Chapter 6
“Ay butiki!” gulat na sigaw ni Kyllie nang makita si Alyana sa condo niya na nakaupo at nakatulala.
Magulo ang buhok, parang walang buwang hindi ito nag-isip at sa totoo lang, ginulo rin naman iyon ni Alyana sa kaiisip.
Patay pa ang ilaw kaya naman nang pagbukas ni Kyllie ng switch, halos malaglag ang puso niya sa sobrang pagkabigla nang may tao pala sa sala ng condo niya.
Palagi si Alyana sa condo ni Kyllie, kaya kabisado na rin niya ang passcode ng unit. Ganoon sila kalapit—hindi lang basta magkaibigan, kundi para na ring magkapatid.
Kaya naman matapos ang nangyareng hindi niya inaasahan, sa condo ni Kyllie siya nagpahatid ng driver ni Gabriel Montenegro. Hindi niya kinayang mag-isa sa apartment niya, lalo na sa gitna ng kaguluhang pilit niyang nilulunok.
Pakiramdam niya ay mababaliw siya kung sa apartment niya siya uuwi ngayon ganito kagulo ang isip niya kaya naman mas pinili niyang puntahan ang kaibigan dahil alam niyang si Kyllie ang tanging tao na pwedeng mapagsabihan niya ng nangyare, sa nangyareng hindi niya lubos akalain na mangyayare.
“Ano at ganyan ang itsura mo? At saka hindi ka nagsasabi na pupunta ka,” tanong ni Kyllie, kunot-noo habang lumalapit, ini-scan mula ulo hanggang paa ang hitsura ng kaibigan.
“At ano iyang suot mo? Kanino yan? Teka, huwag mong sabihing…” Bigla siyang napatakip ng bibig habang nanlaki ang mga mata, tila may napagtantong hindi dapat maisip. “Binigay mo na ang perlas ng silanganan kay Derrick? Hoy! Bakit mo naman sinuko!” sermon agad niya, para bang ina ng bayan si Kyllie.
“Ang dami mo namang tanong, pwede isa-isa lang?” Walang lakas na sagot ni Alyana habang napapikit sa pagod, saka agad na inihiga ang sarili sa sofa.
She is wearing a t-shirt—pero hindi lang basta t-shirt. T-shirt ni Gabriel Montenegro. Amoy pa niya ito, at bawat paghinga niya ay parang tinutusok ng realidad.
Gusto niyang matawa, gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat. Pero kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na panaginip lang ang nangyari, hindi niya magawa. Kasi kahit ngayon, kahit ilang oras na ang lumipas, ramdam pa rin niya ang sakit sa katawan—ang kirot sa pagitan ng mga hita… at ang labi nito, ang lambot at init ng halik na kanina lang ay nilapat nito sa kanya.
Tumabi si Kyllie, may kuryosidad sa mukha na parang isang detective na gustong alamin kung anong krimen ang nangyari. Hindi na siya nagsalita agad, pero ang tingin nito kay Alyana ay puno ng tanong, ng pag-aalala, ng inis, at ng kaba.
“Seryoso ito, no? Hindi ka naman pupunta dito ng ganitong kaaga kung wala kang sasabihing importante. Ano ba 'yan at para kang lantang gulay na hindi ko maintindihan diyan,” bulong ni Kyllie, ang tono ay hindi na lang basta curious kundi nag-aalalang totoo para sa kaibigan. Lumapit pa ito at umupo sa tabi ng kaibigan, dahan-dahang hinaplos ang balikat nito.
Napaupo si Alyana galing sa pagkakahiga sa sofa, pero hindi pa rin niya magawang tumingin ng diretso kay Kyllie. Para siyang batang nahuli sa kasalanan, hindi dahil siya ang may mali, kundi dahil hindi niya alam kung paano uumpisahan ang kwentong hindi niya rin maisip na mararanasan niya.
Sa halip, dahan-dahan siyang napahikbi. Ang luha ay bumagsak sa pisngi niya nang hindi niya namamalayan. Ang bawat salita na binitawan niya ay tila tinik sa lalamunan, masakit ilabas pero kailangan.
“M-Matagal na pala akong niloloko ni Derrick,” sambit niya, paos ang boses at puno ng pighati. “Nalaman ko rin na marami siyang babae. Hindi lang pala ako. At kagabi... nakita ko siya—nahuli ko siyang may kahalikang iba. A-Alam din ng mga kaibigan niya."
Kinuyom niya ang palad niya sa tuhod, pilit na kinokontrol ang nanginginig na damdamin. “At ang sakit, Kyllie. Akala ko ako lang. Akala ko ako ang mahal niya. Pero hindi pala. Ang galing niya magkunwari—ang saya-saya pa niya habang niloloko ako." Natawa pa nga si Alyana ng sarkastiko, nasasaktan siya, pero namumuo ang galit sa kanya.
