LOGINNang medyo humina na ang paghagulgol ko ay naramdaman ko ang paglapit ng kung sino. Mayamaya pa ay may dumapo na malamig na bote ng mineral water sa pisngi ko. Ikinagulat ko iyon kaya napaangat ako ng tingin. “L-Lando…” halos pabulong kong tawag sa kaniya. Tipid niya akong nginitian pero bakas sa mga mata niya ang matinding pag-aalala. Agad niyang inabot sa akin ang tubig at naupo sa tabi ko. "Inom ka muna, Anna... o Veronica," mahina niyang sabi, tila tinitimbang kung aling pangalan ang mas komportable kong pakinggan. "Hindi dapat umiiyak ang anghel na tulad mo. Kailangan ka ni Raz paggising niya.” Naitikom ko ang bibig at pinilit pinatahan ang sarili. Hindi ko ininom ang bigay niyang tubig. Sa halip ay humigpit lang ang hawak ko doon nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ng Mommy ni Raz. "Hindi na niya ako kailangan, Lando. Kamalasan lang ang naidulot ko sa buhay niya." Saka ko lang ininuman ang bigay niyang tubig matapos kong magsalita. Nang pakiramdam ko'y medyo lumuwag na
Mabilis na bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lando. Halos madapa siya sa pagmamadaling makapasok nang makita ang duguang sahig at ang wala nang malay na si Raz. "Anong nangyari?!" sigaw niya. Agad siyang lumapit at tinulungan akong alalayan ang ulo ni Raz na nakalaylay na. "H-hindi ko alam, Lando! Bigla na lang siyang umubo ng dugo! Tulungan mo ako, p-please!" hagulgol ko habang pilit na niyuyugyog ang balikat ni Raz. "Raz! Gising! Ano bang nangyari sa'yo?! Raz!” “Ako na dito. Nasa labas pa ang sasakyan ng magulang niya," ani Lando. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at mag-isa niyang binuhat si Raz. Medyo nahirapan pa siya dahil siguro sa laki ng katawan nito pero mabilis niya itong nailabas sa kubo. Saktong pababa pa lang kami ng hagdan nang makita naming nagmamadaling pabalik ang mga magulang ni Raz. Siguro ay narinig nila ang mga sigaw ko kanina. "Raz! Oh my God, Renzo! Our son!" tilamsik na sigaw ni Mrs. Mitch nang makita ang duguang bibig ng anak. "What did you do to h
"I love you, Veronica. I love you so much," pag-uulit niya, sa pagkakataong ito ay mas buo at mas matatag na ang boses niya kahit bakas ang matinding panghihina. "Every single day since you disappeared, I've lived in regret. Pinagsisihan ko na hinayaan kitang mawala nang hindi mo man lang naririnig ang mga salitang ito. I was so arrogant, so consumed by my pride, that I let the most important person in my life slip through my fingers." Napaawang ang labi ko, pilit na humihinga pero tila may nakabara na sa lalamunan ko. Ang mga salitang binibitawan niya ngayon ay tila mga bombang sumasabog sa loob ng dibdib ko. All those years, ito ang pinangarap kong marinig. Pero bakit ngayon pa? Bakit kung kelan okay na ako? Pero okay nga ba talaga ako? "I'm sorry, Veronica," pagpapatuloy niya, habang mas lalong humihigpit ang hawak niya sa nanginginig ko ng kamay. "I’m so sorry for being so mean to you before. For firing you over a stupid typo, for treating you like you were replaceable... I’m
Palipat-lipat ang tingin sa'ming lahat ni Lando, mula sa akin na tila estatwa na, hanggang kay Raz na nanginginig sa galit, at sa dalawang taong halatang dayo sa aming baryo. Ang kaniyang presensya ay nagdala ng kakaibang katahimikan. Dahan-dahan niyang inilapag ang tinola sa mesa. "Anna? May... may problema ba rito?" mahina niyang tanong ni Lando pagkatayo sa tabi ko. Hindi ako nakasagot. Nabaling na kasi ang tingin ko kay Mrs. Mitch nang ibinalik nito ang atensyon kay Raz. Nakita ko rin ang paglambot ng kaniyang mga mata nang sandaling tumingin siya sa akin, pero agad din itong napalitan ng determinasyon. "Veronica, look at this. Look at him," pakiusap niya, ang boses ay hindi na galit kundi puno na ng pait. "I am not here to insult you. I am here as a mother. Raz is sick, he's irrational, and he’s throwing his life away. This place... it’s not for him. And deep down, you know that." "Mom, I said stop it!" bulyaw ni Raz, gumiwang ulit ang katawan niya nang sinubukan niyang tum
"A-Ah... kayo po pala, Mo—Mrs. and Mr. Jornales. Uhm, tuloy po kayo," nauutal kong bati. Muntik ko na siyang matawag na ‘Mommy’ tulad ng dati, kung hindi ko pa nakita ang malamig niyang ekspresyon. "Hindi na. We're not here for small talk," malamig niyang tugon. She looks so different that my heart hammering against my ribs. The woman who used to treat me as her own 'daughter' and greet me with the warmest hugs is gone. Now, she looks at me like I’m a stain on their family’s reputation."Nandito ba ang anak ko?" dugtong pa niya.Sa halip na magsalita pa ako ay nilakihan ko na lang ang pagkakabukas ng pinto. Doon, bumungad sa kanila si Raz, nakahubad pa rin ang pang-itaas, magulo ang buhok, at pawisan ang katawan habang nakasandal sa papag. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Mitch at mabilis siyang pumasok sa loob."Raz! Oh my God, what happened to you?!" bulalas niya nang makalapit na siya sa anak.Naiwan naman sa tabi ko ang Daddy ni Raz, si Mr. Renzo Jornales. Nang balingan ko ito ay ba
Habang patungo ako sa botika ay naiwan ang isip ko sa kubo. Ang mga sinabi ni Raz ay parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa pandinig ko. Kasabay n'un ay ang ayaw ng pumirmi ng pagtibok ng puso ko. “Pagkatapos nito... kapag magaling na ako, sana maisipan mo nang sumama sa akin pabalik…” Tsk. Nakakainis! Bakit ba iniisip ko pa ang sinabi niyang ’yun kung wala naman talaga akong balak na sumama sa kaniya ulit? Hindi kaya maling-mali ako sa part na pinapasok ko siya sa kubo at inalagaan out of guilt? Haist! Bahala na nga! Basta ang focus ko dapat ay mapainom ko na siya ng gamot para makaalis na siya. Pagkabili ko ng gamot at ilang pirasong prutas ay nagmadali na akong bumalik. Ngunit ganoon na lang ang pagkakagulat ko nang bumungad sa akin ay ang mahinang ungol ni Raz dahil sa pagpupumilit niyang tumayo mula sa hinihigaan. "Jusko ka naman, Raz! Ano ba'ng ginagawa mo?!" Mabilis akong lumapit sa kaniya at dahan-dahang pinabalik sa pagkakahiga. “Mas lalo ka pa tuloy nag-init! Ba'







