Share

Kabanata 7 - Tito

Penulis: Midnight Ghost
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-01 08:51:33

Kinagat ni Alyana ang labi. Malungkot siya. Hindi lang basta malungkot, kundi parang may parte sa kanya na tuluyang gumuho. Masakit ang ginawa ni Derrick—masakit sa puntong hindi niya akalaing siya ang magiging babaeng naluko siya gaya ng kanyang ina. Pero ang mas matindi?

Sumulpot bigla ang isang tao sa isip niya. Isang taong hindi niya dapat iniisip sa ganitong pagkakataon. Hindi na siya umiiyak dahil kay Derrick lang. Ang sakit na nararamdaman niya ay mas kumplikado, mas magulo.

Biglang lumakas ang hagulgol niya. Bumigay na siya. Tuluyang bumagsak ang kanyang emosyon, parang binagsakan siya ng buong mundo. Nanginginig ang katawan niya sa bawat hikbi, at wala na siyang pakialam kahit magulo na ang buhok niya o basa na ang mukha sa luha.

Napasinghap si Kyllie, halatang nagulat sa biglaang paghagulgol ng kaibigan. Nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat.

“Hey!” malakas niyang tawag. “Huwag mo siyang iyakan ng ganyan! Kung ako sa’yo, mag-act normal ka lalo na ngayon at sa kompanya ng mga Montenegro ka magtatrabaho! Baka mamaya ay siya pa ang maging boss mo o kaya naman ay magkita kayo ro’n. Huwag mo siyang iyakan! Oo, gwapo iyon, pero gago! Kaya huwag mong iyakan!”

“H-Hindi lang naman kasi iyon ang iniiyakan ko,” pabulong na sagot ni Alyana habang pilit pinapakalma ang sarili ngunit hindi magawa. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot, mahiya, o magalit sa sarili.

Napataas ang kilay ni Kyllie, napaatras nang bahagya, tila may naramdaman na siyang mas malalim pa sa lahat ng kwento. Nagtama ang mga mata nila, at doon niya nakita ang matinding pagkalito sa mga mata ng kaibigan.

“Ano pa bang iniiyakan mo bukod sa manloloko mong—”

“May nangyari sa amin ng tito niya!” malakas na sigaw ni Alyana, at saka muling napahagulgol, ngayon ay mas malakas pa.

Parang nasampal ng hangin si Kyllie sa narinig. Napalunok siya at para bang biglang naging estatwa. Halos umabot sa sahig ang panga niya sa sobrang pagkabigla, habang dahan-dahang umaatras ang katawan niya na parang inaatake ng panic.

“H-Huh?” tanging nasambit niya, nanginginig pa ang tinig, habang palipat-lipat ang tingin kay Alyana at sa suot nito.

"I-Iyang damit na suot mo? S-Sa tito niya?" Gulat pang tanong niya dahil alam niyang hindi iyon basta t-shirt, mamahalin iyon ng subra!

Hindi na sumagot si Alyana. Sa halip, dahan-dahan niyang ipinasok ang kamay sa bulsa at may inilabas—isang maliit na kahon na tila ba may mabigat na laman. Nanginginig ang mga daliri niya habang binubuksan iyon.

Sa loob nito ay isang singsing. Simpleng disenyo, pero halata ang pagka-mamahalin. May liwanag sa bato nito na parang sinisigaw ang halaga—hindi lang pera, kundi bigat ng intensyon.

“T-Tapos binigyan niya ako ng s-singsing. S-sabi niya, pakasalan ko raw siya,” she said, nanginginig ang boses, parang hindi pa rin makapaniwala sa sarili niyang sinasabi.

Parang isang joke na hindi nakakatawa. Kahibangan. Kalokohan. Pero totoo. Totoong sinabi iyon ng tito ni Derrick, habang magulo pa ang isipan niya sa lahat ng nangyari.

“No way?” sambit ni Kyllie, halos mapahawak na sa ulo niya.