"Ako? Naghihintay ako sa waiting shed kahit na maulanan ako kasi sabi niya kakain kami sa labas. Excited pa akong makita siya... pero siya? Ang sabi niya busy siya, tama naman, busy naman siya, oo, busy nga, pero sa ibang babae!"
Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya habang binibigkas ang mga salitang iyon. Sa wakas, nailabas din niya. Pero sa halip na gumaan, para bang lalong sumiklab ang init sa dibdib niya—hindi lang lungkot kundi galit.
Galit na galit siya kay Derrick. Galit na pinagkatiwalaan niya ito, minahal niya ito ng buo, habang niloloko lang pala siya nito. Sa bawat salitang lumalabas, mas lalong bumibigat ang dibdib niya, parang may bagyong nananalasa sa loob ng dibdib niya na hindi niya alam kung kailan titigil, pero ngayon ay may kasamang kidlat ng poot na handang manlupaypay.
Naalala niya rin ang kanyang ama na nambabae rin at iniwan silang dalawa ng kanyang ina.
Ang ekspresyon ni Kyllie ay mabilis na nagbago—mula sa pag-aalala ay naging apoy ng galit din. Napaatras siya at napatayo, hinaplos pa ang ulo niya sa inis, at gamit ang daliri ay sinuklay pataas ang sariling buhok na parang handa nang makipag-away. Namumula ang pisngi niya sa inis, at ang mga mata niya ay tila nagbabaga.
“Yan na nga ba ang sinasabi ko sa’yo! Ilang beses ko nang sinasabi, Alyana! Hindi ko gusto ang vibes ng lalaking ‘yon—may something talaga! Kung sana nakinig ka sa akin noon sa kutob ko sa lalakeng ‘yan, hindi na sana umabot sa ganito! Sana tinawagan mo ako kagabi! Aba, kung ako 'yan, matagal ko nang kinalbo yang si Derrick! At yang babae niya? Saan ba nakatira para mapagsabunutan ko rin!” bulalas ni Kyllie, ang tinig niya ay parang kulog sa loob ng maliit na condo. Galit na galit ito hindi lang para kay Alyana, kundi dahil alam niyang sobra ang sakit na dinaranas nito.
“H-Hiniwalayan ko na siya agad—” pilit na paliwanag ni Alyana, halos hindi makatingin sa kaibigan.
“That’s the best thing you did! Good job, bes! Kasi kung hindi mo siya hiniwalayan, ako na mismo ang magtatakwil sa’yo bilang kaibigan!” sigaw ni Kyllie, ang mga kamay niya ay galit na galit na nakaturo pa kay Alyana. “Promise, hindi kita kakampihan kung babalik-balikan mo pa ‘yang hayop na ‘yan! Deserve mo ng mas higit sa lalaking iyon!"
Salamat po sa mga pa gems and commentssss
Halos gusto niyang tumakbo, ngunit ang damdamin niya ay nagtatalo sa pagitan ng kaba at tuwa,kaya naman agad ulit tumalikod si Alyana para lang huwag silang magkatitigan.“This is bad,” paos na sambit ni Gabriel, parang may lihim na ngiti sa tinig niya. Ramdam ni Alyana ang init ng kanyang hininga sa tenga niya at ang bahagyang presyon ng katawan nito sa likod, na nagdadagdag ng tensyon sa paligid.“What? Maupo ka na nga roon para makapagluto na ako–” agad na utos ni Alyana, ngunit napigilan siyang magpatuloy nang magsimula nang humalik si Gabriel sa leeg niya.Ang mga labi nito ay banayad ngunit mapang-akit, at halos hindi niya mapigilang manginig sa tuwa at kaunting kaba.Napapikit si Alyana at huminga ng malaim, pinipilit na huwag mahulog sa tukso. Alam niyang pagod pa siya, pero sa bawat haplos at halik ni Gabriel, naramdaman niyang muling buhay na buhay ang kanyang katawan, at tila ang bawat hibla ng kanyang enerhiya ay nagigising muli.Ang nakakainis, kahit pagod ang katawan niya
Kabanata 63 & 64 “What’s with you? I’m cooking, Gabriel,” mariing ani ni Alyana kay Gabriel, sabay bitaw ng hawak na kutsilyo at tinignan siya nang may bahagyang pagkabigla sa kilos nito, ramdam ang bigat ng presensya niya sa likod at ang init ng kanyang katawan na nagdudulot ng kakaibang kiliti sa tiyan niya kaya naman hinarap na niya ito at tinignan ng masama.Paano ba kasi siya makakapagluto kung ganito siya kalapit?"Ang kulit, Gabriel. I told you to just sit and wait the food," she said, kunot ang noo dahil sobra ang pagdikit nito, pero ramdam niya rin ang hindi niya mapigil na kasiyahan sa malapitang ito.Halos gusto niyang isigaw sa tuwa, ngunit pinipilit niyang mag-focus sa pagluluto, kung hahayaan niya ito, pakiramdam niya ay hindi siya matatapos sa pagluluto.“I’m just helping you,” he said, his deep voice smooth yet teasing as he stepped closer.Hinawakan niya ang bewang ni Alyana para muling iharap sa hinihiwa. Ang kamay nito, malakas ngunit maingat, ay agad na nilagay sa
