagsasayawang mga tao, doon niya nakita si Derrick.
Sumasayaw. Tumatawa. May sinasabi sa isang babaeng naka-pulang damit. May hawak na baso ng alak, parang walang pakialam sa mundo.
At sa harap mismo ng mga tao, lumapit ang labi ni Derrick sa babae at hinalikan ito. Walang pakundangan. Walang pag-aalinlangan. Parang si Alyana, ang babaeng naghintay sa ulan, ay hindi kailanman nag-exist sa isip nito.
Nanlamig ang buong katawan ni Alyana. Hindi na dahil sa ulan, kundi dahil sa sakit sa nakikita ng mata niya, nanatili siyang nakatayo roon at nag unahan na ang luha sa mata niya, nanginginig pa nga ang kamay niya.
Nakangiti pa si Derrick habang lumalayo sa kahalikan, pero biglang nanigas ang katawan niya nang magtama ang kanilang mga mata ni Alyana. Kitang-kita ni Alyana ang matinding pagkagulat sa mukha nito, para bang binagsakan ng langit at lupa, hindi makapaniwala na naroon siya at nahuli sa pangangaliwa niya.
Halos gusto niyang tumakbo, ngunit ang damdamin niya ay nagtatalo sa pagitan ng kaba at tuwa,kaya naman agad ulit tumalikod si Alyana para lang huwag silang magkatitigan.“This is bad,” paos na sambit ni Gabriel, parang may lihim na ngiti sa tinig niya. Ramdam ni Alyana ang init ng kanyang hininga sa tenga niya at ang bahagyang presyon ng katawan nito sa likod, na nagdadagdag ng tensyon sa paligid.“What? Maupo ka na nga roon para makapagluto na ako–” agad na utos ni Alyana, ngunit napigilan siyang magpatuloy nang magsimula nang humalik si Gabriel sa leeg niya.Ang mga labi nito ay banayad ngunit mapang-akit, at halos hindi niya mapigilang manginig sa tuwa at kaunting kaba.Napapikit si Alyana at huminga ng malaim, pinipilit na huwag mahulog sa tukso. Alam niyang pagod pa siya, pero sa bawat haplos at halik ni Gabriel, naramdaman niyang muling buhay na buhay ang kanyang katawan, at tila ang bawat hibla ng kanyang enerhiya ay nagigising muli.Ang nakakainis, kahit pagod ang katawan niya
Kabanata 63 & 64 “What’s with you? I’m cooking, Gabriel,” mariing ani ni Alyana kay Gabriel, sabay bitaw ng hawak na kutsilyo at tinignan siya nang may bahagyang pagkabigla sa kilos nito, ramdam ang bigat ng presensya niya sa likod at ang init ng kanyang katawan na nagdudulot ng kakaibang kiliti sa tiyan niya kaya naman hinarap na niya ito at tinignan ng masama.Paano ba kasi siya makakapagluto kung ganito siya kalapit?"Ang kulit, Gabriel. I told you to just sit and wait the food," she said, kunot ang noo dahil sobra ang pagdikit nito, pero ramdam niya rin ang hindi niya mapigil na kasiyahan sa malapitang ito.Halos gusto niyang isigaw sa tuwa, ngunit pinipilit niyang mag-focus sa pagluluto, kung hahayaan niya ito, pakiramdam niya ay hindi siya matatapos sa pagluluto.“I’m just helping you,” he said, his deep voice smooth yet teasing as he stepped closer.Hinawakan niya ang bewang ni Alyana para muling iharap sa hinihiwa. Ang kamay nito, malakas ngunit maingat, ay agad na nilagay sa
“Answer it,” bigla niyang sabi, may halong pangungulit at pagka-seryoso. “Nag-usap na kaming dalawa kahapon, sinabi ko na ang mga dapat sabihin sa kanya, kaya wala na kaming pag-uusapan pa,” diretsong ani ni Gabriel, dahilan para mapalingon si Alyana dito nang may halong gulat.“Huh?” napataas-kilay niyang tanong, halos hindi makapaniwala sa naririnig. Ang puso niya ay biglang bumilis, at ramdam niya ang kakaibang init sa kanyang dibdib na hindi niya maintindihan.Akala talaga niya ay ito mismo ang sasagot sa tawag, pero heto at sinasabi niya na siya ang sumagot. Ang isip niya ay naglalaro sa dami ng posibilidad, bawat segundo ay mas nagiging mahirap ang paghinga, at halos maramdaman ang bawat titig ni Gabriel sa kanya tuwing inaalis ang tingin sa daan, hindi lang nagtatagal dahil nga sa nag dadrive siya.“Ikaw ang sumagot,” mariing sabi ni Gabriel.Alyana blinked, trying to see if he was joking, pero nakatutok lang ito sa kalsada, seryoso ang mukha.Napatingin siya sa phone, tumigil n