"Girl, anong klaseng pelikula 'to?! Tito ng ex mo, proposal, singsing? Are we in a drama series?" Parang babagsakan siya ng langit at lupa sa sunod-sunod na pasabog ng kaibigan. "Wait lang ha, kailangan ko munang huminga."

Pinunasan ni Alyana ang luha at saka tinignan si Kyllie.

“Alam ko naman na nakakagulat, gulat na gulat din ako—”

“Aba talagang nakakagulat! Anong itsura ng tito niyang iyon? Naku? Ano? Matanda? May pustiso na ba? Iyong buhok? Puti na ba? Susmiyo kang babae ka, anong meron sa tito ni Derrick at bumukaka ka kagad?” Ani nito at hindi makapaniwalang tinignan siya, parang gusto siyang kalampagin sa balikat para magising sa katotohanan.

Napanguso si Alyana at biglang nawala ang luha nang alalahanin nito ang itsura ng lalaking kinahulugan niya. Namula ang pisngi niya, pati leeg nang maalala kung anong itsura nito.

“G-Gwapo siya, m-matangkad, maganda ang katawan… tapos—” Hindi niya naituloy ang mga sasabihin nang itaas ni Kyllie ang kamay habang umiiling na animo’y wala siyang naririnig, parang tinatakpan na ang utak niya sa sobrang absurd ng sitwasyon.

“Aba, mukhang ginayuma ka pa ng lalakeng yan! Tito niya? So matanda na kaya anong gwapo at maganda ang katawan? Baka nga kalansay na yan at isang ihip ng hangin ay patay na—”

“Hindi! Magkaedad lang sila ni Derrick!” Mabilis na putol ni Alyana, halos napatalon pa sa inis at kahihiyan, lalo na nang bumagsak ang panga ni Kyllie.

“Wait lang, rewind! Ano ulit sabi mo? Magkaedad sila? As in parang ka-age lang ni Derrick?!” bulalas ni Kyllie, napasalampak sa sofa habang hawak ang sentido niya.

“Y-Yeah… parang ganun. Hindi ko alam! Sa inis at galit ko kay Derrick dahil ang sabi niya ay ginawa lang niya iyon dahil hindi niya ako makuha sa kama, kaya ayun—sa sobrang inis ko, humalik ako sa unang lalakeng nakita ko pagkatapos niyang umalis…” Napayuko si Alyana at mariing pinikit ang mga mata. “Tapos ‘yun nga… nangyari na talaga.”

"OMG!" Napatakip pa si Kyllie sa bibig niya. “Girl! As in all the way?”

Parang anytime ay hihimatayin na siya.

Tumango lang si Alyana, halatang nahihiya, at pinilit umiwas ng tingin. “Ni hindi ko alam na tito pala ni Derrick iyon… kasi nga mukha lang talaga siyang ka-age ni Derrick. Akala ko, some random stranger lang na gwapo. Nalaman ko na lang kinabukasan na tito pala siya, tapos ayun, bigla akong inalok ng kasal.”

“Isa pa yan, anong kasal? Tas yang singsing?" Takang tanong nito.

"Binigay niya ito bago ako umalis. Sabi niya, kung magkita ulit kami at suot ko pa rin itong singsing, itutuloy na raw namin ang kasal. Kinuha ko na lang para matapos na agad ‘yung moment, pero sa totoo lang, duda ako na magkikita pa kami.”

Hindi pa tapos si Alyana sa pagsasalita nang bigla na lang siyang batukan ni Kyllie.

“Baliw ka ba? Saan ka nga ulit magtatrabaho?” tanong nito habang nanlilisik ang mata.

Doon lang nanlaki ang mata ni Alyana, bigla siyang napatayo at natulala.

“H-Hindi ko naman siguro siya makikita…” mahina niyang bulong, pero ramdam na ramdam sa boses niya ang kaba. Habang inuulit-ulit sa isipan ang sinabi ng lalaki, kinilabutan siya. “Pero… what if? What if magkita nga kami ulit?”

