INICIAR SESIÓN"Hi, guys!" nakangiting kaway ng babae sa amin lahat. Nginitian ko na lang din siya saka kinawayan habang tinanguan lang siya ng iba."Psh. Bwesit." rinig kong bulong ni Hunter sa tabi. Padabog siyang naupo sa tabi ni Henster na ngayon ay nakangisi na sa kaniya. Anong meron?"Hi. Ikaw yung girlfriend ni Jack, di ba?" Nakangiting tumabi sa akin yung babae. "Naku, hindi niya ako girlfriend," umiling-iling kong sagot sa kaniya. "Chismis lang 'yon." "Ahh..Eh bakit—""Feeling close pa." mahinang sambit ni Hunter na halata namang itong babaeng 'to ang pinaparinggan. "Eh, bakit kayo lagi ang laman ng f*cebo*k page ng school?" pagpapatuloy ni Ariah, hindi pinansin ang pagpaparinig ni Hunter. "Ang chismosa talaga." bulong ulit ni Hunter. Sa pagkakataong ito, napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Ariah. Mukhang nagpipigil. Seriously, anong meron sa kanila? "Mamaya na nga tayo magchika. May pvtanginang singit nang singit, eh," pabulong niyang sabi ngunit abot sa pandinig nina Hunte
Tinikom ko na lang ang bibig ko saka hindi na nagsalita. Psh! Ba't naman ako magseselos sa mukhang turon na 'yon? Never!Kay Phoenix ko na lang tinuon ang tingin ko na ngayon ay nakangisi na rin. Psh. Isa pa 'to, eh. Ito na ba yung mga ugali nila? "Safe ka kay Jack. Loyal 'yan sa’yo," bulong sacakin ni Phoenix. Nagawa pa niya akong kindatan bago tumayo at sumunod kay Goku sa labas."Was that the reason why you rejected me?" mayamayang tanong ni Jack. Napaatras pa ako nang kaunti sa pagtabi niya sa akin "Hmm?" he added. Hindi ako nakapagsalita. Mas pinili kong huwag na muna magbigkas ng salita kahit ang totoo niyan, ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. Tulad na lang ng, bakit hindi na siya nagpakita sa akin? Kung bakit parang wala siyang balak na pansinin ako kanina kahit halata naman talaga na nakita niya ako. At higit sa lahat, kung papaano niya naging ex ang mukhang turon na 'yon? Ang dami. Nahihiya lang talaga ako ngayon. "Look, Baby," napakagat ako ng labi nang hawakan niya
Sumunod ako sa loob nang pumasok siya pagkabukas niya nito. Mas lalo pa akong namangha nang masilayan ko ang loob nito. Katulad lang din kina Vince, black and white ang tema. May malaking picture frame na nakasabit sa taas ng flat screen na tv na kahit si Jack at Hunter lang ang nakilala ko sa picture ay nasisiguro kong sila ang Prince of Seduction na sinasabi sa akin ni Alyzza.Hmm, in fairness, ha, lahat sila gwapo.Napa-upo ako sa may sofa, kaharap ng tv nang dumiretso si Jack papasok sa nag-iisang kwarto dito. Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay may nagsidatingan na mga lalaki. Anim sila lahat at nasisiguro ko na talaga na sila ang kagrupo ni Jack. Natigil sila sa pagtatawanan nang mapansin nila ako. Mabilis na umupo sa tabi ko si Hunter."Si Jack?" nakangiting tanong niya sa akin."Ah, eh, pumasok siya do'n, eh." turo ko sa kwartong pinasukan ni Jack.Sh*t. Naiilang pa rin talaga ako. May pakiramdam kasi ako na baka iba ang naiisip nila kaya nandito ako ngayon. Ang playboy
It’s been months since the last time we saw each other, and... I missed him.Biglang nawala sa pandinig ko ang ingay at palakpak sa paligid. Tanging sa kaniya lang nakapokus ang atensyon ko. Wala ng iba. Yung hitsura niya, yung pustura niya, ganoon pa rin. Siya na siya na talaga. Ganoon pa rin siya makalipas ang mahigit dalawang buwan. Walang pinagbago.Pero bakit parang may iba. Bakit parang may kulang sa kaniya? "Hi." pabulong kong bati na halatang ako lang din ang nakarinig. Pasimple akong kumaway sa kaniya nang mabaling ang tingin niya sa akin, ngunit agad ko din naibaba ang kamay ko nang iniwas niya lang ang tingin sa akin. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko nang hindi na niya binalik ang tingin sa akin. Pakiramdam ko, anytime, parang tutulo na ang luha ko. Nagkatotoo na ba ang hinala ko na talagang trip lang niya yung panliligaw sa akin? Kung hindi, bakit kung makaasta siya ngayon parang hindi niya ako kilala? Hindi ako pumunta sa harap nang tawagin ni Ma'am ang grupo n
Ilan sandali pa ay pumasok na si Ma'am, hudyat na magsisimula na kami. Mapapasubok ako nito. Hindi ko pa naman maalam masyado ang paghiwa ng mga prutas. Perks of having maids. Hays!Napalunok ako nang magsimula na ang lahat. Nakaramdam ako ng inggit nang malingunan ko si Alyzza na mukhang sanay na sanay niyang hinihiwa ang papaya. Ito talaga yung tamang panahon sa "Sana All". Sana All marunong maghiwa.Pasikreto kong kinapkap ang bulsa ko kung saan nakalagay ang band-aid na hinanda ko kanina. Ayaw kong maging pabigat sa grupo kaya naghanda na ako para rito. Knowing Daniel pa naman, baka mag hysterical pa 'yon. Kaso unang subok pa lang, nahiwa ko na ang daliri ko. Agad akong tumagilid saka ko nilagyan ng band-aid ang hiwa ko. Sa pangalawang subok ay ganoon pa rin. Kagat-labi ko ulit nilagyan ng band-aid ang isa ko pang daliri. Nang pangatlong subok na ay naramdaman ko na ang hapdi nito. Naluluha kong nilagyan ulit ng band-aid ito. Busangot kong nilapag sa lamesa ang nakailang sub
Nakatulog ako nang mahimbing ng gabing 'yon. Kinabukasan, normal lang ang naging takbo ng araw namin ni Alyzza. Kaunting quiz at may pa-assignment pa ang iba naming teacher. Halos lahat ng mga estudyante ay excited na para bukas, ang Nutrition Day. Diretso kaming bumalik ni Alyzza sa dorm pagkadismissal namin. Tinanong ko siya kung may balak ba siyang gawin bago kami bumalik pero wala naman daw. Pagod na daw siya at gusto na muna niyang magpahinga para bukas. Maaga kaming nakatulog kinagabihan. Nagising na lang kami nang katukin kami. Si Alyzza na ang nag boluntaryong magbukas sa kanila. Humikab pa ako nang tumayo ako para sundan siya. Namilog ang mata ko at napatakip sa bibig ko nang makita ko ang nasa labas. Kompleto silang lima. Mabilis silang sinaraduhan ni Alyzza ng pintuan sabay ni-lock. "My god! Wala ba akong muta?" natataranta siyang lumapit sa akin saka nilakihan ang mata sa akin. "Wala." iling ko sa kaniya.Nag-unahan pa kami sa CR pero sa huli, hinayaan ko na lang siy