Kabanata 61 and 62"Let's go home, huwag na tayong pumasok ngayon, cancel all my meetings now," ani bigla ni Gabriel kaya naman napakurap-kurap na lang si Alyana at takang tinignan ito, halos hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kita niya ang seryosong ekspresyon sa mukha nito at ang paraan ng pagkakakrus ng mga braso niya, parang wala nang puwang ang pagtutol.“Teka, may importante kang meeting ngayon kaya bawal kang umabsent—” mahina ngunit mariing sambit ni Alyana, pilit na pinapakalma ang boses.Tumaas ang kilay ni Gabriel.“I’m the boss, ako ang magsasabi kung importante ang meeting o hindi,” he said, his voice low but filled with authority, ngunit may halong lambing na parang sinasabi sa kanya na mas mahalaga siya kaysa sa lahat.Umawang ang labi ni Alyana, saka niya kinagat ang labi niya at napaiwas ng tingin. Pero kahit gusto niyang magpaka-unbothered, she couldn't help but smile faintly, ramdam niya ang kakaibang kilig sa puso niya. Halos parang bumilis ang tibok ng puso niya sa
“Let’s not pretend what we feel right now in this relationship,” mababa at seryosong sabi ni Gabriel, mas malapit ang mukha, at bahagyang hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Ramdam ni Alyana ang init ng palad nito, parang hindi siya kayang pakawalan. “Nagseselos ka dahil mahal mo na ako. Nahulog ka na sa’kin, Alyana. Kaya ka galit na galit kahapon nang pinaalis kita dahil dumating si Hyacinth.” Huminga siya nang malalim, halos parang may bigat ang bawat salita, parang bawat kataga ay bumabagsak nang diretso sa dibdib ni Alyana. “Alyana… let’s make it clear this time. Hindi na ako papayag na magkunwari pa tayo. Hindi na ako papayag na bigla ka na lang magtatampo at magagalit sa akin tapos manlalake nanaman ang nasa isip mo para maging patas tayo. Ayoko nang lagi kang nagtatago sa likod ng pride mo, ayoko nang magsinungaling tayo sa isa’t isa. Kung may nararamdaman ka, sabihin mo. Kung mahal mo ako, aminin mo."Napatitig si Alyana sa singsing niya nang maramdaman niyang hinawakan iyon n
“God, look at you,” natatawang sabi niya, halatang inaasar siya. "Hindi pala masarap, ha?" Ani pa nito.“Bwisit ka!” singhal ni Alyana, halos pasigaw, at mabilis na kumuha ng unan para ibato sa kanya. Sa sobrang inis niya, gusto niyang batuhin ito ng buong kama kung kaya lang niya. Hinagis niya ang unan nang may buong pwersa, kahit nanlalambot na ang katawan niya.“Ouch!” daing ni Gabriel, pero halata sa ngisi niya na lalo lang siyang natutuwa. Mas lalo pa siyang nagrelax, nakataas ang kilay habang umiinom ulit ng kape na parang wala siyang kasalanan.“Walang nakakatawa! May trabaho pa tayo tapos ganito ang ginawa mo?!” Alyana snapped at him, her voice cracking between anger and embarrassment. Nahihiya siya at sobrang irita, lalo na’t ramdam pa rin niya ang sakit ng katawan mula kagabi.Gabriel just leaned back and smirked, crossing his arms habang nakaupo sa sofa na parang walang nangyari. “Dapat naisip mo ’yan bago mo ako pagselosin.”Natigilan si Alyana, parang may sumabog na bomban