“Answer it,” bigla niyang sabi, may halong pangungulit at pagka-seryoso. “Nag-usap na kaming dalawa kahapon, sinabi ko na ang mga dapat sabihin sa kanya, kaya wala na kaming pag-uusapan pa,” diretsong ani ni Gabriel, dahilan para mapalingon si Alyana dito nang may halong gulat.“Huh?” napataas-kilay niyang tanong, halos hindi makapaniwala sa naririnig. Ang puso niya ay biglang bumilis, at ramdam niya ang kakaibang init sa kanyang dibdib na hindi niya maintindihan.Akala talaga niya ay ito mismo ang sasagot sa tawag, pero heto at sinasabi niya na siya ang sumagot. Ang isip niya ay naglalaro sa dami ng posibilidad, bawat segundo ay mas nagiging mahirap ang paghinga, at halos maramdaman ang bawat titig ni Gabriel sa kanya tuwing inaalis ang tingin sa daan, hindi lang nagtatagal dahil nga sa nag dadrive siya.“Ikaw ang sumagot,” mariing sabi ni Gabriel.Alyana blinked, trying to see if he was joking, pero nakatutok lang ito sa kalsada, seryoso ang mukha.Napatingin siya sa phone, tumigil n
Kabanata 61 and 62"Let's go home, huwag na tayong pumasok ngayon, cancel all my meetings now," ani bigla ni Gabriel kaya naman napakurap-kurap na lang si Alyana at takang tinignan ito, halos hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kita niya ang seryosong ekspresyon sa mukha nito at ang paraan ng pagkakakrus ng mga braso niya, parang wala nang puwang ang pagtutol.“Teka, may importante kang meeting ngayon kaya bawal kang umabsent—” mahina ngunit mariing sambit ni Alyana, pilit na pinapakalma ang boses.Tumaas ang kilay ni Gabriel.“I’m the boss, ako ang magsasabi kung importante ang meeting o hindi,” he said, his voice low but filled with authority, ngunit may halong lambing na parang sinasabi sa kanya na mas mahalaga siya kaysa sa lahat.Umawang ang labi ni Alyana, saka niya kinagat ang labi niya at napaiwas ng tingin. Pero kahit gusto niyang magpaka-unbothered, she couldn't help but smile faintly, ramdam niya ang kakaibang kilig sa puso niya. Halos parang bumilis ang tibok ng puso niya sa
“Let’s not pretend what we feel right now in this relationship,” mababa at seryosong sabi ni Gabriel, mas malapit ang mukha, at bahagyang hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Ramdam ni Alyana ang init ng palad nito, parang hindi siya kayang pakawalan. “Nagseselos ka dahil mahal mo na ako. Nahulog ka na sa’kin, Alyana. Kaya ka galit na galit kahapon nang pinaalis kita dahil dumating si Hyacinth.” Huminga siya nang malalim, halos parang may bigat ang bawat salita, parang bawat kataga ay bumabagsak nang diretso sa dibdib ni Alyana. “Alyana… let’s make it clear this time. Hindi na ako papayag na magkunwari pa tayo. Hindi na ako papayag na bigla ka na lang magtatampo at magagalit sa akin tapos manlalake nanaman ang nasa isip mo para maging patas tayo. Ayoko nang lagi kang nagtatago sa likod ng pride mo, ayoko nang magsinungaling tayo sa isa’t isa. Kung may nararamdaman ka, sabihin mo. Kung mahal mo ako, aminin mo."Napatitig si Alyana sa singsing niya nang maramdaman niyang hinawakan iyon n
“God, look at you,” natatawang sabi niya, halatang inaasar siya. "Hindi pala masarap, ha?" Ani pa nito.“Bwisit ka!” singhal ni Alyana, halos pasigaw, at mabilis na kumuha ng unan para ibato sa kanya. Sa sobrang inis niya, gusto niyang batuhin ito ng buong kama kung kaya lang niya. Hinagis niya ang unan nang may buong pwersa, kahit nanlalambot na ang katawan niya.“Ouch!” daing ni Gabriel, pero halata sa ngisi niya na lalo lang siyang natutuwa. Mas lalo pa siyang nagrelax, nakataas ang kilay habang umiinom ulit ng kape na parang wala siyang kasalanan.“Walang nakakatawa! May trabaho pa tayo tapos ganito ang ginawa mo?!” Alyana snapped at him, her voice cracking between anger and embarrassment. Nahihiya siya at sobrang irita, lalo na’t ramdam pa rin niya ang sakit ng katawan mula kagabi.Gabriel just leaned back and smirked, crossing his arms habang nakaupo sa sofa na parang walang nangyari. “Dapat naisip mo ’yan bago mo ako pagselosin.”Natigilan si Alyana, parang may sumabog na bomban