Napatingin si Kyllie sa kanya na parang gusto siyang sabunutan. “Girl. Kung magkita kayo ulit, dapat may live updates ako. At kapag naging asawa mo ‘yan? Diyos ko, ako na magiging maid of honor!”

Midnight Ghost

Shuta hahaha goodmorningggg

| 39
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (6)
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
hahahaha Kyllie excited yarn kame din hahahaha kilig yarn
goodnovel comment avatar
Babylyn Del Rosario
nakakakilig ............
goodnovel comment avatar
Randolf Aquino
woooow maid of honor agad haahaah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 94 - Bestfriend

    Alam niyang hindi magiging madali ang lahat, after what happened. Talagang mahihirapan siya ng sobra. Ramdam niya ang pagkatalo sa sarili, ang pangungulila, at ang pagkatakot na baka hindi niya kayanin ang responsibilidad, pati na rin ang lahat ng resulta ng nangyare sa pagitan nila ni Gabriel.“A-Ano nang gagawin ko? G-Galit siya sa akin. G-Galit na galit siya… h-hindi siya maniniwala kapag sasabihin kong b-buntis ako… A-After what he saw? H-Hindi siya maniniwala na anak niya.... a-anong gagawin ko, Kyllie? Anong gagawin ko ngayon?” Halos maipit na ang kanyang boses sa kanyang luha at hikbi. Pakiramdam niya ay napakalaki ng mundo, at tila wala nang makakapagpahupa sa dami ng emosyon na bumabalot sa kanya. Hawak-hawak niya ang dibdib dahil sa paninikip nito, na para bang bawat segundo ay may panghihila sa loob ng puso niya, at bawat hininga ay tila may kasamang kirot at pangamba.Until she holds her tummy again, napapikit siya, wala pa man siyang nararamdaman doon na kahit ano ay alam

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 93 - Paano?

    “Mrs. Montenegro, you are already 3 weeks pregnant. Mukhang hindi mo pa iyon alam base on your reaction,” sambit ng Doctor habang nakatingin kay Alyana na ngayon ay nakatulala, nakatitig sa singsing na suot niya, their wedding ring that felt like nothing now."The baby needs a rest, ibig sabihin lang non ay pati ikaw, Mrs. Montenegro. You need to rest dahil hindi gaanong makapit ang bata. You need to be extra careful sa kalusugan mo," nag-aalalang sambit ng Doctor nang tignan niya ang findings ni Alyana. "Alagaan mo ang sarili mo. Huwag mag-alala nang sobra at huwag rin pabayaan ang kalusugan mo."Parang biglang naging malamig at mabigat sa dibdib niya sa bawat letrang naririnig niya mula sa doctor, na kahit na tulala ay rinig na rinig niya ang lahat ng yun.Napansin niya ang concern sa boses ng doctor, at ramdam niya ang bigat ng responsibilidad sa bagong buhay na nasa loob niya, habang patuloy siyang nakatitig sa singsing sa kamay niya, parang wala na itong halaga sa mga sandaling iy

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 92 - Nawalan Ng Malay

    Halata ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata, ngunit pinipigilan niyang tumulo, pilit niyang ipinapakita na matatag pa rin siya kahit unti-unti na siyang nasisira sa loob.He was just laughing without humor, isang mapait at walang kaluluwa na tawa, parang pilit niyang pinapatay ang sakit sa dibdib niya.“May tiwala ako sa’yo, Alyana,” aniya, mas mabagal at mas puno ng poot. “Hindi ko pinansin ang pvtanginang picture na iyon, kasi naniwala ako na hindi ka ganyan. Pero pagdating ko, nasan ka? I expect you here in our condo waiting for me, maybe cooking dinner or even smiling at me pagpasok ko. Pero pvtang ina, I just suddenly saw you with my nephew, nakapatong sayo.” Muling natawa si Gabriel, ngunit ngayon ay may kasamang pangungutya at pagkapahiya sa sarili, tila hindi niya alam kung maiiyak ba siya o mas lalong matatawa sa kabaliwan ng sitwasyon.Hanggang sa tuluyan nang magtama ang tingin nila ni Gabriel at tuluyan nang tumulo ang luha nito.“Do you even know what that did

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 91 - Trust

    Chapter 91Pumasok siya sa loob ng condo nila, ngunit napahinto siya sa paglakad nang makita ang gulo sa paligid. Ramdam niya agad ang malamig na dala ng aircon, ngunit tila mas lumamig pa ang hangin sa loob, parang may mabigat na presensyang bumalot sa buong silid. Bawat hakbang ni Alyana ay mabagal, puno ng kaba at takot, at sa bawat segundo, pakiramdam niya ay mas lumalapit siya sa isang bagay na ayaw niyang makita.Ang mga alaala ng mga gabing puno ng tawanan at yakapan nila ni Gabriel ay biglang naglaho. Sa halip na init ng pagmamahalan, malamig na katahimikan at durog na gamit ang bumungad sa kanya.Napalitan ng isang eksenang puno ng sakit at kawalang pag-asa dahil lang sa isang gabi, isang gabi ng mga maling akala, kasinungalingan, at mga taong gustong sirain ang tiwala sa pagitan nilang dalawa.Napatingin si Alyana sa sahig.Basag ang ilang gamit, at ang mesa ay nabaliktad. Ang mga vase ay durog na, ang mga litrato nilang mag-asawa ay nakakalat sa sahig, even thier wedding pi

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 90 - Divorce

    Nanlaki ang mga mata ni Alyana, halos hindi makagalaw. Ramdam niya ang mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso, bawat pintig ay parang kumakalampag sa kanyang tenga.Hindi iyon dahil sa pag-ibig, iyon ay purong takot, isang takot na parang kumakain sa kanyang kaluluwa habang nakatitig siya kay Derrick na may halong galit at kabaliwan sa mga mata. “D-Derrick?! NO!” sigaw niya, nanginginig ang boses at nangingilid ang luha. Ngunit tila wala nang natitirang konsensya ang lalaki.Sa isang iglap, hinubad nito ang suot na damit at mabilis na umibabaw ulit.Nabigla si Alyana, halos hindi makasigaw, ang mga kamay niya’y pilit na tumutulak ngunit parang nawalan siya ng lakas sa bigat ng katawan nito.“Nakipagkita na siya sa abogado,” malamig na sabi ni Derrick, puno ng galit ang boses. “At kahit anong gawin ko, sa kanya na lahat ng mana na dapat sa akin. Pinarinig ko na rin ang recording n aiyon, pero ano? Hindi nila tinanggap! At ikaw? Ikaw na lang ang pwede kong angkinin.” Sa bawat salit

  • Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko   Kabanata 89 - Akin ka

    Mas lalo lang kinabahan si Alyana, ngunit kasabay ng kaba ay ang matinding determinasyon. Kapag naligo na si Derrick, iyon na ang pagkakataon niya, ang tanging sandaling hinihintay niya.Kailangan niyang makuha ang cellphone nito, kahit anong mangyari. Sisirain niya iyon, at kung sakaling makakita siya ng pagkakataon, pati ang phone ni Hyacinth ay isusunod niya. Alam niyang galing kay Hyacinth ang recording na ginagamit laban sa kanya, at iyon ang dapat niyang tanggalin bago pa lumala ang lahat.Habang iniisip iyon, napasulyap siya sa kwarto. Rinig niya ang bawat tunog ng paghakbang ni Derrick, bawat kaluskos ng mga gamit nito. Pakiramdam niya, bawat segundo ay parang oras sa tagal. Inihanda na niya ang sarili sa gagawi, ang magpanggap na kalmado.Ngunit akala niya ay agad nang aalis si Derrick, kaya halos mapatigil ang kanyang paghinga nang bigla itong lumapit sa kanya. Dahan-dahan itong yumuko hanggang halos magdikit ang mukha nila. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa balat niya

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status